His Sexy Girlfriend (COMPLETE...

By justchin

1.6M 30.1K 3.1K

This is the story of Friendship and Love. Let's throwback the memories of Jd, Ivan and Andrea. More

His Sexy Girlfriend
HSG 1
HSG 2
HSG 4
HSG 5
HSG 6
HSG 7
HSG 8
HSG 9
HSG 10
HSG 11
HSG 12
HSG 13
Epilogue

HSG 3

88.8K 1.9K 235
By justchin

Fact: Mahirap magsulat sa POV ng lalaki. *punas pawis* pwew!

*Partners in Crime*

"Sige na Ivan ituro mo na sakin yan!"

"Ayoko. Matalino ka naman eh! Kaya mo na yan!"

"Bilis na kasi! Isolve mo na yan!"

"Kanina ituro ngayon solve naman, ano ba talaga?"

"Eh ayaw mo kasi!"

"Wag kang magulo nagrereview ako!"

"Yiiii pinaghahandaan talaga ang partnership nila ni Andrea."

"Tahimik."

"Yiiii .. nagpapa impress sya .."

"Tumigil ka .."

"Inlove na talaga sya!" tuloy pa din ang asar nya sakin.

"Isa Dale!" naiinis na saway ko sa kanya.

"Oh? Tinawag mo na ako sa pangalan ko? Nice! Improving! Goodboy!" hinawakan pa nya yung ulo ko na lalong nagpatalim ng tingin ko sa kanya.

"Dale anong height mo?" ngingisi ngisi kong tanong sa kanya.

Medyo lumayo sya at inirapan ako.

"I won't tell you .." napangiti ako at umusod palapit sakanya.

"Ano nga?" kulit ko pa.

"Heh! Lumayo ka sakin!" pilit pa din syang lumalayo.

"Sige na! Promise hindi ko sasabihin kahit kanino! Ano height mo?"

"Eto gusto mo?" tinaas nya yung kamao nya at pinakita sakin.

Di naman na ako natatakot sa kanya, natatawa na lang akong pinagmasdan sya, alam ko naman na mas matangkad ako, pero aminado naman akong lamang si Dale sa kagwapuhan .. insert nakakadiring tono.

Matalino ako, matalino sya. Gwapo sya; Gwapo din naman ako, matangkad ako ... hehe

wala na! Panalo na ko!

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" sinuntok nya pa ako sa dibdib.

"Hehe .. wala lang .. ang cute mo pala no?" pang aasar ko kay Dale. Alam kong nagets nya yung meaning nun.

Ang cute nya kasi ang liit nya. Hahaha for the first time naging masaya akong kausap sya .. merom din pala akong panlaban sa kanya!

Ngingisi ngisi lang ako ng bigla syang tumayo.

"Dalhin mo sa classroom ko yang mga gamit ko, tapos gawin mo na din ang written report ko sa Philosopy, after class sunduin mo ko sa room ko, ibalik mo lahat ng yan sa sasakyan. Naiintindihan mo? Yes? Good! bye."

Bahagya akong napatulala sa ginawa nya. Ano daw? Parang hindi yata nag sink in sakin yung mga sinabi nya, naiiling na lang ako sa huli, ang hirap pa lang asarin ni Dale.

Inayos ko yung mga gamit ko for my next subject ng lumapit si Andrea sakin.

"Hi Ivan!" hindi ko alam kung paano haharap sa kanya, ngingiti ba ako o ngingiti ako?

Paano ba dapat ngumiti? Yung shy type? Nakakahiya naman. Yung big smile? Ano clown lang? Oh yung maniac smile? Wag kay Dale yun, baka sabihin nang agaw pa ako, wala akong copyright.

Sa huli ngumiti na lang ako sa kanya. The way Ivan dela Cruz smile, yung tipong pang boy next door.

"Ha-ha ha .. " napalunok ako. Hindi ako tumatawa ha. Magha-hi sana ako kaso peste yung boses ko bakit biglang nanginig hindi ko tuloy masabi sa kanya ng deretso. "Hi." may kasamang malalim na hininga bago ko matapos ang pagbati sa kanya.

Ganoon ba talaga yun? Bakit naman kasi ginawa akong torpe ng author nato. Nakakahiya tuloy.

"Uhm .. sige! Yun lang. Nakita kasi kitang iniwan ni Dale eh. Kitakits after class ha?" tumalikod na sya sakin at naglakad palayo. Pero bakit feeling ko may magic pa din syang iniwan.

Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga at umalis na din. Andrea Valdez .. iba ka talaga.

Nakarating ako sa room ko dala ang mga gamit ni Dale. Nakita ko syang nakaupo sa isang sulok, at dahil sya lang naman ang kilala ko, sya ang tinabihan ko pero agad din nya akong inismiran.

Opo. bakla si Dale! Haha de joke lang! Galit lang talaga sya dahil minaliit ko ang height nya, eh kasalanan ko ba naman na mas matangkad ako kesa sa kanya.

Dahil tinuturing ko syang kaibigan ayoko namang sumama ang loob nya sakin. Makikipagbati na nga ako!

"Dale .."hindi nya ako pinansin o tiningnan man lang.

Medyo lumapit pa ako para marinig nya yung sasabihin ko.

"Sorry na, di ko naman sinasadya na ma offend ka; matangkad ka naman eh, mas matangkad nga lang ako sayo. Hehe"

Tiningnan nya ako ng masama at saka ulit bumaling sa kabilang direksyon.

"Huy.. sorry na nga eh." kinalabit ko pa sya with matching hawak sa kamay at balikat dahil nakatalikod sya sakin pilit kong sinisilip ang kanyang mukha.

"Uyy .. Dale .. sorryy na .." chichay tone pa yun.

Di ko talaga maatim na ang first boy friend ko na- teka teka! Ang pangit pakinggan! Di ko maatim na ang una kong kaibigan ay magalit sakin. Wala akong libreng lunch mamaya. Yan perfect na!

"Mr. Atagon and Mr. dela Cruz, kung meron man kayong unfinish business, sa labas nyo na ipagpayuloy yang LQ nyo."

Ha? LQ? Sino daw may LQ?

Tumingin ako sa gilid ko. Wala naman akong katabi. Tumungin ako sa likod ko, pader lang yun. Teka sino bang may LQ?

"You Mr. dela Cruz .. wag ka ng maghanap ng iba."

"Sir? Ako po?"

"Yes." buong confident na sabi ng prof namin na kamukha ng lalaki sa commercial ng Mr. Clean.

"Kami ni Aragon? LQ po?" hindi pa din makapaniwalang tanong ko.

Nag cross arms lang sya at naupo sa table.

"As far as I can see .. you two are making your own scene over there, dahilan para hindi mo mabigay ang atensyon mo sa klaseng ito. Kung gusto nyong mapagsolo ng kaibigan mo .. you better leave on my class .. i don't need someone who can't give his or her attention to my subject .. Obligation and Law."

Diniinan nya ang salitang kaibigan at her .. kaya naman tumayo na ako.

" Sir According to the Criminal Law Book 2 – Title Thirteen

CRIMES AGAINST HONOR.." paninimula ko.

"The  ELEMENTS OF LIBEL DEFAMATION are ..That there must be an imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstances. In your case Sir, you imagining things between me and Mr. Aragon." nakatingin lang ako sa Prof namin.

"That the imputation must be made publicly. That it must be malicious. That the imputation must be directed at a natural or juridical person, or one who is dead. That the imputation must tend to cause the dishonor, discredit or contempt of the person defamed. So Sir, you publicly says that Mr. Aragon and I has a relationship, it is malicious and it is dishonor. In short Sir .. pwede na ba namin kayong kasuhan ng defamation case?"

Kitang kita ko ang pagbabago ng mukha ng Prof namin sa sinabi ko.

"That an example of our discussion today .. Article 353 Defamation Case. So pwede na akong umupo ulit Sir?  Napatunayan ko ng may natutunan ako.."

Umupo na ako at kasunod noon.ay ang palakpan ng mga classmates namin.

Meron pang sumigaw..

"i love you na dela Cruz!"

Panandalian na hindi naka pagsalita si Sir .. pero kasunod naman noon ay ang pag dismiss nya sa class namin.

Hindi pa din ako kinikibo ni Dale paglabas namin ng room. Hawak ko ang lahat ng gamit namin.

"Sino ba talaga ang bakla sa inyo?" tanong ng isang lalaki samin.

Sasagot sana ako ng biglang nanuntok si Dale sa lalaki.

"Ngayon mo tanungin na bakla ako!" sigaw ni Dale sa kanya. Kitang kita ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ng lalaki.

"Oo na! Hindi ka bakla baka si del-"

Bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay binigyan ko na sya ng isang suntok.

"Ano! Sino Bakla?" sigaw ko sa lalaki.

"Waaaaa ... walang bakla sa kanila! Nanununtok sila waaaaah!" umiiyak na tumakbo ang lalaki palayo sa amin hawak ang duguan.nyang mukha.

Nagkatinginan kami ni Dale, nagtanguan saka nag apiran.

Pero pagkatapoa din non ay ..

"Aragon! dela Cruz! In my office, now!" sigaw samin ni Dean.

Dyahe naman oh! First time kong magkaroon ng kaso. .. tsss tss ..

Bago pa ako makalayo ay nakita ko si Andrea nakatingin samin.. o sakin? Nagkatitigan muna kami bago sya tumalikod. Siguro na turn off sya sa hinawa ko. Hayyy .. nakakalungkot naman.

Continue Reading

You'll Also Like

453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
422K 10K 24
Php 150.00 lang po. Available na rin po ito sa National Book Store nationwide. Ganoon din po sa SHOPEE at LAZADA app. May mga added scene po ito sa m...
419K 6.1K 78
Taming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only in...
107K 2.4K 20
"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring...