Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 45: Wrong Expecations

12.5K 416 94
By JoeBeniza

I drove my car to get to our meeting place. Ano kaya trip nito ni Valeng? Ang layo pa naman ng MOA Seaside. Matapos ang ilang minuto o oras yata na pagmamaneho, nakarating ako sa meeting place namin.

Nauna ako, dahil mukhang wala pa siya dito. Agad akong nag message sa kanya para sabihin na nandito na ako.

Me: Valeng. Saan ka na? Dito na ko.

Valerie: Bilis mo ah. Teka maliligo na ko.

Me: What?! Maliligo ka pa lang?! Akala ko ba 3PM tayo magkikita.

Valerie: Hahahaha sorry na.

Me: Pinag ti-tripan mo lang ba ako?

Valerie: LOL

Me: Hanep ka talagang Dragon ka. Yari ka sa'kin sa susunod. Uuwi na ako.

Velerie: Sige uwi ka na. Hahaha

Lokong dragon 'to! Lakas talaga ng trip. May araw din sa akin 'yon.
Agad akong bumalik sa kotse ko at nagmaneho pauwi. Habang bumabyahe naisipan kong tawagan si Mia. Baka free time na siya.
I used my bluetooth earpiece to call her while driving.

"Hi Mia! Will you be free tonight or later in a bit?"

"Hello Kier, I'm sorry nasa field ako ngayon. Baka bukas pa ako or next week maging free. But I'll call you later," sagot ni Mia.

"Its fine, Mia. I just checked kung ayos ka lang. Mag iingat ka diyan a."

"Sweet! Don't worry. Take good care. See you again soon. Bye."

"Bye."

Napabuntong hininga na lang ako. Malas naman na araw na ito. Pinagtripan na nga ng dragon, wala pa si Mia. Makauwi na nga lang.

Matapos ang mahabang biyahe, pakiramdam ko napagod ako. Ipinasok ko sa garahe ko ang aking kotse, lumabas ako ng kotse, at pumasok ng bahay.

Ngunit pag pasok ko...

"SURPRISE!"

Bigla akong sinalubong ng yakap ni Valerie sa leeg.

"Valerie? Ano'ng ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito sa bahay?"

"Wala napadaan lang ako. Inutusan lang ako bumili ng suka ni Papa," sagot ni Valerie.

Nagtaka naman ako sa sinagot niya. "Huh?"

"Joke lang! Siyempre! Nandito para makita ka. Ikaw lang wala ng iba," sambit niya ulit.

Napangiti naman ako. Bumitaw siya sa pag-yakap.

"Teka sandali. Pupunta ka rin pala dito, bakit mo pa ako pinapunta ng MOA?" Tanong ko.

"Nasa plano na talaga 'yon. Kasi mag luluto pa ako tsaka para ma-supresa talaga kita. Tapos matagal ko nang pina-duplicate 'yong susi mo para pag gusto kitang surpresahin katulad nito, hindi mo malalaman," paliwanag ni Valerie.

Nasurpresa naman talaga ako. Iba 'tong dragon na 'to a. Didn't see that coming. Pero teka saglit. Sabi niya luto niya? Patay na... R.I.P. to me.

"Y-you mean nag luto ka?"

"Oo heto oh." Dinala ako ni Valerie sa dining room at tumambad sa akin ang maraming mga pagkain katulad ng dragon carbonara, dragon roasted chicken, chocolate dragon cake, lumpiang dragon, at kung ano ano pang dragon recipe. Parang pang fiesta pa yata ang hinanda niya. Ang dami!

Napalagok ako. "A-ang dami naman. May mga bisita ba tayo mamaya?"

"Nope. It's just you and me. Gusto mo nang kumain?"

"Ah... Eh... Mamaya na lang siguro. May okasyon ba?" Hinawakan ko ang noo niya. "May sakit ka ba?"

"Wala 'no! Gusto ko lang talaga ipaghanda ka." Kumapit siya sa braso ko at ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko. "Na miss kita."

"Miss ka diyan. Magagalit 'yong boyfriend mo," sambit ko.

Natawa siya sa sinabi ko. "Sino ba'ng boyfriend ko? Wala naman akong boyfriend."

"Susumbong kita kay Shane," sambit ko.

Tinawanan niya lang ako ulit.

Napakamot ulo na lang ako. "Ano kayang nakakatawa? Baliw ka na, dragon?"

"Ikaw nakakatawa, mukha kang puppy eh."

"Ah gano'n ah?" Kinunotan ko siya ng noo.

"Cute na puppy. Oh, ayan cute na ah," bawi niya at napangiti naman ako.

"Good girl!"

Tumawa siyang muli. Nagtataka na ako.

"Ano ba nakakatawa? Hindi ka yata uminom ng gamot mo e."

"Lika na upo na tayo, tikman mo na itong mga niluto ko," Umupo kami at ikinuha niya ako ng mga luto niyang pagkain.

"Ano nga pala 'yong sasabihin mo, Valeng?" Tanong ko para madelay ng konti ang sintensya ko na tikman ang luto ng dragon.

"Naaalala mo pa ba 'yong unang beses mo akong sinabihang good girl?" Tanong ni Valerie.

"Oo. Pinag-tripan mo rin ako ng araw na 'yon, di ba?" Sagot ko.

Ngiting ngiti naman si Valerie sa sagot ko. Nagtataka na ako dito sa dragon na 'to. May kailangan siguro sa akin 'to.

"Yes naman! Naaalala pa niya. Ako naaalala ko pa simula no'ng araw na makilala kita."

Napangiti ako sa sinabi niya. Bakit kaya ang sweet sweet ng dragon?

Kumuha siya ng carbonara na nilagay niya sa plato ko. "Tikman mo 'tong gawa ko. Specialty ko 'to."

Isinubo niya sa akin ang gawa niyang carbonara at dahil nandiyan na at wala akong choice, kinain ko na lang.

Nginuya ko ito ng dahan dahan.

Oh my god!

Hindi ako makapaniwala.

Ang tabang!

Ngumisi siya pagkasubo ko ng carbonara, "Ano masarap ba?"

May laman ang bibig ko kaya hindi ako nakapagsalita. Pero tumango ako para sabihin na masarap ito kahit hindi.

Nilagok ko ang aking kinakain, "Effort a. Ano kayang meron?"

Kumuha siya ng iba pa niyang mga niluto at nilagay niya ang mga ito sa plato ko, "Kain ka pa. Marami akong niluto para sa'yo."

"P-pansin ko nga e. Sa sobrang dami parang bibitayin na ko bukas."

Pabiro niya naman akong pinalo sa braso dahil sa joke ko.

Kahit 'di maintindihan ang lasa ng luto ni Valerie, pinilit kong ubusin ang mga pagkain na nilagay niya sa plato ko. Nabusog naman ako kahit parang washing machine na 'yong sikmura ko.


Valerie's Point of View

Ang sarap sa pakiramdam na ipinagluto mo 'yong taong mahal mo. Iyong tipong hindi mo alam na kaya mo pala na gawin ang mga ganitong bagay na hindi mo akalain na kaya mo, kapag inspired ka.

Naubos pa niya lahat ng food sa plato niya. Galing ko talaga! Sa susunod, aalamin ko mga paboritong niyang pagkain para 'yon naman next kong lulutuin.

Pagkatapos namin kumain, inalok ko siyang manood ng movie. Umupo kami sa sala at humarap sa malaki niyang TV na akala mo pang sinihan na. Mga 110 inches yata 'yon.

"Nood tayo ng action or fantasy na movie. Ito, deadpool or ironman," mungkahi niya

"Eeh! Ayaw ko niyan. Ito na lang oh." Inilipat ko sa romance section ang movie selection na nasa TV. "A walk to remember or 'di kaya ito, Me before you."

Siyempre dapat romantic panoorin namin.

"Ang hopeless romantic naman nito. Ano kaya kung comedy na lang?" Mungkahi ni Kier.

"Ayaw. How about twilight?" I suggested.

Napakamot siya ng ulo niya. "Harry potter na lang. Mas maganda Wizards kaysa Vampire."

"Sige na nga."

Wala akong nagawa kung hindi ang sumang ayon. Wala e. Mahal ko e.

"Gusto mo ng maiinom habang nanonood?" Alok ko.

"Aba! Ang bait mo ngayon a. Sige, check mo sa ref, mayroon 'don."

Pumunta ako sa kusina at naglabas ng malamig na cucumber juice. Mukhang gustong gusto ito ni Kier, mayroon siyang dalawang pitcher e.

Dinala ko ito sa sala at umupo sa tabi niya. Sinimulan niya na rin ang movie.

Habang nanonood, unti unti akong lumapit sa kanya. Umusog ako ng umusog hangang sa maging magkadikit kami. Ang bango bango niya. Bakit ba ngayon ko lang napansin 'to sa kanya? Dati inis na inis ako sa kanya, ngayon parang lahat sa kanya gusto ko na.

Tahimik kaming nanonood at naisipan kong ipatong ang ulo ko sa balikat niya. Ang saya sa pakiramdam ng ganito. Sana lagi na lang kami ganito.

Babad kami sa panonood nang biglang may tumawag kay Kier.

"Hello?" Sambit ni Kier sa Phone.

...

"Mia?! Bakit anong nangyari?!"

...

"Don't worry. Just stay there, pupuntahan kita agad!"

...

Tumayo si Kier at mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse niya sa lamesa.

"Kier, saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sorry, Valeng. Kailangan ko puntahan si Mia," sagot niya.

Biglang uminit ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon.

"Mia?! Ano bang problema niya? Bakit ikaw pa hinihingian niya ng tulong?!"

Umakyat si Kier ng kwarto niya para magbihis. Sumunod naman ako dahil ayaw ko siyang umalis.

Sinara niya ang pinto ng kwarto niya dahil nag bibihis siya. Naiwan naman ako sa labas sa may pinto.

"Kier huwag ka na lang umalis oh! Nanonood tayo e. Sayang naman 'yong movie."

Ilang saglit pa ay lumabas siya ng kwarto.

"You don't understand, she needs me." Nagmamadali siya na akala mo naman nasa panganib 'yong babaeng 'yon.

Bumaba siya ng hagdan kaya't sumunod naman ako.

"Paano naman ako? Kailangan din kita!"

Tumingin siya sa akin at tila nagtataka.

Tumingin siya sa phone niya at tila mag ka-text sila ng Mia na 'yon. Hindi ko alam pero selos na selos talaga ako kaya't bigla kong inagaw ang phone niya.

Nagalit naman siya sa ginawa ko, "Ano ba?!"

"Sino ba kasi 'yang tini-text mo? Mas importante ba 'yang Mia na 'yan kaysa sa akin?!"

"Ano ba'ng problema mo, Valeng?!" Inagaw niya sa akin ang phone. "She needs my help and I need to go. You're acting like a kid. Bakit ka ba nag kakaganyan?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Lumabas siya ng pinto at dinig kong sumakay na siya ng kotse niya.

Naiwan akong mag isa. Wala akong nagawa kung 'di ang umiyak.

"Nagkaka-ganito ako dahil mahal kita. Dahil gusto ko na sa akin ka. Dahil gusto kong maramdaman na mas importante ako sa'yo kaysa iba."

Pero...

Mukhang umasa pala ako sa wala...

Iniligpit ko ang mga niluto kong pagkain at lumabas ako ng bahay ni Kier. Tumawag ako ng taxi para mag pasundo pauwi. Ilang saglit pa ay dumating ang taxi at sumakay ako. Habang nasa biyahe naalala ko 'yong mga araw na nasa taxi kami ni Kier at nag-aasaran.

"Sino ba kasi 'yong Mia na 'yon? Okay na kami e." Humagulgol ako sa pag iyak. Hindi ko na nagawang mahiya kay manong taxi driver. Ang sakit sakit na kasi talaga eh.

Tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad ito kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Sambit ko sa phone habang nag pupunas pa ng luha. Sana si Kier 'to.

"Val, umiiyak ka ba? Si Shane 'to."

Si Shane pala.

"Shane? Hindi... Amm... Aah... May sipon lang ako," sagot ko.

"Val, pinaiyak ka ba niya? Nasaan ka? Magkita tayo."

Continue Reading

You'll Also Like

516K 14.9K 13
Paano maniniwala ang isang tragic writer na may happily ever after? Pag-ibig kaya ang muling magpapatunay sa kanya na ang buhay ay hindi laging malun...
13.5K 452 8
| STONEHEARTS #10| Torie Maylalaine Gosingtian grew up with a silver spoon in her mouth. Being the youngest of the two daughters of a business magnat...
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
6.2K 643 8
Pia x Ferdz story 03/22/2023 - 03/27/2023