Hopeless Romantic 2: Bitter (...

By strawberry008

13.8M 200K 30.5K

Season 2: What happens when a girl gets tired? We'll see! More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX BLIND DATE DAY!
CHAPTER SIX POINT FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 2

SPECIAL CHAPTER

267K 4.3K 1K
By strawberry008

After 3 years...

Graduate na kami! Kung kailan? Last year pa! Ang bilis ng panahon, diba? Parang kailan lang, ang dami dami namin pinagdadaanan ni Tyler. Well, until now pa din naman, pero less conflicts. Siguro kasi, kilalang kilala na namin isa't isa at madami na rin kaming natutunan from our past experiences.

Kung tatanungin niyo naman kung nag-aaway pa kami. Ang sagot ko ay, MALAMANG! Abnormal kami kung hindi kami nag-aaway. Though abnormal naman talaga kami... o ako lang? Yun nga lang, sobrang babaw ng mga reasons. Ang init kasi ng ulo niya lagi, hindi ko naman alam kung bakit. Alam niyo kung anong klase siyang boyfriend?!

He's a moody one!!! May times na ang sweet sweet niya, may times na parang galit siya sa mundo. Ang bipolar lang, diba?! Sanay na nga ako eh. Haha! Pero kahit ganoon, mas lalo pa akong naiinlove sa kanya kasi ang cute cute niya! Alam mo yung antok na antok ka at puyat dahil sa trabaho tapos biglang pupunta sa bahay o kaya naman tatawag sa phone at sasabihing wala lang siya magawa?! Wag daw ako mag assume kasi hindi niya ako miss.

Pero pag ibababa na yung phone o aalis na siya, ito naman sinasabi niya...

"Pwede ka bang ibulsa na lang para lagi kitang kasama?"

Bzzzzzt. Bzzzzt.

AA Achi

calling...

Yerp, I imitated Tyler. Mas mabilis kasi macontact pag may 'AA' sa unahan ng mga importanteng tao sa buhay ko. Hahahaha! Back to reality, tumatawag pala si Achi. 

"Ry! Gusto ko ng balot!" Sabi niya, nagpaparinig na naman. Uutusan na naman niya ako! Tumanda man kami ng tatlong taon, pero kami ng kapatid ko, walang pinagbago. Hayy.

"At saan naman ako kukuha ng balot ng 6:30 AM?! Nasaan ba si kuya Anton? Bakit hindi ka sa kanya magpabili?" Sabi ko ng mahinahon. Di ko siya pwedeng sigawan kasi baka mamaya, mag emote na naman siya.

"Naghahanap na siya ng aso ngayon..."

"YUCK?! Pati ba naman aso, achi?" Sabi ko. 

"Gusto ko lang naman ng aso. Hindi ko naman kakainin," I could feel she's pouting.

"Okay okay, hahanap ako ng balot. Dadaan ako sa bahay niyo bago pumunta ng work."

"Ikaw Ry ha? Porkit may boyfriend at work ka na, hindi mo na ako pinupuntahan," Iiyak na ata siya, hala! Patay ako.

"Teka, achi. Wag ka naman umiyak. Si baby..." Grabe, sobrang nagiging emotional talaga siya lately eh. Kung ganyan pala mag buntis, hindi na lang ako magpapabuntis. Sorry, Tyler. Mag ampon na lang tayo. Joke lang. Hahaha!

"Ikaw kasi eh..." Sabi ni achi.

"Pupuntahan nga kita wait lang. Pupunta na nga ako sa market para maghanap ng balot mo oh? Sige na bye na para magkita na tayo." Sabi ko at binaba na. Ang clingy ng mga tao ngayon, no? Pati si Aisha ang clingy eh. Haha!

Alam niyo ba, pumunta sa bahay namin yung boyfriend ni Achi last last year? Sa wakas, nagkaroon na si kuya Anton ng lakas ng loob para humarap sa parents namin! Kaya yung ate ko, kilig na kilig kasi hindi niya alam na pupunta boyfriend niya.

As expected, sobrang kinakabahan sila pero ang di namin ineexpect ay noong sinabi ni Kuya Anton 'to sa parents namin...

"Hindi man po ako Chinese o sobrang yaman, pero sisiguraduhin kong ligtas ang anak niyo sa akin. I'll treat her like a queen. Gagawin ko ang lahat para buhayin siya at ang magiging pamilya namin. I love her and I will always love her kahit ano pang mangyari. Ma'am, Sir... May tanong lang po ako...

Can I marry your daughter?"

Hulaan niyo kung ano sagot ni Papa at Mama? Nevermind. Flashback na lang ulit.

"Pag pumayag siya."

Nakakagulat, diba? Sabagay, gusto na nila ng apo. And yes, kasal na sila ngayon. Buntis nga si achi, diba? So happy! Magkakapamangkin na ako, gusto ko pa naman sa mga bata.

Pagkabili ko ng balot (nakakastress kasi closed pa lahat at tinanong ko lang kung saan yung bahay ng nagtitinda ng balot so pinuntahan ko pa), binisita ko na si achi, nagdaldalan, at umalis na rin papuntang work. Ayaw pa nga ako paalisin pero sabi ko, hindi na ako college student na pag ginusto ko mag cut, magkacut na lang. Ibang iba talaga ang working life. Sobrang iba! 

Pagpasok ko ng building, may nag text...

From: Ariza Domingo

Message: Wag kang malelate mamaya!!!

To: Ariza Domingo

Message: Try ko

From: Ariza Domingo

Message: Bitch.

Si Ariza, oo, masungit pa din. Haha! Anyway, engaged na sila ni Christian. Ang saya saya lang kasi sila yung laging nagaaway at muntik ng mag-hiwalay dati pero sila lang yung highschool sweethearts na nagtagal ng sobra at ikakasal na! Hindi ko nga alam kung paano natatagalan ni Christian si Ariza. Kidding!

May pupuntahan nga pala kami mamaya. Ang saya, diba? Kahit nagwowork na kaming lahat, we still find time para magkita kaming lahat. Kahit may kanya kanya na kaming buhay, hindi pwedeng kahit sa isang buwan, hindi kami magkasama kahit sandali lang.

BTW, magwa-one year na kami na nagwowork ni Tyler. Ako, sa isang company. Si Tyler naman, siya na yung nagmamanage ng company nila. Ang alam ko nga dapat president siya pero tinanggihan niya kasi he wanted to start from a not-so-high position.

At oo nga pala, ako lang ang nakaalam, pero nasstress talaga ako sa work ko, not only sa work loads pero hindi kasi ako masaya. I can't seem to find why kasi okay rin naman office mates ko. In fact, nagkaroon ako ng baklang kaibigan na dating pinagselosan ni Tyler, nakakaloka! BAKIT?! Hahaha! Speaking of Tyler, ngayong month, hindi kami masyadong nag-uusap. Alam kong busy siya kaya okay lang. Busy din naman ako. Hindi ko nga sure kung pupunta siya mamaya.

"Uy Joji, alis na ako, may pupuntahan pa ako eh," Sabi ko kay bakla. Half day lang ako ngayon since sa Laguna pa yung lakad namin. Kailangan ngayon pa lang, umalis na ako kasi ang layo ng Laguna sa Manila. To think na, medyo north pa ako galing ha.

"Ha? Agad agad?! Okay fine whatever, chupi na."

Umalis na ako at pinuntahan si Aisha. Si Aisha, siya din ang nagaasikaso ng company nila pero hindi pa siya president kasi tinitrain pa lang siya ng mom and dad niya. Actually, hindi talaga mom and dad niya yung nagttrain sa kanya. Hahahahaha! You'll know later.

"Hi, Ryan," Sabi ko pagkaupo ko sa backseat ng sasakyan ng manliligaw ni Aisha. Kumandong naman agad si Ryan sa akin at kumiss.

"Tita Rylie!"

"Hi, boyfriend ni Aisha!" I smiled at Aisha's manliligaw. Hahaha, uso pa pala ang ligawan. Well, natrauma na kasi 'tong si Aisha pagkatapos siyang lasingin, buntisin, at iwanan ni Drei. Aisha doesn't hate Drei kasi dahil sa kanya, nagkaroon siya ng Ryan. Pero one thing's for sure, ayaw na niya siya makita. She's traumatized nga.

"Hi, Ry," Sabi ni Hans, siya ang driver namin for today.

"Anong hi?! Boyfriend na kita?" Puno ng sarcasm habang sinasabi ni Aisha yun. Tumawa na lang si Hans. Nasa shotgun seat nga pala si Aisha katabi yung manliligaw niya. Haha! Gusto naman talaga niya 'tong si Hans. Si Hans nga pala yung vice president ng company nila Aish at ang nagttrain sa kanya at the same time para i-manage yung company.

He's 5 years older than Aisha and yes, obviously, alam ni Hans na may anak siya. In fact, daddy ang tawag sa kanya ni Ryan kaya yung isa, nagwawala kasi hindi pa nga niya boyfriend pero mag asawa na agad tingin ni Ryan sa kanilang dalawa. Si Hans at Ryan naman, tinatawanan na lang si Aisha. Nakakatawa naman kasi talaga si Aisha. Hahaha!

"Uy Ry, how's work? Mukhang stressed ka, ha?" Sabi ni Aisha ng mahina. Natutulog na kasi si Ryan na nakahiga sa lap ko. Oh well, she knows me too well.

"Aisha, shh ka lang, ha? Pero baka mag resign na ko."

She nodded, "Ano na gagawin mo?"

"I might take science courses and continue medical education."

"I knew it!" Sumigaw siya ng pabulong, "Gusto mo talaga mag doctor and bagay naman sa'yo. You like kids. Pedia?"

I nodded kahit hindi niya nakikita, "Yup, baka sa Ateneo na lang ako kumuha ng science courses and kung papasa, doon ko na rin iccontinue yung medical education."

She sighed, "I understand. Pero... paano na yan? Mawawalan ka na lalo ng time for us. Mawawalan ka na ng time for Tyler." Tumingin siya sa akin kahit nasa harap siya. 

"I don't know, Aish. I really don't know," Yumuko ako. Naisip ko na yun. Nag research kasi ako tapos yung mga nagmemed daw, wala na daw talaga silang time. Puro acads related. Kahit sa pagkain at pagtulog, libro katabi nila. 

But... I really want to be a doctor.

Bzzzt. Bzzzt.

AA Tyler Dela Cruz

Nagguilty ako, hindi pa niya alam. Hindi pa niya alam na gusto ko mag doctor. Ngayon pa nga lang, wala na kaming masyadong time. Paano pa pag nag doctor na ako? Seriously, kahit may tiwala ako kay Tyler, natatakot ako. 

"H-hello?" OMG, I'm trembling.

"Okay ka lang, Ry?" He asked.

"Oo naman."

"Liar. Where are you?" Nakakainis. He got me again. I've decided, sasabihin ko mamaya sa kanya after our get-together. Ughh. Bakit ba sobrang kinakabahan ako?!

"I'm with Aisha, Ryan, and Hans na. Ikaw, saan ka?"

"On the way. See you, Jamilah. I love you."

"Ha? Mag concentrate ka nga sa pagddrive mo diyan. I miss you, Tyler. Bye." Binaba ko na yung phone pero tumawag na naman siya ulit. Ang kulit! Paano pag naaksidente siya, diba? Hindi pwede. Ayoko na maulit yung nangyari 3 years ago.

"Why did you call again, Tyler? Mag drive ka nga diyan!"

"Bakit mo binaba yung phone?"

"Uhmm, para hindi ka maaksidente?"

"I'm using my bluetooth headset, you don't need to worry." Ohhh. Yun yung binigay ko sa kanya para kahit nagddrive siya pwede siyang sumagot ng tawag. Pero hindi ko naman kasi yun binigay para makipaglandian sa akin. Haha!

"Pero-"

"Kahit naman nagddrive ako, ikaw pa din iniisip ko. Hindi din naman ako makakaconcentrate."

"Bye, Tyler!" Binaba ko na ulit yung phone. Bakit kinikilig pa din ako? Huhuhu! For sure, nakangiti yun or baka tinatawanan na ako ngayon. Aaaaah, hindi pa din siya nagbabago!

Nagising ako pero wala na akong katabi. Wala na sila Aisha, Ryan, at Hans. They left me here! Bumaba na ako ng kotse at nakita sila Lynne at Julius na magkasama sa may gate.

"Ang landi niyo pa din!" Sabi ko sa kanila. Yup, sila pa din until now pati sila Brylle at Elle. Ang werid nga eh kasi minsan, nagdodouble date sila. Hahaha! Hindi kaya sila naaawkward? First love nila Brylle at Lynne ang isa't isa. Siguro kung hindi ginago ni Brylle si Lynne o kaya hindi siya napagod si Brylle mag hintay, sila pa din until now. Pero hindi eh, ganito lang kasi talaga. Minsan talaga, may mga taong meant to be as friends lang. Kahit gaano nila minahal ang isa't isa dati, kung hindi sila para sa isa't isa, wag ng ipilit kasi minsan, pag lalo mong pinipilit, lalo lang gumugulo.

"Nandiyan ka na pala, Rylie!" Sigaw ni Lynne sabay takbo at hug sa akin.

"Ako walang hug?" Sabi ni Julius.

"Wag kayong maglandian sa harap ko please. Nasaan na sila?" Tanong ko.

"Nasa loob. Ikaw na nga lang hinihintay at si Justin eh. Pagod ka daw sabi ni Aisha kaya hindi ka na namin ginising. Pasok na tayo?"

I nodded, "Sinu-sino ba tayo?"

"Present naman lahat. Ikaw na nga lang hinihintay, diba?!"

"Sorry na, galit ka?" We laughed. High blood eh.

Binuksan na ng guard yung gate tapos pag pasok ko, nandoon lahat sila garden. ANONG MERON?! 

"Sabi sa'yo Rylie, kumpleto eh! Sige na, uupo na kami sa table namin," She winked at umalis na. Hindi ako makaalis sa pwesto ko. 

Sa malaking garden, madaming tables. Bawat table, nandoon lahat ng kakilala ko. Ibang officemates, ibang classmates noong highschool at college, ibang ka-org ko sa music at science club noong highschool, ibang ka-org ko sa drama guild at marketing org noong college, family members ng buong barkada including family ko at family ni Tyler. Nandito din iba naming relatives. 

PUSO, RYLIE. PUSO! 

Nasa gitnang dulo ako ngayon. Nakangiti at nakatingin silang lahat sa akin. Ako naman, tulala pa din. I tried to smile but I'm trembling! Namatay lahat ng ilaw at bumukas yung malaking screen sa harap namin. 

(Music on the right side-->)

Your better than the best.
I'm lucky just to linger in your light.
Cooler than the flip side of the pillow that's right.
Completely unaware.
Nothing can compare to where you send me

Let me know that it's okay. Yeah it's okay.
And the moments where my good times start to fade.

"Its been 6 years..."

Oh, fudge! Nakakahiyaaaaaaaa! Puro pictures ko simula highschool. Sobrang nene ko pa! Nandoon yung pictures ko na nakaside view, nakasimangot, nakapout, nakatalikod, pati noong kinantahan niya ako sa bar (magkahug kami sa picture) at sumali ako sa Mr. and Ms. Campus. Nakakahiya talaga. Huhuhu! Pati noong highschool graduation, yung 2 years na hindi kami nagkikita (Saan niya napulot yung mga pictures ko noong 2 years na hindi kami nagkikita?!). 

You make me smile like the sun,
Fall out of bed,
Sing like a bird,
Dizzy in my head,
spin like a record crazy on a Sunday night.
You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like a gold, 
buzz like a bee.
Just the though of you can drive me wild.
Oh, you make me smile.

"We've been through a lot..."

Nandoon naman yung mga pictures ko after two years na hindi kami magkita. Sa party na inorganize ko, sa practice namin para sa play, sa university habang nagsasagot ako ng work sheets, pati pictures ko na kasama yung mga friends namin. Pati yung graduation pictures namin na magkakasama, may mga jump shots pa nga.

Nakakaiyak mag remenisce!!! Ang dami na nga namin pinagdaanan...

Even when you're gone,
somehow you come along.
Just like a flower pokin' through the sidewalk crack.
And just like that,
you steal away the rain,
and just like that.

And yes, love was, is still, and will always be Jamilah Rylie Hao...

"Love is Jamilah Rylie Hao. I'm in love with her but I don't know why. I'm in love with her and I don't know how much I love her. I'm in love with her that I can't even define the word love anymore because I don't want to question my love for her. I thought love is blind? But I can see her clearly and I know what i'm doing. I thought love is selfish? But I can give everything for her. I thought love is unfair? How come I love her fairly? I thought I can define and measure it. I was wrong. And Jamilah? Jamilah is not smart but she taught me how to love."

OMG! Ang totoy pa ni Tyler! Ang tagal ko ng hindi napapanood yan. Looking back, ang dami na nga namin pinagdaanan, good man o bad. Si Aisha, hindi siya okay with her parents dati, nabuntis, iniwan ng boyfriend at bestfriend, naging single mother, naging okay sila ng parents niya, nagbati kami, hindi na bumalik si Drei, pero nagkaroon ng bagong lalaki na handang panindigan yung anak niya kahit hindi siya ang tatay.

Sila Brylle at Lynne, nagligawan ng matagal, hindi naging sila pero nagkahiwalay dahil ginagani ni Brylle si Lynne kaya 'tong si Lynne, naging play girl. Nagkita ulit sila pero hindi na naging sila although nag stay sila as friends, at nagkaroon ng kanya kanyang love life. 

Sila Ariza at Christian, sila ang pinakamagulo noong highschool. Si Ariza, nagkagusto kay Tyler pero si Tyler, ayaw sa kanya. Si Christian naman, ginagawa lahat for Ariza. Nag hintay, nasaktan, pero never napagod. May time na muntik na siyang sumuko pero nag sorry si Ariza. Masungit yung isa at yung isa naman, masyadong mabait. Yung pagkukulang ng isa, napupunan ng isa. Kaya nga engaged na sila, diba?

Sila Katy at Dylan naman, ang newbies sa barkada. Si Dylan pala, barkada ni Tyler noong highschool na nagkagusto sa akin pero matagal na palang mahal si Katy. Si Katy naman, hopeless romantic na nagkagusto kay Tyler pero noong nagkagulo na, silang dalawa ni Dylan ang nag damayan. Kaya nga silang dalawa din ang nagkatuluyan. 

Sila Selena na ex ni Josh, si Janilyn na akala ng lahat may gusto kay Tyler pero si Josh pala ang gusto, at si Kent na matagal ng mahal si Josh. Si Josh naman na naging crush ko ng matagal, kasama sa mga pumusta sa akin para kay Selena at nagsisi din naman sa huli. Bumawi siya, naging bestfriends kami, at naging friends na lang ulit. Speaking of Josh, we're still friends and he's still my guy bestfriend. Sa ibang bansa na siya nakatira pero umuuwi naman siya minsan dito. At ngayon, nandito siya kasama yung amerikanang girlfriend niya. 

And last but not the least, ang magkapatid na sila Alexa at Jessa. May boyfriend na si Alexa at si Jessa naman, hindi ko alam. Hindi naman kami friends. Basta ang alam ko lang, based sa kwento ni Alexa noong nag thank you siya akin, sinama na niya si Jessa sa bahay nila at nagalit siya sa dad niya. Ang alam ko ngayon, nagpaparty yung dad niya para ipakilala si Jessa na 2nd daughter niya. Ang saya, diba? 

Yung mga bagay na akala ko sa movies lang nangyayari, nangyayari pala sa totoong buhay. Sinong may sabing sa movies at stories lang mayroong tunay na lalaki? Oo, madaming nanloloko at madaming naloloko. Pero it doesn't mean na lahat ng lalaki, pare-pareho.

Sa buhay, hindi naman nawawalan ng gulo. Tulad nga ng sabi ko sa sinulat kong tula, "People hurt and break hearts unintentionally and sometimes, intentionally. But without heart breaks, will you ever learn?"

Without heart breaks, paano tayo matututo? Kung hindi natin kayang harapin lahat ng mga taong dadaan at dumadaan sa buhay natin tapos nagrereklamo tayo na lahat ng lalaki ay manloloko, wala tayong karapatan kasi hindi naman natin naging boyfriend lahat ng lalaki. At sa mga lalaki, wag niyong irreason out na naloko kayo kaya kayo nanloloko kasi hindi niyo din naman naging girlfriend lahat ng babae.

You make me smile like the sun,
Fall out of bed,
Sing like a bird,
Dizzy in my head,
spin like a record crazy on a Sunday night.
You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like a gold, 
buzz like a bee.
Just the though of you can drive me wild.
Oh, you make me smile.

May nakasulat na naman...

"3 years ago, I asked you to be my girlfriend and you said yes..."

Ngayon naman, pinlay yung video 3 years ago, when Tyler sang and asked if I wanted to be his girl. Nasama din doon yung hinalikan ko siya at sinabing, "I love you more, Tyler, and yes, I would love to be your girlfriend." Nakakahiya!!! Nandito family and relatives ko tapos nakita nila na ako ang humalik kay Tyler. Leche talaga. Huhuhu!

Yup, magtithree years na kami! It's February 14, Valentine's day, pero parang birthday ko na naman. Another surprise from him. Kailan kaya siya mauubusan ng surprises? Maliit man o malaki yan, I appreciate everything he has done for me. Proooomise!

"But anniversaries and monthsaries are just numbers, right? It's been almost three years when you said yes, but it feels like we're together since forever."

Don't know how I lived without you.
Cause everytime that I get around you
I see the best of me inside your eyes.
You make me smile

You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like gold,
buzz like a bee,
just the thought of you can drive me wild.

Ngayon naman, yung mga pictures after ko siya sagutin hanggang present. Nandoon yung nag Boracay kami with friends, Palawan, Hongkong, Tagaytay, Cebu, at Australia. Meron pa ngang video na nag superman ride ako sa Baguio. Takot ako sa heights pero kasi diba, nag promise ako sa sarili ko na haharapin ko na yung fears ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH MAMAMATAAAAAAAAAAAY NAAAAAAAA KOOOOOOOOOOOO. AYOKO NAAAAAAAAAAAAAA! I HATE YOU, TYLEEEEEEEEEEEEER!" Yung expression ng mukha ko, epic! Magalaw din yung video kasi tumatawa si Tyler. Yerp, naririnig yung tawa niya. Nakakainis kasi pati yung tawa niya, ang pogi. Nuxx. Hahaha!

Nagtawanan yung mga tao na nanonood tapos nagtinginan sa akin. I covered my face with my hands. Leche naman Tyler, pati ba naman 'to?! Pulang pula na siguro akooo. Oh dammit.

"You make me smile like the sun,
Fall out of bed,
Sing like a bird,
Dizzy in my head,
spin like a record crazy on a Sunday night.
You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like a gold, 
buzz like a bee.
Just the though of you can drive me wild.
Oh, you make me smile.
(Oh, you make me smile)
Oh you make me smile.
(Oh, you make me smile)
Oh, you make me smile."

At yung last na video yung video naming dalawa na nakaupo sa grass sa garden ng UP. Sobrang wala kasi akong magawa kaya pinilit ko siya na mag video kaming dalawa. 

"I love you Justin Tyler Dela Cruz aka Tyler aka Justin pag magkaaway tayo-"

"Kailangan pa ba yun isama?" Sabi ni Tyler.

"Oo, lahat nga ng tawagan, diba? Nakakainis ka, sinira mo! Ang ganda na ng kuha nun eh!"

He laughed, "Okay, start again."

I sighed, "Okay okay. I love you, Justin Tyler Dela Cruz aka Tyler aka Justin aka Patrick na bestfriend ni Spongebob aka monkey guy aka Mr. Pogi aka Mr. Sungit aka Ty aka-"

"Aka ano?" 

"Aka, uhmm, ano... uhmm baby? Yuck talaga! Bye na nga. Ikaw naman..."

"Okay," He smiled and looked at the camera, "14344, Jamilah Rylie Hao- Dela Cruz." He kissed my cheeks at pinatay ko na yung video. NAHIYA KASI AKO, SORRY!

Sumara yung ilaw sa screen at tumutok lahat ng ilaw kay Tyler na nasa harap ko na pala!!! So yung mga ilaw pala, nakatutok na sa amin. 

"Jamilah, this would be my first time saying this...

I want to be a lawyer."

WHAT?!

"T-Tyler, may sasabihin din ako. G-gusto ko din mag doctor."

Nashock siya then he smiled sadly, "Kung doctor ka at lawyer ako, mas meant to be tayo, diba? Pero for now, I want to break up with you."

"H-ha? But we don't have to break up naman, diba? G-gagawa ako ng way-"

He smiled. "Shh. Let's break up. I don't want to be your boyfriend anymore, Jamilah." He knelt down, "Please... be my wife." Sabay labas ng silver ring. Oh fck!

Nag cheer yung mga tao. OMG! Hindi ko alam sasabihin ko.

"P-pero pag nag-aral na tayo, ikaw as a lawyer at ako naman, as a doctor, mawawalan tayo ng time for each other. Is it okay with you?"

"Paano tayo mawawalan ng time sa isa't isa kung magkasama tayo sa bahay?"

"P-pero mag-aaral lang tayo tapos pagod tayo everday..."

"Then I'll help you, Jamilah. We'll help each other. You'll be my strength at pag ikaw naman ang pagod, I'll be your strength. 'll cook for you, I'll massage you, and even if I don't know how to make jokes or pick-up lines, I'll still do my best to cheer you up."

"P-paano ka? Ang burara ko pa din tapos-"

"For the past 6 years, I'm used to you being clumsy, careless, and forgetful. And for the past 6 years, I guess, you're used to me being grumpy and moody. These imperfections make this relationship perfect. Kung hindi ka clumsy, hindi ka si Rylie."

"S-sure ka?"

"I'll be fine," Chill niyang sinabi. "Just answer me. Kung ayaw mo, I'll accept it. Pag um-oo ka, much better." Sabagay, nakakapagod nga naman kasi lumuhod ng matagal sa dami kong tanong.

"Tumayo ka nga diyan," Sabi ko at inalalayan siya tumayo. "Tyler, hindi talaga ako sure sa gagawin natin pero ikaw, mukhang sure na sure na kaya ikaw na bahala please uhmm ano I promise to cooperate kaya of course, Tyler. I'll be your wife kasi ang tanga ko pag nag 'no' ako kaya sige na, isuot mo na yan. Pag nagbago pa isip ko, hindi ko na alam gagawin ko kaya-"

He kissed me, "Lalo kang dumaldal. Thank you, Mrs. Dela Cruz" He kissed my forehead at sinuot na yung ring.

"Hindi pa, excited ka naman."

Lumapit kami sa mga tao at nag thank you. Niloloko pa din nila ako doon sa superman ride. Kalimutan na nila please!!!

"Mama, papa, achi, alam niyo?" I asked them.

Tumango naman silang tatlo, "Tagal na." Sabay sabay nilang sinabi. So matagal na pala pero hindi lang nila sinasabi. WOW!

"Kaya ba hindi mo ako masyadong kinakausap ngayong month?" Tanong ko kay Tyler.

He nodded, "Sorry."

"Nuxx, engaged na bestfriend at pinsan ko!" Sabi ni Aisha.

"Thank you, Aisha," I hugged her. "Thank you kasi every surprise ni Tyler, nandiyan ka." I laughed.

"Ah, ganon? Ang user niyo talaga!"

"Don't worry, every surprise ni Hans, nandoon din ako," I winked tapos nag blush siya. Nakakatawa talaga face niya pag minimention ko si Hans, epic. Hahaha!

"Aalis na ko. Magsayaw na kayo ni Justin. Bye!" Sabi niya at umalis na nga. Hinila ko si Tyler papunta sa table nila Aisha.

"Engaged ka na, Rylie! Hindi ako makapaniwala," Katy said.

"Ano, sabay na ba yung kasal para makatipid?" Sabi ni Christian.

"Ayoko ng kasabay," Sabi ni Ariza kaya tumawa kaming lahat.

"Katy, tayo na ba yung next?" Tanong ni Dylan kaya nag blush ng sobra sobra si Katy. 

"Hoy, Justin! Ingatan mo si Rylie ah. Everytime na madadapa siya, lagi mong sasaluhin. Alam mo namang lampa yan," Sabi ni Lynne kaya tiningnan ko siya ng masama. Tumawa na naman silang lahat including Tyler.

"Ba't ka tumatawa?"

He's still laughing, "Wala. Tara na."

"Saan?" Tanong ko.

"Saan mo ba gusto?" He looked suspiciously. Anong iniisip niya?!

"Tyler ah! Grabe ka. Hindi pa man-"

"Ikaw talaga. Hindi ka pa din nagbabago, green-minded ka pa din. Let's dance, they're waiting. Mamaya mo na isipin yung honeymoon."

"HOY, HINDI KO KASI INIISIP-"

He kissed me, "Let's dance."

Nagpahatak na lang ako sa kanya at sumayaw na kami. 

"Ilan gusto mo?" Tanong niya.

"Ilan guso kong alin?"

"Ilan gusto mong anak?" He smiled na nanloloko kaya hinampas ko siya tapos tumawa naman siya. Kanina pa niya ako pinapahiya. Huhuhu!

But I've realized he's right because our imperfections really make our relationship perfect. Without these, maybe, our relationship would be less happier. Without fights, our relationship would be really boring. I love Tyler at kahit moody siya, masungit, sarcastic, at masyadong matalino, tanggap ko siya dahil kung hindi rin siya masungit, hindi siya si Tyler KO.

And yes, we're finally engaged!

(A/N: TAPOS NA TALAGA. WALA NA PONG MAGREREQUEST NG BOOK 3, PLEASE? HUHUHUHU! And pag may nagsabi na naman ng bitin, hindi ko na alam. Hahahahaha! Just read the story of their son. Here's the link:

Not a Fairy Tale--> http://www.wattpad.com/35554296-not-a-fairy-tale-prologue or click the external link. 

or read my other story, Talo Bingi! Here's the link again:

Talo Bingi--> http://www.wattpad.com/35313673-talo-bingi

WARNING: SLOW UPDATES HAHAHAHA

Anyway, for more information, updates, questions, and announcements, like this page:

http://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

or join this group:

http://www.facebook.com/groups/191153611091984/

CIAO! <3

Also, thank you for supporting my stories! Happy 4M and 2M, guys. I love you, all!

Continue Reading

You'll Also Like

85K 5.5K 10
LANGUAGE: TAG-LISH DUERO LEON DELESTE is a world-champion race car driver. He drives on his own lane at his own speed without apologies. The world is...
1.1M 25.6K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
629K 25.2K 42
[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pin...