Worst Section

By dianefajutrao

270K 6.9K 371

Away, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian... More

Worst Section
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Authors Note

Chapter 10

5.4K 162 4
By dianefajutrao

Gab's POV

Tahimik lang akong nagaabang kay sir na nakaupo sa unahan habang nirurumle niya ang pangalan ng bawat isa samin.  Ayon sa kanya, may group activitiy kami ngayon na gagawin kaya abala siya sa paggogroup. Pwede namang magbilangan nalang para mas mabilis.  Tsk. 

Nilibot ko ang aking buong paningin at nakitang mga nakatanga lang ang karamihan samin.  Halatang gusto ng magtime at tumakbo palabas. Nakakagutom na din naman kasi.

"psst bes, may alam ka ba na hugot?"

Mabilis kong nilingon ang best friend ko dahil bigla bigla na lang siyang magtatanong sa gitna ng katahimikan. Napaisip ako sa tinanong at mukhang wala naman akong malay sa mga hugot na yan. 

"Wala eh. Wala naman akong pinagdaraanan sa buhay" ani ko.

"Wow ha, eh ano yung issue mo dati tungkol kay matt na kes-"

"Di ako marunong humugot.  Pano ba yun?" pagpuputol ko sa sasabihin niya dahil baka kung san na naman makarating ang usapan namin. 

"Ganito kasi yun, Halimbawa-" tumigil siya ng bahagya at mukhang inaalala kung ano man ang sasabihin niya sakin.
"Ang love parang cotton candy, sa una lang masarap -" tumigil siya at tumingin sakin. 

"At ano?"

"Basta ganun" natatarantang sagot niya sakin dahil hindi na niya alam ang kasunod na kataga.  Hay nako. 

"Alam mo ang love, parang ikaw hailey.  Nakakaloka " natatawa kong sambit sa kanya. "Ang magagaling kasi sa ganyan yung mga may pinagdaraanan sa lovelife. May pinagdaraanan ka ba?" tanong ko sa kanya. 

Tumikhim muna siya at tumingin ng deretso sakin.  Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala ng pwesto ko dahil nakaharap ako sa kanya.  In short, nakapilipit ang tagiliran ko.  Nakakangalay tuloy. 

"Wala" walang emosyong sagot niya kaya natawa na lang ako.  Ang trying hard naman kasi . Haha

"May lovelife ka ba?" pangaasar ko sa kanya. 

"Wala.  Pero masaya ako na si-"

"Yun na nga diba bes.  Wala ka/tayong lovelife kaya di tayo marunong humugot. Kailangan kasi jan may pinanghuhugutan eh wala naman tayong huhugutin.  Kaya wag mo ng pahirapan yang sarili mo. Pero kahit ganun wag kang magalala, maganda tayo bes" natatawang sabi ko sa kanya kaya nakipag apir na lang siya sakin.  Nababaliw na naman ang isang to. 

"Group 1"

Napalingon ako kay sir dahil bigla na lang siyang nagsalita.  Biglang nabuhayan ng mga kalamnan yung mga kaklase ko dahil nagsimula ng maging malakas at hyper ang boses niya. Alam kong sinasadya niya yun para di kami mawalan ng gana sa klase .

"Gabby, Hailey, Matt, Alex, Phoenix, Lincoln,  Kaylee,  Iggy,  Vince ,Sam-"

Mabilis akong tumayo papunta sa unahan at ganun ang ginawa ng mga kagrupo ko na natawag.  Buti nalang kasama ko si Hailey.  Parehas kaming walang alam sa ganyan eh.  Hahahaha.  Goodluck na lang samin. 

"Group 2- Gabriel, Mika, Cassandra, Andrew,  Yohan,  Sophie, Lucas,  Caleb, Chloe , Hannah-"

Katulad namin, mabilis na tumayo sina kuya at tumapat sa pwesto naming group 1. Pansin ko lang sa grupo nila ay medyo confident,  may mga pinadadaanan siguro sila. 

Pagkatapos matawag ni sir ang group 2, sinunod na niya ang 3 at 4.  Hanggang apat na grupo lang ang nabuo dahil medyo maunti kami dito sa room.  Hindi naman dahil sa absent, sadyang umunti lang kami from time to time. 

"So ready na ba ang lahat?" Hyper na tanong niya samin kaya naging masigla ang bawat isa. Parang may kuryente ang boses ni sir na sumuot sa katawan namin para buhayin ang natutulog na diwa.  Pero infairness, lalong naging mas exciting. 

"Bibigyan ko kayo ng tigiisang topic about sa ating lesson at bibigyan niyo ng hugot line. Kailangan yung hugot na tagos talaga para mataas ang score na makuha ng grupo niyo" sunod sunod na saad ni sir habang nakatingin sa bawat grupo. 

"Sinong marunong humugot?" lumingon ako kay Sam dahil bigla siyang nagsalita sa likod ko. 

"Ako marunong kaso baka hindi tagos" natatawang sagot ni Vince sa kanya. 

"Sino bang may pinagdadaanan satin?" tanong naman ni Alex. 

"Ako"

Sabay sabay kaming tumingin sa nagsalita na si Phoenix.  Inabangan ko kung tatawa siya pero hindi . Kaya pala medyo matamlay siya kanina pa dahil totoo nga siguro na may problema siyang dala ngayon. Nacurios tuloy ako bigla. 

"Tunay?" nagtatakang tanong sa kanya ni Alex pero hindi na siya sinagot ni Phoenix.  Mukhang broken yung tao. 

"Ayos lang yan. Madaming babae jan" natatawang sambit ni Vince na nakapaglalingon kay Phoenix na nakayuko lang kanina.

"Marunong ka ba humugot bro?" tanong sa kanya ni matt na nakasiksik sa tabi ko.

"Try ko" walang emosyong sagot niya.  Hinintay nalang namin na ibigay ni Sir ang topic para makapagisip na agad agad.  Kinakabahan tuloy ako.  Letse naman kasing hugot yan.  Kung kailan naman wala pa akong lovelife tsaka pa nauso. 

Makalipas ang ilang minuto may binigay sa bawat grupo na topic si sir kung saan bibigyan namin ng hugot line. At napapunta samin ang about sa Disco Bar/ Night Club. Jusko sang lupalop kaya kami makakaisip ng hugot about dito. 

"Hala pano to?" alalang tanong ni Alex samin pero wala manlang nagabalang sagutin siya dahil si Val kami. Mga Walang malay.  Hahahaha Char.

"You only have 10 minutes" malakas na sigaw ni sir kaya lalo akong nataranta.  Mabilis na natakbo ang oras pero wala pa din akong idea.  Nakakaloka naman kasi.

"Ianalyze nalang natin" awtoridad na ani ni matt. 

"Ano bang meron sa disco?" tanong ko.

"Lasing" pabalang na sagot sakin ni Vince na kinatawa ng ilan sa mga kagrupo ko kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin. 

"Wines, Musics, Sayawan, syempre mga tao , bartenders " deretsong sagot ng best friend ko. Napansin ko na ngayon lang siya nagsalita. 

"Dun tayo sa sayawan" seryosong saad ni Iggy.Bigla akong napaisip sa sinabi niya.  Palibhasa wala akong alam sa hugot na yan.

"Ilang hugot ba?" tanong ni Lincoln.

"Kahit isa lang siguro basta maganda" sagot ko sa kanya. 

"Ano ng idea mo iggy!?" -Hailey

Sabay sabay kaming lumingon kay Iggy at naghihintay lang kung anong sasabihin niya samin. 

"Diba nga sa sayawan/Disco/ night club,maraming tao . Para sa kanila, the more the merrier kaya handa kang makipagsiksikan sa crowd at masaktan maging masaya lang sila"

"And?" takhang tanong ko pa rin.  Nakakahiya na tuloy na mukhang ako lang ang nalipad ang utak kumpara sa kanila. 

"Ibig sabihin. Katulad sa pag ibig, handa kang ipagsiksikan ang iyong sarili sa taong mahal mo at masaktan maging masaya lang siya" ani ni matt na deretsong nakatingin sakin.  Kinabahan tuloy ako. 

"Oh pak. Tagos na tagos na yan" basag ni Vince sa katahimikan matapos magsalita ni Matt kanina. 

"Tama naman diba?" tanong nito uli. 

"Oo. Diba nga pag mahal mo yung isang tao.  Hahamakin mo lahat" ani ni Kaylee na parang ngayon lang nagreact.

"Vince ikaw na magsalita sa unahan" sabi ko kay Vince na tinanguan niya lang. 

"Tutal makapal naman mukha mo" bulong ng best friend ko sabay lapit sakin.  Natawa na lang ako. 

"Siguro naman tapos na ang lahat dahil naingay na, kaya magsisimula na tayo" -sir. 

Napabuntong hininga nalang ako ng sabihin iyon ni sir dahil buti naman at naisipan na niyang magsimula. Nakakagutom na kaya. 

"Group 1 representative"

Mabilis na naglakad paunahan si vince na confident pa.Kahit kailan talaga,  napaka hyper ng taong to.  Ano kayang tinitira niya!?

"Good Morning to all of you-" malakas na sambit niya kaya rinig na rinig sa apat na sulok ng room namin. 
"So our topic given to us is all about Disco bar or Night Club" sunod na sabi niya habang pinakita sa lahat ang pictures na binigay samin ni sir. 

"So here's our hugot line"

Mabilis na tumahimik ang buong paligid at nakatuon lahat ng mata kay vince. Sana lang ayusin niya dahil pag hindi mapapahiya ang grupo namin.

"Ehem- Ang love parang sa disco bar. Pilit mong ipagsisiksikan  ang iyong sarili sa taong mahal mo. Dahil handa kang masaktan, maging masaya ka lang."

'Whooooo'

'Burrrrrrnnnn'

'Go Vince '

Matapos ang kabaliwan na ginawa ni vince bumalik na siya sa pwesto namin. Mabuti nalang at maayos niyang nadeliver yung hugot kaya pati si sir kasama na kanina sa sumigaw.  Wala nga akong idea kung gaano ba katagos ang hugot na yun para sa kanila, at kailangan pa nilang sumigaw. Swerte na lang talaga namin kay Vince. 

"Next group"

Lumingon ako sa grupo nila kuya at si Caleb pala ng kanilang representative. Di pa nagsisimula ang iingay na nila para icheer si caleb kaya pinatahimik na sila ni sir.  Nangingibabaw kasi nga boses eh, lalo na ni Chloe.  Di ko alam kung iniipit niya lang ba boses, o sadyang ganun na talaga.   Ang sakit sa tenga eh.

"So goodmorning, the topic given to us is about Food and Beverage combination-" bahagyang tumigil si Caleb sa pagsasalita at naghanap ng tiyempo.

"Buti pa yung food and beverage merong sila, pero merong ako, merong ikaw, pero walang tayong dalawa"

'Whoooo'

'Ginalingan bes'

'Landi hahaha'

Bigla na namang umingay ang buong klase namin kasabay ng ibat ibang reaction na may kasama pang sigaw.  Samantalang ako, parang tanga lang na poker face na pilit dinadigest ang mga sinasabi nila.  Nakakaloka.

"Next"

Agad na sumunod ang ilang grupo na natira dahil malapit na daw magtime ayon  kay sir. Katulad ng dalawang nauna parehas nagingay ang crowd dahil sa entry nilang hugot line. Habang nagsasaya sila , para akong ewan na nagaalala na baka kinig na kami sa kabilang room. Pero activity naman namin to kaya required naman siguro magingay ng bongga. Nandyan naman si sir eh, sagot niya kami. 

Matapos ang ilang minutong pagsasaya nila sa buhay natapos na din ang activity namin. Hindi samin sinabi ni sir ang scores dahil secret daw.  Di daw namin kailangang malaman pa.  Agad kaming bumalik sa sarili naming upuan dahil kanina parang may bagyo sa sobrang gulo. Buti nalang naayos na.

"Good day class.  See you next meeting"

Cassandra's POV

"Good day class.  See you next meeting"

Hindi na ako nagabalang magpaalam sa sir namin dahil nakakaasar.  Kanina pa naman time pero hindi niya pa kami pinapalabas. Nakakagutom na kaya ng sobra. 

"Tara na cass" inangat ko ang aking ulo sa nagsalita at si Hannah pala yun.  Mabilis na akong tumayo at pinuyod ang aking mahaba at magandang buhok bago sumabay sa kanya paglalakad papuntang cafeteria. 

I'm Cassandra Mendoza. One of a very proud student of our section. Maganda, mayaman,  matalino at edukada. And one thing, I'm also a bitch. Oo tama ang nabasa niyo bitch nga ako at di ko din alam kung bakit.  Basta lumaki ako na ganyan na ang personality. Wag niyo lang talaga akong galitin dahil  talagang manghihiram kayo ng mukha sa aso. Pero wag naman kayong matakot, may bait pa din naman akong tinatabi sa sarili kaso kadalasan, sa piling tao lang.  Anyways, Wala nga pala akong boyfriend dahil kasalukuyan pa akong naghahanap ng lalaking perfect para sakin. 

"Sorry"

Mabilis pa sa alas kwatro akong lumingon sa babaeng dumaan dahil natapakan nita yung sapatos ko.  Agad kong hinanap kung nasan na siya pero sadyang mabilis siyang maglakad.
Grrrrrr I hate this. 

"Are you okay?" tanong ni Hannah sakin kaya nilingon ko siya. 

"Mukha ba akong okay" pabalang na sagot ko. Di na siya nagsalita at umiwas nalang ng tingin.

Sinulyapan ko ng tingin ang sapatos ko na natapakan nung babae kanina at buti naman di ganun ka over ang dumi. Dahil kung hindi,  pababayaran ko sa kanya to.

"Let's go" ani ko kaya sumunod na sakin si Hannah. Makabili na lang ng pagkain dahil kailangan ko talaga nito ngayon. 

Continue Reading

You'll Also Like

89K 761 110
Sa bawat salita at linya ay may tinatagong pahiwatig ang nakakubli basahin ng taimtim nang malaman mo ang kuwento ng manunula(t)
1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
190K 5.6K 47
Sila Ashley, Xyrelle, Shaina at Franchesca ay mga sikat na dancers sa campus nila. -Mga bad girls -Walang pinipiling kalabanin -Mga siga kungbaga Mer...
37.3M 776K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...