Worst Section

By dianefajutrao

270K 6.9K 371

Away, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian... More

Worst Section
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Authors Note

Chapter 14

4.3K 146 0
By dianefajutrao

Gab's POV

Nandito na kami ngayon sa car park ng university para hintayin si matt. Nakakatuwa lang isipin na nakisama samin ngayon ang tadhana dahil pinauwi kami ng maaga.  Makakapaggala pa kami ng mahabang oras.  At nga pala, hindi na ako nagsabi kay kuya na may pupuntahan ako dahil si matt na daw ang nagpaalam para sakin bago niya ako tanungin. Hindi naman ako nagaalala dahil safe naman kasama si matt tsaka andyan pa naman sina Hailey at Iggy. 

"San daw ba tayo pupunta?" nilingon ko si hailey sa likod na parang hindi na makapaghintay dahil nagpapapadyak na siya. 

"Wala namang sinabi si matt eh" seryosong sagot sa kanya ni Iggy.  Bigla akong nanibago sa isang to dahil madalas na siyang matino kausap.  Pero hindi ko naman sinasabi na abnormal siya, minsan kasi puro siya kalokohan. 

"May sinabi ba sayo Gab?" dagdag pa niya. "Wala nga din eh. Nag aya lang siya kanina,  nalimutan ko na din naman itanong kung saan pupunta" sunod sunod na sagot ko kaya tumango nalang sakin si Iggy.  Pakiramdam ko talaga may iba sa taong to. Di ko lang maisip kung ano ba yun. 

Makalipas ang ilang minuto dumating na si matt dala ang kotse niya.  Napagpasyahan kasi namin na kotse nalang niya ang gamitin kesa yung kay Iggy. Siya naman daw kasi nagakit samin kaya responsibilidad niya daw kaming dalhin kung saan man. Di na naman kami nakatanggi kaya go lang.



Sa katabi ako ni matt ngayon dahil napagkaisahan ako nung dalawa. No choice tuloy, kaya dito na ako napaupo.  Pero wala naman akong dapat ipagalala sa sitwasyon ko ngayon.  Katabi ko lang naman siya at wala naman yung malisya sakin.  Magkaibigan kami. That's it.


"Si Yohan yun diba?" mabilis kaming lumingon sa direksyon na tinuro ni Hailey.  Hindi pa naman kami gaanong nakakalayo sa university kaya medyo tanaw pa ang campus. "Oo nga no.  Bakit kaya nandyan pa siya. Uwian na kaya" ani ko. Nanatili pa din akong nakatingin kay yohan habang dala ang bag at ilan sa mga libro niya.  Saludo talaga ako sa isang to dahil sa kasipagan sa pagaaral. 


"Baka may gagawin" si matt naman ang nagsalita habang nakahawak sa manibela at saglit na lumingon kung san kami nakatingin. "Oh may pinapagawa sa kanya" dagdag naman ni Iggy na parang mas posible.  Kilala namin si Yohan at alam kong hindi siya makatanggi sa teachers.  Pag kasi inuutusan siya, tango lang siya ng tango na parang walang problema lagi.  Ginagawa niya yun agad ng buong puso at husay.  Di ko alam kung uso sa kanya yung salitang "pahinga". Pero mukhang hindi eh. 


Medyo nakalayo na nga pala kami sa university at nawala na din sa paningin namin si Yohan. Tahimik kaming lahat at parang wala din silang gana makipagusap.  Nilingon ko yung dalawa sa likod at as usual nakaearphones lang si Hailey samantalang si Iggy naman ay tahimik lang na nakatulala sa labas. Mukhang hindi sila nagaaway ngayon.


"May alam ba kayong pasyalan dito?" tanong ni matt sa kawalan habang deretso paring nakatingin sa kalsada. Napaisip ako bigla sa tanong pero wala akong alam. Minsan nalang kasi ako maglayas.



"Sa park?" suggestion ni Iggy sa likod. "Anong gagawin natin don?" tanong sa kanya ni Hailey na ikinalingon ko. Mukhang magsisimula na nga po ang away. 


"Sa may playground nalang" suggestion ng best friend ko. Tanging sila lang dalawa ang nagsasalita sa oras na to at wapakels lang kaming dalawa ni matt.  "Puro bata kaya dun. Tsaka di ka na bata" sagot naman ni Iggy.  Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa tuwing nagaaway. Di ko alam kung may something na ba o ano. 



"Eh san mo ba gusto?" dagdag na tanong ni Hailey.

"Sa piling mo"


Napangiti nalang ako sa kawalan dahil sa banat ni Iggy. Lumingon ako ng bahagya kay Hailey na natameme na at nakaiwas nalang ng tingin sa mga oras na to.


"Joke lang. Umasa ka naman" natatawang sagot ni Iggy sa likod habang nakatingin kay Hailey. Hindi na sumagot ang loka at nakaiwas lang ng tingin hanggang ngayon.  Kilala ko yang best friend ko kaya alam kong umasa siya kahit konti lang.

Makalipas ang ilang minuto wala na uling nagsalita samin kahit si matt.  Di na rin naman ako nagabala pang magsalita dahil baka wala lang pumansin sakin. Napansin ko lang na parang ang layo ng nilalakbay ngayon dahil parang kanina pa nagmamaneho si matt.  Sa pagkakaalam ko, medyo malapit lang ang park at playground sa campus , depende nalang talaga kung san kami pupunta ngayon. 



"Nasan tayo?" pabulong na tanong ko kay matt kahit hindi naman kailangan.  Lumingon siya ng bahagya sakin at tumikhim.  Ngayon ko lang napansin na nakatigil na pala ang sasakyan.



"Wow! San to bro? ang ganda" hinanap ko kung sino yung nagsalita at si Iggy pala. Nasa labas na silang dalawa ni Hailey samantalang akmang palabas na din si matt.  Wow ha, di talaga sinagot yung tanong ko. 



Napanganga nalang ako ng makita ang ganda ng nasa paligid namin ngayon.  Di ko alam kung nasaang lupalop na kami ng bansa pero wala na akong pakialam basta ang ganda.  Nandito kami ngayon sa parang resort ang sobrang ganda ng sunset sa mga oras na to.  Mukhang tamang tama talaga ang pagdating namin sa paglubog ng araw. 



"Kaninong resort to?" ako na ang nagtanong dahil baka kung sino pa ang may ari nito at makasuhan pa kami ng trespassing. Mahirap na,  ayaw ko makulong, marami pa akong gustong gawin sa buhay. 



Napansin ko na kami nalang pala ni matt ang natira dahil bigla na lang tumakbo yung dalawa papunta sa tabing dagat at naglandi ng tubig.  Psh. Mga isip bata talaga. 


"Samin" nakangiting sagot niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Sa sobrang tagal na naming magkakilala ngayon ko lang nalaman na may resort palang nageexsist na pagmamay-ari nila. Pero sabagay parehas naman silang magkapatid,  hindi masyadong makwento sa ganitong bagay.



"Ang ganda" manghang tugon ko habang nakatingin sa malayo.  "Mas maganda ka parin" ani niya sabay tawa.


"Wala akong pera"


"Totoo naman ah. Bakit? Ayaw mo ng maganda ka?" pangasar na tono niya sakin pero di ako sumagot.


"Edi ang pangit mo Gabby" natatawang saad niya habang nakatingin sakin ng nakakaloko. "Ganyan ka!" nagtatampong tono ko sa kanya. Para tuloy akong tanga dito.  Nagtatalo kaming dalawa dahil lang sa kapangitan ko. Ano namang big deal dun diba? Eh totoo namang maganda ako.  Hahaha.

"Maganda ka nga" seryosong  tono niya. 

"Sssshhhhh tara na nga" ani ko sabay palihim na nakangiti habang natakbo.  Hindi na ako nagabala pang hintayin siya dahil baka makita niya pa ko.

Yohan's POV

Nandito ako ngayon sa office ng adviser namin dahil may inuutos siya sakin na kailangang gawin. Uuwi na sana ako kanina pero nakasalubong ako ni ma'am kaya sakin na niya binigay yung dapat gawin.  Hindi naman ako makatanggi kay ma'am dahil nakakahiya.  Wala na namang ibang tao sa room na pwedeng asahan dahil mabilis silang nagsialisan at ako nalang ang natira. 


Ako si Yohan Marquez.  Isang butihing magaaral ng XH university at kabilang sa worst section. Masasabi ko ding isa ako sa mga estudyanteng madalas utusan ng teacher.  Hindi ko alam kung ano bang meron sakin kung bakit ako nalang lagi.  Napakawalang ugali ko naman siguro kung tatanungin ko pa yun.  Basta ang sakin lang, ginagawa ko nalang ng maayos ang inuutos sakin.



"Iho pakisabi nalang sa mga kaklase mo gawin agad yan ha" ani ni ma'am kaya tumango nalang ako. Katatapos ko lang kasi sulatin yung dapat naming gawin bukas dahil baka matagalan daw si ma'am makarating, may meeting yata eh. 



"Sige po" magalang na tugon ko kay ma'am sabay tuluyang lumabas ng office niya.  Deretso na akong naglakad at siningit muna ang papel na hawak ko sa aking isang libro, baka kasi mamalad pa.



Minsan nga pala, naiilang na din ako tanggapin ang mga pinaguutos sakin ng mga teachers. Nakakaramdam rin naman ako ng katamaran kaso di ko lang talaga alam sa sarili kung bakit pag inutusan ako automatic na susunod nalang ang buo kong diwa.  Alam ko namang iniisip ng iba kong mga kaklase na sipsip ako dahil ako na lang lagi ang nakikita. Hindi naman ako tanga para hindi sumagi sa utak ko ang ganong bagay.  Pero wala naman akong pakialam,  isipin nila gusto nilang isipin basta ginagawa ko lang ang tama at hindi ko sila pinakielaman.



"Sa Osmenia street po manong" mabilis akong sumakay ng taxi dahil baka gabihin pa ako kung lalakarin ko pa. Hindi na nagsalita si manong at pinaandar nalang ang sasakyan. 

Continue Reading

You'll Also Like

89K 761 110
Sa bawat salita at linya ay may tinatagong pahiwatig ang nakakubli basahin ng taimtim nang malaman mo ang kuwento ng manunula(t)
2M 92.1K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
178K 7.1K 31
Dedicated sa mga nabitin sa music video ng love warning :)
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...