Cyrus’ POV
Ano kaya pangalan ng babaeng yun?
Kung nandun ka sa department namin, talagang siya ang una mong mapapansin.
Ang amo-amo kasi ng mukha niya.
Pero bad shot na agad ako sa kanya.
Tss. Hindi ko naman sinasadyang mabagsakan yung paa niya.
Kinabukasan.
“Oi Cyrus! Bigla kang nawala kahapon ah.”
“Ah. May babae kasing…”
“Babae? Sino? Maganda ba? Sexy?”
Wala na yatang ibang alam sa buhay tong taong na to maliban sa babae.
Si Dwayne Larete. Kaklase ko simula pa ng highschool.
“Oo… Maganda.”
“Anong pangalan?”
Pano ko nga ba sasagutin yung tanong niya?
‘Hindi ko alam kasi umalis na siya’ o ‘None of my business’ daw kasi yung pangalan niya?
O________________________________________O
“Mister-whatever-your-name-is, kailangan ko tong kaibigan mo. Thanks.”
Kung kaladkarin naman yung damit ko…
Kaya ko naman maglakad.
“Miss… Excuse me. Bakit mo ko kinakaladkad?”
Ayos lang sana kung kamay ko hawak niya kaso hindi. Yung manggas pa ng damit ko.
“Wag mo kong tawaging MISS. Hindi naman kita katulong. Hindi kita driver. Lalong hindi ka naman empleyado namin. Ako si Lavender. Sofia Lavender.”
“Sofia…”
>____________________________________<
Muntik na kong mabangga sa kanya.
Bigla kasi siyang huminto.
Ako kasi yung nasa likod na kinakaladkad niya.
“LA-VEN-DER. Wag mo kong tawaging Sofia.”
“Bakit?”
“Ang hilig mo ding magtanong nu? It’s none of your business.”
Tuloy lang uli siya sa paglalakad.
Hawak pa din ako sa manggas ng damit ko.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
At hindi rin makatanong kasi baka sabihin na naman niya na ‘it’s none of your business’.
“Ikaw si Cyrus di ba? Tama?”
“Oo. Bakit?”
“Ako lang magtatanong. Saan ba yung sinasabi mong bubble tea shop?”
“Sa tapat lang ng gate ng campus.”
“Great. Tara.”
“Teka. Anong gagawin natin dun? Akala ko ba hindi ka umiinom ng tsaa?”
“Nagsasayang ka ng laway. Alam mo ba yun? Walang tanong-tanong.”
Parang dehado naman ako sa kanya.
Gusto kong humindi at sabihing ayokong sumama pero may parte sa’kin na gustong sumunod lang sa kanya.
Ewan ko kung curiosity pero habang hinahatak niya ko, siguro mas nagiging intersado ako kay LAVENDER.
Ano bang pangalan yan. Ang ganda. Bagay na bagay sa kanya.
Nang nakarating na kami sa patutunguhan namin, tsaka lang niya ko binitawan.
“Umorder ka na.”
“Ha?”
“Bingi ka ba? Order na nga sabi! Tapos ibili mo ko ng tubig.”
Ako naman si sumunod sa kanya.
Ano bang kapangyarihan meron ka Lavender at nagagawa mo kong pasunurin sayo?
Tiningnan ko siya. Nakapalumbaba tapos medyo naka-pout pa yung lips.
Tss. Kahit anong anggulo ang ganda niya pa rin.
Simple lang siya pero iba talaga.
“Sir? What can I get you?”
“Her.”
“Ano po yun?”
>__________________________________<
Psh. Sht. My bad.
**
“Magkano yung tubig?”
Dinukot na ni Lavender yung wallet niya.
Ang ungentlemanly naman kung pababayaran ko pa sa kanya yun.
Sabi ko wag na niya bayaran. Ayos lang naman.
“Buti na lang nakita kita kanina. Naiistress na kasi ako kung ano gagawin ko eh.”
“Ano bang nangyari?”
“May stalker kasi ako.”
O_______________________________O
Stalker?! Seryoso?!
Buti nalunok ko na yung iniimon ko kundi…
Tsk. Stalker?!
“Mukhang hindi ka pa diyan naniniwala.”
“Stalker? Kelan pa yan? Bakit may stalker ka?”
Ngumiti lang siya sa’kin.
Nasura na yata sumagot sa mga tanong ko.
Pero nakikita ko na kung bakit may stalker siya.
“Well, buti na lang talaga nakita kita. Wala ka namang klase ngayon di ba?”
“Sa totoo lang…”
“Wala di ba?”
Ngumiti na naman siya.
Napalunok na lang ako.
Bahala na.
“Wala.”