Gangster's "I Hate You"

By chuporybeer

146K 1.6K 452

[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is un... More

[Prologue]*
Chapter 1 [What Happened?]*
Chapter 2 [Present Time]
Chapter 3 [First Day of School]*
Chapter 3 [First Day of School] (Part two)
Chapter 4 [Batch election. Meet... who?]*
Chapter 5 [Explosion (~~,)]*
Chapter 6 [He's a GC...] (Part one)
Chapter 6 [He's a GC...] (Part two)*
Chapter 7 [Answers to my Questions]*
Chapter 9 [Déjà vu?]*
Chapter 10 [Bakit sila pa?!]
Chapter 11 [Deadly Desserts]*
Chapter 12 [Baliw -.-]
Chapter 13 [Friday, Fried day!]
Chapter 14 [What's in the eyes.]*
Chapter 15 [Sister]*
Chapter 16 [Change the World =.=]*
Chapter 17 [Wicked Angels]*
Chapter 18 [We did it!]
Chapter 19 [Valentines Day :">]
Chapter 20 [Way back into Love]
Chapter 21 [Say Huwaaat?!]
Chapter 22 [Can't be Moved]
Chapter 23 [What a SURPRISE!]
Chapter 24 [Breakeven]
Chapter 25 [New but Old]
Chapter 26 [Power of Love]
Chapter 27 [Acceptance]
Chapter 28 [A day to remember]
Chapter 29 [Moving Closer]
Chapter 30 [Status: Compl...]*
Chapter 31 [TCC :">]
Chapter 32 [Raise Your Glass]
Chapter 33 [Ow-key? .__.]*
Chapter 34 [The Merge]
Chapter 35 [CMFT...WLUBMYGF]*
Chapter 36 [Realization and Expectations]
Chapter 37 [Starts with the Letter W] (Part1)
Chapter 38 [I Lied] (Part 2)
Chapter 39 [Sing it from the heart]
Chapter 40 [That Ikikikikik >.<]
Chapter 41 [Story of Us]*
Chapter 42 [Ghost]*
Chapter 43 [Guardian Angelsss]
Chapter 44 [Best best best]*
Chapter 45 [Le Visitors]
Chapter 46 [Official]*
Chapter 47 [The Right Time]
Chapter 48 [Suddenly]
Chapter 49 [Freedom]
Chapter 50 [Richard Flores]*
[EPILOGUE]
Special Chapter [New Lives are Formed]

Chapter 8 [Chismosa]*

3.3K 43 10
By chuporybeer

Dedicated sayo ate... kasi ang sipag mo. Haha. Saka ang ganda ng 'This is US' mo :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Chismosa]


Hoooo. !

Kakaiba ang pangyayari kahapon... Buti nalang at naisipan nilang gawin yun. Takot rin pala sila eh. Haha.

Ooooy. Aminin… Curious ka sa kahapon. Fine. Ishe-share ko na.

Okay... Ganito kasi yun.

*Flashback*

Naglalakad na ako papuntang next subject...

Habang iniisip yung mga nakalimutan kong itanong kay Drake.

"Ms!" Ha? Ang ingay naman nun.

"Ms. President!" Napalingon ako kung saan galing yung tumawag...

Anakngtokwa! Yung 3 lalaking kasama ng mga froglets. May onting pasa sila sa mukha. Napano kaya yun? Natamaan ng piece ng table? Hindi naman eh Saktong nahati sa dalawa yun eh. Ay paki ko ba... Galit nga ako dito eh. Hmp!

"You again... I don't want to make som--" Pinutol nila ang sinabi ko dahil...

O__O

EH?!

"Ms. President, sorry na po. Please. Patawarin niyo na po kami. Huhuhu. Plea--"

"H-hoy! Tumayo na kayo jan. Okay na. Para kayong baliw jan! Tayo na!" Pagkatapos nun, iniwan ko na sila.


Naawa ako sa kanila pero hindi yun ang pinaka dailan kung bakit ko sila pinatawad agad.

Kakagulat naman kasi! Lumuhod ba naman sa harapan ko? At nag-act ng parang sumasamba. Parang ewan lang.


Sino ba naman ang hindi maguguluntang dun diba?


Pero in fairness ngayong araw... Okay na.

"MS. PRESIDENT! Thank you po!" May pahabol pa.. Tss. 

Itinaas ko lang ang kanang kamay ko like saying that it's nothing.

Natapos ang araw na wala naman ulit nanggulo sa akin. Kung meron pa? Ewan ko nalang talaga.



*End of Flashback*

So ayun na. Nafe-feel ko naman matatahimik na ang buhay ko dito sa school na to.

And Tuesday na ngayon. Nandito na kami sa school.

"Bye Chessa."

"Bye po Tita. Ingat po." Nagbeso na kami ni Tita.

"Kaw din." Sinara ko na ang pinto ng kotse at umalis na.

Dumiretso na ako sa office dahil nag-text si Tita Ana na may sasabihin daw siya sa akin.

*TOK!TOK!TOK!*

Binuksan ko na yung pinto at nakita si Tita Ana.

"Tita?"

"Chessa. Ikaw pala. Halika muna dito." Pinaupo niya ako sa couch na malapit lang din sa table niya.

Umupo naman ako kaagad. Medyo maaga pa naman

"Chessa... Nabalitaan ko yung nangyari kahapon ah." Sh*t! Nakakahiyaaaa.

"T-tita, sorry po talaga. K-kasi po yung mga--"

"Wala yun. Natuwa nga ako eh. Siguro naman mababawasan na din ang bully. Hahaha. Pero Chessa... may mas ikinatutuwa pa ako." Huh? Ano naman yun? Ang weird nila ni Tita Alice. Hindi sila nagagalit sa kalokohan. No wonder kung bakit si Tita Ana yung tinakbuhan ni Drake noon.

"Ah... Ano naman po yun?" Nagtataka kong tanong.

"Nagka-usap na pala kayo ni Charles. Buti naman at naging maganda ang unang niyong pagkikita. Hihihi." Ay? Kala ko naman kung ano.

"Ah. Si Drake po. Opo kahapon. Nagulat nga po ako nung malamang pamangkin niyo pala siya. Saka po medyo pareho din pala kami ng pinagdaanan. Hehe."

"Hahaha. Oo nga. Nakakatuwa. Parang destined kayo. Yieee." Hala kinilig? "Anyways, half day lang ngayon. May emergency meeting kasi ang mga heads eh. Ikaw na bahalang magsabi sa mga PIO ng bawat batch ha. Thanks. Ingat hija."

-___- Disadvantage ng pagiging president. Lagi kang mauutusan. Haist. Okay lang.

"Sige po Tita. Ako na pong bahala magsabi." Inabot na sa akin ni Tita yung folder kung nasaan yung mga listahan ng officers ng bawat batch. And lumabas na ako.

Hmmm... Sakto! Magkalapit lang ng rooms ang PIO ng 1st and 2nd year.

Pumunta na ako sa 3rd floor at sinabihan na yung dalawang PIO.

"Next 3rd year... 4th floor? Rm 410? Ayos lang. Malapit na rin to sa room namin. 411 kasi sa amin." Yan na lang ang nasabi ko.

Ayon! 410!

Kumatok na ako.

May dalawang babaeng nag-uusap sa may pinto kaya sila yung kinausap ko.

"Excuse me... nanjan ba si Mr. Rosales?" Nagkatinginan naman sila.

"Mr. Rosales? Sino yun? Di ko kilala eh." tanong nung isa. Kaya nga kita tinatanong kasi di ko rin kilalan eh. Pasaway ka ate.

"Ang alam ko, he's a 3rd year student." sabi nung maputing babae. T-teka...

Ang alam ko, he's a 3rd year student.

"B-bakit? H-hindi ba to 3rd year?" tanong ko dun sa maputi.

"Nope. 4th year kami. Section B to.Sorry if hindi namin suot yung mga I.D namin. Magpapalit pa kasi kami ng P.E uniform eh. Baka nagkamali ka lang Ms. President." Paliwanag niya.

Ano daw nagkamali?

Tinignan ko ulit yung folder... 

"Ah..hehe. Nagkamali nga. 401 pala. Sorry."

Arrgghhh! Tanga nga naman oh. Kaya pala nagtataka ako kung bakit magkatabi ang room namin. Mali pala ako ng tingin. 

"Haha. Okay lang. Anubayan. Mapapagod ka pa niyan. Sige ingat nalang." Nag-nod ako at tumakbo na.

Section B pala yun. Buti nalang mabait sila. Lalo na yung maputi. Wala atang connected dun kay Raiza eh.

Naalala ko rin nung batch election, sa kanila din galing yung ibang positive comments.

Pero kahit na! Nakakahiya parin yung nangyari! >_<

Sa WAKAS!!! Nasabihan ko na yung 3rd year at naglakad pabalik ulit sa room.

 Ang layo na naman ng lalakarin ko >__< 411 pa ang room namin. Pabalik balik na ako ah!

Room 405...

Lakad...

406...

Lakad...

407..

Lak--

"G*go pala siya eh! Humanda talaga siya."

"Sigurado ka na ba jan tol?"

"Oo! Mamayang uwian. Sa hide out. Sa pagkakaalam ko, half day lang ngayon. Hah! Akala niya basta basta nalang akong magpapatalo? Lintik lang ang walang ganti."

Sumilip ako sa may bintana ng room para makita yung nasa loob.

Ako na Chismosa!

Ayun nakita ko ang dalawang lalaking nag-uusap. Pero di ko makita ang mukha kasi naka-side view. Basta may hikaw na bungo ang design yung isa sa kanila. CREEPY.

"Tss. Sige tol. Sabi mo eh. Tutuluyan ba natin?"

"Hindi naman. Yung aabot lang sa malapit na siyang mamatay.Tsk. Tara na nga."

*eeennnkkk* pagbukas ng pinto.

Oh damn! Takbooooo!!!

Hoo! Muntik na yun ah. Buti na lang di ako nakita nun. Pero grabe pala talaga ang mga estudyante dito. Basta may pera, nawawalan ng takot. Mamayang uwian daw yun.

Siguro may bubugbugin sila. Kailangan kong maging alert. Psh. Masama ang kutob ko eh. Parang grabe ang galit ng mga yun dun sa bubugbugin nila. Kailangan mapigilan ko yun. Mahirap na. Baka madawit pa ang pangalan ni Tita Ana. At pagnagkataon, malalagot talaga sila sa akin.

Baka hindi ko mapigilan... babalik si Keres. Nako! Ang dami ko nanamang naiisip. Magpapakabait na nga ako tapos ang dami pang tukso. Namimiss ko pa man ding makipag-away. Tss.

T-teka... Bat parang ang tahimik?

Onti onti akong lumingon sa classmates ko... Letse.

"Oh? Why are you staring at me?" ^_~

Nag-iwasan naman sila agad. 

>_>

>_>

>_>

Para nga naman akong tanga. Tss. Buti nalang effective yung pagtataray ko at hindi ako masyadong mapapahiya.

Ah oo nga pala! Yung sasabihin ko sa PIO. Muntik ko ng makalimutan.

"Where is Nech Dublois?" Ang kulit Nech lang talaga name niya? Hehe.

"W-why?" Hala? Ang hinhin. Hmmm... Buti naman at hindi siya kasama sa pamilya ng froglets. Parang pareho kami in some way. Kaso di ko maisip eh.

"WOAH!!! Look girls. Nagsalita siya oh!" Sigaw ng isang froglet.

"Oo nga! First time." Froglet 2

"HAHAHAHA."  Sabi nila, kaibigan daw tong mga to ni Raiza pero bakit parang di naman? Raiza is nice and kind. Eh sila? Mga haliparot!

"Haay talaga naman. Kayo ba si Nech? Hindi naman diba? So wag kayong sumabat!" Cold kong pagkakasabi. And that shut their up. Pinapainit nila ang ulo ko. Ayaw ko tal--

"A-ano ba yun? Sorry ha. Nadamay ka pa." Andito na pala si Nech. Yun pala yung pareho kami. Yung binu-bully. 

"It's okay. I know how you feel. Anyway, pinapasabi ni Ti-- este Madam na half day lang daw ngayon dahil may emergency meeting ang mga heads. So ikaw na bahala mag-announce. Sabihin mo na rin na wag silang mag-ingay."

"Ah. S-sige." Ang hinhin talaga eveeeeer. 

"Excuse me..." Lumingon naman siya. "No offense, pero paano ka naging PIO sa hinhin mong yan? Gusto mo ba ako nalang?" Srsly. Nakakagulat talaga. Paano kaya siya mag-announce? Haha. Ang bad ko. Pero I like her. I want her to be my friend.

Ngumiti siya bago sumagot.

"Sasabihin ko yung reason, next time. Don't worry. I can manage to. Thank you ha." Oooh. Na-starstruck naman daw ako don. Ay bahala na. Good luck sa kanya.

Hindi na ako sumagot at bumalik na sa upuan ko. Siya naman, lumabas na. Ia-announce na siguro niya.

Naisip ko lang yung kanina... Paano kaya kung ako yung bubugbugin? Okay lang naman eh. Kaso ayaw ko talagang gumawa ng gulo.

Teka... 4th year yun eh. Sino nga ba mga may galit sa akin? Hmmm...

Sa section A, kalahati siguro...

Section B, wala naman siguro. Nung election palang parang wala na talaga silang pakialam kay Raiza eh. Masaya pa nga sila eh. Saka kahit hindi man ako yun, hindi talaga taga dito kasi mukhang mabait lahat.

Section C, malamang meron. Eto yung pinaka maraming sigaw ng name ni Raiza eh. Saka may froglets din dito.

Section D, wala naman siguro. Kung si Drake ay isa sa mataas don, at hindi siya galit sa akin, mataas ang possibility na hindi sila galit. Saka mabait si Drake kaya malamang, napapasunod niya to na maging mabait din.

Sooo... Kung sakali man... Nasa section A and C lang yun. Pero wala sa A. Kasi pagpasok ko, kumpeleto na kami. So wala dito yung nag-uusap. Nasa C.

Sino nam--

"Good morning class." 

"Good morning mam/sir!" Si baklang teacher. Hahaha. 

"Okay. You may sit."

"Today we're going to... Blah blah blah..."

*Yawns*

Kaantok na naman! Napag-aralan ko na yan -___-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bat ang hilig kong madaling araw naga-update? xD

Maikli lang siya. I know. Parang clue po kasi to eh. Basta ganun. Abangan nalang po sa next chapter :))

Ang problema...baka matagalan ulit makarating ang next chapter na yon. Basta. Jan lang kayo ha. Wag kayong aalis T^T SALAMAAAT :*

Votes and COMMENTS :D

Lovelots, chuporybeer :) <3

Continue Reading

You'll Also Like

41K 529 81
Everyone deserves a better story and to have a happy life. Everyone deserves to show their real personalities, deserves to be treated like a Queen. E...
211K 1.1K 7
Siya si Alexandria Reyes. Ang babaeng walang pahinga. Dakilang raketera ng century. Kung saan pwedeng kumita nandun din ang lola niyo. Sale...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...