YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)

بواسطة ukennat

65.9K 1.2K 220

I was left with nothing but happiness and gratitude with the realization that without the pain of love that's... المزيد

Prologue
A
B
C
D
E
G
H
I
J
K
L
RANT!!!!
L
M
N
O
P
Q
R
hi :-)))

F

3.4K 61 1
بواسطة ukennat

Bea's POV

Sakit ng katawan ko ugh. Ano oras na ba? Hays antok na antok ako. Eto kasing Louisse na to eh! Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos.

Pero napangiti nanaman ako ng maalala ko nanaman yung mga pinagsasabi nya kagabi. Akala nya ata tulog na ko haha.

Tumingin ako sa wall clock at agad ako napatayo. Woah 12pm na????? Balak ko pa sanang lutuan si Jhow ng breakfast eh!! Urgggh.

Pambihira hindi man lang ako ginising ni Jho. O baka tulog pa din?

Pumunta na ko sa cr para gawin ang dapat gawin. Pagtapos ko inayos ko muna yung kama ko at lumabas na.

Pababa pa lang ako ng hagdan naririnig ko na yung boses ni Jho at ni ate Ella pati ng isa pang boses. Nagkakatuwaan ata sila. Dahil based sa tawa ni Jho eh parang wala ng bukas.

Nang makadating ako sa dining, si chikito pala ang nandun. Kaya naman pala ang magaling na Jhoana ay hindi na ko inabala na gisingin dahil may bisita sya. Tss

Sa sobrang busy nya makipagusap at makipagtawanan hindi nya napansin yung pagdating ko.

"Sarap ng tulog mo ah. Kain ka na dito Bei." Bati sakin ni ate Ella kaya napatingin na din sakin si Jho.

"Hi beh, tikman mo tong niluto ko. Lika tabi ka dito sakin." Masiglang bati naman sakin ni Jho. Lumapit ako pero sa tabi na ko ni ate Ella tumabi.

"No sige dito na lang ako." Nagsmile ako ng kahit konti para malaman nya na ok ako.

Ok naman talaga sya sakin, sa katabi nya lang hindi. Ewan ko ba bat nakakabadtrip tignan yung kaibigan nya. Hindi ko nga matignan yung muka eh, sakit kasi sa mata eh.

"Okay ka lang beh?" Tumango naman ako. Kaya pinagpatuloy na lang nila yung kwentuhan nila habang ako nakikinig na lang sakanila.

"Walang kupas talaga ganda mo Jho. Pasalamat ka kailangan ko itigil panliligaw ko sayo noon dahil kailangan ko umalis. Edi sana ako ang naging bf mo at hindi si Baham." Biro naman netong kausap ni Jho.

"Tss linyahang breezy." Bulong ko at kinalabit naman ako ni ate Ella na nakangisi sakin.

"Narinig ko yun ah kaloka ka Bei haha." May paghampas pa sa tuwa. Totoo naman eh nako. Ganyan yan sa umpisang mga lalaki.

"Totoo naman eh. Kala nya naman mabobola nya si Jho." Tumingin naman uli sakin si ate Ella.

"Mismo. Ewan ko lang ngayon kung makakaporma sila ngayon kay Jho." Bulong sakin ni ate Ells. At umapir pa haha.

Tumayo ako ng makatapos ako sa pagkain ko at nagsalita kaya naman napatingin na pati sila Jho sakin.

"Oo naman. Hindi kaya pumapatol sa bading si Jho. Diba beh?" Nakangisi kong tanong kay Jho. At yung muka nya hindi maintindihan dahil di nya din naman maintindihan sinasabi ko hahaha.

Si ate Ella naman halatang nagpipigil ng tawa. At yung muka nung chikito?? Parang affected ah? HAHAHA

Umakyat na ako sa kwarto at humiga uli.

*****

Jho's POV

May regla padin ata si Beatriz dahil simula pagbaba nya hindi nya ko tinabihan at kinausap man lang.

Tapos nakakaloka pa yung tanong nya bago sya umakyat ng kwarto. Ewan ko sakanila ni ate Ells kung ano pinagkekwentuhan mga baliw sila.

Kaninang umaga dumalaw agad si Ged pagkasabi ko sakanya kagabi ng address namin. Naplano ko pa naman na sabay namin kakainin ni Beatriz yung niluto kong breakfast.

Di ko na din naman sya nagising at nahintay dahil nga dumating si Ged. Nakakahiya naman.

"Ang lalim nyan ah. Okay ka lang ba?" Tawag naman sakin ni Ged dahil nakalimutan ko na kasama ko pa pala sya.

Nagaalala kasi ako kay Beatriz baka may masakit sakanya. Napagod pa naman sakin yun kagabi.

Oopss. Teka. Hindi yung pagod na pang fifty shades darker ah. Ni-date nga kasi nya ko. Haaaays Beatriz.

Ngumiti na lang ako at nagsorry kay Ged.

"Bumibisita ba dito si Baham? Parang hindi ko na sya nakikita ah? Wala na din balita sa kanya. And si Jia nga pala? Nasa amerika padin ba?" Ano ba naman to. Isa isa lang bes mahina kalaban.

"Daig mo pa si tito Boy mang fast talk Ged. Nakakaloka!" Sabay irap sakanya. Natawa naman sya.

Naiinis talaga ko sa mga tao ah. Ginagawa katatawanan muka ko kahit walang nakakatuwa ah.

"Haha sorry naman. So ano nga? Wala na kayo noh? Sabi ko sayo dapat ako na lang eh!" Kups naman neto. Ayoko na pagusapan mga gantong bagay eh.

"Tigilan mo nga ko Cotomo!" Tumawa naman sya.

"Cotomo ka djan? Cotoco kaya! Ikaw talaga oh!" At ginulo pa yung buhok ko. Ewan ko ba dito kay Ged. Parang inggit lang sa long hair ko eh.

"Cotomo nga. Di ko naman Coto yan eh hahahaha!" Kalalaki kasing tao may coto. Maiksi na nga lang buhok nya. Pinagmamalaki pa na coto daw nya. Edi coto nya na kalerki hahaha!

"Loko loko ka Maraguintot pilak binibile! Hahahahahahaha mas bagay pala sayo yun Jho?" Aba bastos to ah.

"Gago ka Ged umuwi ka na shooo!" Tawa naman sya ng tawa sakin. At sinimulan nya ko kilitiin.

"Pikon ka talaga pikon hahahahaha." Shet tangina hindi na ko makahinga kakatawa.

"Hahahaha poohtah hahaha inamis hahahaha ged nyeta hahahahaha tama na anu hahahaha ba hahahaha!" Di pa din sya tumitigil putik hingal na hingal na ko.

Mabuti na lang at tumigil na sya. Pero may tinitignan sya eh. Kaya napatingin din ako kung san sya nakatingin.... sa may hagdan pala.

"Hi beh!" Bati ko kay Bei ng makita ko syang nakatingin samin. Pero ses dinedma ang lola mo at inalisan lang ako.

Tumawa naman yung mokong na katabi ko.

"Yung bespren mo parang laging may dalaw. Ang sungit parang ikaw. Hahaha!" Gagsti to ah. Inaano ba naman si Bei ko. (Ay iyo??) Oo wag kayong ano!

"Sa sobra kasi naming close naadopt nya nadin ugali ko. Tsaka ayaw nun ng maingay!" Tumawa naman sya kaya sinuntok ko sya sa muka.

"Bwisit ka ipapasa ko sabi to sa peysbuk eh." Lalo naman akong natawa nung sinakyan nya trip ko. Plus hawig talaga nya si Bunak hahahaha.

Dumaan uli si Beatriz at aba. Padabog na umakyat sa taas. Anong problema neto? Nagkatinginan naman kami ni Ged at tumawa sya.

"Sayang naman yung bespren mo kung laging ganyan na nakasimangot." Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Anong sayang dun? Ang cute nga nya eh." Sabi ko at umayos naman sya ng upo.

"Sayang kasi maganda pa naman sana sya kung lagi syang ngumingiti. Reto mo ko dun ah." Sabi nya habang nakangiti. Abat may balak pa kong hatian kay Beatriz ah.

Kaya sinimangutan ko sya at tinulak.

"Hindi yun pumapatol sa kagaya mong mas makinis pa sa babae. Mga type nun mga gantong morena lang." Habang tinuturo ko pa yung balat ko.

"Eto naman nagseselos agad. Syempre mas maganda ka dun sa kaibigan mo. Lika nga dito." Akmang yayakapin ako ni Ged ng inunahan ko sya at tinulak kaya tumakbo na ko papuntang hagdan haha kala nya ah.

"Nangbabaliw ka lang dito litsi ka umuwi ka na sainyo. Haha bye thanks for dropping by!" Nagflying kiss ako kunware at umakyat na sa kwarto.

******

Bea's POV

Kakatapos ko lang maligo. At buti na lang wala ng ingay sa baba. Ang bading talaga nya. Masyadong maharot. Eto naman si Jhoana nageenjoy ata.

Buti na lang tinext ako ni Jana na magkita kami dahil naboboring na ko dito. Dati kapag boring ako kukulitin lang ako ng kukukitin ni Jho tapos okay na. Gising na uli yung diwa ko.

Kaya mabuti na lang talaga. Ngayon na lang din kami magkikita ni Jans dahil namiss nya na ko kaya sumunod din sya dito galing states. Ang charming ko talaga haha.

Tapos na ko magbihis at magayos ng bumukas yung pinto at agad naman na sumilip si Jhoana. Nginitian nya naman agad ako pero nung makita nya yung ayos ko kumunot noo nya.

"San ka pupunta? May alis ba tayo ngayon?" Nakakunot na tanong padin nya. Asarin ko nga.

"Oh asan na yung kasama mo? Ang sweet nyo beh bagay kayo." Ngumiti naman ako ng pilit. Kasi parang di ko matake na sinabi ko yun. Nainis naman sya.

"Sabi ko san ka pupunta?" Nakapamewang na sya nyan nung tinanong nya ko. Kaya natawa naman ako sa inasta nya.

"Magkikita lang kami ng friend ko galing states beh." Pageexplain ko sakanya.

"Sino naman yan? Babae o lalaki?" Ang cute nya djan hahaha. Ngayon lang kasi ako makakalabas ng hindi kasama si Jho kaya kailangan pala pag magpapaalam sakanya kailangan kumpleto yung details haha. Cute

"Si Jana, babae sya beh. Bakit?" Nagpout naman sya bigla. Aaaaish wag mo gawin yan Jho baka magpalit ako nyan ng pambahay at baka di na ko umalis.

"So ganon? Aalis ka na lang ng di ka nagpapaalam?" Nakataray nya naman na sabi sakin. Bilis talaga magbago ng mood neto. Ang lala ng mood swing ng babaeng to haha.

"No beh. Pababa na sana ko para magpaalam sayo kaso andito ka na tapos nagtanong ka na kagad dba po?" Paglalambing ko naman sakanya.

Lalapitan ko na sana sya kaso bigla na sya tumalikod at humakbang palabas ng pinto.

"Okay ingat ka na lang." Sabi nya habang binubuksan yung pinto at di man lang ako tinapunan ng tingin.

La ka Beatriz. Galit ang behbeh mo. Mabilis ko naman syang hinabol habang di pa sya nakakalabas ng pinto at hinila papunta sakin. Magkadikit na yung katawan namin kasi nakayakap ako sakanya.

"Beh wag ka na magalit. Kung gusto mo di na lang ako aalis wag ka lang magalit sakin." Sabi ko sakanya habang nakapatong yung ulo ko sa balikat nya.

"Hindi naman ako galit. Tsaka for sure naman mas mahalaga sya kasi mas nauna mo naman nakilala yan eh kaya go na alis ka na." Nainis naman ako sa sinabi nya. Sa sinabi nya lang ah. Hindi sa beh ko.

Hinarap ko sya sakin para makita ko yung muka nyang maganda. Yes naman. Pilit ko sya pinapatingin sakin pero iniwas nya muka nya kaya hinawakan ko ng dalawang kamay ko yung muka nya para di na makapalag. Cute talaga ng beh ko. Sarap lagay sa bulsa haha.

"Uy Beatriz ano ba ginagawa mo." Nakakatitig lang kasi ako sakanya. Hindi nya na magalaw muka nya sa sobrang paghawak ko sa muka nya.

"Jhoana Louisse, kahit kelan wag mo iisipin na mas may hahalaga pa sayo okay? Kaya nga ikaw ang beh ko di ba? Mahalaga ka sakin. Sobra. Kaya please wag mo naman sabihin na mas may hahalaga pa sayo kasi naiinsulto ako alam mo ba yun?" Dire diretso kong sabi sakanya habang magkadikit yung noo namin at nakatitig sa mga mata nya.

Walang awkward awkward samin ni Jho sa kahit na anong gawin namin dahil magkaibigan kami. Nothing more nothing less. Kung may iba siguro na makakita samin ngayon baka napagkamalan na kami. Sadjang ganto lang talaga kami kaclose kaya kahit gaano pa kaawkward yung sitwasyon baliwala  samin.

"Sorry beh kung sobrang oa ko. Gusto ko kasi dito ka lang sa tabi ko eh." Yumuko sya pagkasabi nya nun kaya naman inangat ko uli para makatingin sya sakin.

"I know I know. Gusto ko din naman sa tabi mo eh. Kaya sige tatawagan ko na si Jans sabihin ko next tim--." Dudukutin ko na yung phone ko ng pigilan ako ni Jho.

"No wag na. Sige na makipagkita ka na sa friend mo." Sabi nya habang nakangiti na sya.

"Akala ko ba sa tabi mo lang ako?" Natawa naman sya dahil nitry ko magpacute kung bagay sakin haha kaso mukang sakanya lang talaga bagay.

"Oo nga. Aalis ka lang naman sa bahay na to diba? At hindi sa buhay ko. Tsaka hindi ko naman na hahayaan pang umalis ka pa sa buhay ko noh." Kakilig naman this beh ko. Kaso di ko narinig yung last na sinabi nya eh. Di ko na lang pinansin. Ngumiti ako sakanya at niyakap sya.

"Yiee wag kang ganyan beh baka hanap hanapin ko." Hinalikan ko sya sa balikat at humiwalay na sa pagkakayap sa kanya.

"Edi hanapin mo. Hindi naman ako magsasawa ipakita sayo yung gantong side ko haha." Uy yung ilong namumula haha. Kaya naman pinisil ko ilong nya. Masyado ng overload pagpapakilig ni Jho baka di na ko makaalis neto. Mas gusto ko yun haha.

Sasagutin ko na sana si Jho ng magring phone ko. Panira ng moment basag! Tumingin muna ko kay Jho para humingi ng approval kung pwede ko ba sagutin. Tumango naman sya kaya sinagot ko na.

"Hey Bei ano? Paghihintayin mo na lang ba ko magdamag?" Agad naman na bungad ni Jana haha. Naglalambingan pa nga kami ng beh ko eh.

"Im on my way na Boo. Just wait there. Sanay ka naman maghintay diba?" Kumalas si Jho sa kapit ko sakanya at umupo sa kama ko. What? Akala ko ba okay lang na sagutin ko yung tawag?

"I know sanay na ko pero hindi yun dapat ginagawang reason no! Oh wait! Ill hang up na I just saw a cute guy eh. Hurry up please lang Isabel!" Pailing iling na lang ako na tumawa at tumabi kay Jho.

"Beh? Okay ka lang?" Tumingin naman sya sakin at pinangliitan nya ko ng mata.

"Akala ko ba yung kasama mo lumabas yung Jana? Eh sino yung Boo? Ha??" Natawa naman ako dahil ang cute nya talaga magselos. Sya lang kaya bestfriend ko kung alam nya lang.

"Kaya nga. Iisa lang sya beh hahaha." Pinalo nya naman ako kaya tumigil ako sa kakatawa ko.

"So ano yun? Tawagan nyo yung Boo? Wow ang sweet nyo ah." Tumalikod sya sakin kaya tumayo ako at umupo sa harap nya.

"Nagseselos ka ba beh? Yiee si Jhoana nagseselos hahahahaha." Tumayo sya kaya natumba ako.

"B-ba-kit naman ako magseselos? No way! Kahit dun ka na sakanya wag ka na umuwi dito. Magsama kayo ng boo mo magdamag!" Sabi nya sakin habang galit na galit.

Eto namang beh ko high blood masyado. Tumayo ako tsaka pinagpagan yung pants ko.

Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa kamay nya. Hindi padin sya nakatingin sakin pero nilapit ko yung bibig konsa tenga nya at binulungan sya.

"Boo is her nickname lang beh. Wag ka na magselos ha." Hinampas nya naman ako sa braso kaya napahawak agad ako sa part na pinalo nya.

"Ouch. Beh naman. Ang sakit oh." Habang hinihimas ko padin yung pinalo nya. Lumapit naman sya sakin. Yes di din ako matiis.

"Ikaw naman kasi kung ano ano ginagawa mo sakin eh. Sorry na beh. Kiss ko na lang yan." Sweetums ng beh ko. Friendship goals lang talaga.

"Hug mo na lang si Eddie." Nakasmile kong sabi sakanya. Tumingin naman sya ng nagtataka.

"Sinong Eddie????" Halata yung pagtataka sa tono ng tanong nya hahaha.

"Eddie akooo! Hahahaha." Yung reaksyon nya parang wala. Parang game face ganon.

"Last mo na yan ah. Anuna alis ka na. Baka magbago pa isip ko. Di na tayo natapos dito!" Natawa naman ako dun dahil napansin nya din pala yun hahaha.

"Okay beh. Thank you!" Tumayo na kami at lumabas na ng kwarto. Habang pababa kami ng hagdan ni Jho, nagulat ako ng paluin nya nanaman ako. Hobby nya talaga yan.

"Hoy Beatriz magtext ka ah!! Kokrompalin kita pag di mo ko tinext djan." Cute talaga beh. Pero ano??

"Whats kokrompalin beh?" Tumawa naman sya pero sumeryoso din agad. Told you, mood swing malala.

"Gusto mo malaman? Try mo hindi magtext pagkauwi mo papaalam ko sayo kung ano yun." Parang ayoko na lang malaman base sa pagkakakwento nya haha.

"Tetext na lang kita beh hehe. Btw, sweet mo talaga. Hinatid mo pa ko palabas hahaha." Tinulak nya naman ako. Grabe po talaga sya sakin.

"Sge na Beatriz daming dada. Bye na! Ingat ka ah. Loveyou!" Ni-hug nya naman ako. Naputol lang yun ng may magsalita.

"Kala mo naman talaga ang tagal na di magkikita. Grabe talaga nakoooooo." Si ate Ells hahahahaha. Hinanap namin kung nasan sya nasa terrace pala haha. Basag trip din eh.

"Tsaka ka na magreact pag may lovelife ka na okay?" Hahahaha natawa naman ako dahil mas mapangbasag pa din si Jho.

"Tsaka ka na din magsalita pag kinakausap kita. Kaloka di naman ikaw kausap ko. Haller!" Hahahaha sumimangot na lang si Jho at tumingin sakin.

"Sige na beh alis ka na. Yari sakin mamaya yan si ate Ella. Ingatan mo kotse ko ah." Amp yung kotse lang talaga?? Hinihimas himas pa nya yung kotse nya. Nag pout naman ako.

"Yung kotse lang? Eh ako di mo ba ko sasabihan? Ako yung magdadrive ng kotse mo eh." Mas lalo pa ko nagpout. Nagsmile naman si Jho.

"Ganun na din yun beh. Syempre paginingatan mo kotse ko edi iningatan mo na din sarili mo. Basic." Ooookaaaay. Banat ala Maraguinot hahaha. Kinurot ko na lang pisngi nya kasi wala na ko masabi.

Yes naman de Leon first time ma mental blocked pagdating sa lambingan with Jho. Iba diiiiiin.

Sumakay na lang ako ng kotse. Pagtapos magseat belt binuksan ko yung window sa side ni Jho kaya sumilip naman sya.

"Ano gusto pasalubong ng Beh ko?" Nagsmile sya pati na din ako.

"Umuwi ka lang kagad okay na ako." Napakaganda ng ngiting pinakawalan nya. Grabe na Jho. Tama ka na hahaha.

"Sure beh. Sayo lang din naman ako uuwi." Kinindatan ko pa sya. Breezybea haha. Inistart ko na yung kotse kaya naman nag bye na si Jho at pumasok na sa bahay.

******

Pagkadating ko sa mall nagpark na muna ko bago magtext kay Jho.

To: Jho♡

Hi beh. Kakapark ko lang ng pinagkakaingatan mo na car hehe. Loveyou

Di naman na sya nagreply kaya nilagay ko na sa bulsa yung phone ko.

Nakarating na ko sa meeting place namin ni Jans kaya pumasok agad ako at hinanap sya.

"Bei! Here!" Nakita ko naman si Jana na kumakaway kaya ngumiti ako at pinuntahan sya.

"Whatsuuup. Talagang sumunod ka pa dito sa phil dahil miss mo lang ako? Grabe Im so touched Jans. Iba talaga kapag magandang nilalang." Pagbibiro ko kay Jana.

"What took you so long? I have something to do sa company ni Dad dito. You know, business." Natawa naman ako dahil ayaw nya ng business yet wala syang magagawa na haha. Poor Jana.

"Uhm traffic. Sooooo, ano naman balita pagkaalis ko ng states?" Napatingin naman sya kagad sakin ng diretso.

"Ayun hinanap ka nila. Lalo na si Madd--." Pinahinto ko na kagad sya dahil ayoko marinig yung kahit na anong sasabihin nya. Wrong question beiii!!!!

"Okay. Dito lang ba tayo or magshopping ka?" Pagiiba ko ng topic. Hinawakan ni Jana yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Bei. Try mo pakinggan side nya. Baka sakaling maintindihan mo din sy----." Andito ako para makalimot kaya hindi ko hahayaan na yung wall na tinayo ko sa pagitan namin ng taong yon ay masisira na lang ng ganun ganun lang.

"Stop it Jans. Move on." Seryoso kong sabi kay Jana.

"You know that I dont want to bring back the topic about her. So please stop na." Nilapag nya naman yung hawak nyang drinks.

"What if pumunta sya dito? Para sundan ka? Para ayusin yung sainyong dalawa bei? Would you still care?" Sunod sunod na tanong nya.

"I dont care anymore Jans. I dont care about her." Seryoso ko naman sagot sakanya.

"You know what? Nasasabi mo lang yan because galit ka sakanya. I know naman na kahit papano may konti ka padin na nararamdaman para sakanya." Confident na sabi nya sakin. Tumawa naman ako ng sarcastic.

"Pwede ba boo, nakamove on na ko sakanya. Ikaw na lang ata hindi." Sa totoo lang naiinis na ko dahil pinipilit nya padin sakin yung babae na yun. Sabagay hindi na ko magtataka kasi magkaibigan sila.

"Kung nakamove on ka na edi sana hindi ka na mukang affected sakanya. Wag nga ako Isabel." She knows me too much talaga.

"Wag na natin ipilit boo. Wala na." I simply smile then walk out. Pero napahinto ako dahil sa sinabi nya.

"Get ready Bei. Because Maddie wont easily gave up on you! She's coming." Who cares? Im the tough Bea now.

"Thanks for the warning btw!" At kumaway na ko kay boo.

Hindi na ko papayag masaktan pa ko uli. Hindi na. Ayoko na. Hindi na ko papaloko. Once is enough. Two is too much.

But it still give me chills when hearing Maddie's name. Im not very sure kung ano irereact kapag nakita ko sya. Kaya kailangan ko talaga maghanda. Urghhhh I badly need Jho.

Paglabas ko ng mall pumunta kagad ako sa kotse ni Jho pumasok ako agad ako.

Hindi ko muna inistart dahil gusto ko muna ikalma sarili ko. Pano pag nagkita kami? Hindi ko alam gagawin ko.

Yung feeling na busy ako kalimutan sya pero hindi ko naisip at napaghandaan kung pano gagawin ko pag accidentally na magkita kami. I dont know what to do.

Sinandal ko yung ulo ko sa steering wheel. Hindi ko na napigilan kaya umiyak na ko. Bumabalik nanaman yung sakit na nararamdaman ko nun.

"Hi babe. Its too late na. Tell me ano ba sasabihin mo? Is it urgent?" Bati ko kay Maddie pagkadating ko sa restaurant na sinabi nya. I wonder kung ano nanaman sasabihin netong baby ko.

Masyadong pa-mysterious kinakabahan tuloy ako. But naalis naman yun ng makita ko sya. Inayos nya naman ang upo nya at huminga ng malalim. Tumingin sya sakin.

"Isabel. I dont think this is not right." Natagalan sya magsalita kaya naman nagsalita na ko uli. Pinapakaba lalo ako eh.

"What are you tryin to say babe? Spill it na kinakabahan ako eh." Ngumiti naman sya ng alangan. I dont like this feeling.

"Isabel I think we have to stop this." Ano yung istop??? Wag naman sana yung kung ano yung iniisip ko. Wag sana. Natulala ako pero kagad kong kinompose sarili ko.

"Gusto ko ng makipaghiwalay sayo Bea. Sorry." Yumuko sya kasabay ng pagtawa ko ng sarcastic. Umiling iling ako.

(Now playing: I just dont love you no more, chorus)

"Come on Mads. You will call me in the middle of the night to go to this fancy restaurant to drop some jokes?? Haha what is it this time babe? Haha." Mahilig talaga mantrip to si Maddie. Makulit yan kaya sobrang love ko.

When you turned and said to me I just dont love you no more

"Seryoso ko Isabel. Hindi na kita mahal. Please tigil na natin to." Umiyak na sya pagsabi nya ng last line. At ako? Nasa state pa ng shock kaya hindi ako agad nakapagreact. Ang tanging nalabas ko lang yung tawa ko na hindi totoo.

Rain outside my window pouring down
What now youre gone, my fault, Im sorry

"Ano nanaman ba ginawa ko Mads? Sorry kung may nagawa ako please wag naman ganto." Iniiwasan ko hindi lakasan boses ko para iwas tawag pansin na din.

Feelin like a fool cause I let you down now its too late to turn it around

"Hindi Bea. Kahit kailan wag mo isipin na kaya ko nakipaghiwalay kasi dahil sayo. Ako may kasalanan neto. Wag mong sisihin sarili mo. Balang araw maiintindihan mo din ako. Sorry Bea." Hindi na ko nakapagpigil kaya lumabas na yung luhang kanina ko pa pinipigilan.

Di ko na talaga mapigilan kaya napahampas na ko sa lamesa. Mabuti na lang wala ng ganong tao.

"Then ipaintindi mo naman Mads!! Kasi kahit kailan hindi ko maiintindihan na iiwan mo ko ng hindi ko alam kung bakit o paano! Please dont left me hanging naman oh!" Pinatong ko yung ulo ko sa lamesa. Iyak na ko ng iyak.

Im sorry for the tears Ive made you cry

"Hindi pa to yung tamang oras. Pero sana pagdumating yung araw na yon sana maintindihan mo ko. I will always love you Bea dont forget it." Hinawakan ko na yung mga kamay nya na nasa lamesa. Hinalikan ko mga yun.

"Wag naman sa gantong paraan Mads. Baka naman maayos pa natin to. Please?" Halos pumiyok na ko dahil sobra na yung iyak ko.

I guess this time it really is goodbye

"Makakaya mo din na wala ako sa buhay mo Bea. Kaya mo yan. Ikaw p--." Pinigilan ko na sya dahil hindi pa ba obvious? Sakanya ko na halos pinaikot yung mundo ko eh.

Tumayo ako at dahan dahan na lumuhod sa harap nya. Pinipigilan nya na ko pero eto pa lang yung magagawa ko sa ngayon.

"Hindi ko kaya please Maddie. Hindi ko kaya. Hindi ko naisip na mawawala ka pa sakin dahil akala ko okay na okay tayo. Hindi ko maisip na kinabukasan wala ka na sakin. Hindi to yung plinano ko sa future ko dahil kasama ka dun sa plano na yun. Hindi ko naiisip na sa mga susunod na bukas hindi na kita kasama. Please dont do this to me. Pano na mga promises mo sakin?" I cant stop crying. Pilit nya kong pinapatayo pero hindi. Hindi ko sya basta isusuko.

"Sorry for breaking my promises. Wag mo na isipin yung mga yun. Kahit kailan hindi na mangyayari yung mga yun." Habang humihikbi na din sya kakaiyak. Ang sakit naman neto. Masyadong biglaan. Bakit ba ganto??

Inalis nya na yung pagkakahawak ko sakanya. Pero ako eto nakaluhod padin habang nakayuko.

"Im sorry if I thought you meant what you promised. Im so silly. Sorry." Napaupo na ko sa sahig. Hindi ko na alam kung gano kasakit tong nararamdaman ko.

Lumuhod din sya sa harap ko. Inangat nya ang muka at pinunasan ang mga luhang walang katapusan na umaagos sa mga mata ko.

"Im sorry. You dont deserve someone like me. Youre free now. Be happy Bei. Even Im not the reason anymore. Forgive me for what Ive caused you. I love you. Bye." Dahan dahan nyang nilapit yung muka nya sa muka ko. Nung nagdikit ang noo namin pinikit ko mga mata ko. And for the last time, she kissed me.

You made it clear when you said 'I just dont love you no more

Naramdaman ko na inalis nya ang pagkakadikit ng mga labi namin. Tumayo na sya at umalis. Talo ka nanaman Bei.

Kinaya ko magdrive pauwi kahit na hindi ko na halos makita yung kalsada. Good thing na din siguro na past midnight na kaya wala ng ganong kotse. Agad ako napahinga ng makarating ako sa tapat ng bahay ng buhay.

You know what hurts? Driving home and starting to cry before you even make it inside the house. Laying on the floor and just crying your eyes out for hour and hours because you feel so fucking alone.

Im sad, hurt, mad, disappointed. But you know what? Ill put on a happy face and move on. It will hurt but I will survive.

---------

Aw sabaw. Sorry sa errorsssss. Enjoy

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.1M 44.4K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
2.7M 64.6K 131
[BOOK ONE IN THE LIFELINE SERIES] life·line ˈlīfˌlīn/ noun "A person you can always depend on to help you in a really messed up situation where you n...
869K 40.3K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
471K 13.7K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc