IKAW NA NGA

נכתב על ידי xxxlgs

107K 2.8K 196

This is a LoiNie FanFic Story. Theme is all about romance. Do not re-post or distrubute this story without... עוד

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
EPILOGUE
SURPRISE!!!

Chapter 34

2.5K 59 3
נכתב על ידי xxxlgs

#IkawNaNga
CHAPTER 34

Loisa's P.O.V

"Happy 5th monthsary baby." Malambing na sabi ni Ronnie sa kabilang linya. Alas singko pa lang ng umaga nang tumawag siya.


Ang bilis ng panahon. Limang buwan na kaming magkarelasyon. Kinagat ko ang aking labi upang mapigilang ngumiti.


"Happy monthsary din mahal ko." Sabi ko sa kanya.

"Sorry kung di kita makakasama ngayong araw ah. Babawi ako sayo promise. May biglaang shoot lang talaga. Mahal na mahal po kita."


Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko sa sinabi niya. Nanlumo ako. Mas uunahin ba talaga niya yang shoot na yan kesa sa monthsary namin? I mean, naiintindihan ko naman dahil career niya yan pero monthsary namin ngayon. Isang araw lang toh.


"Sige. Okay lang." Pagsisinungaling ko sa kanya. Bigla akong nawalan ng gana. Plano ko pa naman sanang mag bake para sa kanya. Wag na lang masasayang ang effort ko.

Magsasalita pa sana siya pero agad kong binabaan. Sasabihin ko na lang na lowbat ako. Pero bwiset! Nakakainis naman oh. Ngayong mismong araw pa ng monthsary namin.


"Loisa, anak!" Narinig kong kumatok si Mama. Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.


"Po?" Bungad ko sa kanya.


"Si Maris nasa ibaba. Hinahanap ka." Sabi niya at agad nang bumaba.

Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto. Aga naman yata ni Maris. Ano kayang pakay nito?


Saktong pagbaba ko ay may kausap siya sa telepono. "Oo nga Jon! Kulit mo eh noh?!"


Agad akong umubo. "Jon na naman. Iba na yan bes." Tukso ko sa kanya. Pinandilatan niya naman ako ng mata.


"Bye na." Sabi niya at agad pinatay ang tawag.


"Bat ba ang aga mo?" Tanong ko kaagad sa kanya.


"Shopping tayo."


"Para saan? Wala akong pera. At isa pa, hello Maris??! Gaga ka ba? Alas singko pa lang ng umaga. Close pa lahat ng mall ngayon!" High din tong bestfriend ko eh. Mag shopping ba naman ng alas singko ng umaga.

"Ah este ibig kong sabihin mamalengke!"



Nakapameywang akong humarap sa kanya.


"Ano nga?! Wag mo akong idaan diyan sa mga palusot mo!"


Nagkamot siya ng ulo.


"Mamamalengke nga!"



"Talaga? Kung mamamalengke tayo, bat ka naka bag ng PRADA? Bakit ka nagsuot ng hikaw?"


Naiinis niya akong tiningnan.


"Oh edi sige! Kulit mo din eh noh?! Di ka makapag intay! Inutusan ako ni Ronnie dahil may sorpresa siya sayo mamaya!" Galit niyang sabi.



Bigla akong napahinto at nabigla sa narinig ko. Hala. Totoo ba?! Nanginginig ang buong sistema ko sa kasiyahan.


Plano nga ba niya lahat ng ito?


Napaupo ako ng wala sa oras habang abot tenga ang ngiti ko. "Talaga ba Maris? May sorpresa siya?"


Inirapan ako ni Maris. "Ngayon hindi na! Masyado ka kasing atat!"



Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. "Kaya pala kanina parang ang cold niya noong tumawag siya."



Kumalas siya sa aming yakapan. "Ay hala! Talagang tumawag siya sayo?"



Natataka ko siyang tiningnan. "Bakit?"



"Sabi niya kasi, di daw siya magpaparamdam sayo. Pero pag tumawag daw siya, ibig sabihin....." Huminto siya at malungkot akong tiningnan.



Tinaas ko ang aking kilay. "Bakit nga?"



"Hindi na tuloy yung sorpresa...."



Bigla akong nanlumo sa sinabi niya.



"Uy bes! Okay lang yan. Babawi din sayo yun. Busy lang siguro."


Tinakpan ko ang aking mukha. Traydor na mga luha. Agad agad nalang lumalabas.



---------------------------------------------------------------------------

Maris' P.O.V.


Ano ka ngayon, Loisa? Akala mo maiisahan mo ako ha! Pilit kong pinipigilan ang tumawa dahil umiiyak siya.


Akala ko mabubuking na niya ang plano namin. Buti na lang talaga at nakaisip ako ng paraan kundi talagang patay ako kay Ronnie.

"Tahan na bes. Babawi din sayo yun." Sabi ko sa kanya at kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang sarili kong tumawa.

"Wala na ba talaga siyang oras para sa akin? Palagi na lang niyang iniintindi yang career niya! Eh ako? Paano ako Maris?" Sigaw niya habang umiiyak.


Pilit ko siyang pinapatahan. Naku Loisa! Kung alam mo lang talaga kung anong inihanda ni Ronnie para sayo!


---------------------------------------------------------

Jon's P.O.V.


"Ang dami na nito pare! Halos isang daang rosas na toh ah?" Sabi ko kay Ronnie na kasulukuyang busy sa pamimili ng mga rosas na kulay violet yung kulay. Corny nito.


Kasalukuyan kaming naghahanda para sa sorpresa niya kay Loisa. Sobrang pinaghahandaan niya toh at sobrang laki na ng nagastos niya. Ramdam na ramdam ko talaga kung gaano niya kamahal si Loisa.

"Kahit gawin ko pa yang isang libo Jon. I don't mind. Para sa kanya toh."



Oh edi sila na nga ang inspired.


Naplanuhan naming mag stay sa isang hotel mamaya at magaganap ang sorpresa ni Ronnie sa mismong rooftop ng hotel. Nagbayad pa siya sa isang piloto ng eroplano para lang mailagay sa langit yung mga katagang "I LOVE YOU" todo effort talaga ang mokong. Sobrang daming ballooons. Isang daang rosas at isang life-sized teddy bear. May kwintas pa siyang binili na may pangalan na "Baby"


Grabe diba? Kung ako tatanungin, di ko kaya yung mga pinaggagawa niya. Bukod sa hassle, malaki pa gastos. Sorry naman kung medyo kuripot.


Nag-iipon lang para sa future namin ni Maris. JOKE! Joke lang po!


----------------------------------------------------------------------

Loisa's P.O.V.


Alas syete na ng gabi at nagmumukmok pa rin ako sa kwarto. Di ko siya tinawagan at di rin ako nag text. Ganun din naman siya.



Grabe lang talaga.

Monthsary nga ba namin ngayon? Bwisit na yan!


"Loisa, Anak." Tawag ni Mama sa labas.


"Ma?" Sigaw ko pabalik.


"May sulat ka anak."


Bigla akong napatayo at binuksan ang pintuan. Sulat? Anong sulat naman kaya?


"Kanino po galing?" Bungad ko kay Mama.



Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Ahhh di ko kilala yun Nak eh. Basahin mo na Lang." Agad siyang tumalikod at bumaba.


Anyare dun?


Binuksan ko ang sulat at ito ang nakalagay:


Please get the shopping bag at your garden placed in the table. Wear the white gown that I bought. Hintayin mo at may kotse na susundo sayo at 8PM.

Don't worry you're safe in my arms :) Can't wait to see you later.

- Your Prince Charming

Shit. Siya ba toh? Di ko alam kung anong nararamdaman ko. May halong kasiyahan, pangangamba, pagkabigla at kilig.


Napaupo ako sa kama at ngumingiti na parang baliw. Animal na Alonte! Mga pakulo niya talaga.


Agad akong bumaba at nagpunta sa garden. May shopping bag nga at may laman na white gown. Oh my God.


Dali-dali akong umakyat sa itaas upang maghanda. Naligo ako ulit at agad na nagbihis. Sinukat ko at sakto lang talaga sa akin. Nag-ayos ako ng buhok at nag make-up ng kaonti.


Mga saktong 8PM nga nang may sumundo sa akin. Siguro driver to ni Ronnie.


Dinala niya ako sa Raddisson Hotel. Sobrang kinakabahan ako.


Agad akong nagtanong. "Ah excuse me po? May reservation po ba for Mr. Ronnie Alonte?"


Nginitian niya ako. "Yes Ma'am. Please proceed to room 777."


"Thank you."


Dali-dali akong sumakay ng elevator. Bago pa ako makapasok sa room, bigla akong hinila ni Jon at tinakpan niya ang mga mata ko.


"Jon!"


"Shhh. Wag ka maingay. Papunta na tayo sa iyong Prinsipe." Natawa ako sa kanyang sinabi.


Nakakainis. Akala ko wala ng magandang mangyayari sa araw na toh. Malilintikan talaga sa akin yun si Maris! Pinaiyak pa talaga ako.


"Enjoy the night." Bulong ni Jon at agad akong tinulak ng bahagya tsaka tinanggal ang blindfold.

Bumukad sa akin ang gwapong mukha ni Ronnie. Nakasuot siya ng black tuxedo at may hikaw siya sa kanang tenga.


Shit.


Sobrang pogi naman ng boyfriend ko.


Agad siyang naglakad patungo sa akin at agad akong niyakap.


Napangiti ako. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Nabigla na lang ako nang binaon at sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Nakikiliti na may halong kilig.


"Bango naman ng baby ko." Bulong niya ng malambing ngunit natulak ko siya ng mahina dahil nakikiliti na talaga ako.


"Nakikiliti ako Ronnie."



Hinalikan niya ako sa noo.


"Sorry naman po."



Hinampas ko siya sa braso. "Nakakainis ka! May sorpresa ka pang nalalaman! Akala ko wala ka nang balak magparamdam eh! Kinuntsaba mo pa si Maris!!!" Hinahampas ko siya pero pilit niya akong niyakap.


"Sorry naman. Gusto ko lang bumawi sa mga pagkukulang ko. Kaya eto. Hinanda ko lahat ng toh. Happy 5th Monthsary, baby."


Hinalikan niya ako sa labi. Napapikit ako sa kasiyahang nadarama. Nilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang batok. Sinasabayan ko ang kanyang mga halik na may halong lasang pag-ibig.


Kumalas ako at pinagdikit ko ang mga noo namin. "Happy Monthsary din mahal ko. Mahal na Mahal din kita."


"Tingin ka nga muna sa langit." May tinuro siya at agad akong tumingin sa itaas.


Napatakip ako sa bibig nang makita ko kung ako ang nakasulat sa langit. Sobrang effort naman nito.


Bigla na lang akong maiyak nang nabasa ko ang salitang "I LOVE YOU" sa kalangitan.


"Uy! Uy! Bat ka ba umiiyak." Natatawang sabi ni Ronnie. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako sa lamesang nakapwesto sa gitna at pinaupo niya ako.


"Nagustuhan mo ba?"


Nginitian ko siya. "Sobra."


"Kulang pa yon."


Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya at hinila ako patayo. Biglang nagsilabasan yung mga kaibigan niya at si Maris na may dala-dalang balloons, mga rosas na kulay violet at isang Napaka laking teddy bear.


Bigla na niya naman akong hinalikan at naghiyawan ang mga kaibigan niya.


Naitulak ko siya ng mahina at tinampal sa braso.


"Uy! Madaming tao Ronnie!"


Ngumiti siya. Yung mga ngiting para sa akin lang talaga.


Hinawakan niya ako sa bewang at hinila ako papalapit sa kanya at pinagdikit ang aming mga noo.

"Let them see it. Kung paano kita angkinin. At kung paano mo ako binabaliw. Paano kita sambahin at mahalin."


At hinalikan niya ulit ako. Siya na nga ang lalakking gusto kong makasama. Sobrang mahal ko tong lalaking 'toh.


IKAW NA NGA, Ronnie Alonte <3

---------------------------------------------------------------

המשך קריאה

You'll Also Like

3K 662 139
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
21.7K 150 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
102K 2.1K 44
True love always finds it ways to make sure what's meant to be will happen but not everything you thought is for you is really meant for you. Each o...
77.6K 5.8K 25
One brokenhearted chef , one frustrated life coach, a two-week vacation and a love story of a lifetime.