Angel in Disguise

By alyloony

41.5M 828K 152K

Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything tur... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Chapter 1 *First meeting*
Chapter 2 *Kiss*
Chapter 3 *Suspicion*
Chapter 4 *Voice of an angel*
Chapter 5 *Mr. Spy*
Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Chapter 7 *Her smile*
Chapter 8 *tears*
Chapter 9 *Painful past*
Chapter 11 *Mr. Seduction*
Chapter 12 *The Manager*
Chapter 13 *flashback*
Chapter 14 *Mr. Stalker*
Chapter 15 *Blessing *
Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Chapter 17 *Stolen*
Chapter 18 *unexpected news*
Chapter 19 *The Wake*
Chapter 20 *let go*
Chapter 21 *Best friend*
Chapter 22 *Subic*
Chapter 23 *unrecognized feelings*
Chapter 24 *first move*
Chapter 25 *second*
Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Chapter 27 *One sided*
Chapter 28 Mind vs. heart
Chapter 29 *comfort*
Chapter 30 *Request*
Chapter 31 *trapped*
Chapter 32 *hug*
Chapter 33 *burst of emotions*
Chapter 34 *I love you*
Chapter 35 *another revelation*
Chapter 36 * Tight Hug*
Chapter 37 *sandalan*
Chapter 38 *Enchanted*
Chapter 39 *Sayonara*
Chapter 40 *questions*
Chapter 41 *beach disaster*
Chapter 42 *Venus' Plan*
Chapter 43 *Dionne's Choice*
Chapter 44 *Flight for freedom*
Chapter 45
Chapter 46 *One and only*
Chapter 47
Chapter 48 (06/09/14)
Chapter 49 (08-15-14)
Chapter 50 (08/29/14)
Chapter 51 (09/10/14)
Chapter 52 (09/11/14)
Chapter 53 (09/25/14)
Chapter 54 (10/06/14)
Chapter 55 (10/12/14)
Chapter 56 (10/19/14)
Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 58 (10/21/14)
Chapter 59 (10/24/14)
Epilogue (10/24/14)

Chapter 10 *I miss you*

819K 15.1K 1.6K
By alyloony

^dedicated to my Keiko-chan. 

A/N: Dears, ako po ay humihingi ng paumanhin dahil delayed lahat ng mga updates ko. Sadyang hindi lang pagsusulat ang inaatupag ko.. kailangan ko rin gumawa ng ibang mga bagay at kailangan ko rin naman libangin ang sarili ko. Para po doon sa mga taong patuloy na nag mmessage at nagagalit saakin kung bakit hindi ko tinupad yung sched na sinabi ko dati kahit nakalagay doon sa sched ay "ESTIMATED DATE" lang eh ako po ay humihingi ng dispensa. Maari po lamang ay paki search sa internet o sa dictionary ang word na "estimated" salamat po :)

Sa mga matyaga pong nagaantay ng update ko, maraming maraming salamat. Alabyu na, as in to the core.

Anyways, eto na po ang update.. Enjoy reading dears 

- Majinbu

***

Chapter 10

*I miss you*

[Maisie’s POV]

“Kuya talaga nakakaasar ka! I hate you!” sigaw ko kay Kuya Jake habang kausap ko siya sa telepono

“hay naku Maisie wag ka nga mag inarte. Alam ko naman ngayon eh namimili ka na ng damit na isusuot mo sa date niyo ni Rui”

Tinignan ko yung mga damit na nakalatag sa kama ko “h-hindi no kuya! A-anong sinasabi mo d-diyan! W-wala akong planong pumunta” pagsisinungaling ko sa kanya kahit kanina pa ako namimili ng damit

“oh ganun? O edi hahayaan ko na si Dionne na sumama kay Rui?” tanong ni Kuya Jake saakin

Medyo natigilan naman ako. Sa totoo lang gusto kong sumama kay Rui ang problema hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Highschool pa kami nung huli kaming lumabas na kaming dalawa lang. Ilang taon na ang nakakalipas. Tsaka isa pa…

“wag mo na pagisipan Maisie. I’m doing you a favor here kaya iappreciate mo na lang” Kuya Jake told me in the other line

Napabuntong hininga ako “hay sige na nga. Pasalamat ka idol ko si Taylor Swift”

“sus next time wag mong idahilan si Taylor Swift. O sige na naiistorbo mo na ko eh! nagluluto ako”

Natigilan naman ako “ikaw? Kuya? Nagluluto? Teka, di ba kasama mo si Ate Dionne? Bat di siya ang nagluluto?!”

“ha? e-eh a-ano kasi, yung babaeng yun di marunong magluto. Tama! Di siya marunong magluto! Mamaya malason pa ko! Wag ka na nga mag tanong bye!” bigla na lang niya ako binabaan ng telepono.

Problema ng isang yun? Palagi na lang nasa menopausal stage ang lalaking yun. Well ako naman kay Rui lang mataray pero siya sa lahat ng tao eh. Ewan ko ba kung paano ko naging ka-close ang napaka sungit kong kuya.

But oh well, back to business.

Tinignan ko yung mga nakalatag na damit sa kama ko. Hay nakakaasar naman. I’m a fashion expert but how come nahihirapan akong mamili ng isusuot?!


Ano ba kasi magugustuhang outfit ni Rui?

 

Oh my gosh I’m going insane! Bakit ko ba iniisip ang lalaking yun?! Bakit ko ba pinoproblema kung magugustuhan niya ang damit na isusuot ko?! Eh ano naman ngayon?! May magbabago ba?!

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hay dapat di na ko pumayag na makipag kita sa kanya ngayon eh. Alam ko namang si Ate Dionne talaga ang gusto niyang isama hindi ako.

Pero kasi… namimiss ko na siya.


 

Nag buntong hininga ako then I grab the simpliest outfit in my bed. Bahala na si batman.

“Hi Maisie” bati saakin ni Rui pagkadating na pagkadating ko sa colesium kung saan mag k-concert si Taylor Swift.

“s-sorry late ako” I told him without looking at his face

“ok lang di pa naman nagsisimula. Tara na sa loob?”

I just nod then pumasok na kami sa loob. Habang naglalakad kami papunta doon sa seat namin, napatingin ako sa kanya and doon ko lang napansin na naka-cap siya and may suot siyang malaking eye-glass. Siguro para hindi siya masyadong ma-identify ng mga tao. Kung iisipin, sikat din si Rui at malamang, baka magtakbuhan sa kanya yung mga tao pag nakita siya. Pero kahit ganyan yung itsura niya ngayon, ang gwapo parin niya sa paningin ko.

“Maisie!” I was back to reality nung biglang hawakan ni Rui ang kamay ko at hilahin ako palapit sa kanya “madaming tao baka mawala ka”

“ah pasensya na”

“ok ka lang ba?” tanong niya saakin

“huh? Ah oo bakit?”

“wala naman, parang kanina ka pa hindi mapakali eh”

“ah wag mo na lang ako pansinin”

Hindi niya na ko sinagot after nun. Hay ano ba to, naiilang naman ako. Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Rui. Ilang taon ding puro katarayan ang ipinakita ko sa kanya. Ngayon lang ulit kami nakalabas ng kaming dalawa lang and swear hindi ko alam kung paano ako makikisama sa kanya.

Nakarating na kami doon sa seat namin at naupo. Medyo malapit kami sa stage and ang ganda ng view sa pwesto namin. Halatang pinagkagastusan niya talaga and nararamdaman ko medyo disappointed siya kasi hindi niya kasama yung babaeng talagang gusto niyang isama sa concert na ito.

We both sat in silent habang hinihintay namin na magsimula yung concert. Tinitigan ko si Rui habang busy siya sa paglalaro ng kung ano sa cellphone niya. 4 years ago, pumunta din kaming dalawa sa concert ng favorite naming band. Hindi pa siya artista noon pero nag momodel na siya. Habang papunta kami sa concert, kwentuhan kami ng kwentuhan. Walang humpay ang tawanan namin noon at napaka komportable ko na kasama siya. But that was 4 years ago when we used to be best friends. Nung mga panahong hindi ko pa naamin sa sarili ko na mahal ko siya.

I guess love can also ruin friendship. Bakit kasi nainlove ako sa best friend ko eh. Sounds cliché right? Pero kahit gaanong ka-cliché ang sitwasyon ko, anak ng tinapa, abot hanggang hell ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Miss na miss ko si Rui. Gusto ko ulit makipagtawanan sa kanya at makipagkulitan. Gusto kong mayakap ulit siya at masabihan ng mga sikreto ko but I don’t dare to. Alam ko naman kasi eh, the more I got close to him, the more that I will yearn for his love.

Ilang taon na ang nakakalipas, but still, hindi ko magawang bitawan ang pagmamahal ko sa kanya.

“Maisie”

Nagulat ako bigla ng magsalita si Rui

“b-bakit?”

“naalala mo yung mag concert yung Paramore dito 4 years ago? Same colesium tapos pareho din yung pwesto natin”

Medyo iniwas ko yung tingin ko sa kanya “ah o-oo”

“magkasama tayong dalawa nun eh tapos habang kumakanta sila nagtayuan lahat ng tao” pagpapatuloy naman ni Rui “eh ikaw sobrang liit mo kaya hindi mo makita kaya nag mukha kang Giraffe dahil nagkakanda-haba ang leeg mo! Hahahahaha naalala ko talaga yun! Tapos yung suot mo pang blouse may print ng giraffe pattern! Hahahahahaha”

Bigla ko namang naalala yung mga panahon na yun at hinampas ko si Rui sa balikat “napaka sama mong lalaki ka para ipaalala mo saakin yun! Eh bakit ba desperada akong makita nun si Hayley eh!”

“oo kaya ang ginawa mo tumungtong ka sa silya”

“pero muntikan na kong mahulog nun!”

“kaya pinasan kita sa balikat ko and after ng concert kinakailangan kong tapalan ng madaming salonpas ang likod ko kasi sobrang sakit! Para kang giraffe na baboy! Hahahaha”

Hinampas ko ulit siya “ang sama sama mo talagang Hapon ka! I hate you!!”

Hayop na to! Sukat ipaalala saakin yung mga nangyari noon!

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko habang pinapanuod ang katabi ko na walanghumpay sa pagtawa

Binatukan ko nga

“aray ko Maisie-chan! That hurts” T____T

Binelatan ko lang siya. Bwisit eh =___=

“ne Maisie-chan..”

“ano?! Mangaasar ka na naman?!”

“ie.. Yokata” (no, I’m glad)

“huh? Anong sinabi mo?”

“wala”

“eh! wag mo kong hinahapon kung ayaw mong gawin kitang japayuki!” =__=

“eh basta! Wala!”

Tsk nakakayamot talaga siya!!! >___<

Tinignan ko ulit si Rui at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa stage. Ngayon ko lang napansin, medyo nawala ang pagkailang ko dahil sa pang-aasar niya.

I smile to my self. Well, hindi namang masamang i-enjoy ko ang company niya kahit ngayong gabi lang di ba?

I will let myself fall for him tonight. Kung ano mang consequence ang mangyari, bahala na.

 

 

 

 

 

“Whoa what a concert!” sabi ni Rui pagkalabas na pagkalabas namin ng colesium habang naka-akkbay pa kami sa isa’t isa

“grabe hindi ko expect na mage enjoy ako ng ganito!” sagot ko naman sa kanya

“eh” tinignan niya ako “what do you mean by that? Ibig sabihin expected mo di ka mage enjoy kasama ako?" He asked me while pouting

Pinitik ko naman yung noo niya “oo kasi di ka naman nakaka enjoy kasama! Ang boring mo”

“ah ganun ha?!”  tinignan ako ni Ruin g nakakaloko

“o-o-oy w-what are you planning?!”

“asaan nga ba ang weakest point ni Maisie Shaey?” sabi niya saakin habang nakatingin ng nakakaloko

“hoy! Kung ano man yang binabalak mo wag mo ng subukan kung ayaw mong balian kita ng buto!”

“I’m not scared Maisie” sabi niya habang naglalakad siya papalapit saakin

Naku po, alam ko na binabalak ni Rui.

Napalunok ako bigla at nagtatakbo palayo sa kanya pero masyado siyang mabilis kaya naman nahabol niya ako agad

“Gotcha!” sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko

“hoy! Ano ba! Hahahaha bitiwan mo nga akong japayuki ka! Manyak! Hahaha nakikiliti ako!”

“bahala ka di kita bibitiwan diyan!”

“o-oy japayuki! Hahahaa bitiwan hahaha mo hahahahahaha ako!”

“ayoko nga!”

Halos magpagulong gulong na ako sa kalsada sa kakatawa. Ramdam na ramdam ko narin ang panghihina ko kasi namang itong si Rui, alam na weakest point ko ang tagiliran ko sukat doon ako kinilit

oy tama na--!” kakawala na sana ako sa kanya kaya lang ayaw niya parin ako bitawan kaya natabing ko bigla yung sombrero niya at nalaglag ito.

Pareho kaming natigilan ni Rui sa paghaharutan at napalunok kami pareho.

“Si Rui Ashiya yun di ba?” dinig kong sabi nung babae na malapit sa kinatatayuan namin

“oo nga siya nga!”

“Rui!”

“uwaaaaaaa ang gwapo niya! Tara pa-picture tayo!”

Uh-oh. I think we’re in trouble

“naku po!” kinuha ni Rui yung kamay ko “takbo!!!”

Kumaripas kami ng takbo ni Rui papunta sa parking lot. Buti na lang at malapit na kami doon kundi yari. Nung makasakay kami sa kotse, agad-agad na nagdrive si Rui

“whew that was close!” sabi niya

Napahawak naman ako sa dibdib ko habang hingal na hingal “akala ko katapusan na natin eh” nagkatinginan kaming dalawa then pareho kaming natawa

“hahaha grabe ngayon lang ako nabuko sa pag di-disguise ko!”

“sorry naman! Di ko sinasadya eh but fans can be deadly sometimes”

Nagtawanan ulit kami “well ganun talaga, gwapo eh”

“yabang mo!”

“hahaha to naman! Pero nag enjoy talaga ako ngayon, arigato, maisie-chan”

“thank you din. Nag enjoy din ako”

“hay siguro masaya siguro kung kasama din natin si Dionne no?” bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi niya “ano na kaya ginagawa ni Dionne? Baka pinapahirapan siya ni Jake nii-chan! Naku patay talaga saakin yun! Sana naman kumain na yun. Kung kamustahin ko kaya? Pero nahihiya ako eh. ne, Maisie-chan tingin mo bagay kami ni Dionne?”

Iniwas ko yung tingin ko “e-ewan”

“eh basta! Alam ko na bagay kaming dalawa! I really really like Dionne! Pag ako nakakuha ng tyempo liligawan ko na talaga yun. Tulungan mo ko ha, best friend?” hindi ako umimik sa sinabi ni Rui “uh Maisie-chan ok ka lang ba?”

“R-rui, paki hinto yung kotse”

“huh? Pero bakit?”

“basta”

Inihinto naman ni Rui yung kotse sa isang tabi at ng makahinto kami, agad agad akong bumaba.

“o-oy teka bakit?!”

Hindi ko pinansin si Rui at tuloy tuloy akong naglakad palayo.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. napaka tanga ko! Dapat talaga di na ko sumama sa kanya! Ang saglit na kasiyahan, pang matagalang sakit na naman ang katumbas.

Napahinga ako ng malalim dahil nararamdaman kong tutulo na naman ang luha sa mata ko. Nakakaasar naman eh, bakit ba naapektuhan parin ako sa kanya hanggang ngayon?!

“Maisie!” naramdaman ko na lang na hinawakan ni Rui yung kamay ko “anong nangyari sayo? Bat ka bumaba?”

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya “kailangan ko na umuwi”

“hatid na kita”

“ako na lang”

“Maisie!” he tried to made an eye contact pero iniiwas ko ang tingin ko sa kanya “ano bang problema? I-I thought ok na tayo kanina? Akala ko bumalik na ulit tayo sa dati pero bakit ganyan ka na naman?”

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko “hindi na babalik ulit ang dati Rui” tinalikuran ko na siya at naglakad paalis kaya lang nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod

“Maisie, please naman, let’s bring our friendship back. You don’t know how much I miss you. Please, bumalik ka na saakin, best friend”

Bigla na lang tumulo ang luha ko ng dahil sa sinabi niya.

“bakit hanggang ngayon hindi mo parin maintindihan Rui?! Hindi na ko pwedeng maging best friend mo!” tinulak ko siya palayo saakin at tumakbo na ako.

‘best friend’

 



 

Hanggang doon na lang ba talaga ang magiging turing niya saakin? :'(

Continue Reading

You'll Also Like

11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
96.3K 3.4K 13
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #1
105K 2.1K 28
Lumaki si Ulysses Yap sa pangangalaga ng kanyang yumaong lola, kaya't hindi niya masyadong nakakasalamuha ang kanyang kapatid na siya ring kinuha ng...
1.7M 106K 68
Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.