YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)

Oleh ukennat

65.9K 1.2K 220

I was left with nothing but happiness and gratitude with the realization that without the pain of love that's... Lebih Banyak

Prologue
A
B
C
D
F
G
H
I
J
K
L
RANT!!!!
L
M
N
O
P
Q
R
hi :-)))

E

3.2K 75 1
Oleh ukennat

Jho's POV

Asan na kaya si Beatriz? Mula paggising ko wala na sya dito sa bahay. Tinanong ko naman si ate Ella, kibit balikat lang ang sinagot sakin.

Dalawang buwan na din simula yung pumunta kami ni Beatriz sa Carnival. Kaya simula yung araw na yun mas naging close na kami ni Beatriz sa isat isa. Bestfriend ko na syang matuturing dahil alam na namin ang lahat tungkol sa buhay buhay naming dalawa.

Masaya naman palang kasama si Beatriz. Sobrang bait nya. Lagi nya pang sinasakyan lahat ng kalokohan ko. Minsan nananawa na lang samin si ate Ella dahil sa sobrang bully at gulo namin. Well pasensya na lang sya hahaha.

Somehow gusto nya din naman na ganto ako. Yung dating ako. Nagpapasalamat ako kay Beatriz dahil binalik nya kung ano ang Jhoanna Louisse noon.

Naalala ko pa nung pagkauwi namin galing Carnival.

Pagkadating namin hindi muna kami agad bumaba ng sasakyan ko. Sya na din ang nagpresinta na magdrive dahil nga naman mugto na yung mata ko. Baka kung ano pa mangyari samin kaloka.

"Jho, hayaan mong hilumin ko yung sugat na tinatamo mo. Wala ka ng dapat ipagkaalala. Dahil nandito na ako...." ano ba pinagsasabi neto ni Bea?

"Tagapagligtas ko?" Banat ko para maglight yung usapan namin. Ngumiti naman sya. Ano nanaman tumatakbo sa isip neto?

"Ganun na nga. Ang bright mo talaga Jho!" Yumuko naman ako pagtapos nya sabihin yun.

Naalala ko nanaman. Para kay Bea ang bright ko pero sa tingin ni Baham ang slow slow ko. Masyado nga ako minaliit ni Baham. Hindi ko napansin yung mga yun dahil nabulag ako ng pagmamahal ko sakanya.

Bigla naman may nagangat ng muka ko. Sya lang naman ang katangi tanging gumawa sakin neto. Si Bea.

"Wag ka na malulungkot Jho. Mas nalulungkot ako. Hindi mo naman ako hahayaan maging malungkot dba?" Natawa naman ako sa sinabi nya. Ano ba yan. Ako ata ang baliw. Bipolar hahaha.

"Lord ikaw ba yan? Hahahaha!" Pagpapatawa ko kay Bea. Agad naman syang ngumiti.

"Yan ganyan nga." Pinat nya nanaman ulo ko. At pagtanggal nya nun ay nakapwesto yung kamay nya para makipagshake hands.

"Start of something new? Bestfriends?" While flashing a smile. I cant help it but to smile. Nakakahawa yung ngiti ni Bea. Anghel sa lupa.

"Bestfriends." At hindi lang basta kamay nya ang tinanggap ko. Pati sya sa buhay ko.

Nawala ako sa pagmumuni ng dumating na si Beatriz.

"Hi beh!" Hi beh hi beh ka pa djan iniwan ako ng walang paalam tss. Pabebe mode muna ako kaya umupo lang ako sa kama.

"Beh may masakit ba sayo? Bakit hindi mo ko kinikibo?" Sabay harap nya sakin. Inirapan ko sya para alam nya na nagiinarte ako at kailangan nya kong paamuhin.

Tumayo sya. Akala ko yayakapin nya ko pero wala ako naramdaman. Pero may narinig akong tunog ng pinto. Paglingon ko, aba!!!! Iniwan lang ako dito??? Humanda ka sakin Beatriz!!

Tatayo na sana ako ng may narinig akong katok sa pinto kaya bumalik uli ako sa pagkakaupo na nakatalikod banda sa pinto.

"Beh? Sorr--" pinigilan ko agad sya kasi naiinis ako sakanya imbyerna ng taon!!

"Che wag kang papasok sa kwarto na to Beatriz ah!! Wag kang makalapit lapit sakin!!" Naiinis talaga ko. Dahil hindi naman sya umaalis ng hindi nagiiwan ng note. Minsan gigisingin pa ko para lang magpaalam. Huh! Bahala sya sa buhay nya!

"Ah ganon ba? Sayang naman tong fries na bili ko pati C3 with pineapple juice. Sge labas na ko beh ha." Nanlaki mata ko sa mga sinasabi nya. Aba sinusubukan nya talaga ko ah. Kala nya bibigay ako sa mga paganyan ganyan nya? Not anymore!

"Hoy Beatriz wag mo kong idaan daan djan sa mga pagkain ah!! Anong fries ba yang dala mo ha??!!!" Ay putik di naiwasan yung gutom. Pagkain na yun bes aayaw pa ba?

Narinig ko naman yung hagikhik ng kapre sa pinto. "Potato Corner beh. Sweetcorn Flavor. Kung ayaw mo sige beh bigay ko na lang kay ate Ells ha. Bye." Shet beh fave yun! Pero kinompose ko ang sarili ko. Pagkain lang yan, si Jhoanna Louisse ka. Aja!

"Hoy hoy hoy!! Aalukin mo ko tapos sabay babawiin mo?? Iwan mo yan dito! Ako lang kakain lahat nyan! Dalian mo Beatriz nako baka di kita matantsa!" At rinig na rinig ko yung tawa nya kaya humarap na ko sakanya ng nakataas kilay kaya nawala yung tawa nya. Huh dapat lang!

"Sorry na beh binilhan lang kita ng fuds mo eh." Umupo sya sa tabi ko at hinalikan yung balikat ko. Mejo konting kiliti na lang naramdaman ko dahil mejo nasasanay na din ako. Clingy talaga to si Beatriz kaloka.

"Eh bat hindi ikaw nagsasabi sakin? Hindi ikaw nagpaalam?" Baby talk plus pout. Oh pak ginalingan. Hahahaha

"Surprise kasi yun beh. Sorry na ha? Dali kainin mo na yan alis tayo maya." Napangiti naman ako dahil dun. Yey idedate uli ako ni Beatriz!

"Pasalamat ka hindi kita matiis djan Beatriz!" Niyakap nya naman ako. Ehhh enebe bes. So clingy

"Ako ba talaga o yung pagkain?" Kumunot naman agad ang noo ko at automatic na lumayo agad sya sakin dahil alam nyang automatic din yung palo ko sakanya. Hahaha kabisado nya na talaga ko.

"Oh bawal na sumimangot. Aalis tayo diba?" Agad naman naglight yung mood ko dahil dun hahaha bipolar is so me. Maya maya ay tumayo na din sya.

"Uto uto hahaha." Ano daw?? Anong binubulong neto ni Beatriz? Sasalita magisa?

"Hoy ano tinatawa mo djan?" Umiling sya habang nakangisi at naglakad na palabas ng kwarto ko.

Maya maya sumilip uli sya.

"Pagtapos mo kumain beh ha. Ligo agad. Alis tayo loveyou." Nagflying kiss pa at umarte naman ako na sinalo ko yun at nilagay sa puso ko. Napangiti na lang ako pagkaalis ni Bea.

Si Bea ang naging spark plug ng buhay ko. Para syang painter dahil nagkaron uli ng kulay ang buhay ko dahil sakanya. Madaming ginawa si Bea para mabalik ko lang yung dating ako. At na-paid off naman daw lahat ng yun dahil unti unti na daw ako naging masigla. My happy pill, Bea de Leon.

*******

"San ba tayo beh? Daig ko pa arabo dahil balot na balot ako sa suot ko. Tapos bakit may dala ka pang mga jacket?" Tanong ko agad kay Bea ng makasakay kami sa kotse. Sya na ngayon nasa driver seat dahil di ko din naman alam kung san ako dadalhin neto. Surprise daw. Oh well.

"Nasa kotse tayo beh. Malamig kaya cant you feel it ba? Tsaka malamig din naman sa pupuntahan natin. Kaya kalma ka lang. I gotchu!" Kindat sabay kurot pa sa pisngi ko. Hay nako. Isantabi ko na lang muna na pinilosopo nya ko dahil bumawi din naman sya. Ginalingan eh

Hinayaan ko syang magdrive ng magdrive. Maya maya nakadating din kami. Parang arena style sya. Ano kaya nasa loob neto?

Habang papasok kami pinasuot na sakin ni Beatriz yung patong patong na jacket at ganun din sya. Ganun ba kalamig dito? Maya maya pagbukas ng pinto bumungad ang isang malaking....

"Ice rink??? Seriously Beatriz??" Ngumiti naman sya at inilahad nya sakin yung kamay nya. Ikennat hindi ako marunong nito! Send help

"Tara na Jhow. I gotchu nga dba?" At nilahad nyang muli yung kamay nya at kahit na wala akong alam kung ano mangyayari sakin ay sumama na din ako.

Sinuotan nya na ko ng sapatos ganun na din ginawa nya sakanya. Una syang tumayo at nung tumayo na ko inalalayan nya na ko. Mabuti na lang at hawak ako ni Bea kundi semplang ako neto.

Hay nako Beatriz! Yari ka sakin pag nadapa ako dito. Maya maya ay hinila nya na yung kamay ko at ako ay sumusunod lang sakanya. Una mabagal lang yung pag hakbang hakbang nya. Pero nung mejo tumagal tagal pabilis kami ng pabilis.

Lintik na. Napapikit na lang ako habang etong kasama ko tuwang tuwa pa sa pinaggagawa nya. Oras na madapa lang talaga ko dito Beatriz ah!

Tinuruan nya ko kung pano tumayo at magbalance para makaandar ako. Ilang beses ako muntik madapa buti na lang lagi napipigilan ni Beatriz. Hahaha natuto din ako kaya nakakatuwa kasi para kaming bata ni Beatriz dahil habulan kami ng habulan.

Maya maya huminto ako dahil nilamig na yung mga kamay ko kaya hiniwipan ko mga kamay ko. Pagtingin ko sa kamay ni Bea meron syang gloves. Abat? Unfair naman neto.

Habang hinihipan ko padin kamay ko nagulat ako dahil biglang hinawakan ni beatriz yung left hand ko at biglang sinuot sakin yung suot nyang gloves.

"Eh pano ka kung lalagay mo sakin yan?" Tanong ko dahil baka naman sya yung lamigin. Ngumiti lang sya.

Pagtapos nya ilagay ay hinawakan nya naman ang right hand ko at pinasok sa bulsa nya. Bali nasa loob ng bulsa nya yung magkahawak naming kamay. Ang galeng, mautak si Beatriz.

Di ko tuloy maiwasan hindi mapatitig kay Bea dahil yung tibok ng puso ko nagiging abnormal sa bilis ng takbo. Lalo na ngayon na nakatingin sya sakin at nakangiti.

Iniwas ko na lang bigla ang tingin ko at niyaya pa sya ng isang round ng ikot. Pero dahil parehas nga walang gloves yung isang kamay namin kaya magkasama kami habang umiikot.

*****

Bea's POV

Dinala ko si Jho sa Ice Rink. Nung una nagaalangan pa sya sumama sakin pero dahil siguro na gain ko na din ang trust nya kaya naman sumama na din sya.

Nung una hindi nya pa nagugustuhan dahil binibilisan ko talaga yung takbo namin para kumapit sya ng mabuti sakin. Tsaka nakakatuwa din kasi yung muka nya.

"Beh taste this! Masarap oh." Sabay subo nya sakin ng Ice cream. Lately nagiging clingy na sya sakin. Sweet side of Jho hihi.

"Jhoanna?" Kusa kong napalingon kahit hindi naman yun ang pangalan ko. Galing sa isang lalaki yung boses na yun.

"Ged???? Omg besssssss!!!! Uy anuna kamusta na?" Hindi halatang excited sya ah. Tumayo pa nga sya sa sobrang hindi talaga sya naexcite. Hindi talaga.

"Dito lang pala kita makikita eh. Okay naman ako. Ikaw? Asan si Baham?" Agad naman nagbago ang mood ni Jho dahil sa kausap nya na di mo malaman kung lalaki o babae.

"Ah eh uhm si Bea nga pala, bestfriend ko. Bea si Ged, college friend ko." Ngumiti naman yung mistisong chikito. He handed his hand to mine but I refused. Tinitigan ko lang ang mga ito. Hindi naman kami close noh. Tss

Napansin siguro yun ni Jho kaya kinausap nya na lang uli yung chikito.

"Kamusta ka naman? Long time no see ah. Penge naman akong gluta bes!" Biro ni Jho sa kausap nya. May pahampas hampas pa ng kamay. Ew dirty.

"Ikaw talaga Jho oh. Hahaha. Minsan dalaw ako sainyo ni ate Ella h--."

"NO!!!" Aisssh bat bigla bigla ka nagsasalita Bei? Napatingin sila sa akin kaya agad naman ako naghanap ng palusot.

Mabuti na lang at hawak ko yung phone ko kaya madali akong nakagawa ng palusot.

"No shit! Lowbat pa oh! Bwisit!" Umarte pa ko na hinahampas yung sceen ng phone ko. At tumingin ako sakanila dahil nakatingin padin sila sakin.

"Yes anything? May dumi ba ko sa muka?" Umiling naman sila at aktong babalik na sila sa pinaguusapan nila kaya nagdesisyon na kong tumayo. Napatingin naman uli sakin si Jho.

"If you two are not done Ill go ahead na muna. Jho, Ill wait for you sa car na lang." Tumingin naman ako sa chinito "Its not nice meeting you." At lumabas na ko sa cafe.

******

Jho's POV

Ano ba nangyari dun kay Bea? Simula pagkauwi namin hindi na ko kinibo. Ang sungit pa. First time ko maencounter yung sungit side nya ah. Dahil most of the time ako ang masungit samin.

Tapos lagi pa nya ko tinitimplahan ng gatas tapos sya pa mismo magpapainom sakin para masarap daw tulog ko dahil minsan binabangungot padin ako ng nakaraan. Tapos kanina paglabas ko ng cr nandun na yung gatas sa table side ko. Pero wala sya.

Hay Beatriz ginugulo mo sistema ko ah. Hindi pa ko nakapagpasalamat sakanya kasi nga hindi ko sya makausap ng maayos. Hay.

Oh well. Baka pms lang. Meron siguro si bakla. Hahaha! Babawi naman ako sakanya bukas dahil ni-date nya ko kanina. Yey!

Bago ako humiga ay naisipan ko puntahan si Beatriz sa kwarto nya.

Pagbukas ko ay nakahiga na si Bea sa kama nya at mukang tulog na tulog na. Dahan dahan akong lumapit sakanya para hindi na sya magising. Napagod ata mag alaga sakin. Hihi

Pagdating ko sa tabi nya ay agad kong pinisil yung pisngi nya.

"Salamat kanina beh. Dadalasan na natin pumunta sa Ice rink kasi marunong na ko. And thanks to youuuu! Haha. Ano ba yan muka akong tanga dito na kumakausap ng tulog." Ngumiti ako at inalis ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa muka nya.

"Hindi ako nakapag thank you sayo kanina. May utang kang Goodnight sakin ha! Hmp. Bakit bigla kang nagsungit? Meron ka no? Hay nako bat pa ba ko tanong ng tanong dito eh di mo naman ako masasagot." Para na kong baliw dito. Grabe ka self. Tama na kakadrugs hahaha.

Inaantok na din ako kaya tumayo na ko at tumingin kay Beatriz.

"Goodnight beh. My daily dose of happiness." Yumuko ako at dahan dahan kong nilapat ang labi ko sa noo nya.

"Love you beh." Tumayo na ako at lumabas sa kwarto nya.

--------

Dahil panalo ALE, edi YEHEY! 😂
Uki ba mga chong? HAHAHA. Sorry sa errorsssssssss. ENJOY! 😙

-👽

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.3M 58.2K 104
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
176K 4.7K 40
" She is my wife, stay away from her!" " Keep trying she will remain mine. " " Show me your scars, I want to see how many times you needed...
1.8M 60.4K 73
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...
105K 9.3K 111
"You think I'm golden?" "Brighter than the sun, but don't tell Apollo" Dante hates Rome's golden boy. Jason doesn't even remember him. Right person w...