GENASI

By Purpleblackyprincess

87.8K 1.8K 92

This book includes Season 1 to Season 2. More

DISCLAIMER
Umpisa: Dejavú
Pangalawa: The forgotten world
Pangatlo: Mysterious Creature
Pang-apat: New note
Panglima: Toril
Pang-pito: The sun and the moon
Pang-walo: The truth about Affiana
Pang-siyam: Plan
PANG SAMPU: ESCAPE TOGETHER
Pang labing-isa: ALAGHON
Pang labing dalawa: Anonymous shadow
Pang labing-tatlo: Selene's Anger
Pang labing-apat: School of Magic
Pang labing-lima: Conclave of Silverymoon
Pang labing-anim: First day
Pang labing-pito: Club members
Pang labing-walo: Aeris bit the dust
Pang labing siyam: Faerun
Dalawampu: Truth
Dalawampu't isa: Found by Rey
Dalawampu't dalawa: The note
Dalawampu't tatlo: Aeris death
Dalawampu't apat: Resort
Dalawampu't lima: The Propechy
Dalawampu't anim: Euphie's Awakening
Dalawampu't pito: Chaos
Dalawampu't walo: Who killed Aeris?
Dalawampu't siyam: Zakhara
Tatlumpu: The birth
Tatlumpu't isa: New life
Tatlumpu't dalawa: Sacrifice
Tatlumpu't tatlo: Bridget's life
Tatlumpu't apat: Bri's decision
Tatlumpu't lima: Hartred

Pang-anim: New Beggining

3.4K 92 2
By Purpleblackyprincess

:New Begginning

Hindi ko na alam ang dapat gawin o isipin. I know Daphne will handle herself. May ipon naman kaming dalawa at maari niya iyong gastusin. I just can't believe na umalis man lang ako ng hindi niya alam at kahit ako ay walang idea kung kailan ako makakabalik sa amin.

Ginapangan ako ng pagsisisi. Sinabihan na ako ni Clyde na huwag ng pumunta pero dahil matigas ang ulo ko ay pumunta pa rin ako.

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Hindi ko alam.

Napatingin ako sa mga katulong na nag di-dilig ng halaman sa palasyo.

Nakasilip ako sa bintana habang ang mga paa ko ay naka-ekis at ang kamay ko ay nasa baba ko at nakatukod iyon sa may riles ng bintana.

Matapos ang kainan namin kanina ay dito ako agad nag tungo sa lumang kwarto ni Selene na magiging akin na yata. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta kung susubukan ko pang umalis dito.

Atleast here. I knew someone.

Napabuntong hininga ako at napaisip kung bakit ako narito sa lugar na ito. May mission ba ako dito? O baka naman panaginip ko lang ito at kailangan lang akong gisingin ni Daphne?

Kung panaginip ito, napaka realistic naman.

Napalingon ako sa may pintuan ng may kumatok, agad akong lumapit sa may pinto at ibinukas iyon at nakita ko ang nakangiting si Selene sa akin.

"Gusto mo ba sumama sa akin sa pamilihan?" tanong niya. Napangiti ako dahil mukhang may gagawin ako sa araw na ito at hindi lamang ako nakakulong sa kwarto.

"Sige!" masayang sagot ko sa kanya.

"Hintayin na lang kita sa baba," aniya at tumango ako bago isinarado ang pintuan ng maka-alis na siya. Sinabi rin sa akin ni Selene na maari kong gamitin ang mga damit na narito sa kanyang drawer dahil hindi pa naman niya iyon naisusuot dahil sa dami raw ng kanyang damit.

Napatingin ako sa mga damit na naroon at puro ito long dress o di kaya ball gowns. Malayong-malayo sa mga damit na nakasanayan ko.

Wala bang skirts dito or croptops with high waisted jeans at rubber shoes? Iyon pa naman ang mga gusto kong outfit kapag na alis ako. Hayst.

Isinantabi ko muna ang kung anu-anong naiisip ko at inayos ang sarili. Nakita kong bagay ko naman ang napili kong damit. Inilugay ko na lamang ang mahaba kong buhok na natural ang kulot sa dulo.

Nang maging kuntento na ako sa mukha ko kahit lagi naman akong kuntento ay lumabas na ako at nakita kong nasa sala si Selene at nag-babasa ng isang makapal na libro at guess what? Nasa kalahati na siya!

"Selene..." tawag ko sa kanya kaya naman tumingin siya sa akin. She smiled a bit at saka tumayo.

"Bagay sa'yo ang damit na 'yan Euphie."

I smiled at lumapit sa kanya.

"Alam ko," sagot ko sa kanya na ikinatawa niya.

Madaling makagaanan ng loob si Selene. Bukod sa napakaganda niya at napaka-amo ng kanyang pananalita makikita mong isa siyang babaeng may dangal at dapat igalang. She's very loving and humble. She knows how to handle situations. Kahit kakakilala ko pa lamang sa kanya ay iyon ang na obserbahan ko.

I'm observant. Sana lamang ay hindi ako mali ng pag-kakakilala sa kanya.

Lumabas kami ng sabay ni Selene. May naka abang ng kalesa sa amin. Naunang sumakay si Selene at sumunod naman ako sa kanya.

"Ipapasyal kita sa pamilihan, kapag may mga nagustuhan ka wag kang mahihiyang mag-sabi sa akin," aniya.

Tumango ako sa kanya dahil masyado na akong nalibang sa mga tanawin sa labas. Ang mga puno ay napaka-yabong, ang hangin ay napaka-sariwa at ang ulap ay maliwanag.

Ibang-iba ito sa lugar na nakasanayan ko.

Ilang minuto pa ay nakarating kami sa sinasabi ni Selene na pamilihan. Maraming mga kagaya namin na naka-damit ng mahaba. Ngayon ko lang rin pala na realize na ang tatangkad ng mga tao rito sa mundong ito. Hindi naman ako maliit na tao kaya hindi ko siguro agad napansin iyon.

Sumunod lamang ako kay Selene ng mag tingin ito ng mga tela, mukhang ang mga damit niya ay pinasadyang gawa kaya't tela lamang ang binibili niya?

"I re-regalo ko ito sa mga kuya ko, mag-kakaroon ng pagdiriwang sa susunod na linggo," sambit ni Selene habang pinag-mamasdan ang mga tela at marahang hinahaplos ang mga iyon.

"Ano sa tingin mo?" aniya at ipinakita sa akin ang tela. Napakagat labi ako dahil wala akong alam sa mga tela kung anong klaseng tela ang may kalidad kaya naman tumango na lamang ako sa kanya.

"Magandang umaga mahal na prinsesa," bati sa kanya ng tindera ng nakangiti at napatingin sa akin.

"Ikaw ho pala ay may kasama at napakaganda rin niya..." ani pa ng tindera.

"Siya si Hera Constance ng Osses," pag-papakilala sa akin ni Selene at agad namang iniyuko ng tindera ang kanyang ulo sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung dapat ko bang isanay.

"Ngayon ko lamang nasilayan ang Hera ng Osses, ikinagagalak kong makilala kayo, Hera."

Hindi ako naka imik. Nang i-angat niya ang kanyang ulo ay nginitian ko na lamang siya at ipinabalot na ni Selene ang kanyang binili.

"Dito sa mga palamuti sa buhok? Wala ka bang nais?" tanong ni Selene sa akin.

"Ayos lang, hindi naman ako mahilig sa mga ganyan," sagot ko sa kanya.

"Ikaw ay kakaiba, kadalasan sa mga kababaihan ay mahilig sa mga palamuti sa buhok," aniya.

"Mahilig ako sa libro..." sambit ko.

"Ganoon ba? May alam ako ritong bilihan ng libro, tiyak na ikatutuwa mo iyon," aniya at ngumiti na lamang ako at sumunod sa kanya.

To be honest. I really missed my world.

Nakarating kami sa bilihan ng mga libro, totoo nga ang sinabi ni Selene na magugustuhan ko iyon dahil napakaraming libro!

Nakaupo lamang si Selene sa isang bakanteng upuan habang ako ay nag ti-tingin ng mga librong ma a-ari kong bilihin.

Nang may librong nakakuha ng atensyon ko ay kinuha ko iyon. Ito talaga ang balak ko noong una pa 'man ang malaman ang kasaysayan ng kanilang mundo.

Lumapit ako kay Selene at ipinakita sa kanya ang gusto kong kunin na libro.

"Iyan ba ang nais mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mangiti. Napakaganda naman ng babaeng 'to! Nakakatomboy ang ganda niya.

"Oo," sagot ko sa kanya.

"Huwag mo sanang mamasamain, hindi ka ba nakapag aral? Ang kasaysayan ng ating mundo ay natatalakay na sa eskwelahan," sambit niya. Napatingin ako sa libro.

"Uh, paborito ko ang librong ito kaya't nais kong bilhin uli." sabi ko na lamang at ginaya kung gaano siya kalalim mag-salita. Dinaig ko pa ang bumalik sa nakaraan ng kasaysayan ng pilipinas.

"Sige, bayaran na natin iyan."

Sumunod ako sa kanya at binayaran niya ang libro. Nang mabayaran niya iyon ay ini-abot niya sa akin at agad akong nag-pasalamat.

"Ipapahatid na kita sa palasyo, sabihin mo na lamang sa aking mga kapatid, kung sakaling mag-tanong sila ay may pinuntahan ako," sambit ni Selene. I nodded at hindi na nag-abalang mag-tanong sa kanya.

"Mag i-ingat ka," sambit ko at ngumiti sa kanya. "Salamat pala uli dito!" dugtong ko pa at sumakay sa kalesa.

***
Nakauwi ako sa kanilang palasyo. Pag pasok ko pa lang ay nakita kong nakasandal ang isang prinsipe sa may pader habang ang kanyang mga binti ay naka-ekis.

Nang naramdaman niya ako ay agad siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Saan kayo nag-punta?" tanong niya. Siya ang ikatlo sa panganay. Bunso si Selene sa kanilang magkakapatid.

Ang prinsipeng nasa harap ko ngayon ay si Prinsipe Drix Lavrasia.

"Sa pamilihan," sambit ko at pinakatitigan naman niya ako na para bang may hindi ako ginagawang tama.

"Ano iyang hawak mo?" muling tanong niya.

"Libro po," sagot koo sa kanya at agad naman niyang hinila iyon sa kamay ko at tinignan.

"Usong mag-paalam mahal na prinsipe," iritang sambit ko dahil hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.

"Ano?"

"Uso pong mag-paalam," pag-uulit ko sa sinabi kanina at nakita ko ang pag-talim ng tingin niya sa akin.

"Akin na 'to," aniya at nag-umpisa ng mag-lakad palayo sa akin.

What? Anong kanya na yon! Akin yun!

"Akin 'yan!" sambit ko at hinabol siya at ng sandaling kukunin na ang libro ay itinaas niya iyon kaya naman hindi ko nakuha.

Nakita ko ang kanyang pag-ngisi at inilipat sa kabilang kamay niya ang libro nang tangkain kong kuhanin uli iyon.

"Bata ka ba?" iritang tanong ko sa kanya.

"Matanda na ako kesa sa inaakala mo," aniya at tumawa.

"Matandang isip bata!" singhal ko at narinig ko ang malakas niyang pag-tawa.

"Ikaw rin naman! Pinapatulan mo ako,"

"Hindi kita papatulan!"

"Ang sakit naman no'n," aniya at itinigil ko na ang ginagawang pag-kuha sa libro upang makakuha ng tamang tiyempo upang makuha iyon.

Nang sandaling medyo bumaba na ang pag ka-kahawak niya sa libro ay agad ko iyong kinuha.

"Better luck next time," sambit ko at nag-lakad palayo at dinig ko pang inulit niya ang huling sinabi ko na hindi iyon naunawaan.

"Beter lack nes taym?"

Nagkulong lamang ako sa kwarto a inilapag muna ang libro sa may side table. I'll read that tomorrow ang importante ngayon ay makapag-isip ako ng ayos at alamin mula sa sarili ko kung pa-paano ba ako napunta sa lugar na ito.

Hindi kaya't kailangan ko lang balakin kung saan ako unang dinala? At sa kagubatan iyon.

Pero kapag bumalik ako doon ay baka naroon pa rin sila. Ayoko namang ikasal.

Napatingin ako sa kwarto ko ng may kumatok doon kaya naman lumapit ako sa pinto at binuksan iyon ng makita ko si Drix.

"Dito muna ako, mas maganda ang tanawin dito," aniya at walang pasabing pumasok sa kwarto at umupo sa kama.

"Ano nanaman ho ang kailangan niyo mahal na prinsipe?" sambit ko at hindi maiwasang mapairap.

"Hindi po ba at hindi magabdang tignan na nasa silid kayo ng babae?" tanong ko sa kanya.

"Wag kang mag alala, babae ako."

"Ano?!" gulat na sambit ko at malakas siyang napahalakhak.

"Hindi mo nagustuhan, dahil gusto mo ako?" tanong niya kaya di ko naiwasang mapairap.

Hanggang dito ba naman ay nakaka-akit parin ang beauty ko?

"Asa ka," sagot ko sa kanya and then he laughed hard again.

Nag tungo ako sa may salamin at naupo sa bakanteng upuan. Nakita ko ang pag-titig sa akin ni Drix.

"Hindi ka nag mula dito hindi ba?" tanong niya sa akin at napa-kunot naman ang aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.

"Kakaiba lamang ang iyong kilos at pananalita, hindi lang kapani-paniwala na totoong buhay ang Hera ng Osses," aniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ba't dapat alam mo dahil doon ka nag-mula?"

"Kung alam ko, tatanungin ko ba?" sambit ko at natawa naman siya do'n.

"Gisingin mo na lang ako kapag nanjan na si Selene," aniya at humiga sa kama. Nanlaki ang mga mata ko.

"May kwarto ka diba? Doon ka matulog!" sambit ko.

"Mas masarap matulog dito, wag kang maingay ha."

Napapadyak ako sa inis. Ang lalaking 'to! Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko ng makalokohan 'to!

Dahil nakahiga na siya at kanila naman ang mansyon na ito ay hinayaan ko na lang siyang matulog.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Pare-parehas silang mag ka-kapatid na biniyayaan ng ganda at ka-gwapuhan.

Nasaan kaya ang mga magulang nila? Bakit hindi ko sila nakikita?

Ulila na kaya sila?

Nagising ako ng ma-alimpungatan. Nakita kong may nakalagay sa katawan kong kumot at nakahiga na rin ako sa kama.

Bakit ako nandito? Ang huling na a-alala ko ay nakatitig lang ako kay Drix.

Nakatulog siguro ako.

Ang pangit niya kasi masyado. Nakaka-antok.

Inalis ko ang kumot sa katawan ko at bumaba sa kama. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nasa sala si Selene kasama ang iba pang mga kababaihan.

They are beautiful too.

Siguro ay mga kaibigan niya?

"Euphie! Tara samahan mo kami!" imbita sa akin ni Selene. I smiled at saka lumapit sa kanila. Napatingin sa akin ang mga babae. There are 4 girls with her.

"Mga kaibigan ko rin sila. Siya si Heidie, Lia, Aeris at Gwen." pakilala niya.

"Ikinagagalak ko na makilala kayo," sambit ko ng nakangiti.

"Ganoon rin kami Mahal na Hera," sambit nila habang nakangiti rin sa akin.

Lumapit ako kay Selene at bumulong.

"Maari bang sa hardin muna ako? Nahihiya ako sa iyong mga kasama," sambit ko at napangiti naman siya.

"Huwag kang mahiya sa kanila, Euphie." aniya at napangiwi naman ako.

"Pero kung gusto mo na sa hardin ka muna ay ayos lang," dugtong niya kaya naman tumango ako.

"Salamat," sambit ko at tumingin sa mga kasama niya.

"Sa hardin muna ako para makapag-usap kayo ng mas maayos."

Nagtungo ako sa hardin. I saw beautiful flowers and the wind was so refreshing. Umupo ako sa may swing at masayang itinulak ang sarili gamit ang aking paa upang dumuyan iyon.

Agad akong napahinto ng makitang may tao sa may maliit na kubo.

"Si Lawson?" bulong ko sa akin sarili.

Inihinto ko ang pagduduyan at nag-tungo sa may kubo. Pag pasok ko pa lamang sa loob ay nakita kong nakahiga siya at natutulog.

He's sleeping beautifully while his hands on his head.

Bakit kaya dito siya natutulog?

Hindi ko maintindihan ang sarili ngunit naramdaman ko na lamang na kusang lumapit ang katawan ko sa kanya at tumabi sa kanya sa may uluhan nito.

What the heck I'm doing?

A-alis na sana ako ng maramdaman ko ang pag-hawak niya sa aking palapulsuhan.

"G-gising ka pala," sambit ko at iminulat niya ang kanyang mata.

"Hindi ako natulog," maikling sagot niya at napatango naman ako.

Binitawan niya ang kamay ko.

"Kung narito ka upang itanong uli kung na-aalala ko ang bagay na iyon ay i-isa parin ang magiging sagot ko," sambit niya.

"Yeah! Alam ko naman. Hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako nandito." sambit ko at umirap.

"Huwag kang mag-alala, a-alis na ako. Okay?" sambit ko at tumayo at lumabas na ng bahay-kubo ng marinig ko ang pag-tawag niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at nakaramdam ako ng kaba ng kunin niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang clip?

"Sa'yo na yan. Napulot ko lang." sambit niya at nag-lakad na palayo sa akin.

Napatingin ako sa kanya habang papalayo siya. Ang tindig at ang kakaibang aura na nakapalibot sa kanya na nagpapakaba sa akin ay nawala ng hawakan niya ang kamay ko.

Sino ba ang lalaking iyon?

Bakit ganito ang ginagawa at naidudulot niya sa sistema ko?

Am I-- Psycho?

Muli akong napatingin sa clip na ibinigay niya at inilagay iyon sa buhok ko.

This is the first item I received from him in this world. Napangiti ako.

Kahit bawal at hindi ko gusto ang mga ibinigay niya sa akin, ay nagugustuhan ko ito sa hindi malamang dahilan.









Continue Reading

You'll Also Like

104K 4.1K 42
(This is not machine translated!) (Starts from chapter 241.) A guy in his late twenties one day wakes up in someone else's body and realises he's gon...
1.4M 59.4K 95
!!ORIGINAL STORY!! Chae-hee, a Korean woman that escaped her past pains by moving to America. Enjoying her life working hard in a cafe, if she wasn't...
1.1M 38.9K 58
Princess Nymeria is well aware that her kingdom is in decline. It has been for hundreds of years after all. Unlike her ancestors, she's willing to re...