Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2

13.5K 384 74
By JoeBeniza

Kier's Point of View

I don't know what's got into me. Or why I made that deal with Valerie. I'm not even sure why I don't want her to go. Guess I'll find out in this vacation.


"Wooh! Puppies for the win!" Sigaw ko.

"Nang gaya lang naman kayo ng strategy eh." Sabat ni Valerie.

"Winning is winning Valeng. I told you, I won't lose."  Sagot ko na may halong yabang.

"Sus! Huwag excited, first match pa lang."

Ilang saglit pa ay pumito ulit si Ms. Cyrene para sa next game.

"Alright! Team Puppies one point! Dapat makabawi ang team dragons."

"Bring it on! Next game na!" Ganadong sigaw ni Shane.

"Okay sige! So next match is called wring the towel relay race! Mayroon ulit tayong point A at point B.  Sa point A mayroong isang timba, ang point B ay ang dagat. Ang umpisa, pipila ang bawat team ng straight line, tapos mag lalayo ang bawat isa ng mga tatlong metro sa isa't isa. Ang gagawin lang ay pupunoin ang bucket ng tubig mula sa dagat gamit ang towel na ito." Paliwanag ni Ms. Cyrene.

Binigyan kami ng tig-isang towel ng mga game organizer. Isa sa amin at isa kila Valerie.

"First step is to choose someone who will run to the sea and soak the towel into the water.  Tapos kapag basa na ang towel, ipapasa ni runner ito sa nearest group member. The catch is, si runner lang ang pwedeng umalis sa pwesto papunta ng dagat. Tapos pag ka pasa ni runner sa nearest member, ibabato niya kay next member ang towel then ganon din ang gagawin hangang sa makarating ang towel sa point A. Then kapag na sa point A na ang towel, pipigain ito ng member na malapit sa bucket then he or she needs to pass the towel back to the members hangang sa makarating ulit kay runner. Then repeat lang hangang sa mapuno ang bucket ng tubig. Paunahan mapuno ang timba!"

Ginawa namin ang instructions ni Ms. Cyrene. Sa team puppies ako ang nasa point A at ang runner namin ay ang nag prisintang si Aling Evang. Kasing dali lang daw kasi nang pag hahabol ng lalaki 'yon kaya pinag bigyan namin. Sa Dragons naman ay si Valerie ang nasa point A at si Mingay ang kanilang runner. Parang kitang kita ko na matatalo kami ah.

"Ready na ba team dragons and team puppies?!"

"Yes!!"

"Alright! Ready... Get set... Go!"

Pumito si Ms. Cyrene at nagsimula ang race. Mabilis na tumakbo si Aling Evang at si Mingay habang hawak ang kani-kanilang towels papuntang dagat. Mabilis si Aling Evang parang amazona, pero ganon din si Mingay batanguenang batanguena. Nakaka gana din kasi ang background music.

(Now Playing: Boombayah by Black Pink)

"Go Mingay!"

"Go Aling Evang"!

Kanya kanyang cheer ang team namin at team nila Valerie.

Okay na sana si Aling Evang na naunahan si Mingay papunta ng dagat para basain maigi ang towel kaya lang...

Biglang napunta sa chorus ang back ground music, kaya ayun biglang sumayaw ang matanda.

"Boombayah! Wooh! Ayaya boombayah!" Pag kanta ni Aling Evang habang sumasayaw. Unti unti namang natatapon ang tubig sa towel.

Wala na, napa face palmed na lang ako. Naunahan na siya ni Mingay.

Nang makita ni Aling Evang na pinapasa na ng team dragons ang towel nila, tumigil sa pag sayaw si Aling Evang at pinasa na din ang towel sa amin. Kaya lang dahil lamang na ang dragons, pagkatapos ng maraming ulit na pasahan...

"Dragons won the second match!!" Sigaw ni Ms. Cyrene.

Tuwang tuwa naman sila Valerie. May group hug pa sila.

"Si Aling Evang kasi eh." Sambit ni Karlo.

"Sorry na." Naka ngiting sagot ni Aling Evang.


"Sabi ko sayo 'di pa tapos ang laban eh." Sambit sa akin ni Valerie.

"Kami pa din mananalo, Valeng." Sagot ko.

"We'll see."


Muling pumito si Ms. Cyrene para sa third game.

"Alright! Tabla na ang ating score. Mukhang nagiging exciting ang laban ah. Next game na tayo, team puppies? Team dragons?"

"Yeah game! Babawi kami!" Sigaw ko.

"Okay! This time, out muna ang mga runner kanina kasi for sure napagod sila. This game is called, run to the beach to complete me. So siyempre race pa din tayo. Point A and point B pa din. Sa point A may table then ang point B natin ay ang dagat kung saan may hinanda kaming floating basket na inaalalayan ngayon ng mga kasamahan ko. Ang laman ng basket ay mga puzzle pieces. So sa point A may dalawang mag hihintay sa table kung saan sila ang bubuo ng puzzle. To get the puzzle pieces may dalawang pupunta sa dagat para kuhain isa isa ang mga puzzle pieces. Pero... Heto ang exciting dito. Ipapasan ni member ang partner niya na member papunta sa dagat. Kapag nasa dagat na, ang nakapasan na member ay lalangoy papunta sa floating basket. Tapos babalik sa shore, tapos ipapasan ulit siya papunta sa table kung saan nag hihintay ang dalawa pa nilang ka grupo na bubuo ng puzzle." Paliwanag ni Ms. Cyrene.

"Aah, Para siyang survivor series." Sambit ni Mia.

"Yap! I will give you 5 minutes para makapag plano." Sagot ni Ms. Cyrene.

Sa team puppies, si Cheska at si Karlo ang bubuo ng puzzle namin at ako ang papasan kay Mia papunta ng beach. Si Mia naman ang lalangoy para kuhain ang puzzle piece. Sa team dragons, si Kuya Gilbert at Rex ang bubuo ng puzzle piece. Samantalang si Shane naman ang papasan kay Valerie, at si Valerie ang lalangoy.

"Val, Sure ka ba na ikaw ang lalangoy? Kasi si Mia ang lalangoy sa kanila eh. Top swimmer sa school dati si Mia baka matalo tayo." Tanong ni Shane kay Valerie.

"Hindi 'yan, ako tatalo diyan." Pag yayabang naman ni Valerie.

Tinignan ko si Mia na nag hahanda na para sa game. Mukhang may secret weapon pala ako.

Pag katapos ng limang minuto, pumito na ulit si Ms. Cyrene para simulan ang third match.

"Ready na ba ang team dragons at ang team puppies?!"

Sabay sabay naman kaming sumagot. "Game na!"

"Okay set na! And... Go!"

Ipinasan ko si Mia sa likod at nag madaling tumakbo papunta sa dagat. Mabigat sa paa ang mga buhangin kaya't ang hirap talaga makapunta sa dagat. Halos sabay lang kami nila Shane naka punta sa dagat.

Ibinaba ko si Mia at sabay silang lumangoy ni Valerie. Grabe! Ang galing ni Mia kahit hindi ko na siya i-cheer kayang kaya niya. Ang bilis niyang lumangoy at tila sanay na sanay talaga siya. Parang pang Olympic siya lumangoy.

Todo naman ang cheer ni Shane kay Valerie ng mga oras na 'yon. "Go Val! Kaya mo 'yan!"

Mabilis nakarating si Mia sa floating basket at kinuha ang isang puzzle piece at lumangoy siya pabalik sa akin. Bigla akong natawa pag tingin ko kay Valerie. Hindi pa siya nakakarating sa floating basket ng dahil sa istilo niya ng pag langoy.

Langoy aso.

Nakakatawa talaga sigurado inis na inis mga ka grupo niya.

"Kier!" Pag tawag sa akin ni Mia.
"What are you doing? Heto na 'yong puzzle piece."

Ipinasan ko ulit si Mia para madala ang puzzle piece sa point A. Pag katapos ay ipinasan ko ulit siya papunta sa dagat. Lalangoy na ulit si Mia pero si Valerie pabalik pa lang. Nakakatawa talaga.

Pag ahon ni Valerie bigla akong natulala sa kanya. Tila nag slow motion ang buong paligid. Basa siya ng tubig at may mga buhangin ang paa niya. Sa 'di maipalawanag na dahilan, para siyang isang model sa beach. Sobrang ganda. Sobrang sexy. Sobrang...

"Kier! I'm here!" Sambit ni Mia.

Grabe ang bilis ni Mia. Naka ilang ulit kami na pabalik balik sa dagat at dahil sa bilis ni Mia na makuha ang mga puzzle pieces, agad namin itong nabuo at siyempre...

Pumito si Ms. Cyrene. "Team Puppies won the third match!"

Nag group hug kaming mga team puppies at binate ang isa't isa.

"Galing mo Mia!" Pag bati ni Karlo.

"Oo nga 'day para kang si Dyesebel kanina." Sambit ni Aling Evang.

"Thank you." Sagot ni Mia ng naka ngiti.


Pinuntahan ko naman si Valerie at inasar. "Valeng! May dragon pa lang puppy lumangoy?"

"Ikaw!" Akma akong papaluin ni Valerie pero tinakbuhan ko siya at hinabol niya ako. Para kaming mga bata na nag hahabulan sa beach.

Huminto siya at tinuro ako. "Humanda ka sa next match!"

"Mananalo ka basta hindi swimming ang laban!" Pang aasar ko kay Valerie.

Muling pumito si Ms. Cyrene at tinawag kami. "Okay! Lamang na ang team Puppies. Alam namin na gutom na kayo, so ang ating fourth match ay... Boodle Fight!"

"Gusto ko 'yan! Kainan!" Sigaw ni Kuya Gilbert at nagtawanan naman kami.

Natawa din si Ms. Cyrene kaya bago siya muling makapag salita ay medyo natatawa tawa pa din siya. "So simple lang ang game guys. Paunahan lang maka-ubos ng pag kain. Nandoon sa Nippa Hut cottage niyo ang food."


Agad kaming pumunta doon at tumambad sa amin ang dalawang mahabang table na punong puno ng iba't ibang klaseng pinoy food na nakahain sa dahon ng saging at siyempre may kanin. Dahil sa pagod at gutom, nag simula agad ang boodle fight sa mag kabilang grupo. Kanya kanya din ng pag kuha ng litrato para maging memorable ang araw na ito. Sobrang saya naming lahat. Hinding hindi ko ito makakalimutan.

Pero mukhang may mananalo na. Dahil pag tingin ko kay Valerie at kuya Gilbert...

Grabe! Akala ko dalawang dragon ang nakita kong kumakain. Parehas silang malakas kumain. Hindi alintana ni Valerie kung may poise pa siya o wala basta kain lang siya ng kain. Hindi pa din talaga siya nagbabago. Sa kabila ng kasikatan na natamo niya, siya parin ang Valerie na simple, masiyahin, makulit, kalog, at aking mina...

"Hoy Kier! Bakit ka nakatitig kay Valerie?" Biglang tanong ni Aling Evang.

"Huh?! Hindi ah. Napansin ko lang na malakas sila kumain ni kuya Gilbert." Palusot ko. Pero natuwa talaga akong matitigan si Valerie.

Nag patuloy kamng kumain ng kumain. Hindi naubos ng team Puppies ang food. Pero ang mga dragons, grabe parang wala ng bukas. Ubos, tumba, simot. Grabe si Valerie.

"Team Dragons for the win!!" Sigaw ni Rex habang minamasahe pa ang tila kampeon nilang si Kuya Gilbert at si Valerie. Lugi eh dalawang dragon kalaban.

Nag kwentuhan kaming lahat habang nag papahinga. Tinawanan namin ang mga 'di malilimutang karanansan sa mga palaro kanina. Siyempre may asaran, kulitan, at tawanan.

Matapos ang isang oras ay pinuntahan kami ni Ms. Cyrene para sa last game.

"Hello everyone! Nabusog ba kayo?"

Kanya kanya naman kaming sagot.

"Yes!"

"Busog grabe!"

"Ayos 'yan! For our last game, it's called treasure hunt, find the heart of the island. Simple lang ang game. Paunahan lang makahanap sa hidden treasure ng beach. Isa itong seashell na hugis puso. It's hidden somewhere here sa beach. So bahala na kayo kung paano niyo hahanapin. Kung samasama ba or hiwahiwalay, basta hugis heart siya na kasing laki ng kamay." Paliwanag ni Ms. Cyrene.

Naghiwa-hiwalay kaming lahat para hanapin ang hidden treasure to win the game. Kahit ang team dragons ganon ang naging strategy.

Kung saan saan na ako nakarating pero hindi ko pa din makita. Saan kaya 'yon tinago?

Nag tungo ako sa bandang dulo ng beach kung saan medyo marami na ang puno. Dulo na ito ng beach dahil kapag dumiretso pa ako, puro madudulas na bato na ang maapakan ko. Sa malayo mukhang walang taong nag hahanap dito pero pag lapit ko...

Nakita ko doon si Valerie. Mag isa lang siya at nag hahanap din.

"Nakita mo na?" Tanong ko sa kanya.

"Obvious ba? Hindi pa." Masungit niyang sagot.

"Sungit naman nito. Nag tatanong lang eh." Nag patuloy din ako sa pag hahanap pero sa same place kung nasaan si Valerie.

Naglalakad lakad ako nang bigla akong may matapakan sa buhangin. Hinukay ko ito at... Voila! I got the hidden treasure.

Mabilis ko itong tinago sa likod ko at humarap ako kay Valerie.

"Val, tuloy na tuloy ka na ba sa pag alis mo?" Tanong ko sa kanya habang naka-ngiti.

"Eh bakit parang naka ngiti ka diyan?" Tanong niya.

"Aalis ka pa ba ngayon kami na ang mananalo?" Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong heart shape na sea shell.

"That's mine!" Sinubukan agawin ni Valerie ang sea shell pero agad ko itong inilagay sa likod ko kaya't bigla siyang napayakap sa akin.

"B-bakit mo ba ako ayaw paalisin?" Marahang tanong ni Valerie.

"Hindi ko alam. Basta ayaw ko na mapalayo ka." Sagot ko.

Tinitigan niya ako sa aking mga mata at pumikit. Ramdam ko ang init ng kanyang pag hinga sa pag lapit ng kanyang mukha sa akin. Pumikit ako at pinakiramdaman ang unti unti niyang pag lapit.

"Kier..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 70.2K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
6.4M 240K 64
A battle between love and service.