Sky Paradox: Battle of Gangst...

By pen_and_ink

278K 5.5K 1.2K

(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahu... More

Sky Paradox
Sky Paradox Band
Red Scorpion Gang/ Section Fire
Minor Characters
Prolouge
Chapter 1: Babae po ako...
Chapter 2: Section Fire
Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted
Chapter 4: Deal or No Deal
Chapter 5: It's a Cloud-y Day
Chapter 6: Kinidnap si Kambal
Chapter 7: Black Mask Gang
Chapter 8: "Ex"-Mas Light
Chapter 9: Tour Guide
Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"
Chapter 11: Makulimlim ang "Langit"
Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue
Chapter 13: The Warning
Chapter 14: B1 vs B2
Chapter 15: Black Letter
Chapter 16: Ang Katapat ni Grey
Chapter 17: Dilemma of a Womanizer
Author's Note
Chapter 19: Red Strikes Again
Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning
Chapter 21: Teamwork
Chapter 22: Teamwork: The Perfect and the Failure
Chapter 23: Sudden Outburst
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Revelations
Chapter 26: Teardrops
Chapter 27: A Glimpse of the Past
Chapter 28: Friend or Foe
Chapter 29: Unmasked?
Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala
Chapter 31: Friends
Chapter 32: Intramurals
Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

Chapter 18: Ang Pagbabalik

6.6K 148 25
By pen_and_ink

CHAPTER 18 – Ang Pagbabalik

Bye Hanna. Wag ka na ulit mag-aabsent ah. Malulungkot kami ni bakla.” Paalam ni Jaimee dito pagdating nila sa parking area.

Ngumiti si Hanna. “Sige bye.” Pagkasakay nito sa sasakyan ni Blue ay umalis na din sila agad.

Nung mga nakaraang araw ba na hindi ko siya nakitang kasama niyo ay absent siya?” Tanong ni Sky kay Jaimee nang makalapit ito sakanila ni Rain.

Oo Sky. Kaya nga pinagtatyagaan na lang namin ni bakla ang isa’t isa eh. Haha…” Pabirong sagot nito.

Napangiti si Sky pero nagpatuloy pa rin ito sa pagtatanong. “Ganun ba? Bakit daw siya absent?

Hmm… basta sabi niya eh nakidnap daw siya kaya nagkatrauma siyang lumabas ng bahay nila.

Talaga? Buti walang nangyaring masama sakanya.

Oo nga eh. Okay naman na daw siya ngayon kaya nakapasok na din siya. Pero alam mo ba Sky? Parang may magandang naidulot yung pagkakidnap sakanya. Hindi ko naman sinasabing okay lang na nakidnap siya a kasi nakakatakot naman talaga yun. Pero kasi parang mas naging okay sila ni Blue pagkatapos nun. Lagi nga niyang sinusundo sa classroom si Hanna eh. Aaahhh… Kilig to the bones.” Dire-diretsong kwento nito na kinikilig pa.

Napatawa si Sky sa tinuran nito. “Haha… Mabuti naman pala kung ganun para hindi na sila laging nagbabangayan.

Tama. Naku sana ako ang maging maid of honor kapag kinasal na sila. Haha…” Ani Jaimee na nagde-day dream na ata.

Hinila ni Rain ang hibla ng buhok ni Jaimee. “Hoy umayos ka nga diyan, para kang kiti kiti eh.

Pinalis nito ang kamay niya at inirapan. “Heh! Inggit ka na n-

Grey!” Tawag ni Rain dito nang makita itong papunta sa sasakyan nito.

Lumingon ito sakanila at nakangiting lumapit. “O Rain, S-sky uwi na kayo?

Hay naku Abo. Hindi, hindi kami uuwi. Papasok pa lang kami. Tss.” Sarkastikong sabat ni Jaimee at nagroll-eyes pa.

Tinapik tuloy siya ni Rain at pinagalitan. “Oi di ikaw tinatanong a. Kami kaya ni Sky tinanong niya kaya huwag ka sumasabat diyan.

Apir tayo Rain.” Ani Grey at nag-high 5 nga ang dalawa pero inirapan lang sila ni Jaimee. “Pakialamera yang kambal mo eh.

Nagulat si Sky sa sinabi nito. “Huh? Alam mo nang kambal sila?

Ah o-oo. Hindi nga ako makapaniwala nung una.” Hindi makatingin ng diretso si Grey dito kaya kay Jaimee siya nakatingin na pinandidilatan siya ng mata.

Takang binalingan ni Sky ang bestfriend. “O Rain. Akala ko ba ayaw mong malaman nila na kambal kayo?

Napasimangot si Rain sa nalaman. “Hindi naman ako ang nagsabi eh.

Kung ganun ikaw ang nagsabi Iya?” Pangungumpirma ni Sky dito.

Napaayos ng tayo si Jaimee at nakangusong sumagot kay Sky. “Ah oo. Tinutukso niya kasi akong bata kaya sabi ko magkaedad lang kami, tapos yun nasabi ko na.

Hmp. Ikaw pala eh.” Asar na tinignan ni Rain ang kakambal.

Nainis naman si Jaimee sa inasta nito kaya nakapamewang na hinarap niya ito. “Ano naman ngayon kung nalaman nila yun? Hmp. Arte mo kuya a.

“Ayaw ko ngang malaman nila. Ang kulit mo.” Nagpapadyak na reklamo ni Rain.

Hindi makatiis si Grey sa bangayan ng magkapatid kaya sumabat na siya. “Wag kang mag-alala Rain hindi ko ipagsasabi.

Nagliwanag ang mukha ni Rain. “Talaga? Thank you. Buti ka pa maaasahan hindi gaya nito.” Patungkol niya sa kakambal.

Hayaan mo na, ganyan talaga ang mga KSP. Hahaha…” Natatawang sabi ni Grey.

Nagsalubong ang kilay ni Jaimee. “Ah ganun? KSP ako? Okay sabi mo eh. Asan na ba yung cellphone ko?” Anito at kunwang hinahanap yung cellphone nito sa bag. “Ang liit liit mo, ang baduy m- uuhhmhmppp…” Bago pa nito matapos ang litanya ay natakpan na ni Grey ang bibig nito. “Uuuhhmmmpppp…

Inakbayan pa niya si Jaimee para pahintuin dahil galaw ito ng galaw. “Ahaha…Ang cute mo talaga. Di ka naman mabiro. Haha… Hindi ka KSP, ako ang KSP. Ha… ha…” Pilit ang tawang sabi niya.

Uhhmmm… Bitawan mo nga ako. Pweh. Ampakla ng kamay mo. Tsk.” Inis na sabi nito nang matanggal ang kamay sa bibig.

Ikaw naman, di ka na mabiro. Haha…” Awkward na tawa ulit niya. Hindi naalis ang pagkakaakbay niya dito kaya pinisil niya ang pisngi nito.

Aaahh aray. Wag ka ngang nangungurot diyan. Tadyakan kita eh.” Reklamo ni  Jaimee habang hinahaplos ang pisngi. Siniko niya si Grey kaya napabitiw na ito sa pagkakaakbay sakanya.

Natigil ang kulitan ng dalawa nang tumatawang pumalakpak si Sky. “Haha… Ang kyot niyo naman. Kelan pa kayo naging close? Ba-

Nanlaki ang mata ni Jaimee at hindi siya pinatapos sa pagsasalitay. “No! huwag mong ituloy yang sinasabi mo. No way Sky!

Huh? Ano yun? May sikreto ka bang ayaw mong malaman ng iba?” Nakangising tanong ni Grey.

Pinandilatan niya ito ng mata. “Heh tumahimik ka nga diyan.

Psh.” Inirapan siya ni Grey at bumaling na lang kay Sky. “Ah A-ano ba yung sasabihin mo dapat S-Sky?

Sky Nooooo!!!” Pigil ni Jaimee dito habang naka-extend ang kamay dito.

Ahaha… Sasabihin ko lang naman na baka mamaya magkasakitan kayo ng grabe.

Natahimik si Jaimee at napatikom ng bibig. Pilit siyang ngumiti. “Aahhh yun lang pala. Akala ko kung ano.

Bakit ano ba akala mo ang sasabihin niya?” Nakataas kilay na tanong ni Grey.

Hindi makatingin ng diretso si Jaimee dito dahil sa maling akala niya. “Huh? Wala.

Tsk. Oa mo talaga.” Rain rolled his eyes and crossed his arms over his chest.

Che! Hindi ako OA a.” Kaila nito saka tinuro si Grey.“Si Abo ang OA.

O bakit ako na nam-

Grey tara na!” Tawag ni Red na papasakay palang sa sasakyan nito.

Napalingon si Grey sa kaibigan. “Sige sunod na ako!” Sigaw niya dito saka nagpaalam sa mga kausap. “Sige pala mauna na ako sainyo.

Kumakaway na nagpaalam si Rain dito. “Bye Grey.

Bye LS.” Nakangiting paalam ni Sky kaya medyo nagblush pa si Grey.

Natatawang napatalikod si Jaimee sa nasaksihan. “Pfffttt… Hahaha…

Ui anong tinatawa tawa mo diyan? Di ka man lang magbabye.” Sita tuloy sakanya nito.

Pinamewangan niya ito at tinaasan ng kilay. “Wala, bakit masamang tumawa? Saka bakit ako magbababye eh hindi ka nga nagbabye diyan.

Psh. Geh.” Yun nalang ang nasambit nito at kumaway na sakanila at tinignan pa saglit si Sky bago tumalikod.

Ay Abo!” Tawag ni Jaimee.

Lumingon ito sakanya ng may pagtatanong sa mukha.

Buti di ka naka-loud speaker ngayon. Haha… Good job. Keep up the good work.” Aniya at kinindatan pa ito sabay thumbs up.

Nagblush ito at biglang tumalikod. Tinaas na lang nito ang kamay para magpaalam ulit saka naglakad na papunta sa sasakyan nito.

Haha… Nakakatawa talaga yun.” Naiiling na wika ni Jaimee na sinusundan pa rin ng tingin si Grey.

Napatingin si Sky dito at napangiti. “Mukhang nagiging close na kayo ni LS ah.

Wala yun, may kailangan lang sakin yun kaya ganun. Haha…” She said dismissively then remember something.“Ayy nga pala Sky, ganun na ba talaga yung si Red? Hindi ngumingiti tapos parang menopausal lagi.

Natigilan saglit si Sky pero tumango pa rin eventually. “Ah oo.

Tsk. Sayang naman. Ang pogi pa naman niya.

Nakatingin lang si Sky dito at hindi umimik.

Oi tama na nga yan. Dami mong napapansin.” Sawata ni Rain dito at lumapit na sa sasakyan nila. Nagpaalam siya kina Sky at Kuya Pogi bago sumakay dito.

Hmp. Geh Sky alis na kami. Kuya Donald.” Ani Jaimee at sumunod na rin sa kapatid.

Bye Ingat kayo.” Paalam din ni Kuya Pogi.

Kumaway na lang si Sky sakanila at sumakay na rin sila sa kaniyang sasakyan. Bago lumabas ng gate ay kumaway pa muna sila kay Kuya KS at nang makalabas sila ay nagkuwentuhan na sila.

Dun ka lang ba kay Kuya KS tumatambay maghapon kuya?” She asked curiously. Hindi niya ma-imagine kung paano nakakatagal maghapon ang bodyguard nang walang ginagawa.

Liningon siya saglit nito bago sumagot. “Ah oo, Pero minsan naglilibot din ako sa loob. May nakita pa nga akong parang bahay dun sa likod eh.” Tukoy nito sa headquarters ng Red Scorpion sa may forest area.

Bahay?” Napaisip si Sky sa kung ano ang tinutukoy nito nang maalala ang nakitang pinupuntuhan nila Sakuragi tuwing break.“Ah oo, sa mga kaklase ko yun. Si Kuya KS dun lang ba siya sa guardhouse?

Kadalasan oo, naguutos na lang siya ng mga kasama niya maglibot kapag tinatamad siya.” Kibit balikat na sagot nito na nakapagpatawa naman kay Sky.

Ahaha… Ayos a. Buti at hindi siya nagrereklamo na dun lang siya naassign.

Sus gustong gusto nga niya yun dahil wala siyang masyadong ginagawa. Alam mo naman yun, dakilang batugan. Haha…” Natatawa na ring sabi ni Kuya Pogi. Napailing na lang siya sa mga naalalang usapan nila ng kaibigan. “Di ko nga alam kung paano naging agent yun eh.

Haha… ansama mo kuya. Useful naman siya sa mga misyon niyo nun ah.” Pagtatanggol ni Sky dito.

Paanong hindi magiging useful eh siya pinapain namin kapag may involve na mga babae. Bigyan niya lang ng killer smile niya yung mga yun eh bumibigay na agad. Haha…

Ahaha… kaw kuya ah, sumbong kita sakanya.” Pananakot niya kunwari dito.

Haha joke lang ‘kaw naman. Sabay kaming nagtraining nun kaya magkasundo kami sa mga kalokohan.” Natatawang bawi nito.

Sinundot ni Sky ang tagiliran nito.“Wushu haha… sige na nga hindi na kita isusumbong. Baka magbreak pa kayo. Haha..

Loko ka talaga.” Anito nang biglang umilaw ang hawak na cellphone. “Haha… baliw yun. Nasense daw niya na pinaguusapan natin siya.

Haha lakas naman ng radar niya.” Tuwang sabi ni Sky nang mapatinign sa screen ng cellphone nito. “Ayy kuya sino pala yung nasa wallpaper mo. Hindi ko masyadong nakita eh. GF mo ba yan?

Napangiti si Kuya Pogi sa tanong niya. “Ah sana nga gf ko. Eto o tignan mo.” Anito sabay abot ng cellphone sakanya.

Gulat na napatingin si Sky dito nang mapagsino ang larawan. “Si Mam Ganda?

Huh? Ah oo maganda siya. Teacher niyo siya diba?

Oo. Ui si kuya interesado sakanya.” Tukso ni Sky dito matapos ibalik ang phone.“Bakit di mo pa ligawan?

Bigla namang nalungkot ang bodyguard niya. “Hmm… may fiancée na kasi siya. May suot pa nga siyang engagement ring.

Eh?” Gulat na reaksiyon ni Sky.

Takang tinignan siya nito. “Bakit?

Wala nagulat lang ako. May piyansi na pala si Mam.” Kibit-balikat na sagot niya nang maalala ang kuwento ng mga kaklase tungkol kay Blue.“Hmm… sabagay pati yung kapatid niyang kaklase ko eh may piyansi na din. Uso siguro sa kanila yun.

Gulat siyang nilingon ni Kuya Pogi. “Talaga? Ang bata naman nya nagkaroon. Paano siya nakasisiguro dun sa babae na siya na nga ang gusto niyang pakasalan sa hinaharap?

Ang sabi ng mga kaklase ko magulang niya ang nagayos nun. Yung ano… ano kasi ang tawag dun?” Nilagay ni Sky ang hintuturo sa sentido at pilit inaalala ang term na binanggit ng mga kaklase.“Ar- arin… arranged marriage ba yun?

Arranged marriage? Hmm… so ibig sabihin ganun din yung kay Sophia. Hindi niya boyfriend ang pakakasalan niya.” He concluded.

Siguro. Bakit kuya?

He shrugged and smirked. “Wala naman, iniisip ko lang na may pagasa pa pala ako.

Ui si kuya inlove ata kay Mam Ganda. Hmm…” Tukso ni Sky dito at kunwang napaisip.“Kuya Pogi at Mam Ganda wow bagay a. Magkatugma pa yung tawag ko sa inyong dalawa.

O diba meant to be. Hehe…” Waring kinikilig na wika nito.

Pero kuya paano yung piyansi niya?” Naisip na itanong ni Sky.

Hmm… bahala na. Haharapin ko na lang yan kapag andiyan na basta ang importante ngayon ay mainlove din siya sa akin.” He grinned mischievously. Excited sa mga gagawing paraan para maisakatuparan ito.

Hay kuya, sa wakas nainlove ka na din at mababawasan na ang mga chickboy sa mundo. Haha… pero kuya goodluck sa inyo. Wag kang mag-alala nasa likod mo lang kami.” Sky smiled assuringly and patted his back.

Haaha sira. Pero thank you sa suporta. Sana nga lang maging okay ang lahat.

 

~~~

Travis, can you tell us our topic last meeting?” Panimulang tanong ni Ms. Enriquez kay Rain bago umpisahan ang lesson.

Hmm… it’s about speed, velocity and acceleration Mam.” Bibong sagot ni Rain. Ni hindi na niya tinignan ang notes.

Very good.” Nakangiting papuri ng guro bago tignan ang lesson plan. “Now Princess, what is the formula for computing the speed?

Nakahalumbaba lang si Sky na nakatingin kay Ms. Enriquez at hindi nagreact sa pagtawag sakanya. Kinalabit siya ni Rain.

Bakit?” Takang tanong ni Sky.

Tawag ka ni Mam. Tinatanong ka niya kung ano ang formula ng speed.

Eh? Di ba Princess sinabi niya? Sin- ayy ako nga yun. Mam ako yung Princess. Hehe…” Nagkakamot sa ulong sabi niya at napatayo pa bigla.

Napakunot noo naman si Ms. Enriquez sa inasta niya. “Oh okay. So can you remind the class the formula for speed?

Ah… Uhmm… M-mam pwedeng pass?” Nahihiyang sabi niya.

Hay naku Princess.” Napabuntong hininga si Ms. Enriquez at seryosong tumingin kay Sky. “Malapit na ang periodical exam natin kaya kailangan mong mag-aral. Sinasabi sa akin ng ibang teacher niyo na hindi ka din daw nakikinig sakanila. Ano na lang ang sasabihin ng lolo at daddy mo kapag mababa ang mga grades mo?

Mam nahihirapan po kasi ako sa mga lesson kasi puro English lahat liban sa Filipino. Nano-nose bleed ako eh.” Sky answered sheepishly. Nagtawanan ang mga kaklase niya dahil dito.

Shhhh… Quiet!” Ani Ms. Enriquez sa iba saka binalingan ulit si Sky. “Paano niyan? Hindi naman namin pwedeng itagalog ang discussion dahil yun ang nakalagay sa guidelines para ma-maintain ang mataas na standard ng school na ‘to.

Ah sige Mam, okay lang. Paturo na lang ako kina Cloud at Rain.

Cloud at Rain?” Nakataas kilay na tanong ng guro.

Siya po si Rain.” Aniya sabay turo sa katabi. “At si Cloud naman po ay yung SSC President.

Ahh… yun pala palayaw mo sakanila.” Tumatangong wika nito saka ngumiti. “Okay then, pero para naman may matutunan ka sa akin ay pipilitin kong maghalo ng tagalog. Okay ba yun?

Sige po Mam. Tenkyu. Ang ganda niyo na nga tas ambait niyo pa.” Tuwang tuwang sabi ni Sky.

Haha… Kaw talaga Princess. O sige na ituloy na natin ang discussion.”Anito at nag-umpisa nang mag-lecture.

 

~~~

May magaganap na official na laban sa pagitan ng Skull Rider at Wild Doberman. Maraming naghamon sa Skull Rider matapos mabalitaan ang pagkaalis ng dating leader nila. At nauna nga sa listahan ang Wild Doberman kaya sila ang lalaban sakanila ngayon. Ang paglalabanan ay ang gold knuckles na pagmamayari dati ng Rank 2 ng Wild Doberman na nakuha ng Skull Rider nung naglaban sila nang nakaraang taon. Pumayag na rin ang Skull Rider kahit wala silang makukuhang item sa kalaban. Nagback to zero kasi ang winnings nila bilang parusa sa ginawa nila kaya kailangan nilang bumawi sa standing. Isa kasi sa rules ng Black Mask Gang ay mabubuwag na ang gang na may pinakamababang standing. Confident naman silang sila ulit ang mananalo kaya hindi sila nagdalawang isip na tanggapin ito kahit walang kapalit.

9:00 ang official time ng laban at nandun na ang Wild Doberman na ang lider ay isang babae. Kilala ito sa alyas na White Fang. Pati ang iba pang gang na gustong manood ng match ay kanina pa din nandun. Maya maya pa ay dumating na rin ang Skull Rider. At habang inaantay pa ang Black Mask Gang ay nagkuwentuhan na lang ang mga gangster na nandun.

Balita ko ngayon daw magpapakita ulit si Magician.

Si Uno? Sus yan din ang bali-balita nung isang buwan pero wala naman. Yung lima pa din yung dumadating.

Malay mo totoo na. Hindi naman siguro siya mawawala nang masyadong matagal. Gusto ko na ulit makita ang mga simple pero astig na magic niya.

Hindi kaya magician talaga yun sa totoong buhay. I mean yun talaga yung trabaho niya.

Oo nga. Baka si Alakim yun.

Alakim ka diyan. Hindi naman gumagamit ng paru-paro si Uno sa pagmamagic niya a.

Malay mo lang naman baka kaya hindi siya gumagamit nun eh para hindi mahalatang siya yun.

Bopols. Porket ba magician, si Alakim agad. Masyadong matanda yun para maging si Uno.

5 minutes bago mag-alas nuwebe ay dumating na ang grupo ng Black Mask Gang sakay ng Hummer nila.

Wow ganda talaga niyan. Kelan kaya ako magkakaroon ng ganyan.

Lul. Asa ka pa. Bike nga hindi ka makabili, yan pa kaya.

Bumaba na isa isa ang mga sakay nito. Nakababa na ang lima ay hindi pa rin sila umaalis sa tabi ng sasakyan kaya umugong ang bulong bulongan.

Baka hinihintay pa nila yung isang member nila.

Sabi sa inyo darating si Magician eh.

Ayan na bumababa na.

Nang Makita ng lahat kung sino yun ay nagsigawan ang iba.

Whoo nagbalik na si Magician.

Ang lakas pa rin ng dating niya.

Oo nga. Kahit hindi makita ang mukha niya eh ang lakas ng aurang nagmumula sakanya.

Bakit nga kaya siya nawala. Hindi man lang sinabi sa atin ang dahilan.

Tangek bakit naman nila sasabihin sa atin?

Natahimik saglit ang lahat nang magsalita si Uno. “Asan na ang dalawang maglalaban?” Tanong niya matapos pasadahan ng tingin ang lahat.

Lumapit ang dalawang gang at pumunta sa harap niya ang dalawang leader.

Ito ang paglalabanan niyo, tama?”Tanong niya na tinaas ang kamay para ipakita ang gold knuckles na nasa Skull Rider Leader kanina.

Whoo yan ang sinasabi ko. The magician returns.

Kahit na hindi na bago ang pagmamagic ni Uno ay nagulat pa rin ang SR leader sa biglang pagkawala nun sa bulsa ng jacket niya. “O-oo Uno.

Alam naman na ninyo ang mga rules sa laban kaya hindi ko na kayo kailangang sabihan pa.” Aniya at tumango ang dalawa.

Okay nasa akin na rin ang badges niyo kaya pwede na tayong magumpisa.” Dagdag niya na inilabas sa kaliwang kamay ang badges ng dalawang gang. Na-amaze na naman ang mga nandun at pumalakpak pa ang iba.

Sige na pumuwesto na kayo.” Utos ni Dos sa dalawang gang.

Pumuwesto na nga sila at naghintay ng hudyat mula sa Black Mask.

Okay sa aking hudyat ay umpisahan niyo na. 1, 2, 3 haaaaahhhh…” Ani Tres saka tumili ng matinis na parang sirena. Pagkarinig nito ay agad na sumugod sa isa’t isa ang dalawang gang. Kung titingnan ay parang pantay lang ang lakas ng dalawang gang pero mas agresibo sa pagsugod ang Wild Doberman.

Nang tig-limang pares na lang ang naglalaban ay bigla silang nakarinig ng wang wang.

Mga pulis.” Ani Dos na nakatingin sa madilim na daanan.

Bagaman hindi pa nakikita ang tinutukoy na pulis ni Dos ay nagtanong si Quatro. Anong gagawin nila dito?

Maya-maya pa ay kitang kita na ng lahat ang sasakyan ng mga paparating na pulis kaya napatigil sa paglalaban ang dalawang gang. Pagtigil ng mga pulis ay nagtangkang tumakas ang ibang gang pero napatigil sila nang magsalita si Uno.

Wag kayong magpanic. Akong bahala.

Lumapit ang apat na pulis sa kanila habang nakahawak sa baril na nasa bewang nila.

Anong ginagawa niyo dito? Bakit andaming duguan diyan? Naglalaban ba kayo?”Tanong agad ng pinaka-leader ng mga ito.

 

Alam mo naman pala, nagtanong ka pa.” Pabalang na sagot ni Sais. Sinita tuloy siya ni Uno.

Sais!

Aba’t talaga nga namang mga kabataan ngayon tsk. Gusto niyo bang ikulong ko kayong lahat? Bawal yang ginagawa nyo.” Maangas na banta nito.

Anong batas ang nagsasabing bawal ito?” Nanunubok na tanong ni Quatro.

Natigilan ito at nanlaki ang mata. Halatang hindi inaasahan ang tanong na iyon. “A-ano… Basta bawal yan. Wag na nga kayong matanong. Ibigay niyo mga pangalan ng mga naglalaban kanina.

Parang natakot ang dalawang gang at nagtangka silang tumakbo pero pinigilan sila ni Uno. Lumapit siya sa mga pulis. “Hindi ba kayo nasabihan na wag kaming pakialaman?

Huh? Anong pinagsasabi mo? Ayos ka din a. Tanggalin mo nga yang maskara mo at nang malaman ko kung sino ka.” He sounded irritated and impatient.

Hindi na kailangan. Tawagan mo superior mo.” Uno ordered him.

A-anong? Hoy wag mo nga akong mautus-utusan. Kabata-bata niyo kung umasta kayo akala niyo kung sino. Isama ko kayo sa mga ikukulong ko e.

Tatawagan mo ba o hindi?” Tanong ni Uno habang hawak ang cellphone ng pulis. Nanlaki ang mata nito at kinapa-kapa pa ang bulsa para makasiguro pero wala na talaga ito dun.

P-paanong napunta sa’yo yan?” Hindi makapaniwalang tanong nito.

Pero tila hindi narinig ni Uno ang tanong niya. “Tatawagan mo ba o sisirain ko ‘to?

Lalong nanlaki ang mata ng pulis. “Anong sisirain? Kabibili ko lang niyan. Akin na yan.” Anito at pilit inaagaw ang cellphone pero naiiwas niya ito kaya sumuko din ito bandang huli. “O sige na. tatawagan ko na.

Siguraduhin mo lang kundi masisira talaga yan.” Uno said firmly, not wavering from the police’s threatening posture.

Aisst oo na. Naku humanda ka mamaya sa akin sa kulungan.” Anito at tinawagan na nga ang superior nang ibalik ni Uno ang cp nito. “Hello sir. Ma-

Ang leader ng Black Mask ito.” Ani Uno sa kabilang linya pagkatapos makuha ulit ang cp ng pulis. “Yun na nga ang problema. Bakit may mga pulis dito sa area na ‘to? Hindi mo ba sila nasabihan na wag kaming guluhin kapag may laban dito?... Tss… Paalisin mo na sila.” Dagdag niya saka binalik sa pulis ang cellphone nito.

Nakakarami ka na ng atraso a.” Matalim na sabi ng pulis sakanya. “H-hello sir… Yes sir… Eh? Pe-… S-sige sir. Sorry sir. Naiintindihan ko. Sige sir aalis na kami.

Ano kayo ngayon? Sa susunod wag na ulit kayo maliligaw dito a.” Nangungutyang sabi ni Sais sa mga ito.

Tsk. Bahala nga kayo diyan. Kapag may nagpatayan diyan bahala kayo sa buhay niyo.

Dadakdak pa e. Alis na.” Sais said and shooed them as if they were just annoying chicken.

Tinignan lang sila ng masama ng mga pulis at umalis na dun. Nagsigawan naman ang mga gang sa tuwa.

Black Mask Gang rules! Magician rules! Yeah!

Tama na yang pagsasaya at ituloy niyo na ang laban.” Saway ni Uno.

Tinuloy na nga nila ang laban at sa huli ay nanalo ang Wild Doberman.

Okay ito na ang napanalunan niyo.” Ani Uno at inabot ang gold knuckles at badges kay White Fang.

For the standing, Wild Doberman has 3 wins and 2 loses while Skull Rider has 0 win and 1 lose.” Deklara ni Dos.

Okay, this ends the fight for this night. Pwede na kayong umalis.” Pagtatapos ni Quatro.

 

Umuwi na kayo agad at wag na kayong pakalat kalat pa dito. Baka andiyan lang ang mga pulis at naghihintay ng mahuhuli. Hindi na kami makikialam kapag nangyari yun. Maliwanag?” Bilin ni Uno sa mga ito.

Oo Uno.

 

~~~

Uwian na at nagpapaalaman na ang lahat. Tinawag ni Chickboy si Sky na palabas na kasama ni Rain. “Sky kita kits maya.

Sige. Sinu-sino kayong pupunta?” Tanong ni Sky sa mga kaklase. Pupunta daw kasi ang mga ito sa comeback gig nila mamaya.

 

Kaming mga cool citizen lang. KJ sina Iñigo e.” Ani B2.

Ahehe sige sige. Bye.

Bye Sky.

Sa wakas mapapanood ko na ulit silang tumugtog ng live.” Excited na sabi ni Buzz na sinangayunan ni Art.

Oo nga. Tagal na din mula nung huli silang tumugtog. Nagtatyaga na nga lang ako sa recorded song at cover nila.

Tama. O tara nang uwi nang hindi tayo mahuli sa gig nila mamaya.” Aya ni Chickboy.

~~~

 

Dumating na ang oras ng shift ng Sky Paradox kaya excited na ang lahat. Tilian ng mga kababaihan ang nangingibabaw sa crowd pero may mga kalalakihan pa rin namang nagchi-cheer.

Umakyat ang host sa stage at sandaling pinatahimik ang lahat. “Ito na ang pinakahihintay na banda ng lahat. Matagal din silang nawala dito at sa music scene pero ngayon ay magbabalik na sila. Namiss niyo ba sila?

 

YEAH!

Okay. Hindi ko na patatagalin pa. The long wait is over. Let’s all welcome SKY PARADOX!

Whoooo!

Paglabas nila sa maliit na stage ay lalong naghiyawan ang mga tao. Isa-isang pumuwesto ang mga miyembro.

Hello guys. Good evening sa lahat. So bago ang lahat ay magpapakilala muna kami since matagal kaming nawala at baka nakalimutan niyo na mga pangalan namin. I’m Cloud, the vocalist.”Panimula ni Cloud pagkatapos ay minuwestra ang mga kasama para ipakilala.

Whoo Cloud, hindi ka namin nakalimutan. Ang pogi mo pa rin!

On the lead guitar is Rain.” Nagsample ng konti sa gitara ito saka ngumiti at kumaway sa mga manonood.

Whoo ang cute mo talaga Rain.

Go Rain!” Sigaw din ni Batch.

Light for the rhythm guitar.” Kumaway din ito at kumindat sa mga babae.

Waahh kinindatan ako ni Light.

Gaga ako kaya kinindatan niya.

Hey girls, wag na kayong magtalo. Kung gusto niyo, ako na lang ang kikindat sa inyo.”Ani Chickboy at kinindatan ang nagaaway na mga babae.

Kinilig ang mga ito at nagpacute pa sakanya.

Bass guitar is Thunder.” Tumango lang ito sa audience nang hindi ngumingiti pero nagtilian pa rin ang mga fans niya.

On the keyboard is Storm.” Ngumiti din ito saka nagwave sa audience.

I love you Storm!

Si Hail para sa violin.” Tipid namang ngumiti ito.

Ang cute mo Hail!

And last but not the least, our drummer and leader, Sky!” Tumayo ito saka nag-bow.

Whoo Sky ang guwapo mo!

Sky, marry me!

Di nagpahuli sa pagsigaw sina B1 at B2. “I love you Sky!

Nagulat ang mga nandun at tinignan nila ang dalawa ng pataas pababa na parang sinasabing ‘pati lalaki nababakla kay Sky’.

Tinitingin niyo diyan? Akala niyo kayo lang pwedeng mag-I love you kay Sky?” Sita ni B2 sa mga ito.

Pinagsabihan tuloy sila ni Sakuragi na siyang nahihiya sa mga pinaggagawa ng mga kasama. “Hoy umayos nga kayo diyan. Nakakahiya kayo.

Okay let’s start firing up the night with the song ‘Welcome to my Life’.

 

Sumasabay ang lahat sa pagkanta nila at nagsisitayuan pa ang iba. Enjoy na enjoy ang lahat na hindi nila namalayan ang mabilis na takbo ng oras. After 2 hours ay dumating na sila sa last song. “Okay for our last song, this was chosen by Sky.

Para ito sa mga kaibigan naming pumunta dito para mapanood ang comeback gig namin. Barkada ng Parokya ni Edgar.”Ani Sky na nakatingin sa direksiyon ng mga taga section fire.

 

Tuwang tuwa ang mga ito sa ginawang pagdedicate ni Sky ng kanta sakanila. “Sky, thank you!

Yeah Sky. Pakiss mamaya. Haha…” Pahabol na hirit ni B2 na ikinatawa ng audience.

Eto na ang mga officials ng barkada

Kanya-kanyang kalokohan ang bawat bida

Merong medyo bading, meron din ang antukin

Kumpleto sa rekado ang barkada namin

 

Pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana

Kahit pinanggalingan namin ay iba-iba

Walang pakialam kung saan mapadaan

Basta’t sabay-sabay kaming nagtatawanan

Sumabay kumanta ang magbabarkada kina Sky.

Basta nandiyan ang bawat miyembro ng tropa

Ang kalokohan ay hindi mawawala (hindi mawawala)

Hindi na dapat pinag-iisipan pa

Lahat tayo ay dapat magsaya

 

Musmos pa lang ay magkakasama na kami

Nagkasundo kahit iba’t-ibang ugali

Ganyan lang talaga sa aming munting barkada

Kasama-sama mo sa hirap at ginhawa

 

Magkasabay mula sa pagsikat ng araw

Magkasama hanggang daigdig ay magunaw

Sa dami-dami ng aming napagdaanan

Walang tatalo sa aming pinagsamahan

 

Basta nandiyan ang bawat miyembro ng tropa

Ang kalokohan ay hindi mawawala (hindi mawawala)

Hindi na dapat pinag-iisipan pa

Lahat tayo ay dapat magsaya

 

Di na yata magsasawa sa’ming pagsasama-sama

At sa aming barkadahan, asahan naming di mawawala

Ang kalokohan at ang walang tigil na tawanan

Sapagkat ang bawat kabarkada namin ay sadyang ganyan

Matapos ang kanta ay nagpaalam na ang Sky Paradox.

Paglabas nila ng resto ay agad silang nilapitan ng mga fans at nagpa-picture pa sakanila. Nang maubos ang mga ito ay sina Sakuragi naman ang lumapit.

Whew, akala ko hindi na mauubos ang mga fans niyo.” Komento ni Buzz.

Ui dito pa pala kayo. Salamat ulit sa pagpunta.” Ani Sky.

Wala yun. Nag-enjoy naman kami e.” Nakangiting sabi ni Sakuragi.

Oo nga Sky. Ang pogi mo ngayon. nakakabakla ka. Haha…”Muling hirit ni B1 na ikinatawa nila.

Pinakilala ni Sky ang ibang member ng Sky Paradox sakanila kaya sinamantala ito ni Buzz para magpa-autograph.

Maya maya pa ay nagpaalam na sila. “Sige Sky uwi na din kami.

A sige. Practice bukas sa basketball a.” Pahabol na bilin niya sakanila.

Okay Sky. Mga bro una na kami. Bye.” Ani Chickboy.

Tumango lang ang mga ito at naghiwalay na sila para umuwi.

__________________________________________________________________

A/N: Ayan at nagbalik na nga ang Sky Paradox sa pagtugtog. Kumusta naman at nababakla pa kuno sina B1 at B2 kay Sky? haha... Si Chickboy naman sumisimple pa rin sa mga girls. tsk tsk. Gusto niyo bang maging OST (naks meganun) ng Section Fire ang Barkada? Hmm...

At may isa pang nagbabalik. Si Uno aka Magician. Ngayon lang pala siya nagbalik. Ano kayang nangyari at hindi pa pala nakabalik si Uno nung sinabi niyang magbabalik na siya last month? (Chapter 7) 

Anyway, naniniwala ba kayo sa sinabi ng ibang gangster na si Alakim siya? haha... Pero seriously ano ang meron sa Black Mask Gang at hindi sila pwedeng pakialaman ng mga pulis? Any idea? Hmm...

May bago palang love team na mabubuo. Si Kuya Pogi at Mam Ganda. Pero may piyansi naman na daw si mam kaya mejo malabo pa ang future nila.

And ofcourse hindi mawawala sa UD si Grey. Siya na ata ang bida e. Mwahaha... Para saan kaya ang blush niya sa huli? Dun sa sinabi ni Jaimee na hindi na siya naka-loud speaker or dahil sa kindat niya? Hmm... whutizthemeaningofthiz?

Okay hanggang dito na lang ulit. Salamat sa pagbabasa. ^_^

VOTE and COMMENT.

Author signing off...

Continue Reading

You'll Also Like

326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
256K 11.1K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
44.4K 930 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...