Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)

By whitepal

59.3K 2.9K 1.7K

*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Interlude (Read please!)
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Interlude 2 (Possible Book 3!?!?!?)
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
I'M BACK!
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
TO MY READERS! PLEASE READ!
Chapter 36

Chapter Thirty-Five

889 54 36
By whitepal

AUTHOR'S NOTE

Maraming salamat sa lahat ng naghintay at patuloy na nagbasa ng story ko. Alam ko matagal akong napahinga dahil sobrang busy ngunit nandyan pa rin kayo. Kaya maraming salamat!

Eto na ang sagot sa hinaing at sama ng loob ng mga nagcomment last chapter. Hahaha! Sabi ni Rome ay sorry na raw at na-delay ang sagot niya. Ang bagal ko raw mag-type dapat daw sa akin kayo magalit, at di sa kanya dahil di niyo agad nabasa ang POV niya. Wahahahahahaha!


======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35

TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepalBLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com



CHAPTER THIRTY-FIVE

ROME

"Anak." Isang boses na pamilyar at katok ang gumising sa akin. Alam kong si Mama ito. "Anak, kain na tayo. Hindi ka kumain kahapon buong araw."

"Hindi ako gutom. Matutulog na ako." Walang gana kong sagot.

"Anak nag-aalala kami ng Papa mo sa iyo."

"Ayos lang ako. Mamaya na ako kakain." Pagsisingungaling ko.

Hindi na ako ginambala pa ng aking ina. Huminga ako ng malalim. Muli kong nakita ang mukha mo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko maintidnihan ang sarili ko. Hindi ko na alam. Nalilito ako.

Gusto ko na lang itulog ito, baka sakaling pag gising ko'y tapos na ang masamang panaginip na ito. Baka sakaling magising ako at nasa Parasailing pa rin tayo sa Boracay – naghahalikan, o di kaya'y tinanggap mo ang aking pagmamahal at pinakasalan mo ako sa Kyoto, o di kaya ay kumatok ka sa hotel room ko isang taon ang nakaraan at hindi ka umuwi ng Pinas. Kung nangyari man ang isa sa mga sinabi ko ay baka masaya tayo ngayon. Baka hindi mo nagawa ang nagawa mo sa inosenteng bata.

Narinig kong umalinag-ngaw ang mahina kong hagulgol sa apat na sulok ng madilim at malamig kong kwarto.


***


ROME

"Anak." Muling katok ni Mama sa pinto ng aking kwarto. "May bisita ka."

"Sabihin niyo wala ako."

"Hoy Rome! Lumabas ka nga 'dyan." Kalampag ni Jess sa pinto.

Hindi ako sumagot. Ilang saglit pa'y narinig ko ang tunog ng susi mula sa labas ng aking kwarto. Hindi nga ako nagkamali at narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko siya liningon, nakatingin pa rin ako sa bintana, sa kawalan.

"Maiwan ko na kayo." Si Mama at pagkatapos ay narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" walang gana kong sabi.

"Kailangan na nating tapusin ang presentation kay Mr. Kyou."

"Alam niyo na ang gagawin. Kaya niyo na iyan."

Kinain kami ng katahimikan.

"Hoy." Sabay tapik sa likod ko. "Ano bang problema mo?"

"Wala."

"Galit ka pa rin ba kay Pareng Ray?"

Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ako kumibo.

"O galit ka sa sarili mo?"

Napakunot ako ng noo sa narinig. Humarap ako sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo?"

Tumawa siya ng pilit.

"Nakakatawa. Ganyan na ganyan si pareng Ray. Pilit ka niyang tinataboy palayo. Sinusubukan niyang magalit sa iyo. Unconsciously binabalikan niya yung pagkakasala mo noon dahil sa takot niyang mahalin ka ng buo. Ngayon, ikaw naman ay sinusubukan mong ituon yung galit mo sa kanya, pero ang totoo ay nagagalit ka sa sarili mo. Galit ka sa sarili mo dahil hindi mo matanggap na sa kabila ng nagawa niya ay mahal na mahal mo pa rin siya."

Para kong nalunok ang dila ko at hindi ko magawang magsalita. Nakita ko ang mukha mo sa aking isip, kasabay nito ay biglang lumakas ang pintig ng aking puso. Lalong bumigat ang aking pakiramdam.

"Maiwan muna kita nang makapagisip-isip ka. I-send ko na rin sa email mo yung copy ng nagawa namin ni Lyn. I expect na bukas sasama ka sa amin pabalik ng Japan." Sabi niya sabay tumbok sa pinto at binuksan ito. Akmang isasara na niya ang pinto ay tumingin siya sa akin. "Baka hindi mo pa alam. Nadadawit sa malaking eskandalo ngayon si Pareng Ray. Kumakalat na may relasyon daw sila ni Mr. Kyou at ginamit niya lang ang matanda para sa kanyang citizenship."

Para akong nabingi sa sinabi ni Jess. Nanghina ang tuhod ko sa aking nalaman. Masama man ang loob ko sa iyo ngunit gusto kitang puntahan. Gusto kitang akapin. Gusto kitang protektahan mula sa mga malisyosong mga tao. Alam kong walang katotohanan ang balitang iyon. Kilala kita Ray.

"Higit na mas kailangan ka ni Pareng Ray ngayon. Kaya sana, magpakatotoo ka sa nararamdaman mo." Sambit ni Jess bago tuluyang umalis.


***


ROME

Dala-dala ang aking maleta ay lumabas ako sa aking kwarto. Nakita ko si Papa na palapit sa akin.

"Tamang-tama anak. Gusto kong sabahin sa iyo na ang Kuya Roel mo na ang magtutuloy ng naumpisahan mo sa Japan."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi pwede! Kailangan ko makabalik doon! Kailangan kitang damayan Ray.!

"Ha!? Bakit po?"

"Alam mo naman na siguro ang balita doon."

"Pa, walang katotohanan iyon!"

"May katotohanan man o wala, ayokong madamay ka sa gulo lalo't alam kong malapit kayo ng anak-anakan ni Mr. Kyou." Tukoy ni Papa sa iyo.

"Kaya lalong mas dapat akong magpunta. Kailangan ako ni Ray." Matigas kong sabi.

Tumahimik siya. Parang hinahalukay ng titig niya ang aking pagkatao.

"Tapatin mo nga ako anak... Bakit ganyan ka kay Ray?" tanong niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jess kanina ay alam kong hahantong na sa ganito ang lahat pagkakataon. Hindi ko lang akalaing mapapaaga ito. Huminga ako ng malalim. Pinakita ka sa akin ng aking isip. Siguro ay dapat gawin ko na ang tama, ang ipaglaban ka.

"Mahal ko siya." Diretso kong sabi. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, rinig na rinig ko ang pintig nito sa aking tenga. Napayuko si Papa. Hinilig niya ang kanyang likod sa puting poste sa likuran niya.

"Kailan pa ito?" pabulong at kalmado niyang tanong.

"Hindi ko alam." Sagot ko. "Pero Pa, sana maintindihan mo, mahal ko si Ray. Sigurado na ako at hindi iyon magbabago. Siya ang gusto kong makasama at makatuwang sa buhay. Alam ko magagalit ka, at tatanggapin ko iyon. Pero sana ay hayaan mo akong pumunta sa Japan, hindi lang para ipagpatuloy ang naumpisahan ko kundi para damayan siya sa problema niya."

Hindi kumibo si Papa. Para siyang nabalisa at nawala sa katinuan. Alam ko nasaktan ko siya sa sinabi ko. Alam ko disappointed siya. Pero ito ang katotohanan na dapat niyang harapin, ang katotohanang mahal na mahal kita. At sa pagkakataong ito ay gagawin ko ang dapat ay matagal ko ng ginawa, ang ipaglaban ka sa lahat.

"Mukhang nakapagdesisyon ka na Rome. Malaki ka na, at sana ay hindi mo pagsisihan iyan." Nakayuko niyang sabi. Naglakad siya palayo sa akin. Tinumbok ang kanyang kwarto at pumasok dito. Hindi niya ako liningon o tiningnan man lang.

This is the point of no return. Pero anuman ang mangyari ay wala akong pagsisisihan, dahil gagawin ko ang sa palagay ko ay tama. At iyon ay mahalin ka at samahan ka sa hirap at ginhawa. I'm sorry kung ngayon lang, I'm sorry sa mga nagawa ko Ray, I'm sorry sa lahat-lahat. Sana ay hindi pa huli ang lahat para sa atin. Hindi na ako aalis pang muli sa tabi mo, hindi na ako muling tatakbo o iiwas, higit sa lahat ay hindi na kita itataboy o tatalikuran. Gusto ko na ako ang kasama mo sa pagharap sa buhay.

ITUTULOY

SPECIAL NOTE: If you enjoy this story, please vote for it. YOU CAN VOTE EVERY CHAPTER. COUNTED PO ANG BAWAT VOTES. :-)

Continue Reading

You'll Also Like

48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
281K 4.8K 24
Dice and Madisson
50.4K 2.7K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...