A Love to Report [Fin]

By YGDara

3.6M 63.2K 2.3K

Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano... More

A Love to Report
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen [1]
Sixteen [2]
Sixteen [3]
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
HAPPY
Forty [1]
Forty [2]
Forty [3]
Epilogue

Ten

70.2K 1.3K 32
By YGDara



"What do you mean magreresign ka?!"

Napasapo sa noo si Marco nang bigla nalang pumasok sa studio niya si Jay. Isa sa main lyricist niya. Umapaw ang galit niya ng bigla nalang nitong ilapag sa table niya ang resignation letter nito.

"Sorry Marco. Pero sayang yung opportunity na nakahain na sa'kin. Hindi ko pwedeng palagpasin pa iyon."

Pupunta na kasi ito sa America dahil natanggap ito sa Music school na pinag-apply-an nito.

"Pero bakit kailangan ngayon pa? May five months ka pa bago magstart ang klase mo." desperadong tanong niya kay Jay.



Oo. Desperado na siya. Kung kailan naman maraming trabaho sa recording company niya ay tsaka naman nagkandasunod-sunod ang dating ng problema sakanya. Hindi pa siya nakakagawa ng bagong composition para kay Eunice. Paano na ang ibang artist na handle nila? Hindi niya kayang pagsabayin ang mga iyon. Hindi tulad ng ibang recording company, kakaunti lang ang lyricist,composer at producer niya. Iyon ang stratehiya niya sa mundo ng musika. Bakit pa siya kukuha ng marami kung kaya naman iyon ng kakaunti? He may have few employees but he is sure as hell that he has the best of the best. At isa na roon si Jay na ngayon ay aalis na.

Sa dami nilang handle na mga singers ay hindi nila kakayanin kung may mababawas pa.



"Pasensya na talaga. Naiintinihan mo naman siguro ako, kailangan kong paghandaan ang pagpunta roon at gusto ko makasama ang pamilya ko sa five months na iyon."



Bumuga nalang si Marco ng malalim na hininga. Sa huli, tinanggap na niya yung resignation letter ni Jay. Wala naman na din siyang magagawa hindi ba? Alangan naman, pigilan niya yung tao sa pangarap niya. He's not that cruel.



Ngayon, ang problema ay saan siya hahanap ng kapalit ni Jay?

-------

Six thirty palang ay nasa desk na niya si Adie. Dino-double check niya ang mga schedules at mga gustong mag-schedule ng appointment kay Marco.

Karamihan sa mga ito ay gusto itong mainterview. Mainit nanaman ang pangalan nito dahil nakasama ang recording company nito sa 'Best in Producing Worlwide Music'.

Kaya lang sure na sure si Adie natatanggihan lang nito ang mga iyon. Ni siya nga, nakapasok na siya sa isang lungga ni Marco, ay hirap parin siyang kumuha ng tiyempo para makakuha ng interview.



Seven na ng umaga ay wala parin si Marco. Nagtaka tuloy si Adie. Sa halos isang linggo na niyang pagtatrabaho bilang temporary secretary ni Marco ay hindi niya pa ito nakitang nalate. Madalas before seven o saktong seven ay nasa opisina na niya ito. Hindi na lang niya iyon masyadong inisip. Tutal, tapos nanaman na ang mga dapat niyang gawin, kinuha niya ang notepad niya at nagsulat ng kung ano anong random thoughts niya.



Eight ng umaga ay bigla nalang sumulpot si Marco. He is just wearing a plain white shirt at tinernuhan lang ng ripped pants at nakashades pa ito.

Habang tinitignan ni Adie si Marco, bumilis ang tibok ng puso niya. How could this man remains handsome kahit na anong isuot nito? Kapag nakaformal, gwapo. Kapag naka-casual, gwapo parin. Kahit na ang sungit nito, gwapo parin. Paano pa kaya kapag nakangiti at nakahubad na ito?!



"Sumunod ka sakin." utos nito ng madaanan siya ni Marco sa desk. Pagkasabi nito iyon, ay diretso na ito pumasok sa opisina nito. Siya naman ay nakatulala lang sa ngayong nakasaradong pinto ng opisina ni Marco. God! Hindi niya alam na pinipigilan na pala niyang huminga! Hinawakan ni Adie ang kaliwang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya. Bakit ganoon? Ngayon lang lumakas ng ganito katindi ang tibok ng puso niya.



Napapikit siya at huminga ng malalim. Kipkip ang kanyang planner ay kumatok siya sa pinto ni Marco.





"Pasok." Rinig na sabi nito sa loob. Bago pumasok ay bumuga pa siya ng hangin.



"Whoo! Crush lang iyan." bulong niya sa sarili bago pinitin ang seradura at tuluyan ng pumasok.





Tumayo siya sa harap ng table ni Marco. Nakatagilid sakanya ang swivel chair nito. Nakasandal lang doon si Marco at pinaglalaruan ang lapis sa kanang kamay nito. Mukhang malalim ang iniisip nito. Hinihintay ni Adie na magsalita ito, pero mukha atang walang balak ito.


"Sir, FuseTv wants to have an interview regarding to your artists." panimula niya. Ngunit no response ito sakanya. Kaya naman tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita.



"Gusto rin po kayong mainterview ng isang business magazine. Pina-book rin po ng ABS-CBN ang Montello Concert Hall niyo. And also sir, yung shoot niyo po kay Mrs. Santillan ay bukas na po. Huwag raw po kayo malate kundi ay babalatan daw niya kayo ng buhay.."



Sa dami ng sinabi niya, patuloy lang ito sa paglalaro sa lapis sa kanang kamay niya. Parang nakikipag-usap lang siya sa bula.



"Sir?" nag-aalalang tawag niya rito. Aba malay niya ba? Baka nakalimutan nitong huminga or baka tinakasan ng kaluluwa.



Huminga siya ng maluwag at muling nagsalita. "Nasunog rin po pala yung Montello Theatre 1 po kaninang umaga." seryosong sabi niya.



"What?!" baling sakanya ni Marco.



Ngumisi siya. Edi nakuha niya ang atensyon nito. "Joke lang sir! Kasi naman kanina pa po ko dakdak ng dakdak dito,hindi niyo naman po ako pinapansin."



Huminga ng maluwag si Marco. "Don't do that again,Adie." malumanay na sabi nito sakanya.



Ohhhhh Myyyyy! Bakit natigilan siya?! Himala! Hindi siya binulyawan ni Marco. And that,that voice he used to her! Grabe! Nakakalusaw!



"Sir? May problema po ba?" concerned na tanong niya.



"Deny all the inteviews. Just accept the Concert Hall. Ako na bahala kay Colyn. You may go." dismisa nito sakanya.



Laglag ang balikat ni Adie nang lumabas siya sa opisina ni Marco. Sure siya na may problema ito. Tungkol kaya ito dun kay Ms. Eunice? The last time na nag-usap sila kay Ms. Eunice ay nagalit ito ng husto. Buong maghapon ay iniisip niya kung ano ba ang problema nito.

Alas dose na ng tanghali, nag-lunch siya sa cafeteria ng kompanya. Kasama niya si Jane, pagkakaalam niya ay ito ang naghahandle sa mga concert halls ng nga Montello.



"Hanggang kailan ka rito?" tanong nito sakanya.

"Dalawang linggo lang ako. Temporary lang kasi ako." sagot niya.

"Ah. Akala ko secretary ka talaga ni Sir Marco. Nagulat nga kami eh nang makita ka namin. Ang bata mo pa. Tsaka mukha ka namang mayaman para maging secretary." komento nito.



"Ah, mukha lang iyon. Tsaka twenty-four na ako. Hindi na iyon bata."



"Ano ka! Bata pa iyon,ank! Kasi si Sir Marco hindi pa iyang nagkaka-secretary ng mga nasa twenties. Natatandaan ko, nung nagkaroon siya ng secretary na twenties eh inakit lang siya. Kaya nga si Mrs. Duquez lang talaga ang nakatagal ng sobra." natatawang kwento nito sakanya.



"Gwapo naman talaga si Marco. Hindi mahirap na magustuhan. Parang mga kaibigan niya lang rin."



"Crush mo si Sir, ano? Aba, at Marco lang talaga ang tawag mo ah." asar sakanya ni Jane.



Nag-kibit balikat lang siya sa sinabi ni Jane. Nginitian lang niya ito at nagkatawanan sila pagkatapos.

------



Kanina pa kinakalkal ni Marco ang trash bin niya. May naitapon kasi siyang music sheet na hindi naman dapat.



"Nasaan na ba yun?" inis na sabi niya sa sarili. Pinindot niya ang intercom para tawagin si Adie. Baka nasa trash bin nito iyon.



"Ms. Martin?" nakailang tawag siya rito pero hindi ito sumagot pabalik. Nang sipatin niya ang oras, alas dose na pala. Kaya pala wala ito sa desk nito ay marahil nagla-lunch na ito. Kaya naman siya na mismo ang lumabas at naghanap sa music sheet na nawawala. Pumunta siya sa desk nito at umupo sa upuan ni Adie at dumukwang sa trash bin na nasa ilalim ng mesa. Ang daming papel na naroon kaya baka marahil ay naroon ang hinahanap niya. Inisa-isa niyang buksan ang mga nakapulupot na mga papel. Ang iba ay drawings at doodles ni Adie. Napailing nalang siya. Nagtatrabaho ba talaga itong si Adie?



Ang iba naman ay mga music sheets pero hindi iyong hinahanap niya. Kumuha ulit siya ng isa at binuksan iyon. Itatapon na niya sana ulit sa isa pang trash bin ng mabasa ang nakasulat roon.



That's what's keeping me for holding on
That's what makes it harder when you're gone
And I gotta keep fighting to resist
I'm seeing it from what it really is

Everytime we fall down
You're the one that picks us up
And I don't wanna cry
Don't wanna live a lie
I know you're seeing that's I wanna believe



Bigla nalang napangiti si Marco. Agad niyang tinawagan si Kirby, ang hinire niya para maghanap ng bagong lyricist.



"Hello Kirby. Wag ka na maghanap. I think I found my new lyricist."

-------

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

Continue Reading

You'll Also Like

198K 11.8K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
66.8K 880 23
GRAB THE HARD COPY OF REACHING THE SKY PUBLISHED UNDER 8LETTERS BOOKSTORE AND PUBLISHING ♡ || There are things that people wanted to have but they ca...
14.7M 344K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...