Enchanted Academy (Completed)

By madrengabusayap

248K 6.1K 224

Sofia Kashmira Ross is a normal teenage student not until she found out about ENCHANTED ACADEMY, the school o... More

Authors Note
Prologue
Characters
ENCHANT 1
ENCHANT 3
ENCHANT 4
ENCHANT 5
ENCHANT 6
ENCHANT 7
ENCHANT 8
ENCHANT 9
ENCHANT 10
ENCHANT 11
ENCHANT 12
ENCHANT 13
ENCHANT 14
ENCHANT 15
ENCHANT 16
ENCHANT 17
ENCHANT 18
ENCHANT 19
ENCHANT 20
ENCHANT 21
ENCHANT 22
ENCHANT 23
ENCHANT 24
ENCHANT 25
ENCHANT 26
ENCHANT 27
ENCHANT 28
ENCHANT 29
ENCHANT 30
ENCHANT 31
EPILOGUE
BOOK 2!!!

ENCHANT 2

5.6K 136 5
By madrengabusayap

Irah's POV

Pagising ko ay nagmumog at naghilamos ako para bumaba upang kumain na. Sabado kasi ngayon kaya naman tanghali na akong nagising.

"Good morning po Young lady" bati ng isang katulong namin.

Young lady... Lakas makasosyal e may panis na laway pa nga ata ako, huhu.

"Good morning po." Bati ko pabalik at ngumiti.

Dumeretso ako sa kusina. Pagdating ko dito ay naabutan ko si Daddy na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning po Daddy." masayang bati ko sakanya sabay halik sa pisngi niya.

"Good morning, my princess." Sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa binabasa niya.

Umupo ako sa tabi ni Daddy at nagsimula nang kumain. Egg, sandwich, at hotdogs lang ang kinain ko, oo with s ang hotdog dahil nakalima ako sa pagkain non. Sinuway pa nga ako ni Yaya Kriselda dahil masama daw kapag naparami ng kain non pero masisisi niyo ba ako kung favorite ko yon? T_T

"Pupunta pala kayo ni Clay sa Mall." Agad akong napalingon nang magsalita ang tatay kong busog na sa kakabasa sa dyaryo.

"Po? Bakit po?" Huh? Nakakapagtaka naman. Ayaw niya nga akong pinapapunta sa Mall eh kung hindi si kuya ang kasama. Pero sabagay, si Clay naman yun.

"You will buy your things for your new school." Sabi niya.

Whaaaaaaaaat?!?!? N-new s-school???

Parang nag-echo sa pandinig ko ang sinabi ni daddy. OA man kung sabihin pero nagulat talaga ako. Bakit naman? Okay naman ako sa school ko! Ayaw ko umalis doon dahil wala namang nambubully sa akin doon!

"Bakit naman po? Wala naman pong nangbubully sa akin sa pinapasukan kong  school ngayon eh! Saka mas maganda po ang turo duon. May problema po ba Daddy?" Nanlalaki pa rin ang mga mata ko. I'm shookt!

"Anak, delikado ka dito. You need to stay in that school para sa kaligtasan mo." Ba't ba english ng english tong ama ko e tinatagalog ko na nga. Haaays.

Tsaka delikado? Saan? Bakit? Paano?

"But Dad--" eenglishin ko na din sana siya baka sakaling magkaintindihan kami kaya lang sumabat naman siya.

"Nandoon naman ang kuya mo." Sabi niya na nakapagpatigil sa aking pag-alma.

Si kuya? Napapout naman ako.

"So?" Sabi niya nung hindi ako sumagot. Inalis niya ang tingin sa binabasa at tinignan ako. Tinaasan niya ako ng kilay na parang naiinip na sa sagot ko. Kahit naman ayaw ko ay masusunod pa din siya kaya bakit pa kailangan ng pagsang-ayon ko? Tsaka bakit ba ko nagrereklamo e Dad's know best ika nga.

"Okay po dad" sabi ko with a half smile.

Wow, may paganorn.

Pagkatapos kong kumain ay naligo agad ako para makaalis na kami ni Clay papuntang Mall.

Pinasadahan ko ng tingin ang repleksyon ko sa salamin. Inilugay ko ang mahaba kong buhok na ang dulo ay kinulot ni Yaya Kriselda, nilagyan niya din ito ng yellow na bandana na katerno ng yellow kong checkered skirt na above the knee. White polo blouse naman ang pang-itaas ko na katerno ng white converse ko. Nagsuot din ako ng white na medyas na may design na sunflower sa magkabilang gilid. Isinukbit ko naman ang maliit kong white backpack na ang laman lang ay isang ballpen at pamunas ng salamin ko.

Ngumiti ako sa salamin at ang cute ko! Haha!

Bumaba na ako nang marinig ang tawag ni Yaya.

"Asan po si Clay?" Tanong ko sa mga naabutan kong naglilinis sa salas.

"Ah hindi pa po siya dumadating mula pa kanina. " sagot ng isang tagapagsilbi.

"Ah ga--" hindi pa ako natatapos sa aking pagsasalita nang biglang pumasok si Clay.

"Im here Young lady." Sabi niya habang nakangisi.

Masakit ata ang ngipin niya.

"Tara na!" Aya ko sakanya. Tumango lang siya.

Habang nasa byahe kami ay biglang may pumasok na tanong sa isip ko.

"Hmm san ka pala galing?" Tanong ko kay Clay.

Tumingin siya sa akin tapos naka smirk siya. "Why so curious?" Tanong niya na muling ibinalik ang tingin sa daan.

Napatingin lang ako sakanya ng hindi makapaniwala.

Bigla naman siyang tumawa. May sayad na  siguro ito. "Galing ako sa papasukan mong school. Pinag-enroll kita." Sabi niya.

Napatunganga naman ako.So seryoso si Dad na ililipat niya ako?

Well bakit naman magbibiro si dad tungkol dito.

"Kailangan mo yun Irah. Mapapahamak ka lang dito sa mundo ng mortal." Sabi niya pa na wari moy nabasa ang iniisip ko.

"Huh?" Hanu daw? Mortal? Mukha ba akong immortal? Mutant, ganoon?

"Wala sabi ko andito na tayo. Lets go para makapag-empake ka na rin mamaya pag-uwi natin." Sabi niya pa at bumaba na ng kotse.

Psh. Iniiba niya ang usapan eh! Pero hayaan na nga. Bangag lang siguro ako. Pero bago ako bumaba ay napatigil ako nang maalala yung narinig ko kagabi na pinag-uusapan nila Daddy.

"Irah, ano? Bubuhatin pa ba kita palabas ng kotse?" Nakatayo sa harapan ko si Clay na nabuksan na pala ang pintuan ng kotse. Nakataas ang isang kilay nito na wari mo'y isang oras ko siyang pinaghintay.

Inirapan ko siya bago bumaba. Sa kanya lang talaga ako nakakapagmaldita ng ganito at sa lahat ng tao ay siya lang din ang binabastos ko bukod kay kuya. Ganoon siguro kapag close ka na sa isang tao, hehe.

Mabilis lang din naman kaming natapos mamili ni Clay dahil sa isang store lang naman kami namili. Gusto ko pa sanang kumain sa isang Chinese restaurant kaya lang mukhang may lakad pa si Clay dahil nagmamadali siya.

Kanina pa din siya palinga-linga na para bang tinataguan niya ang asawa niya at ako ang kabit niya! Like, eew! Kahit pogi siya ay di ako pumapatol sa malayo ang agwat ng edad sakin, no!

"Irah, bilisan mo." Utos niya sa akin kaya lalo kong binagalan ang paglalakad ko. Inis naman siyang lumingon sa akin kaya kinaladkad niya na ako papunta sa parking lot.

Habang naglalakad kami papunta doon ay may nakita akong mga nakablack na lalaki.

Ano? May kulto ba dito?

Pero agad din akong kinabahan nang maalala yung lalaking sumusunod sa akin nung nakaraang araw.

Biglang kumapit sa braso ko si Clay kaya naman napalingon ako sa kaniya.

Problema nito?

Bigla kaming hinarang ng mga nakahood na iyon na sa tingin ko ay hindi bababa sa sampu ang bilang.   Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa tago ito.

Siguro mga panget tong mga 'to.

"Ibigay mo siya saamin kung ayaw mong masaktan." Sabi nung lalaking nasa gitna. Pano ko nalaman? Dun nanggaling yung sound eh!

Wait lang! Ako ba yung tinutukoy nilang ibigay sa kanila? O si Clay? Kasi kung si Clay lang naman hinihingi nila, edi kanila na! Jusko ayoko talagang masaktan no!

Nakipagtitigan si Clay sa nasa gitnang nakahood na wari moy nakikita niya ang mukha nito.

What's really going on? Dad, help! T_T

Bigla akong inilagay ni Clay sa likod niya. "Makukuha niyo lang siya pagkatapos niyo sa akin." Maangas na sabi ni Clay.

Tinignan ko naman siya ng di makapaniwala. Anong pagkatapos sa kanya? E ang dami-dami nila tapos siya mag-isa lang! May sayad talaga 'tong isang 'to, mapapahamak na nga kami kung anu-ano pang sinasabi.

Bakit ba walang taong dumadaan dito sa parking lot? Para naman matulungan nila kami sa mga nakahood na ito. Saka ano nga bang kelangan nila?

Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Daddy kaya lang nataranta ako nang sinugod na nila si Clay.

Napapikit ako at napatago pa sa likod ng kotse ng kung kanino man.

Lord, gabayan at basbasan niyo po ang mayabang na si Clay, huhu.

Sumilip ako at tinignan ang nangyayari pero nagulat ako nang biglang tumalsik ang tatlong lalaki sa malayo. Tumingin ako kay Clay na ngayon ay nakaluhod.

Nilapitan ko siya. "Clay ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya.

Tumingin siya saakin at ngumiti. Lumaki ang mata ko. Hindi dahil sa ngumiti siya. Dahil pula ang mga mata niya na agad din namang naglaho.

Guni-guni ko lamang ba yon?

"Okay lang ako Young Lady. Ikaw ayos ka lang ba? " tanong niya pabalik na tinanguan ko lang.

Inakay ko siya papuntang kotse.  Nagtataka ako kung bakit hinang hina siya samantalang wala naman siyang sugat o pasa. At isa pa. Paanong tumalsik ang mga nakahood nayon? Ano bang nangyayari?

"Wag kang mag-isip ng kung ano ano Irah. Ang mahalaga ay ligtas ka." Sabi niya. Siguro ay napansin niyang nababahala ako.

Hindi ko siya magets. Dapat siguro ay ako ang nagsasabi non sakanya.

Hanggang sa makauwe kami ay hindi ko mapigilang mag-isip tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko naman matanong si Clay dahil pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse ay agad niyang pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit nawala na agad ang mga katawan ng mga nakahood na kalaban kanina ni Clay. Napatumba niya yon lahat pero wala ni isa ang naroon.

Marami sila ... Pero napatumba ni Clay lahat na wala man lang natamong kahit anong sugat.

Lumingon ako kay Clay.  Ano bang nagngyari? Bangag ba talaga ako?  Pero sigurado ako sa mga nakita ko.



"Ija mag-iingat ka doon ha? Wag mong hahayaang may umapi sa iyo." Bilin sa akin ni Yaya Kriselda habang tinutulungan akong mag-impake ng aking gamit.

"Ano po ba kayo. Bukas pa naman po ako aalis. Saka sa tingin ko po ay walang mangyayari sa aking masama doon. Kaya nga po ako inilipat duon ni Daddy diba?" Sabi ko kahit pa may pangamba pa rin akong nararamdaman lalo na at maraming kakaibang nangyayari nitong mga nakaraan.

Ngumiti siya. "O siya matulog kana dahil mapapagod ka sa byahe bukas." Sabi niya. "Good night, Irah"

"Good night po Yaya" sabi ko at niyakap siya.

Lumabas na siya ng kwarto ko.

Ano kayang mangyayari bukas?




"Princess lets go!" Sigaw ni Daddy mula sa baba.

Agad kong sinuot ang salamin ko. "Opo andyan na po." Sigaw ko pabalik. Agad na tumakbo ako pababa ng hagdan.Pagkababa ko ay nakapila lahat ng katulong namin.

May flag ceremony ba? Joke!

Nginitian ko silang lahat. "Mamimiss ko po kayong lahat." Masayang sabi ko. Ngumiti lang silang lahat saakin.

Lumabas na kami ni Daddy kasama syempre si Clay bitbit ang maleta ko. Sumunod din si  Yaya Kriselda.

"Ija wag mong kalilimutan ang bilin ko sayo ha?" Sabi ni Yaya na medyo naluluha na.

Ngumiti ako at niyakap siya. "Oo naman po Yaya. Kayo din po mag-iingat dito ha?"sabi ko sakanya at pinunasan ang luha niyang bigla nalang lumabas nang yakapin ko siya.  Ngumiti na lamang siya bilang tugon.

Sobrang napamahal na si Yaya sa amin at ganoon din kami sa kanya kaya alam kong mahirap din sa kanya ang mapalayo kami ni kuya.

Pagkatapos ng paalamanan ay sumakay na kami ng kotse at agad naman itong pinaandar ni Clay.

Isang oras ng nakakalipas ay hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin.

Gaano ba kalayo yon? Hindi kaya naliligaw kami?

Kalahating oras pang muli ang lumipas at wala parin kami sa aming destinasyon. Di ko na nga din namalayan na nakatulog na pala ako at tumutulo na ang laway ko.

Asan na ba ang eskwelahang iyon? Baka naman nasa Mindanao na kami nito, ha? Char, ang OA ko lang talaga HAHAHA

Nakatingin lamang ako sa bintana ng mapansing pumasok kami sa isang kakahuyan. May matataas na puno. Ang gandang pagmasdan ng mga ito kaya lang unti-unting natakluban ng mga dahon ng puno ang buong kagubatan dahilan upang dumilim habang patuloy kaming pumapasok sa gitna ng kagubatan. 

Nagpatuloy lang ang pasok namin sa kakahuyan. Sobrang nakakatakot dito. Nakakadagdag pa ang ingay ng mga kwago at mga kuliglig sa paligid.

Maya-maya pa ay napansin kong may kaunting liwanag sa daang tinutungo namin. Mukhang ito na ang kabilang dulo ng kagubatan. Unti-unting nagliwanag kaya naman napapikit ako dahil nasilaw ang aking mga mata. Pagmulat ko ay napakaliwanag parin ngunit hindi na ako pumikit para naman makapag-adjust sa liwanag ang mga mata ko.

Nang maaninawan ko na ang paligid ay agad nanlaki ang aking mga mata at naibuka ko din ng malaki ang aking bibig.

Sa magkabilang gilid ng kalsada ay may mga talon na pinagdudugtong ng ilog. Parang kumikinang ang tubig sa linaw nito. Kitang-kita ko din ang ibat-ibang mga isdang lumalangoy dito. Napakadami ding ibat-ibang bulaklak na talaga namang nagpapaganda sa paligid. May mga fireflies din na lumilipad sa madilim na parte ng kagubatan.

Teka? Maaga pa naman pero bakit may fireflies na agad? O meron  talagang fireflies basta madilim?

Nagulat ako nang biglang bumukas ang gate ng kusa at doon ay lalo akong hindi makapaniwala. Sa harap namin ay may  napakalaking gate.  Kumikinang ang buong paligid nito na wari moy gawa sa ginto ang kabuuan nito.

Hindi ko inalis ang tingin dito hanggang sa makapasok kami. Napakaganda. Ang sosyal pala ng school na 'to bakit ngayon lang ako dinala dito ni daddy T_T

Sino kaya ang nakaisip ng ganitong konsepto. Napakagaling naman.

Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan.Nakahinto kami sa pinakagitna na building. Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang buong paligid.

Mayroon itong napakalawak na ground at sa gitna nito ay may fountain na gawa sa dyamante at  napakaganda nito. Habang nakapalibot naman ang malalaking gusali sa buong paligid. Gawa sa marmol ang mga ito at parang palasyo ang style. Ang taas nito at napakaganda.

Makikita mo rin ang napakaraming maliliit na lumilipad na hindi ko alam kung ito ba ay paru-paro o kung ano. Basta ang alam ko ay napakaganda nito.

Nasa corridor kami at naglalakad papunta sa kung saan. Basta nakasunod lang ako sa kanila at di mapigilang maglikot ng aking mga mata.

Nakakamangha ang lugar na ito. Magkano kaya nagastos nila dito?

Tumigil kami sa isang pintuan na may kulay brown at red na disenyo.  Kusa itong bumukas kaya naman lalo akong namangha. Grabe naman pala ang mga teknolohiya sa lugar na ito. Napaka-advance huhu!

Sa pagpasok namin ay agad na napukaw ng paningin ko ang malalaking paso na ang halaman ay napakaganda na may bulaklak na kulay asul at kumikinang.

Wow! May ganito pala talagang halaman? O totoo ba talaga to? Baka naman de-battery din ang isang to?

Nagulat ako nang may biglang pumatong na maliit na kung ano sa balikat ko. Napanganga ako ng mapagtanto kung ano ito. Para siyang si Tinkerbell pero wala itong ilong. Sinundan ko siya ng tingin nang umalis siya sa pagkakadapo sa akin at doon ko napagtanto na marami pala sila.

Grabe bakit may ganito dito? Ang ganda! Pwede na ko mamatay, char!

Nakakamangha!

"Mr. Ross you're here." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Hindi ito katangkaran pero maputi ito at hanggang balikat ang kulot niyang buhok. Maganda at maamo ang kaniyang mukha.

Nagbesobeso si Daddy at yung babae. "Is this your youngest?" Tanong ng babae at tinignan ako.

Napayuko naman ako.

"Yes. She's Irah, Irah she is the principal of this school,  Antonnette." Sabi ni Daddy na ikinagulat ko.

Weh? Sa bata niyang yan? Principal na siya? Di nga? Wag ako lokohin mo, dad. Charot.

"Haha. I know. Masyado akong maganda at sexy para maging principal but Im already 44 years old!" Sabi ni principal na lalong nagpalaki ng mata ko.

Seryoso? 44? Oh. My. Ghad!

Char, ang OA ko pala. HAHAHAHA

"Welcome to Enchanted Academy, Irah. May you enjoy your staying here." Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga ngiting iginawad niya sa akin.

Enchanted... kaya siguro mukhang mahiwaga ang disenyo ng paaralan.

May pinag-usapan pa sila na hindi ko na inintindi pa dahil busy akong mamangha sa mga bagay na narito.

Gusto ko sanang sumabat sa usapan nila at itanong kung totoo ba tong mga nakikita ko kasi napakaganda talaga!

Matapos ang ilang chikahan nila ay hinatid na ako ni Miss Antonnette sa magiging kwarto ko.

Pumunta kami sa kabilang building dahil naroon daw ang tutuluyan ko. Ang mga building ay pinagdudugtong ng mga corridor.

Sa paglalakad ay lalo pa akong namangha sa mga nakikita ko. Para akong nasa isang totoong palasyo. Nakakatuwa!

May mga nakita din akong mga paintings habang umaakyat kami ng hagdan. May mga portrait ng tao, o kaya naman landscape ng isang lugar at mga hayop. Pero ang pinakanakapukaw sa aking pansin ay ang isang painting ng pusang itim na kulay pula ang kaliwang mata at kulay itim naman ang sa kanan. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong gumalaw! Napalingon ako sa principal para tignan kung napansin niya rin ang paggalaw nito pero patuloy lang siya sa pagsasalita ng kung anu-ano!

Inisip ko na lang na baka sa sobrang advance ng teknolohiya nila ay nakakapagprint na din sila ng mga video!

"Naiintindihan mo ba Miss Ross?" Nagulat ako sa pagtigil ni Maam sa tapat ng isang pintuan. Nabangga pa ako sa likod niya dahil kung saan-saan ako nakatingin.

"Sorry po." Paumanhin ko at inayos ang salamin kong naalis nang bumangga ako sa kanya. Tumango nalamang ako sa tanong niya kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong sinasabi niya.

Bat ba kasi lumulutang ang utak ko?

Sumilip ako sa loob ng silid.

Hmm. Kanina ko pang napapansin bakit kaya wala kaming nakakasalubong na mga estudyante. Kahit dito sa loob ay wala rin.

"Nasa Edificio de Entrenamiento ang mga kapwa mo estudyante. Nandoon sila para sa ilang pagsasanay." sabi niya na nakangiti.

Ano daw? Ediwaw Engkanto?

"Mamayang dapit hapon pa ang awas nila. Sigurado akong makakasundo mo ang mga magiging roommates mo." Sabi niya.

Pumasok ako sa silid at pinagmasdan ang kabuuan nito.Magkakaiba ang kulay ng bawat sulok ng kwarto. Sa kaliwa ay kulay dilaw lahat ng makikita mong bagay. Pati yung kama doon ay dilaw din. Pati dingding ay ganoon din. Sa gitna naman ay kulay Pink, mula sa gitnang dingding patungo sa kabila pang dingding kasama na din ang kama ay puro pink. At sa kanan naman ay puro green. Meant green. Ang ganda naman.

Sa tingin ko ay ang magiging kama ko ay ang meant green na iyon dahil napakaayos nito. Di katulad ng dalawa pang kama ay kung saan saan nakalagay ang mga unan.

"Irah," napalingon naman ako kay ma'am Antonnette  na nakalimutan kong nandito pa pala. Nakatayo ito sa may pintuan habang nakamasid din sa loob ng kwarto. "huwag mong kakalimutang mag-ingat." Sabi nito nang nakatingin diretso sa mga mata ko bago tuluyang umalis.

Hindi ko alam kung may laman ba ang mga sinabi niya dahil seryoso siya nang sabihin niya yon pero napailing nalang ako at di na pinansin ang kakaiba kong nararamdaman.

Natapos na akong mag-ayos ng gamit ko ay wala pa rin ang roommates ko. Sana mababait sila.

Lumabas muna ako sa aking silid para magalagala. Sinigurado kong alam ko kung saan ako nanggaling para hindi ako maligaw.

Habang naglalakad ako ay nakikita ko na ang ilang mga estudyante na naglalakad sa ground habang ako naman ay nasa corridor.

Nagulat nanaman ako nang may dumapo sa akin na isang maliit na nilalang. Katulad din siya nung mga maliliit na batang babae na lumilipad. Parang Tinkerbell pero naiiba siya sa lahat dahil ang iba ay kulay puti ang mga pakpak at damit, siya naman ay kulay blue. Ang ganda naman niya.

Napasinghap ako nang may mabangga akong babae. Umiinom siya nang juice kaya parehas kaming natapunan. "Oh my ghad!" Iritadong sabi niya habang nakatingin sa kulay asul niyang damit.

Lagot! Mukhang mamahalin pa naman 'yon.

"Sorry!" sabi ko habang pilit pinupunasan ang natapunan niyang damit.

Pinalis niya ang kamay ko at saka ako dinuro. "Hindi mo ba alam kung magkano ang bili ko dito? Ha? Kahit isang milyong ganyang kacheap na damit ang bilhin mo ay hindi mo matutumbasan ang halaga nito." Sabi niya habang nanlilisik ang mga mata.

Grabe damit lang naman iyon.

"Sorry hindi ko naman sinasadya eh!" Sabi ko at yumuko na lang dahil sa hiya.

"Wala akong pakialam kung sinadya mo o hindi basta kasalanan mo  ang nangyari sa damit ko." Sabi niya. Napatingin ako sa paligid. Napaparami na ang mga taong nanonood sa amin. Wag mong sabihin na mabubully nanaman ako dito? Haaay.

Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa braso. Sobrang higpit nito at sobrang lamig ng kamay niya.

"A-ah na-nasasaktan ak-ko." Hindi ko na napigilang magreklamo dahil napakalamig ng mga kamay niya at parang sumama ang pakiramdam ko.

Lalo niya pang hinigpitan ang hawak saakin.

"Miranda tama na yan." May lumapit sa aming lalaki at inalis niya ang kamay nung babae sa braso ko.

Sinamaan niya muna ako ng tingin bago irapan at pagkatapos ay umalis na. Napayuko naman ako.

Huhu daddy, iuwi mo na kooooo.

"Okay ka lang ba Miss?" Tanong nung lalaking umawat doon sa babaeng Miranda pala ang pangalan.

Tumango lang ako habang nakayuko. "Salamat po." Sabi ko pa.

Biglang may lumapit sa aming dalawang babae. "Hey! Are you okay?" Sabi nung isa sa kanila. Maganda siyang babae at kulay abo ang kanyang straight na buhok. Maputi siya at matangos din ang ilong niya.

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya. Parang naubos ang lakas ko sa lamig ng kamay ni Miranda, huhu.

"Napaka impokrita talaga ng babaeng iyon." Ngumunguyang sabi naman nung isa pang babae na maganda din tapos kulay black yung hair niya na nahaluan ng dark green. Kayumanggi ang kanyang kulay pero sumisigaw ang kagandahan sa kaniyang mukha.

"Girls kayo na ang bahala sakanya ha?" Napalingon naman ako sa lalaking tumulong sa akin. Napatitig pa ako ng slight dahil, shocks! Ang pogi niya, kyaaaaah! Matangos na ilong. Mapupungay na mata. Mukha pa siyang anghel dahil sa messy hair niya huhu.

Siya na ba ang Mr. Right ko? Ang magiging icing sa ibabaw ng cupcake ko? Char!

Napapitlag ako nang mapagtantong nakatitig na pala ako sa hangin dahil umalis na pala yung lalaking tumulong sa akin kanina. Kumakaway na din yung isang babae sa harapan ko. "Hey! Talaga bang okay ka lang?" Tanong nung kulay abo ang buhok.

Ngumiti lang ako ng nahihiya bago tumango.

Nakakahiya naman, huhu.

"Halika magpalit ka muna. Natapunan ka oh! San ba ang kwarto mo? Samahan ka na namin baka mamaya balikan ka ni Miranda eh!" Sabi naman nung kulay dark green ang buhok at inakay na ako.

"Ah nako wag na, okay na ako." Sabi ko at binawi ang mga braso kong hinihila na nila.

"Ano ka ba wag kang mahiya saamin." Sabi nung kulay abo ang buhok na sinang-ayunan naman nung kulay dark green ang buhok. Hayst! Ano bang pangalan nila? Ang hirap kaya ng palayaw nila. Ang haba.

Hindi na ako nakatanggi nang hilahin na nila ako.

Siguro ay iisa ang building ng dorm ng mga babae at iba naman ang sa lalaki. Dahil napapansin ko na ibang dereksyon ang pinupuntahan ng mga lalaki.

Tumigil kami sa tapat ng magiging kwarto ko. "This is your room?" Tanong ni dark green hair habang pinapapak yung sitsiryang kanina niya pang kinakain.

Tumango naman ako.

"Are you sure?" Tanong ni Ash hair.

"Oo naman" sagot  ko na nagtataka. Bakit?

"Nako! Nakakaawa ka. Hindi maganda ang mangyayari sa school year mo ngayong taon dahil sa mga kasama mo diyan sa loob." Sabi naman ni green hair na tinanguan naman ng isa.

"Huh? Sabi ni Maam Antonnette ay mababait naman daw sila." Sabi ko kahit na medyo kinabahan ako sa sinabi nila.

Ayoko ng mabully huhu.

"Talaga? Sinabi niya yun?" Sabay nilang tanong habang kumikinang ang mata.

Tumango ako sa pagtango ko at sabay silang tumili. Okay! Ang wierd na nila.

"By the way Im Reinne." Sabi ni Ash hair na inalok ang kanang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito.

Ahh nice  name ha.

"Im Yhenna." Nakangiti namang sabi ni dark green hair. Waoh! Astig ng pangalan nila ah.

"Im Sofia Kashmira but you can call me Irah." Sabi ko ng nakangiti.

"Nice to meet you Irah!!" Sabay nilang sigaw.

Ang giliw naman nila. Sanaol.

"Kami nga pala ang magiging roommate mo!" Sabi nilang dalawa in unison.

So sabayang pagbigkas ba ito?

"Aah" nasabi ko nalang.

"Hindi ka nagulat?" Tanong ni Reinne kasabay ang papout.

Umiling ako. "Halata naman kasi sa ekspresyon niyong dalawa eh! Saka nakakapagduda rin kayo dahil paborito mo Reinne ang kulay pink," turo ko kay Reinne  "at ikaw naman Yhenna ay kulay yellow na katulad ng mga gamit sa loob ng silid na ito. Tama ba?" Mahabang sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nila. "Oh my ghad! Ang galing mo naman. Pano mo nalaman?" Tanong ni Reinne.

Tinuro ko yung mata nila. "Ganyan yung kulay nung nasa loob katulad ng  kulay ng mata niyo." Sagot ko lang. Ngayon ko nga lang din napansin na iba pala yung kulay ng mata nila e, hehe. Ang astig tignan sa kanila. Contact lenses ba yan?

"Wow! Ang galing mo naman para sa isang baguhan." Sabi ni Yhenna na tuwang-tuwa.

"Bakit nga ba ganyan ang kulay ng mata niyo?" Takang tanong ko.

Nagkatinginan sila, nagtataka din. "Dahil sa---" naputol ang sasabihin ni Yhenna nang may lumapit sa aming matandang babae.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Hindi ba't malapit na ang oras ng hapunan? Pumunta na kayo sa Cafetiére. Wala dapat mahuhuli." Maawtoridad na sabi nito.

Tumango naman sila Yhenna at Reinne habang ako ay sinusundan lamang ng tingin ang matandang babae na umalis na sa harapan namin.

"Siya si Miss Claire, siya ang terror naming teacher sa History." Bulong ni Reinne habang nakatingin din sa palalayong matanda.

Tumango lang ako at napaisip.

Ano kayang kulay ng kwarto ni ma'am? Chor!

Hinigit nila ako papasok sa kwarto para mag-ayos ng sarili bago pumunta sa Cafetiére.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

100K 2.8K 27
"๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ข'๐ฏ๐ž ๐ก๐š๐ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐›๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ ๐จ๐ง๐ž'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐...
5.8K 423 27
School Of Magical Ability Meet Hacashi Young and Jazz Clinton the two destined to inherit the power of two Cristal Magic from the School Of Magical...
33.8K 2K 21
แƒกแƒ™แƒแƒšแƒ 2021. แƒแƒ›แƒ‘แƒแƒ•แƒ˜ แƒแƒ แƒ˜แƒก แƒšแƒฃแƒ–แƒ”แƒ  แƒ’แƒแƒ’แƒแƒœแƒแƒ–แƒ” แƒžแƒแƒ แƒ™ แƒ™แƒ˜แƒ›แƒกแƒฃแƒ แƒ˜แƒ–แƒ”. แƒ›แƒแƒก แƒกแƒ™แƒแƒšแƒแƒจแƒ˜ แƒงแƒ•แƒ”แƒšแƒ แƒแƒ‘แƒฃแƒšแƒ˜แƒœแƒ’แƒ”แƒ‘แƒก แƒ›แƒแƒ— แƒจแƒแƒ แƒ˜แƒกแƒ›แƒ˜แƒกแƒ˜ แƒซแƒ›แƒแƒช แƒฏแƒ˜แƒ›แƒ˜แƒœแƒ˜แƒช . แƒกแƒ™แƒแƒšแƒแƒจแƒ˜ แƒแƒ แƒ•แƒแƒ˜แƒœ แƒ˜แƒชแƒ˜แƒก แƒ’แƒแƒ แƒ“แƒ แƒ‘แƒแƒœแƒ—แƒแƒœแƒ˜แƒกแƒ...
36.5K 650 6
"Now... It's time to awaken love.." -???? In a world filled with villains there lies a prestigious school for talented and skillful magicians all ar...