A Love to Report [Fin]

由 YGDara

3.6M 63.2K 2.3K

Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano... 更多

A Love to Report
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen [1]
Sixteen [2]
Sixteen [3]
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
HAPPY
Forty [1]
Forty [2]
Forty [3]
Epilogue

Eleven

76.2K 1.3K 78
由 YGDara



"Sige na Jane, mauna na ako. At baka umuusok na ang ilong ni Sir Monster." paalam ni Adie kay Jane.

"May pa Sir Monster ka pa diyang nalalaman eh crush mo naman." asar sakanya ni Jane.

"Hay ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga." agad siyang sumakay sa elevator dahil aasarin at aasarin lang siya ni Jane. Dapat talaga hindi niya pinuri yung Marco na iyon sa harap ni Jane eh. Ayan tuloy, pinapatay siya nito sa asar.





Speaking of her boss, naalala niya na hindi pa ito lumalabas sa office nito simula nang dumating ito. Napaisip tuloy siya. Kumain na kaya ito? Bilan niya kaya ito ng lunch?

Pipindutin na niya sana ang ground floor kung saan ang cafeteria matatagpuan pero her point finger stopped halfway ng may napagtanto siya.





"Teka, bakit ba nag-aalala ako dun sa mokong na iyon? Bahala siya sa buhay niya." sabi niya sa sarili.



Pumunta muna siya sa restroom bago pumasok sa opisina ni Marco. Habang naghuhugas siya bigla nalang nag-ring ang phone niya. Inipit niya ang phone niya sa pisngi at balikat niya habang pinupunasan ang kamay.





"Oh Ate Alex. Bakit?"

"Wala lang. Just checking on you." sabi ni Ate Alex sa kabilang linya.

"Checking on me or the project?"



Narinig naman niyang bumuntong-hininga si Ate Alex sa kabilang linya bago magsalita ulit. "I'm just worried Adie. I mean, matatapos na ang dalawang linggo mo. May nangyari na ba? Hindi ka kasi nagrereport sa'kin if there's any progress. What's your plan?" sunod-sunod na sabi nito.



"Relax Ate. I got it all under control. Akong bahala. I thought you trust me?" nilagyan niya ng bahid na pagtatampo ang boses niya.

"Of course I trust you. Kaya nga ikaw ang nilagay ko diyan sa project na iyan eh. It's just that, I really want this bad. Para sa.."



Ate Alex stopped her sentence. Napansin ni Adie iyon na tila may naalala and she knows well.



"Hey Ate. I promise you, your magazine will get this scoop of Montello just like how I will be at that conference in New York. At kapag nakuha natin ang interview I know that your parents would be so proud of you."



Narinig ni Adie ang pagsinghot ni Alex sa kabilang linya tanda na umiiyak ito.



"Thanks Adie. I just wish they were here."

"Hindi man sila nandito physically, I know that they're watching you from above. Huwag ka na malungkot Ate Alex. Ikakasal ka na oh. Basta akong bahala. May plano na ako. Okay? Bye!"



Agad niyang binaba ang phone niya bago pa makapagtanong ulit si Ate Alex tungkol sa sinasabi niyang plano kuno niya.

Napasandal si Adie sa pinto ng isang cubicle doon habang tinignan ang sarili sa salamin. Napapikit siya ng mariin. Sa totoo lang, wala siyang plano.

Malapit ng matapos ang dalawang linggo niyang paninilbihan kay Marco bilang temporary secretary nito. Ano kaya ang pwede niyang gawin to prolong her stay? Hindi naman niya pwedeng tawagin sina Batman,Superman,Spiderman at iba pang heroes na may 'man' sa dulo para humingi ng tulong. All she got is herself and her brain. She needs to think fast. Nandito na siya eh. Malapit na siya sa Montello'ng iyon.

Pero paano? Nalalabi na ang mga sandali niya kasama ito. Iniisip niya palang iyon ay nalulungkot na siya. Which is really weird.

Napapitlag siya ng tumunog ulit ang phone niya. Akala niya si Ate Alex ulit iyon kaya naman sinagot na niya lang nang hindi tinitignan ang screen.



"I told you Ate Alex, I got it all covered." sabi niya.



"I didn't know na Alex pala ang pangalan ko."



That voice! How could she not recognize that oozing sexy voice thay never fails to make her heart flutter.



"Marco! I-I mean Sir Marco!" bulalas niya.

"Where are you Adie? It's already past one o'clock." he asked.

Shet talaga! Ang pogi lang talaga ng boses nito. Para bang sineseduce ka ng boses niya.

"Uhm.. nasa restroom lang po ako sir." sagot niya.

"Okay, pagkatapos mo diyan pumasok ka na sa office. Huwag ka na kumatok just come in straight."

"Okay po sir--"



Hindi niya pa natatapos ang sinasabi ng ibinaba na nito ang tawag. Ohhhhwwkay! That was a bit rude. Pero infairness, sa tono ng pananalita nito ay walang bahid ng pagkairita o pagka-bad mood.

Agad siyang lumabas ng restroom at dumiretso sa opisina ni Marco. Kahit na sabi nito ay huwag na siyang kumatok ay kumatok parin siya. Aba baka sabihin ulit na naiwan niya ang manners niya sa lamesa niya. Nakadalawang katok na siya pero hindi parin ito sumasagot mula sa loob kaya naman pumasok nalang siya. Hinanap niya ito sa office table nito pero wala roon. Kaya naman pumunta siya sa studio nito at nakita ito roon na nakaupo sa harap ng isang computer nito at may suot na headphones.

Kakalabitin na sana niya ito pero natigilan siya ng nakita niya ito. Napanganga siya sa nakita. His eyes were closed while his head is boggling up and down and sideways a if he's enjoying on what he's listening.

Naka-half smile ito. Hindi ngisi kundin half-smile. Ngayon niya lang ito nakita sa ganitong ekspresyon. As if, nag-iba ang paningin niya sa Marco'ng nasa harap niya ngayon. It's like he's trapped in his own world. Parang siya, whenever she sings or writes.

Nasa ganoong posisyon siya nang tapunan siya ng tingin ni Marco. Agad na inayos niya ang sarili at tipid na ngumiti. Si Marco naman ay may ginawa sa computer bago tanggalin ang headphones na suot. Marahil siguro'y itinigil nito yung pinapakinggan.



"Kanina ka pa?" tanong nito sa isang normal na tono. Monotone. Hindi naman masyadong seryoso pero hindi naman yung tipong accomodating. Parang wala lang.

"Kakapasok ko lang po sir." sagot niya.

"Sit down,Ms. Martin. May pag-uusapan tayo." agad naman siyang tumalima sa utos nito.

Pumunta ito sa may office table niya at may kung anong hinalungkat sa may drawer doon. Kinabahan tuloy si Adie.

Mukhang seryosong bagay ang pag-uusapan nila. Nalaman na kaya nito na journalist siya? Naku! Patay. Kapag nangyari ang bagay na iyon tiyak na babalatan siya ni Marco ng buhay. Pero paano naman niya malalaman eh ni hindi naman sila nagkakausap o kaya hindi siya nito pinapakaelaman.

Hindi kaya pina-imbestigahan siya nito?

Pero imposible naman ata iyon. Bakit naman mag-aaksaya ng pera si Marco para sa bagay na iyon?

Naputol ang pag-be-brainstorming niyang mag-isa nang umupo ito sa harapan niya kipkip ang isang folder at iPad na may nakasaksak na earphone.



"Ms. Martin, ito na ang sweldo mo for the whole two weeks." abot nito sa isang check. Nang tignan ito ni Adie, nagulantang siya sa dami ng zeroes doon. Ganoon ang sweldo niya sa dalawang linggong pagtunganga sa lamesa niya?! Tsaka..teka! Ni hindi pa nga siya nakaka-isang linggo sa pagtatrabaho ay may sweldo na aga siya?



"Napaaga naman ata ang sweldo ko,sir?"



Seryosong tinignan siya ni Marco. "Papasok na after three days si Cora. Yung talagang secretary ko. Napaaga since nakarecover nanaman siya sa sakit niya. Ngayon ko na ibinigay iyan dahil baka busy ako this week." saad nito.



Tila gumunaw ang mundo ni Adie. What the hell! Tatlong araw nalang siya sa puder ni Marco! Anong gagawin niya? Hindi pwede iyon! Kailangan niyang ma-interview ito! Balian niya kaya ng buto yung Cora?

Ay hindi pwede. Bad iyon! Magagalit sakanya ang pamilya niya tsaka si Papa Jesus. Ano na ngayon ang gagawin niya?



"Ho? Eh sir, baka po mabinat yung si Ms. Cora. Bakit hindi nalang niyo ako patapusin sa dalawang linggo ko dito para narin 'di sayang 'tong pangdalawang linggo kong sweldo."



Pumayag ka nang damuho ka!



"Cora said she's fine. She also emailed me the go signal from her doctor. Don't worry about the money. Buo parin iyan kahit na hindi ka nagtrabaho ng dalawang linggo." he said.



"So, three days nalang po ako dito sir?" malungkot na tanong niya rito.



"Yes. Bakit parang malungkot ka ata?" nakakunot-noong tanong sakanya ni Marco.



"Mamimiss kasi kita."

Nanlaki ang mga mata ni Adie. Uh-oh! Dapat sa isip niya lang iyon sasabihin bakit na-voice out niya?! NAKAKAHIYA!

Napakagat labi siya at mabilis na tinampal niya ang kanyang bibig. ADIE AND HER BIG MOUTH!

Nakita niyang napangisi si Marco sa nasabi niya. Tila ba amused ito sa nasabi niya.



"You'll gonna miss me huh? Too bad, I'm not gonna miss you." nakangising sabi nito.

Okay. She takes it back! Di niya ito mamimiss! Leche! Ayun na eh. Okay na sana eh. Makakarecover na sana siya sa pagkapahiya kaya lang umeksena ang balahurang bibig ni Marco.

Humalukipkip siya. "Mali naman kasi kayo ng interpretation sir eh. Mamimiss ko ang lamesa ko, yung swivel chair ko. Etong couch!" sabay higa sa couch na inuupuan niya at tumayo rin pagkatapos. She faked a laugh. "Tsaka ako? Mamimiss ka?! Huh. No offense sir ha, pero masyado ka naman atang mahangin. Linilipad na nga ako eh."



Mas lalo pa siyang nainis ng ngumisi pa ito ng mas malapad. Ay leche! Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ito?! Wala pang pwedeng ipintas dito sa itsura?! Nasalo ata nito lahat ng magpasabog si Papa Jesus ng kagwapuhan at kakisigan eh.



"Really? Sayang, may iaalok sana akong bagong trabaho sa'yo."

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Did she heard it right? Bagong trabaho? Eto na ba iyon? Ang swerteng hinihintay niya?



"Ano'ng ibig niyong sabihin?" taas-kilay na tanong niya. Aba siyempre, kailangan hindi siya masyadong halata.

"May ipaparinig ako sa'yo." sabay abot niya sa isang iPad na nay nakasaksak na earphones. Kinuha naman niya iyon at sinuot. Pinlay niya ang naka-pause na kanta.
Wala pa itong lyrics pero ang sarap pakinggan. Napaka-refreshing. Hindi tulad ng una niyang narinig na kinompose nito na malungkot. Siguro para kay ma'am Eunice ito. Nang mag-stop ang kanta ay hinubad na niya ang earphones.

"How was it?" tanong sakanya ni Marco.

"Maganda. Kumpara sa una mong kinompose mas may buhay ito." komento niya.

Tumango-tango naman ito. "Eunice likes it too. Lalo na ng marinig niya ito ng may nakalapat na ng lyrics. She said it's good but she said to change the lyrics."

"Talaga? Bakit walang lyrics yung napakinggan ko? At tsaka teka lang. Ano'ng kinalaman nito sa trabahong sinasabi niyo?"

"Pindutin mo yung next song at nang malaman mo kung ano ang sinasabi ko." Utos niya.

Sinunod naman ni Adie iyon at nilagay ulit ang earphones sa tainga.

Nauna ang intro ng kantang kaninang napakinggan niya. Kung hindi siya nagkakamali, piano at drums ang ginamit na instrumento rito na inedit lang para maging pop ang dating. At nagsimula nang kumanta ang isang lalaki.



Can you really see the way you're holding me?
Because it makes it the place I wanna be
'Cause everytime I'm lying in your arms
I can see the you for who you are

And that's what keeps me here for holding on
And that's what makes it harder when you're gone
'Cause I gotta keep fighting to resist
I'm seeing it from what it really is

Everytime we fall down, you're the one that picks us up
And I don't wanna cry
Don't wanna live a lie
I know you're seeing me that's I wanna believe yeah but..



Habang pinapakinggan ang kanta ay kasabay nun ang pagkabog ng dibdib ni Adie. She knows this lines. Alam na alam niya iyon. At ang sarap pakinggan ng mga ito lalo na at si Marco ang bumibigkas sa bawat salita. Alam niyang si Marco ang kumakanta sa pinapakinggan niya. How did she know? Dahil kumalabog na sa umpisa palang ang dibdib niya.





Tell me what to say when you promise me I can trust you
'Cause these tears keep falling
I should walk away but I just can't be without you
I just keep ignoring all

I'm calling you're phone
No wonder you won't answer my calls 'cause
Baby,when you say that you need time on your own
I know you're not alone





Hindi na tinapos ni Adie ang kanta. Tinigan niya ng mabuti si Marco. Her mouth is partly opened. She knows that lines. It's her poem! Pero bakit niya alam ito?



"Hindi nagustuhan ni Eunice ang lyrics 'cause it's not fit for her album. But she said whoever wrote it must be very talented and gifted. Hindi man directly, pinuri ka ni Eunice."



"Paano mo nakuha ang poem ko?" tanong niya rito.

"Ah. Poem pala iyon. Akala ko kanta talaga. Naghahanap kasi ako ng isang particular music sheet at tinignan ko ang trash bin mo nang hindi ko makita sa akin. Ayun, nabasa ko. You have talent Adie. Bakit hindi mo gamitin?" tanong nito sakanya.

Kung alam lang ni Marco ay gamit na gamit niya ang talent niyang iyon. She's a literary writer. Yun nga lang, nakafreeze muna ang talent niyang iyon dahil sa mission niyang mainterview ang lalaking nasa harap nito.

She just shrugged at his question.



"Ano bang pinatutunguhan ng usapang ito?" tanong niya ulit kasi hindi na maganda ang pakiramdam niya. Feeling niya ay nasusuffocate siya.

"Be my new lyricist. You have it Adie." sabi nito pagka-abot ng isang folder na may kontrata roon. Binasa iyon ni Adie, as usual mas maraming zeroes ang nakalagay sa paycheck niya kung papayag siya. Pwede na. Plus, mas malaking chance ito na mas makakuha ng bwelong mainterview si Marco.



"Where do I sign?" tanong niya.



Napangiti naman si Marco at itinuro nito ang isang blankong linya sa kontrata. She was about to sign nang magsalita ito.



"Bakit mo itinapon yung poem mo na iyon? Sayang."

"Dapat lang itapon ang mga walang kwentang bagay katulad nun." she said in sa serious tone. Napatigil tuloy siya sa pagpirma para harapin ito. It was the other day ng makita niya sa dating notebook ang na poems na naisulat niya dati. She was looking for a certain unfinished poem niya nang makita ang na lumang poems na iyon. Pinilas niya lahat ng mga poems na isinulat niya patungkol sa lalaking nanakit sakanya ng husto at itinapon sa trash bin. Malay ba niyang mag-aalsa basurero si Marco.

"Siguro malalim ang pinaghugutan mo ng isulat mo ang poem na iyan?" usisa nito.



Napahinga siya ng malalim at tinignan ito. "Kailan pa kayo naging usisero at madaldal, sir?"



Marco just shrugged. "Curious lang. Halata kasi sa poem mo na lalaki ang pinatutungkulan mo. Is he your boyfriend? Nagloko?" may halong pang-aasar sa tono nito na mas lalo niyang ikinainis.



"Wala kang alam." tipid na sagot niya.



"Adie, sa sinulat mong poem ay parang ikinwento mo na ang panloloko sa'yo ng lalaki mo. It must hurt like hell. Sabagay, sa kulit mong iyan at isip bata..no wonder maghahanap ng mature woman ang boyfriend mo."



Napatigil ito sa pagsasalita ng balibagin niya ang iPad. Kinuha niya rin ang kontrata at pinunit sa harap nito. Kinuha niya rin ang sweldo niya sa pagiging secretary at pinunit din sa harap nito. Bahala na!

"Maghanap ka ulit ng lyricist mo." galit na sabi niya rito at tuluyan nang lumabas sa opisina nito.

He just crossed the line! Wala siyang alam sa pinagdaanan niya kaya wala siyang karapatang husgahan siya. Isip bata? Oo, inaamin niya iyon na minsan ay isip bata siya. Pero that doesn't mean na dapat na siyang iwan.



Pinindot niya ang ground floor sa elevator at doon tumulo ang mga luha niyang kanina pang pinipigilan.



Bakit ba siya umiiyak?! Leche! She's over with that ex of her! Masakit lang kasi. Kasi.. nahusgahan siya ng taong iyon. The man that she thinks she's falling to.



--------

Song used: I know you're not alone by Sweetbox.

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

继续阅读

You'll Also Like

1.3M 43.3K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...
14.7M 344K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...
4.3K 185 10
Mike Geffen Castillo's story All Rights Reserved. April 2024. Miss Kae @KaeJune
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...