Chapter 35

3.1K 88 5
                                    

Last chapter!

#IkawNaNga
CHAPTER 35


Loisa's P.O.V.



"Busy natin bes ah?" Narinig kong sabi ni Maris na nakahiga sa kama ko. Nasa bahay kami ngayon.



Kasalukuyan akong gumagawa ng banner para sa concert ng boyfriend ko. Yup. You read it right. May concert po si Ronnie mismo ngayong araw. Sobrang dami kasi ng nagrerequest at humahanga sa kanya kaya binigyan siya ng big break ng management.



Di niya naman binigo ang mga producers ng mismong concert kasi naubos lahat ng ticket. Sobrang proud ako sa kanya at sa kanyang narating.


"Syempre naman. Proud girlfriend to noh!" Natatawa kong sabi kay Maris habang pinapakita sa kanya ang banner na gawa ko na may malaking nakasulat na....



GO BABY! 💜 I AM YOUR NUMBER ONE FAN 💜


"Naks naman! Bume-baby na talaga kayong dalawa ha..." Tukso ni Maris. Medyo nasanay na rin ako.


*kring kring kring*


Natuon ang aming atensiyon sa cellphone kong tumutunog. Agad ko itong dinampot at tiningnan ko kung sino yung tumawag.


Napangiti ako.


"Hello, baby..." Sabi niya sa kabilang linya. Napaupo ako sa kama at parang baliw na sinabunutan si Maris. Hinampas naman ako ng gaga.


"Good morning po." Sabi ko sa kanya. Nagkunwari naman si Maris na parang nasusuka.  Pinipigilan kong tumawa sa reaksiyon niya.


"Kumain ka na ba?" Tanong niya.


"Opo. Ikaw? Nasaan ka ngayon?"


"Tapos na din. Nasa Kia Theatre na. Nag rerehearse na kami."


"Sobrang proud ako sayo. Goodluck mamaya, baby. Show them what you've got and give nothing but your best." Sabi ko sa kanya habang ngumingiti. Anubeyen. Para na akong baliw dito.


"Sarap naman pakinggan nun. Thank you, baby. I wish I could kiss you right now instead of missing you..." Malambing niyang sabi sa kabilang linya. Napagulong ako sa kama ng wala sa oras at napayakap sa unan.

"Parang baliw toh! Sige na baka busy ka pa diyan..." Sabi ko.


"Asus. Biglang pabebe Loisa?" Bulong ni Maris na nasa gilid ko. Inirapan ko naman. Istorbo tong bestfriend ko!


"Never naman akong naging busy para sayo... Alam mo yan." Napakagat ako sa labi ko sa kanyang sinabi.


"Thank you dahil kahit sobrang busy ng schedule mo, nagagawan mo pa rin ng paraan para magkita tayo." Sabi ko sa kanya.


"Kung pwede nga lang sana na magkasama tayo palagi ehh..." Malambing niyang sabi.


Magsasalita pa sana ako ng naunahan niya ako. "Ah baby, tinawag ako saglit. Tatawag ako mamaya. Mahal na mahal na mahal na mahal po kita."


Napangiti ako. "Sige po. Mas mahal kita."


"Ibaba mo na." Sabi niya.


"Ikaw na magbaba." Singit ko naman.


"Sige na. Di ko ibababa toh."


Binaba ko na dahil alam kong dapat talagang masunod yung gusto niya. Hinayaan ko na lang.

IKAW NA NGAWhere stories live. Discover now