Worst Section

By dianefajutrao

270K 6.9K 371

Away, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian... More

Worst Section
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Authors Note

Chapter 4

9K 378 17
By dianefajutrao

Matt's POV

"An-d the last pair.  Matthew and Gabby"


Matapos kong marinig ang pangalan ko na kapartner si gab ay nakahinga na ako ng maluwag.  Kung tutuusin, masaya ako na siya ang nakapartner ko ngayon sa gagawin naming activity.  Mabait naman siya, maganda at madaling pakisamahan. Simple lang din siya gaya ng gusto ko. Ayaw ko kasi sa mga babaeng masyadong papansin at madaming nilalagay sa mukha.  Nakakaasar lang makita.



Magpapakilala muna ako bago ang lahat.  Ako si Matthew Alcantara, 17 years old.  Meron akong panganay na kapatid at si Ate Mika yun. Kaklase ko din si Gabby at ang kapatid niya, bukod dun mga kaibigan ko rin sila.   Kabilang ako sa mga students ng worst section.  Pano ba naman kasi hindi magiging worst, ingay dito, ingay doon.  Lagi nalang kailangang manaway tapos may magagalit pa.  Hindi marunong magkusa, yung iba walang respeto sa nakatatanda. Galing diba? Hakot award kami. 




"So Yohan and Sophie, Please come here in front" biglang sabi ni mam na nakaupo sa unahan na may hawak na mga papel.  Dun niya siguro ilalagay yung grades. 

'Go baby Yohan'

'Whooo'

'Hokage si Yohan'

'Go Sophie Baby'


Sigawan ng mga papansin kong kaklase sa likod at karamihan pa sa kanila ay mga babae.  Nakakairita.  Di na ako nagabalang lumingon at binigay ang buong atensyon sa dalawa kong kaklase sa unahan.

"Ano po bang gagawin nila mam?" tanong na naman ni Vince.  Wala talagang kadala dala ang isang to. 

"Obviously, kakanta kayo with your partner.  Alangan namang sumayaw diba? Di naman tayo P.E ngayon" pilosopong sagot ni mam. May nalalaman din palang ganun ang isang to. 

'Ano ka ngayon'

'Papalag ka na vince?Hahaha'

'Nganga tayo bes'

Psh. Katahimikan sa classroom na ito.  Mga walang patawad eh. Di tuloy makapagsimula yung dalawa. 

"Ang hinahanap ko lang naman, pag once na tumayo kayo dito sa unahan ay ang focus sa kantang inyong napili.  Tsaka pag kumakanta may eye contact sa audience, hindi yung may mannerism pa na pasayaw sayaw.  And lastly, with feelings, kailangan niyong namnamin ang bawat lyrics ng kanta.  Hindi naman pwedeng kakanta ka lang ng parang wala lang. You need to feel it" sunod sunod na sabi ni mam habang nakatingin samin.  Hindi na naman ako kinabahan sa sinabi niya dahil alam ko namang kayang kaya namin yun ni Gab. 

And speaking, lumingon ako sa parte kung san siya nakaupo at deretso lang siyang nakatingin sa unahan. Nakakuyom ang kanyang dalawang palad na parang nagdarasal. Halatang kinakabahan. 

'Don't worry Gab. We can do it'

Gab's POV

"You may start"

Tahimik akong nakatingin kay Yohan at Sophie dahil magsisimula na silang kumanta. Kanina pa nakakuyom ang dalawa kong kamay dahil sa sobrang kaba. Una, dahil hindi naman ako ganun kagaling kumanta baka mapahiya lang kami.  Pangalawa, kapartner ko  nga si matt diba.  Baka mahatak ko siya pababa.  At pangatlo, di ko alam kung anong kakantahin namin.  Hindi naman pwedeng magnguynguy lang ako sa unahan edi napagalitan naman ako.  Hays.  Sana bumilis agad agad ang oras at hindi na kami abutin. 


'105 is the number that comes to my head'

'When i think of all the years i wanna be with you'

'Wake up every morning with you in my bed'

'That's precisely what i plan to do'

Nagsimula ng kumanta si Yohan na parang wala manlang kabang nararamdaman.  Ngayon ko lang napansin na magaling palang kumanta ang isang to. Sadyang mahiyain lang kaya di niya pinapakita samin. 

' I say will you marry me'

'I swear that i won't mean that i say'

'Will you marry me'


Ngayon naman ay duet sila ni Sophie na masasabi ko na parehas maganda ang boses nila.  Grabe, nakakahiya yung boses ko. Baka kasi mamaya bigla na lang akong pumiyok. Bahala na ang avengers sakin. 

Ilang minuto ang lumipas ng matapos ng kumanta ang dalawa. Nagpalakpakan kami pati na rin si Mam.

"Masarap ba Yohan?" natatawang sambit ni Vince.  Kaya napatawa na din ang karamihan.  Nangingibaw kasi lagi ang boses niya kaya rinig na rinig.

"Yah anong masarap ?" parang nadidiring tanong ni Lincoln.Natawa tuloy ako. 

"Wag nga kayong green minded jan.Ang dudumi ng utak niyo.  Diba nga sabi ni mam namnamin daw yung kanta. Ano kayang lasa!" ngisi ni Vince sa unahan.  Halos lahat kami nadala na sa pagtawa niya dahil bigla bigla nalang magtanong ng ganun. 

"Kung si mam kaya ang tinatanong mo!" suggestion ni Caleb.

"Oo nga naman" -Andrew

"Hehe oo nga.  Mam, may i ask you a question?" ani niya sabay tawa.

"Your already asking. What is it Mr. Ty?"

"Masarap po ba?"


'Pft.  HAHAHAHA'

'Go Vince'

Sa wakas ay natanong niya sabay tawa.  Halos wala na itong mata kakahalakhak.  Iba din ang isang to.


"Wala akong panahon sa kalokohan mo Mr. Ty" ma-awtoridad na sagot niya.  Pero karamihan pa din samin walang patay ng katatawa.


Napansin ko na umupo na agad sina Yohan at Sophie sa bandang likod. Akala ko kasi may gagawin pa dun sa unahan.


"So next pair, pumunta na agad dito para mabilis tayo matapos " ani ni mam sa unahan.  Hays.  Wala yata akong takas.  Pilit at pilit tatapusin niya na makapagpresent kami ngayong araw na to. 

Agad pumunta si Kuya Gab at si Ate Mika sa unahan.  Sa itsura palang ng kapatid ko, parang nanalo na sa lotto.  Malaki ang ngiti nito na abot hanggang tenga na parang wala ng katapusan.  Sa tansya ko, alam ko na agad ang posibleng mangyari sa mga susunod na araw.  Kilala ko si Kuya Gab.  Makapal ang mukha niya pagdating sa mga galawan.

Tumikhim muna ang dalawa para siguro mawala ang kaba bago magsimula. 

🎤Your the one who never let me sleep

"Whoooo tam-es' sigaw naman ni Phoenx.

'Ssssshhhh'

🎤Through my mind and through my soul you touch my lips

    'Your love is like the sun,

   'That lights up my whole world, I feel the warmth inside. 

    'Your love is like the river

   'That flows down through my veins

 
    'I feel the chill inside'🎤


Tahimik lang akong nakikinig at pinagmamasdan ang dalawa sa unahan.  Ngayon ko lang napagtanto na bagay sila ni Ate mika.  Sana lang ligawan siya ni Kuya  dahil kinikilig ako sa kanilang dalawa.  Parang may something na.  Hihihihi.

"Let's give a round of applause" ani ni mam sabay palakpak kaya pumalakpak na din kami.


"Ganun ang gusto kong makita sa mga susunod pang kakanta dito sa unahan. With Feelings" ani niya. 

"So next pair.  Iggy and Hailey"

Agad akong lumingon sa aking best friend na tatayo na.  Binigyan ko siya ng 'Goodluck sayo bes' look na tinanguan niya naman.  Nauna na siyang naglakad paunahan at sumunod si Iggy.  Wag lang talagang magloloko yan si Iggy pag kasama ang bestie ko.  Baka siya na maghukay ng sarili niyang libingan pag nagkataon. 



Nagsimula na silang kumanta at ang kanilang napili ay ang I'll be ni Edwin Mccain.  Isa to sa mga kantang paborito ko kaya binuhos ko sa kanilang dalawa ang aking atensyon. 



Matapos ang ilang minuto natapos na ring kumanta ang dalawa.  Nakakahiya mang isipin pero mukhang ako lang ang papalya sa activity na to. Bakit kasi gifted sila.  Nakakapaluha naman.



Agad na pumunta sa unahan ang iba pang pair na hindi natatawag. Pagkatapos nilang kumanta ng free choice.  Babalik na agad sa dating upo at yung next pair naman.  Habang tumatagal lalo akong kinakabahan.  Bakit kasi ayaw pa magring nung bell.  Nananadya ata ay.





Lumingon ako kung san nakaupo si Matt at nakitang parang chill lang ang mokung.  Siguro nga ako lang ang halos first time maglantad ng boses sa kanila pag kumanta kasi sa itsura palang ni matt halatang excited at mas ganado pa siya magpresent sa unahan.  Hay nako.  Gustuhin ko man na partner ko siya at the same time crush, di ko pa din maiwasan na mahiya.

"Last. Matthew and Gabby"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig matapos kong marinig ang boses ni mam. Lutang  ang aking pagiisip kaya di ko na namalayan na tapos na pala yung mga kaklase ko. 

Waaaa.  Ito na yun, kami na talaga ang kasunod.  Wala ng urungan.  Dahan dahan akong tumayo at bahagyang lumingon kay Hailey.  Binigyan niya lang ako ng 'Kaya mo yan' look kaya naglakad na ko paunahan.  Kaya mo yan Gab.  Di ka naman pababayaan ni Matt. 


And speaking of Matt, nandon na agad siya sa unahan habang deretsong nakangiti sakin. Aish,  nakakaasar nakuha niya pang ngumiti habang ako halos mamatay na sa kaba. 


Pagkapunta ko sa unahan, agad akong tumabi sa kanya at bahagyang bumulong.

"Anong kakantahin natin?" tanong ko sa kanya. 

"Akin ka nalang" ngiting sabi niya sakin. Hihihi kung alam mo lang sayong sayo na ko matagal na. 

Napaisip ako kung familiar ba yung title sakin at nun ko lang napagtanto na yun pala yung lagi naming kinakanta ng mga pinsan ko sa videoke.

"The two of you-" sabay kaming napalingon ni matt kay mam at naghintay ng susunod niyang sasabihin. 

"Pwede na kayong magsimula"

Narinig kong nagbuntong hininga muna ang partner ko bago magsalita.  Lumingon ako saglit sa mga kaklase ko at halos ng mata nila samin lang nakatingin.  Wala manlang nagsasalita o maski nabulong.  Sobrang tahimik.


Dumako ang mata ko kay Hailey at nakitang ang laki ng ngiti niya sakin.  Alam ko namang uulan mamaya ng panunukso galing sa kanya kaya di na ako magtataka. Meron pa itong sinisenyas sakin kaso di ko maintindihan. 

Matapos kay Hailey, nahagip ng dalawang mata ko si Cassandra na masamang nakatingin sakin.  Wala akong makitang dahilan kung bakit ganun siya makatingin dahil hindi ko naman siya kaaway at mas lalong wala akong alam na ginawan ko siya ng isang bagay na hindi maganda.  Iniwas ko nalang ang aking tingin at nagsimula ng kumanta.

🎤Wag kang maniwala jan, hindi ka niya mahal talaga

Sayang lang ang buhay mo, kung mapupunta ka lang sa kanya

Iiwanan ka lang niyan,  mag ingat ka

Dagdag ka lamang sa milyong milyong babae niyan🎤


Medyo nakahinga na ako ng maluwag ng makanta ko ang first verse ng kanta. Nakakakaba lang dahil wala manlang nagrereact nung sinimulan ko na.  Pakiramdam ko tuloy nasa hot seat ako.


🎤Akin ka nalang, Akin ka nalang 

  Iingatan ko ang puso mo

  Akin ka nalang, Akin ka nalang

  Wala ng hihigit pa sayo 🎤

Napatingin ako kay Matt matapos niyang kantahin ang chorus at nakatingin din pala siya sakin habang nakangiti.  Hay gulay, sana lagi nalang ganito.  May bonding kaming dalawa at wala ng ilangan sa isa't isa. 


Dumating kami sa second verse at chorus pero this time duet kami at sinabayan ko na ang pagngiti niya.  Nakakagood vibes kasi. Nakakahiya naman  kung siya lang yung nakangiti sa aming dalawa tapos ako nakasimangot.

Matapos  naming kumanta lumingon ako kay mam at nakitang nakangiti lang ito sa kawalan.  Hala, nakadrugs yata si mam.  Natawa nalang ako sa naiisip ko. 

"Were done mam" sa wakas nagsalita si matt at syempre nakangiti pa din.  Mukha namang bumalik na siya sa kantinuan. 

"Okay thank you. Matthew and Gabby.  Nakakagood vibes kayong tingan. You may take your seat" ani ni mam habang napalakpak ,pati na din ang mga kaklase.

Nagsimula na akong maglakad pagbalik sa pwesto ko at ganun din naman si matt .Habang papalapit sinalubong ako ng nakakalokong mga tingin ni Hailey.  Dahil nga best friend niya ako, alam ko ang mga bagay bagay na natakbo sa utak niya sa oras na to.

"Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang mga boses niyo" panimula ni mam, kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. 

"Kaya pag may mga events, wag kayong mahiyang magparticipate" dugtong pa niya. 

"And one thing, ngayon ko lang napagtanto. Matthew and Gabby,  bagay kayo" ngiting ngiting sabi ni mam. 

'Yieeeee'

'Yun naman pala'

'Naks'

Kabi kabilang panunukso ang natanggap ko/ namin ni matt dahil sa sinabi ni mam.  Hindi na ako nagreact kahit sobrang kinilig ako dahil nga crush ko siya, mas pinili ko nalang manahimik.  Dahil sabi nga nila 'Action speaks louder than words ' kaya kahit ano pang gawin kong pagtanggi dito kung halatang halata naman edi wala din.  Lalo lang akong nabisto. At isa pa, andito ang magaling kong kapatid kaya dapat utak muna ang pairalin Gabby. 



"May dapat ba akong malaman?"biglang tanong ni mam na palipat lipat ang tingin kay matt at sakin.  Hindi ako makapagsalita dahil baka kung ano pang masabi ko. 


"Wala pong forever" rinig kong bulong sa parteng likod ko. 

"Wag ka ngang bitter, porke't wala kang lovelife eh"


"Anyways bago pa ulit ako kiligin. I just want to say that all of you did great guys.  So,  see you next meeting and good day " ani mam kaya nagpaalam na din kami. 

Bigla naman akong napatawa sa sinabi ni mam nung una.  Baka daw kiligin uli siya. Hahaha.  Uso pa pala sa kanya kiligin,  akala ko nga pusong bato na yun eh. 


"Hindi ka ba kakain? " ngisi sakin ni Hailey na nasa harap ko na pala.  Di ko siya napansin.


Kaya pala halos magulo na naman ang mga upuan dito sa room dahil sa mga kaklase ko na papunta sa labas. Break Time na nga pala.  Aish.

"Mamaya na "ngising sagot ko sa kanya.

"Hay nako. Gabby Sandoval alam ko namang kinikilig ka jan pero hindi naman tama na magpapagutom ka  Halika ka na nga" sunod sunod na saad niya sabay hila sakin.  Sadista talaga to.


Matapos ang ilang minuto na pagkaladkad sakin ng magaling kong best friend.  Nakarating din kami sa cafeteria. Walanl naman gaanong tao kaya nakabili na kami agad.  Pagkatapos magbayad sa counter bumalik na agad kami sa room. Wala pa sina kuya, matt at iggy dahil baka may pinuntahan pa. 


"Bes, best actress ka kanina. Tag mo yung kaibigan mong sobrang haba ng hair " natatawang sabi niya sabay upo sa tabi ko. 


"Sira. Nakakahiya nga kay matt eh. Baka kung ano isipin nun"

"Wow ha.  Ngayon ka pa nahiya kung kailan tapos na" kahit kailan talaga hindi to nawawalan ng sagot kaya di na ako nakipagtalo. 

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ni Hailey hanggang sa mag time.  Wala na namang ibang nangyari.  Katulad pa din ng lagi naming gawi, sulat dito,  discuss doon, ingay dito, saway doon.  Ganun lang kadali. 

Time Check: 4:30 pm.

Uwian na namin ngayon pero kailan pa naming dumaan sa office ng Ssg para magtanong ng schedule para sa mga gustong magaudition. Kasama ko ngayon sina kuya, iggy, si matt at ate mika at syempre si Hailey. 

"Good Afternoon po" magalang na bungad ng kapatid ko kaya sunod sunod na kaming pumasok sa loob.

"May itatanong lang po kami about sa audition ng brass ba-"

"Tomorrow sa gymnassium.  8-00 to 3:00. Be on time " Walang pagaalinlangang sagot nito. Di pa tapos yung tanong namin may sagot na siya.  Weird.

"Sige po.  Thank you" nahihiyang sagot ni Ate Mika tsaka kami lumabas. Ngayon ko lang narealize na sabado na pala bukas.  Hays.


Matapos naming pumunta sa Ssg office ay nakahiwa hiwalay na din kaming lahat. Si Iggy may pupuntahan pa daw tapos si Ate Mika syempre kasabay ni Matt dahil may kotse naman sila. Si Hailey may susunduin daw siya ng daddy niya.  At ako sa magaling kong kapatid nakasabay. 



Masyadong mabilis ang takbo ng oras ngayon kaya pagkababa ko palang ng sasakyan medyo madilim na.  Di ako nagsasalita sa biyahe kanina kahit pagkababa dahil pakiramdam ko sobrang pagod ng aking katawan. 




Deretso akong naglakad sa kwarto at nilapag ang aking gamit. Di naman ako nageexpect na may sasalubong sakin na mommy at daddy dahil alam ko namang nasa business sila. Lagi nalang busy.



Kumuha na ako ng damit at deretso sa Cr to do my thing. Pagkatapos nun kinuha ko uli ang aking laptop at nagonline. At dahil nga sabado na bukas at simula na din ng audition ng band, marami akong nakitang post ng mga kaklase ko na nagsasabing excited na daw sila bukas.  Psh.


Dumako na naman ang tingin ko sa pangalan ni matt na online din ngayon. Binuksan ko ang mga messages at nakitang nagchat pala siya.


'Ang galing mo kanina :)'


Yan yung chat niya at alam kong yung pagkanta namin ang sinasabi niya. Isinantabi ko muna ang aking kakiligan at mabilis na nagtype ng reply.  Mahirao na kasi baka log out na naman mamaya. 


'Salamat. Ikaw din:)' at tinap ko na ang send button. Naghintay ako ng reply niya hanggang sa magvibrate uli ang laptop ko. 


'Sana ganon nalang lagi'


Paulit ulit kong binabasa yung replay niya pero di ko magets kung anong gusto niyang iparating. Ayaw ko naman umasa agad.  Hays. 


'Bakit naman?'


Ilang minuto ang lumipas pero wala pa din replay si Matt. Wag naman sana maulit yung nangyari nung last chat namin.


Tiningnan ko uli ang convo namin pero active now pa naman siya. Inisip ko nalang na baka may gawa kaya na delay. Humiga muna ako saglit hanggang sa di ko na namalayan na nakaidlip pala ako. 


Dali dali kong tiningnan ang message ni matt na ngayon ko palang mababasa dahil nga nakatulog ako. Hays.  Gabby kasi eh. 

'Para lagi kong nakikinig boses mo at nakikita kang nakangiti'

'Antok ka na ata.  See you bukas.  Goodnight Gabby :)"


Gabing gabi na pero nakuha ko pang magtatalon dito sa kama ko. Wala akong pakialam dahil kinikilig ako ngayon. Kyaaaaahhhhhh ang sarap na naman ng tulog ko neto. Pinatay ko na ang wifi at laptop ko tsaka humiga.  Nakatitig lang ako sa kisame habang nakangiti kaya parang nasisiraan na ako ng bait.  Waaaaaahh.  Makatulog na nga.

'Goodnight din Matt :)"

****

A/n: Ang landi ni Gabby.  Hahaha
   Dont forget to vote, comment, and recommend guys :)
See you sa next chap:)

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
72.6K 4K 140
may mga taong darating sa buhay natin na magpaparamdam Kung gaano tayo ka importante ngunit taliwas non ang pananakit nila sa'tin. Ngunit sabi nga ni...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
177K 4.6K 41
A simple mission that can make the person's life change, A simple mission that can make the story more complicated, Will they succeed? Or not?