Just Once (gxg)

By _yeyen

372K 6.4K 196

Mahal ko siya pero paano kung minahal lang niya ako dahil sa text? Titigil ba ako o gagawin ko lahat para mah... More

Text with you
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Ending
Author's NOTE

Chapter 13

11.6K 187 10
By _yeyen

“Anak andito na si Butler Kim” sabi ni Mamay habang sinusout ko ang sapatos ko

(Outfit of Ren is on the multimedia section)

“Okay May” sabi ko

Umalis na si Mamay sa kwarto ko

Matapos kong tignan ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako

“Good Evening Young Master” sabi ni Butler at nag bow

“Good Evening butler Kim, kumusta kana?” tanong ko at yumakap dito

“Mabuti naman po, salamat po sa pagtulong niyo kay Marjorie about sa scholarship niya. Malaking tulong rin po sa amin yun. Atsaka hindi naman po kailangan sa Luces pa siya pumasok pwede naman pong sa isang maliit na unibersidad siya pumasok.”

“Wala po yun, masaya ako kasi nakatulog ako sa inyo atsaka kung sa Luces siya gra-graduate ay maraming employee ang agaw sa kanya lalo na at DL pa siya. Anong year po ba ang pangalawa niyong anak?”

“Mag ka-college na rin po young master” sabi nito at yumuko

“Magsabi ka kapag naka graduate na siya ha, akong bahala sa kanya”

“Salamat po young master” sabi nito at nagpaalam na pupunta na siya ng kotse

“Hoy Jay tara na?” sigaw ko

“Anak, mag enjoy kayo dun ha?” sabi ni Mamay

“Text lang po ako kapag papauwi na kami, bibili ako ng siopao para sayo” sabi ko at humalik sa pisngi niya

“Naku wag na, magpapaluto na lnag ako sa chef niyo” sabi nito at tumawa

“Chef?” taka kong tanong

May Chef ba kami? Wala naman ha?

“Wala! Sige na at baka naghihintay na ang Dad niyo”

“Ate okay na ba ang suot ko?” tanong ni Jay

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa

“Hmm, wag mong itali ang buhok mo” sabi ko dito

Sinunod naman niya ang sinabi ko

“Okay na?” tnong niya ulit

“Better”  sabi ko at ngumiti

“Tara na?” sabi ko

“Mag enjoy kayo ha?” sabini Mamay na inatid pa kami sa labas ng bahay

“May mag lock ka ng pinto May ha?” sabi ko

“Okay anak” at ngumiti ng malapad

Ano kayang ibig sabihin ng Chef? Hmm

Nagpa-alam na kami sa kanya  at nagbyahe na papunta sa isa sa mga branch ng restaurant ni papa dito sa pinas.

Pumasok na kami ng resto at ginuide kami ng mga waitress

Pumasok kami sa isang VIP room at nakita ko ang isang magandang lalaki na kahit 50’s na ay kita mo pa rin ang tindig dito.

“Good Evening dad” sabi ko at humalik sa pisngi dito

Niyakap niya ako at ganun rin ang ginawa niya kay Jay

“Kumusta na kayo? Ang tatangkad at gaganda na niyo ha?” sabi nito

“Mabuti naman Dad, namiss kita” sabi ni Jay at niyakap ulit si Dad ng mahigpit

Kita mo na namiss rin kami ni Dad kasi ang  lapad ng ngiti nito

Umupo  na kami sa hapag

“Ay nga pala, Dawn can’t come kasi may emergency meeting sa isa sa mga branch niya dito.” Sabi ni papa at uminom ng wine

Tumango lang kami

Kahit 18 pa lang si Dawn namamahala na siya sa restaurants ni Dad, alam kong ako na ang susunod

Natatawa ako kasi yakap na yakap talaga si Jay kay Dad, namiss siguro niya ito

“Tahimik ka Ren?” tanong ni dad

“Nothing Dad, I just miss you”

“C’mon give your old man a hug”

Niyakap ko siya ng mahigpit

The man who accepted me heartedly

“Tara na at gutom na ako”

Napatawa lang kami at sinerve na ang foods

Tahimik lang kami sa hapag ng biglang magsalita si Dad

“Ren, I want to talk to you about serious matters”

“Ano po yun Dad?”

“After you graduated on college, I was hoping if you can take your masterals on canada and at the same time ay you will be trained in my company.” Sabi nito

Tahimik lang akong nakinig sa kanya

“But that’s a year from now dad” sbi ko na lang

“Alam ko, I just want na sabihin to sayo ng maaga” sabi niya and give me a assuring smile

“Yes Dad” sabi ko na lang

“And by the way, I heard na magaganda ang grades niyong dalawa?”

“Yes Dad” sagot namin ni jay

“Mabut naman kung ganun, Ikaw Jay? What will you be taking up for college?”

“I was planning on Mechnical Engineer Dad.” Sabi nito while slicing her steak

“Taking your mom’s course? Baka na pre-pressure ka lang niyan Jay kasi ikaw ang mamahala ng Construction Firm ni Ellen (Mom)”

“No Dad, it was my idea, in fact I just love engineering”


“Great, now malapit ka ng grumaduate which is 3 months from now ay may advance Graduation Gift na ako sayo”

“Talaga Dad?” sabi ni Jay at napalaki ang mata sa narinig na balita

“Eh ang aga pa Dad ha?” angal ko

“Blee!” sabi ni Jay

Tumawa lang si Dad at may kinuha sa bulsa niya

“Okay first is, by now ay nasa bagong bahay na ngayon si Angeline. . .” sabi nito and look at his watch

“WHAT??!” napa sigaw kami ni Jay

“Yes, Angeline is happy for it lalo na malapit lang ito sa Schools niyo. And Second. . .”

“Oh My God! May pangalawa pa Dad?” maarteng sabi ni Jay

Napatawa lang kami sa sinabi niya

“Second is here is your new chevrolet car Jay, everything is fix. Driving License na lang ang kulang. My assistant will contact you anytime.” Sabi ni Dad at binigay ang susi sa bago niyang kotse

Hindi nakapag salita si Jay

“Ano ayaw mo?” asar ni Dad

Napatawa ako kay Dad kasi bigla na lang siyang hinalikan ni Jay sa mukha at yumayakap dahil may bago na siyang kotse

“Thank you dad, thank you talagaaa!!” sabi niya

“Okay for you Ren, here is your credit card at keys for your new baby” sabi niya at binigay ang isang card at susi

O___________________O

“Uhhh! Bakit may Credit card na si Ate!?” maktol ni Jay

“Kasi alam kong kailangan niya yan sa mga dates niya” sabi nito at kumindat sa akin

“WAAAH!! THANKK YOUUUU DAAAD!!”

“O sya baka mabura na ang mukha ko sa mga halik niyo, Haha”

Sabay na kaming napatawa sa sinabi ni Dad.

--

Natapos ang dinner namin ni Jay na masaya at excited.

Andito kami ngayon sa kotse papunta sa bagong bahay namin, exclusive subdivision siya malapit sa University na pinapasukan namin.

“Kaya pala parang masaya si Mamay habang nagluluto kami kahapon” sabi ni Jay

Tanging ngiti lang ang sinagot ko kay Jay

Hindi pa rin ako makapaniwala na may bago na naman akong kotse, makukuha ko raw yun bukas pati na rin si Jay pero hindi pa siya pwedeng mag-drive

Last Car ko ay na confiscate ni Dad kasi nakuha ang Driving license ko due to over speeding, eh nagawa ko lang yun kasi inatake ng hika nun si Jay. Hindi naman masama ang loob ko nun kasi alam kong mali pa rin yung ginawa ko. Hay anyways

Pumasok na kami sa isang exclusive subdivision

“Kayo po ba ang Zarcon siblings?” tanong ng guard ng binaba ni Butler Kim ang bintana niya

“Kami po” sabi ko

“For security reason po, pwede po bang makita ang ID niyo?”

Binigay ko sa kanila ang ID ko at pinapasok naman kami

Mahigpit ang security dito at may mga guard rin na nagbi-bisekleta kahit gabi na

Maganda ang mga bahay dito, ang lalaki.

Lumiko ng konti si Bulter Kim at itinigil ang sasakyan

“Andito na po tayo Young Masters” sabi niya at bumaba ng kotse

Bumaba na rin kami at napalaki sa mata ang nakita

2 story house ito at makikita mo ang garden at pool sa kilid nito.

Masyadong malaki para sa aming tatlo, malaki ang gate at siguradong mapupuyat si Mamay nito na maglinis hehe

Nagdoor bell si Bulter Kim at may nagsalita sa isang intercom

“Sino po sila?” tanong ng isang lalaki

“The Zarcon’s have arrive” sabi ni Bulter Kim

Bumukas ang gate ng automatic at pumasok na kami

Sa pathway kami naglalakad

“Totoo ba to?” sabi ni Jay

“Sampalin mo kaya ako ate?”

Pak

“Totoo nga!”

“Kahit po ipark niyo sa labas ang kotse niyo po ay hindi po ito mananakawan, mahigpit ang security dito at may hidden cctv lahat ng lugar”

Tahimik lang akong nakamasid sa lugar, ang ganda talaga

Sa right side ay makikita mo ang Garden at may swing ito. Sa left naman ay isang pool

“Ilang feet yan Butler Kim?” tanong ko

“6 ft po young master”

“WOOW!” sabi ni Jay

Pumasok na kami sa bahay at bumungad ang 2 babae at isang lalaki,  naka suot ng maid uniform ang dalawa ang isa naman ay chef’s attire

“Young Masters heto po ang mga katulong niyo si Inday at Baeng at ito naman po ang chef niyo na si Chef Robert. Isa sa mga chef ng restaurants niyo. At ako naman po ang magiging bulter niyo simula ngayon po.” Sabi ni Bultler Kim at yumuko sila ng sabay

“Welcome Young Masters!” sabi nito ng sabay

“Hi ako si Ren at ito naman ang kapatid ko na si Jay, salamat po sa pagwelcome” sabi ko at nagbow rin

“At meron po kayong 2 security guard for your security, nasa itaas po ang kwarto niyo young Masters” sabi ni Butler Kim

“Uhm Butler Kim?” sabi ni Jay

“Ano po yun young master?”

“Asan po si Mamay?”

Oo nga noh?

“Si Madam Angeline po ay nasa kanyang silid po, ipapatawag ko po ba?” sagot ng isang maid na si Inday

“Wag na lang, samahan mo na lang ako at para maka tour na rin ako dito.” Sabi ni Jay

“Sama ka ate?”

“Susunod ako, I have to check out my room first” sabi ko at ngumiti

“Ako na po ang magdadala sa’yo young master” sabi naman ni Baeng

Sumunod lang ako sa kanya

Umakyat kami sa hagdan at makikita mo ang isang mini sala at may isang kwarton sa right na open ay makikita mo may arcade games. Yung makikita mo sa Timezone? Sa  left naman ay may apat na  pinto.

Nakita ko si Inday na nakatayo sa labas ng isang pinto

“Unang pinto po ay kay Madam Angeline po” sabi ni Baeng “sunod po ang sa inyo at kay Master Jay at ang huli ay guest room po”

“Sige, dito na lang ako. Salamat”

Yumuko ito at umalis na

Kumatok ako  at binuksan ang pinto

“Oh Ren? Nagustuhan mo ba ang bagong bahay natin?” sabi ni Mamay na naka upo sa kanyang bed katabi si Jay

“Maganda mamay” sabi ko at ngumiti

“Antok ka na ba?” tanong ni Mamay

Medyo antok na rin ako kasi wala pa akong pahinga mula umaga

“Wala pang pahinga si Ate simula umaga siguro mamay, may game kasi sila kaninang umaga” sabi ni Jay

“Ganun ba? Sige pumanhik ka na sa kwarto mo at nandun na lahat ng gamit mo. Babalik tayo bukas sa  bahay para kunin yung mga importanteng gamit niyo ha?” sabi ni Mamay

“Opo May” sabi namin at humalik na sa pisngi

Lumabas na ako sa kwarto ni Mamay

Pumasok na ako sa kwarto ko at namangha

May veranda ako! Yahoooo si Mamay kasi wala hehe

Simple lang ang kwarto ko,Sky blue ang theme ng room ko. Pagbukas mo makikita mo ang bed for two adjacent to the TV set.

May isa pang pinto na malapit sa veranda

CR pala sa kanan at kaliwa naman ay walk in closet, nandun na lahat naka lagay. By color and uses. Alam ni Mamay na medyo OC ako pagdating sa closet ko si Jay lang naman ang burara sa aming dalawa.

Lumabas na ako sa closet at pinuntahan ang veranda ko, sliding door ito at may isang bench sa labas nito.

Alam talaga ni Dad na mahilig akong mag-isa at tahimik. Napangiti ako kasi kahit malayo siya sa amin ay marunong pa rin siyang bumawi

Ring

Ring

Dad Calling

“Hello Dad?”

“I guess tapos na kayong magtour sa bago niyong bahay?”

“Salamat po sa lahat Dad”

“Wala yun anak, kahit malayo ako sa inyo ay gusto kong bumawi sa inyo”

“Anak , I want to tell you about something”

“Ano po yun dad?”

“This Friday ay may gaganapin na business world party. I want to bring you ang Dawn. Ipakilala ko na ang mga soon na mamahala ng kompanya ko.”

Hindi ako nakasagot

Kaya pala lumipat kami ng bahay at nagkaroon ng security at butler kasi ipapakilala na pala ako ni Dad sa corporate world

Alam kong manyayari to kaya bata pa lang ako ay nag-aral ako ng mabuti at inalam lahat ng business ni Dad. Oo, inalam ko lahat para hindi ako maging isang kahihiyan someday.

“Anak are you still there”

“Yes Dad, andito pa po ako”

“So what can you say?”

“Okay po, payag na po ako”

“REALLY?! Salamat anak, akala ko hindi ka pa handa anak.”

“No worries dad, malaki ang utang na loob ko sa’yo kasi tinaggap mo ako dad at kahit malayo ka ay mahal mo pa rin kami ni Jay”

“It is my duty to be your father Ren, at hindi ko kayang mawala ang unico iho ko. Hahahaha”

Napatawa na rin ako

“Good Night Anak, Sa Friday na gaganapin ang event. Butler Kim will tell you all about it okay? Good Night and I love you anak”

“Okay, I love you Dad”

 -----------------------------------------------------

Done Editing

VOTE AND COMMENT GUYS 

Continue Reading

You'll Also Like

388K 8.3K 44
I love you but you can't love me back.
417K 7.3K 61
Have you ever heard about Love Triangle? two girls in love with one person at the same time? What about one gorgeous girl who made three girls fall i...
23.9M 386K 60
(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin...
13.6K 61 1
"Gusto ko ng tanggapin na wala na talaga. Ang kaso, sa presensya palang niya ay nagwawala na ang puso ko't umaasa." - Weirdo "You're confusing me, Mo...