Worst Section

By dianefajutrao

270K 6.9K 371

Away, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian... More

Worst Section
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Authors Note

Chapter 5

7.7K 237 3
By dianefajutrao

Mika's POV

*Phone  vibrates*

Naalimpungatan ako ng biglang nagvibrate ang aking cellphone sa side table.  Lumingon muna ako sa orasan at nakitang 6:00 palang ng umaga.  Sino naman kaya ang magtetext sakin ng ganito kaaga. 


Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at binuksan iyon. Nun ko lang napansin na galing pala kay Gabriel ang message. Masyado pa akong sabog sa mga oras na to. 

From: Gabriel

    GoodMorning :) See you mamaya:)

*door opens*

Mabilis kong tinago ang aking cellphone sa kama dahil baka makita ni Matt.  Nakahinga naman ako ng maluwag ng si Yaya pala yung nandon.

"Mika, bumaba ka na don.  Ready na almusal niyo.  Andon na pati ang kapatid mo" Deretsong sabi niya.

"Susunod po ako" 

Sinaraduhan ni Yaya ang pinto matapos ko iyong sabihin. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nagtype ng irereplay kay Gabriel. 

To: Gabriel

      See you din :)


Tumayo na ako pagkatapos itap ang send button at dumiretso sa Cr.  Araw araw laging nagsesend ng text message sakin si Gabriel.  Di ko alam kung ano bang pakay niya sakin,  dahil ang alam ko lang magkaibigan kami.   Siguro nga, ganun lang siya ka caring at kabait ang treatment.  Kaya ang swerte ni Gabby sa kapatid niya. 


Hindi ko naman masasabi na nanliligaw na siya agad sakin,  edi sana kasi nagpaalam na siya matagal na pero wala eh.  Di naman ako nageexpect na ligawan niya ako agad agad.  Hindi naman ako ganun kadesperada .

Anyways, Ako si Mika Alcantara.  18 years old. Wala akong boyfriend dahil kakabreak lang namin . Narealize ko nga na napakatanga ko pala nung time na yun dahil nagpaloko ako sa ganong klaseng lalaki.  Kaya ngayon, move on na ako.  At masayang masaya sa kung anong meron ako ngayon. 


And I must say, that I am one of the very proud students of the worst section of our university.  Di tulad ko, laging naaasar si Matt pag naaalala niya ang pagkakakilanlan samin.  Hindi naman sa perfectionist ang kapatid ko,  mabait kasing bata yun kaya ayaw niyang nadadamay siya sa mga kahambugan ng buong klase namin. 


Masasabi kong aware naman ako sa mga kasalanan na nagagawa ng buong section namin especially sa mga subject teachers ,pero kami kami na din mismo ang walang unity. Yung tipong wala talagang may balak na magbago sa bawat isa samin.  Dahil gusto nga ng karamihan samin,  magulo pero masaya.


Bumama na ako sa hagdan matapos kong gawin ang aking morning routine. Nakita kong nandon na si matt at tahimik na kumakain. Tamo to, di manlang nanghintay, di naman ako ganun katagal eh.


"Good Morning ate" bungad nga sakin kaya napangiti nalang ako sa kawalan. Ang sweet talaga ng kapatid ko.  Hihihi


"Good Morning, ang daya mo ah. Di mo ko tinawag " pangasar na tono ko sa kanya. 


"Sorry na.  Nakakagutom na kasi eh"natatawang sambit niya. 


Umupo na ako sa gilid ng mesa at nagsimula ng kumain.  Ngayon ko lang naalala na may pupuntahan nga pala kami kasama sina Gabby para magaudition sa brass band mamaya.  Hays di na naman ako kinakabahan dahil medyo flexible naman ang katawan ko.  Tsaka nung elementary mahilig na akong sumali sa mga event ng school.  Kaya yakang yaka na namin yun. 


"Kamusta lovelife?" tanong ko sa aking kapatid dahil ang tahimik niya.  Hindi ko din alam kung bakit ko ba tinatanong pero kasi parang di na ako updated sa buhay ng isang to. 
Hindi ito sumagot at tila parang lutang ang utak.

"Si Gab-"

"Hindi ah" mabilis na sagot niya.


"Yan na nga ba sinasabi ko, may gusto ka sa kanya no" panghuhuli ko sabay ngiti ng nakakaloko. 


Sinamaan niya lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Kilala ko ang kapatid ko kaya alam ko kung may tinatago ba siya o wala .  Pero ngayon sa tansya ko, mukhang meron. Kaya di ko talaga to palalampasin. 


"Nakakapagtampo ka na ah.  Wala ka ng sinishare sakin about sayo " pagmamaktol ko. 



Simula kasi pagkabata, iba na ang closeness naming magkapatid. Yung tipong walang secret ang bawat isa.  Ultimo mga epic na nangyari, crushes, lovelife, at buong pangyayari sa maghapon nalalaman ng bawat isa samin.  Pero ngayong mga teenager na , unti unti ng nagbabago.  Kagaya ngayon



Kumagat muna ito ng hotdog na hawak niya bago ako nilingon.


"Eh kasi naman ate, wala naman akong feelings kay Gabby. Di ko siya type" walang pagaalinlangan na sagot niya sakin sabay simsim ng gatas. 



"Hay nako.  Bagay sana kayo kaso lang kalalaki mong tao ang arte mo.  Complete package na kaya si Gabby. Mabait, maganda, medyo matalino, may talent, mayaman, caring, at nandy-"



"Ang sabihin mo may gusto ka sa kapatid niya , kay Gabriel" putol niya sa sasabihin ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. 


"Wag mo ngang ilipat sakin.  Ikaw yung tinatanong ko eh" pagalit na tono ko pero nanatiling nakangiti ang mokung.


"Makaligo na nga"


Agad akong tumayo at umakyat sa kwarto para maligo ,baka kasi lalo pa akong asarin ng magaling kong kapatid sa Gabriel na yun.  Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay pag inaasar ako sa isang lalaki.  Kasi nga diba, pag lalo kang tinutukso parang lalo ka lang nagkakakagusto.  Pero sa lagay ko, wala naman akong gusto kay Gabriel, nagagwapuhan lang. 



Anyways, kumuha na akong damit sa closet para magbibihis nalang  ako mamaya. Plain white tshirt, jeans and rubber lang ang susuotin ko para mas komportable gumalaw.  Wala namang sinabi samin na required suotin kaya na samin ang desisyon. 


Dumako ang aking mata sa aking cellphone na nasa side table. Di ko alam kung anong nagudyok sakin na icheck yun kung may nagtext ba pero wala naman.  Yan tuloy, dahil sa bwisit kong kapatid maya't maya na akong naasa na may text message na galing kay Gabriel.  Tsk.  Makaligo na nga. 



Matt's POV


From: Gabriel

Bro, asan na kayo?


Mabilis akong nagtype ng irereplay kay Gabriel dahil kanina pa siya nagtetext kung nasan na kami. Masyadong excited.

To: Gabriel

         Bahay pa.



Pinatay ko na ang aking cellphone matapos itap ang send button.  Nandito nga pala ako sa may sala namin, at naghihintay sa napakabagal kong ate. Halos mga 20 minutes na akong nakahilata dito sa sofa at wala pa ring nagbabago.  Kanina pa ako nakabihis at mauuna na sana, kaya lang baka magalit yun kaya eto hinihintay ko na.


Di ko na namalayan na bukas nga pala yung tv dahil sa iniisip ko kanina pa.  At yun ay wala ng iba, kundi yung tanong sakin kanina tungkol kay Gabby.  Totoo naman kasi na wala akong gusto kay Gab. Ang nakakapagsisi lang ay nung sinabi ko na hindi ko siya type.  Halos lahat kasi ng personality ng isang babae na gusto ko, nasa kanya na.  Kaya isang napakalaking kasinungalingan yun para sakin. 


At isa pa, bakit ko naman ichachat si Gabby nung time na kumanta kami kung wala akong feelings para sakanya.  Hays. Nababaliw na siguro ako.

*beep*


Agad akong tumakbo palabas at tiningnan kung sinong dumating. May isang sasakyan na nakaparada at niluwa non si Gabriel kasama si Gab. Nako. Ayusin mo buhay mo Matthew.  Parang nagawa na ng paraan anh tadhana para bawiin yung sinabi ko kanina. 


"Bat kayo nandito?" pabirong tanong ko dahil nakakapagtaka talaga. 


"Sandali, bago ko sabihin pwede bang paihi muna.  Kanina pa ko nagpipigil eh" impit na pagkakasabi niya kaya napatawa nalang ako .


"ANO? Papayag ka ba? ihian kita ja-"


"Haha easy bro. Di ka naman mabiro. Pumasok ka na nga dun" natatawang sambit ko kaya dali dali siyang pumasok.  


Dali daling umalis si Gabriel sa harap ko.  Kaya kaming dalawa nalang ni Gabby ang natira. Tahimik lang siyang nagmamasid sa bahay namin at mukhang takot yata tumingin sakin. Hindi naman ako nangangain ng tao eh. 


"Hi Gab" nakangiting bati ko.


"Uh-m hello.  Asan si kuya?" nahihiyang tanong niya sakin.  Para namang strangers na kami nito. 


"Ah nasa loob. Ihing ihi na daw eh" natatawang sambit ko para hindi naman siya mailang sakin.  Kaya yun,  napangiti ko din siya.



"Pasok ka muna"


Alok ko sa kanya at agad naman siyang sumunod.  Hindi ko alam kung bakit siya naiilang sakin o ano.  Basta ang alam ko lang, magkaibigan naman kaming dalawa kaya wala ng hiya hiya sa isa't isa. 

Pagkapasok naming dalawa sa bahay, pinaupo ko na muna siya at binigyan ng maiinom. Mas mabuti na lang din siguro na dito muna kami sa may sala, dahil bukas yung tv.  Para naman di siya maboring. 


Gabriel's POV

Mga 5 minutes na akong naghahanap ng Cr dito sa bahay nina Matt pero wala akong makita.  Matagal na naman akong nakapunta at nakapasok dito kaso nga lang para akong namental block dahil ang tanging nasa isip ko lang ay ang ihi ko.  Kailangan ko itong ilabas!!!


Mabilis kong binuksan ang kwartong nasa harap ko ngayon at pumasok, naramdaman ko na naman kasi na hindi ko na kayang pigilan.  Mas nakakahiya naman,  na umihi ako sa pants ko ngayon.  Di na ako bata. 



Deretso akong tumakbo sa Cr ng walang pagaalinlangan.  Basta ang alam ko lang kailangan ko ng umihi.  Bakit kasi nung naghihintay sa bahay di pa ako naiihi tapos kung kailan nama-n.  Psh.  Nakakaasar. 

"Maaaaatt?"

"Oh sh*t "  napamura nalang ako ng wala sa oras ng marinig ko ang boses ni Mika.  Hindi ko napansin na nandito din pala siya.  Lalo tuloy akong kinabahan,  para akong bata na may tumulong kaunting patak sa pants ko dahil sa panlalamig.  Nakakairita. 


"Matt ikaw ba yu-"


"Aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"



Lalo akong nagulat ng makita niya ako kaya dali dali kong sinaraduhan muna ang pinto at umihi.  Di ko na kasi napansin na ito pala ang kwarto niya dahil di ko na kayang pigilan kanina.  Basta iihi muna ako ngayon,  mamaya nalang ako magpapaliwanag. 


Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako ng Cr at nahihiyang humarap kay Mika.


"Ah sorry.  Ihing ihi na kasi ako kanina eh" nahihiyang sambit ko sabay ngisi. Sana lang madala siya ng pacute ko.


"Hahaha ano ka ba.  Ayos lang. Alangan namang pigilan kita diba.  Edi sana sa pants mo ikaw napaihi.  Nagulat lang talaga ako kanina" nakangiting sabi niya kaya nakahinga na ako ng maluwag.  Buti nalang talaga, hindi nagalit.


"Tayo na nga"

"Tayo n-"

"Tara na sa baba" paglilinaw niya.  Kung ano ano na naman kasing nasa isip ko. 

"U-h sige"



Sabay na kaming bumabang dalawa dahil halata naman na ready na siya kanina pa.  Naabutan namin ang dalawa ni Gabby na nagtatawanan sa sofa habang buhay ang tv.  Sinilip ko kung anong palabas at mr. bean pala.  Tsk.  Mga isip bata. 


"Ate bakit ka nasigaw kanina? may ginawa ba sayo yang gabriel na yan? Sabihin mo lang" biglang seryoso ni matt.  Napangisi nalang ako para asarin siya.  Mahalaga sakin si mika kaya di ko kayang saktan siya.  May respeto kaya to 

"Wala no.  May nakita lang akong ano. .Uh-m ipis. Oo dun sa kwarto ko kanina" palusot ni Mika.  That's my girl. 

" Tara na nga" putol ko sa usapan kaya tumayo na din ang dalawa at mabilis na pinatay ang tv. 


Sabay sabay na kaming lumabas at sumakay sa sasakyan ko.  Nagsuggest kasi ako na sasakyan ko nalang ang gamitin para hindi na sila mahirapan. Kaya ngayon, katabi ko si Mika at nasa likod naman ang dalawa.


Inistart ko na ang engine at nagsimula ng paandarin ang sasakyan. 

Continue Reading

You'll Also Like

167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
178K 7.1K 31
Dedicated sa mga nabitin sa music video ng love warning :)