Out of Bounds (Ugly Past Seri...

By Crizababe

16.2K 350 59

UGLY PAST SERIES #2 If your heart gets broken, who will save you? And if you fall again but it's out of bound... More

Out of Bounds
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 11

489 12 1
By Crizababe

Chapter 11


Napakurap kurap ako. Di makapaniwalang nasabi niya iyon. Did he just say he missed me? My ears refused to believe what it heard.

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako ba sinasabihan mo?" Lumingon pa ako sa likod ko para masiguradong ako nga kausap niya.

He crossed his arms in front of his chest. He just stood there looking down at me with amusement in his eyes. "May iba pa ba akong kausap?" Tanong niya.

"Eh gago ka pala 'e! Lampas isang buwan na tayong hindi nagkita tapos ngayon susulpot ka na lang bigla at sasabihin mong namimiss mo ako?"

Wag niya akong bolahin. Leche! Baka maniwala ako, mahirap na.

"Why would I say that I miss you if given that I see you everyday? Kaya nga na miss kita dahil matagal na rin tayong hindi nagkausap at nagkita."

Napaisip tuloy ako sa sinagot niya. Oo nga naman. Hindi mo naman mami-miss ang isang tao kung palagi kayong magkasama. You need distance and space in order for you to miss someone. Ang talino din 'e! Nalusutan niya ako dun ah.

Kinopya ko rin ang posisyon niya. I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay. Aba, hindi ako papatalo.

"Pinipilosopo ba ako?"

He let out a breath. "Look, I'm sorry if it sounds like that. I just really want to be honest." Inilagay niya ang dalawang kamay sa loob ng bulsa niya. "You're amazing on the stage tonight."

Oh, that escalated quickly.

"Ba't pala nandito ka? Napadaan ka lang ba sa bar?"

"No. I went here to see you."

"Weh? Paano mo nalaman kung saan ako makikita?"

He chuckled. "I saw your post on your Instagram. If you haven't liked an old photo of mine, I won't know your username and probably I won't be here." Pilyo siyang ngumiti pagkatapos niyang magpaliwanag.

Oh shit.

Sabi ko na nga ba 'e! Napansin niya talaga yun. Parang gusto ko tuloy maghukay ng lupa at ilibing ang sarili ko. Yung sexy picture niya pa talaga ang na like ko! Jusmiyo!

Kasalanan mo ito Sophie! Ang tanga mo kasi. Panis stalking skills mo.

"Hindi ko alam na tinitingnan mo pala feed ko. Stalker." Sabi ko sabay ismid.

"Look who's talking." He even shrugged his shoulder while still keeping an annoying smile on his face. Ang sarap burahin ng ngiti niya sa mukha!

"Tse!"

Tinalikuran ko siya at padabog na naglakad papunta sa kotse ko. Naramdaman ko siyang nakasunod sa akin sa likod ko.

"Umuwi ka na. Tapos na ang gig namin." I said while I put my guitar inside the car.

"Nagmamadali ka atang umuwi."

"Oo, pagod na ako. Go home Derrick."

Before I could sit inside, he pulled me by the arm just to find myself near his body. I can already smell his manly cologne even I'm not facing him. My back is touching his chest and it made me want to rest my body there.

"Hey, is there a problem Sophie? Did I do something wrong?" Bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.

Napabuntong hininga na lang ako. I know he won't just easily let me go. Hinarap ko siya kaya napadausdos ang kamay niya pababa sa kamay ko. Tiningnan ko naman iyon. But the connection didn't last long dahil binitiwan niya agad ang kamay ko.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "I'm just tired. It's been a long night and I haven't got a proper sleep since last night."

Yes, it's true. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto ko na umuwi agad. Pero hindi ko maitatanggi na isa rin siya sa mga rason. Umiiwas ako. I know what I am doing. But I don't know the purpose of running away from him. Bakit nga ba?

Tinitigan niya ako ng matagal. Tila tinatantya kung totoo nga ba ang sinasabi ko.

He let out a heavy breath. "Yeah, maybe you're really tired. Go on. Get inside your car. I'll just tail you behind to make sure you'll get home safe."

Nanlaki ang mata ko. Akala ko makakaiwas na ako.

"You mean you'll follow me?"

Tumango siya. He tucked in his hands once again inside his pocket. "Yes. It's late in the evening. Don't argue with me on this."

Umalis siya sa harapan ko at nagtungo na sa kung saan naka parke ang kotse niya. Ay, wow! Hindi pa nga ako pumapayag. Uso naman sigurong magtanong diba?

Napa-iling na lang ako at pumasok na sa loob. Bahala siya. Hindi ko naman siya inutusan na ihatid ako. Kagustuhan niya iyan.

Padabog kong sinara ang pinto ng kotse. Aish! Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. I think I'm going crazy. Nawiwindang pa rin ako sa mga nangyayari. Who would have thought he'll be standing there with the crowd just to watch our show? Sino ba ako para paglaanan niya ng oras? Even though we had our little share of time before in Davao, it is still wasn't enough reason for him to act like this.

Nauna akong umalis ng parking lot at sumunod naman din ang mamahalin niyang sasakyan. He's fuckin' rich. Sa sobrang yaman niya ba ay nabo-board na siya kaya nagwawaldas na lang siya ng pera sa mga ganitong bagay? Sumasakit tuloy ang ulo ko sa mga naiisip ko.

Dahil hindi naman rush hour, naging mabilis lang ang byahe. He parked his car just behind my car when I stopped in front of my house. Hindi muna ako lumabas ng kotse at pinakiramdaman muna ang paligid. Tiningnan ko ang kotse niya gamit ang rearview mirror. Ano, hindi pa ba siya aalis?

Kinuha ko na ang bag ko at binuksan ang pinto sa gilid ko. I locked my car before turning to his way. Kinatok ko ng mahina ang salamin ng kanyang kotse. Binaba niya naman ito at nilingon ako.

Uhm, teka. Should I invite him in? O paalisin ko na siya?

"We're here. Salamat sa paghatid." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Tinignan niya lang ako. Wala man lang ba siyang isasagot?

"Uh, malalim na ang gabi Derrick. Baka mapano ka pa sa daan. Dun ka na lang dumaan sa kung saan tayo pumasok kanina."

"You really want me gone." Aniya sa malamig na boses. Hindi iyon tanong. Talagang sigurado siya sa sinasabi niya.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Tara, pasok muna tayo sa loob at may cake at juice pa ako sa ref. Kainin natin." Plastic akong ngumiti sa kanya. Potek talaga! Grabe naman radar ng lalaking 'to. Hindi ko na nga pinahalata sa tono ko na gusto ko na siya paalisin tapos nahalata niya pa.

Binuksan ko na lang ang gate at nauna ng pumasok. Siguro kailangan ko rin bumawi sa kanya sa pagpapatuloy niya sa akin sa bahay nila noon. Inasikaso niya ako noon at pinakisamahan kahit na makulit ako.

Pero naman kasi, hindi ako handing tumanggap ng bisita ngayon. Lalo na ngayon na tumambad sa akin ang kalat sa coffee table sa sala na iniwan ko kanina. Agad kong nilapag ang bag ko sa sofa at inayos ang mga papel na nagkalat. These are my thesis papers.

"Shit. Ba't ba kasi iniwan ko itong mga 'to dito."

"Need help?" Nilingon ko ang pinto at nakita siyang matikas na nakatayo roon.

Umiling ako. "Huwag na. Upo ka muna dito sa sofa. Pasensya na at makalat itong bahay."

Pumasok naman siya habang patingin tingin sa mga kagamitan na nasa loob. Tila nanliit naman ako sa ginagawa niyang pag inspeksyon sa bahay ko. Oo na. Siya na mayaman. Hindi naman kasi magarbo ang gamit ko dito kumpara sa bahay niya.

Pagakatapos kong maayos ang nagkalat na papel sa sala ay dumeretso na ako sa kusina para ilabas yung cake na nasa loob ng ref. Hindi talaga ako nawawalan ng stock ng cake sa ref dahil mahilig ako sa sweets. Kumuha ako ng tig iisang slice ng chocolate moist cake para sa aming dalawa at nilagyan na rin ng juice ang mga baso.

Lumabas ako ng kusina para yayain na siyang kumain nang maabutan ko siyang tinitingnan ang pictures at awards na naka display sa isang cabinet.

Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. "Papa ko pala." Sabay turo sa isang lumang picture namin ni Papa.

Nilingon niya ako kaya napatingin na rin ako sa kanya. "Magkamukha kami noh? Sabi ng mga kapitbahay namin, kamukha ko ang Papa ko. Pero mas kamukha ko raw ang Mama ko dahil sa mata at labi. Yung nakuha ko lang daw kay Papa ay yung ilong." Kwento ko at inayos ang pagkakapwesto ng picture frame.

"Where are your parents?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Wala na." I smiled bitter sweetly. "Namatay si Papa three years ago dahil sa sakit. Si Mama, ewan. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Wala na akong balita sa kanya simula noong iniwan niya kami ni Papa."

Sandaling natahimik ang paligid.

"Tara, kainin na natin yung cake." Aya ko sa kanya at iminuwestra ang kusina. Smunod naman siya sa akin.

"I'm sorry for asking. I didn't know it was a too personal topic for you." He said as he sat down on his chair.

Tumawa ako ng mahina. "Ano ka ba. Okay lang yun. Hindi ko naman talaga sinisekreto yun sa mga kakilala ko."

Kinuha ko na ang tinidor at nagsimula ng kainin ang cake. Ganoon din ang ginawa ni Derrick. Buti naman at hindi siya maarte sa pagkain. Ito lang kasi ang matinong pagkain sa ref. Hindi na ako nag luto ng ulam dahil sa bar na ako kumain.

"Uh, ikaw ba. Nasaan ang mga magulang mo? Last time kasi noong dinala mo ako sa bahay niyo, hindi ko sila nakita."

"They are separated and both busy with their lives. My Dad is busy handling our business here in Manila and Mom is having a good time at France. She has her own business there."

Tumango ako. Grabe naman talaga. Ang yaman ng pamilya nila.

"Hindi naman sa panghihimasok Derrick, pero ano ba business ng pamilya mo? Curious lang ako ha. Okay lang naman kung hindi mo ako sagutin." Kahit alam ko na ang linya ng negosyo nila, gusto ko pa rin ikumpirma niya yung nabasa ko sa mga article.

Uminom siya ng juice at humalukipkip habang nakasandal siya sa back rest ng upuan.

"Shipping business. Naka base ang main office namin dito sa Manila and Dad is handling it. We have five wharfs exclusive for our company around the country and the biggest one is in Davao. Doon naman ako naka focus. Nasa field ako habang si Daddy ay office based."

"Wow. Unico hijo ka ba?"

"Yes."

Napasandal na rin ako sa upuan ko habang namamangha sa kwento niya. "So ibig sabihin, ikaw lang ang tanging taga pagmana ng negosyo niyo? No wonder may body guard ka. Kailangan kang alagaan dahil kung hindi baka mawalan ng taga pagmana ang Daddy mo."

Nagkunot naman siya ng noo. "Body guard?"

"Yes. I saw you with a body guard before noong paalis ka ng airport sa Davao. After you left a note on our seat sa eroplano, agad kitang hinabol para magpasalamat sa pag alaga sakin noon nalasing ako. Kaso yun nga, hindi na kita nalapitan dahil may naghihintay sayo na body guard. Ang bilis nga naka alis ng kotse mo 'e."

"So you we're following me that day. Interesting." Pilyo siyang ngumiti. Nakatuko ang siko niya sa isang braso niya while rubbing his lower lip with his hands.

"Wag masyadong feeling!" inismiran ko siya at kinain na lang ang cake ko.

He chuckled even more and I rolled my eyes at him. Bwisit. Mapang asar din 'e.

"By the way, I saw the title of the paper you're working on. Consumer behavior, right?" Pag iiba niya ng usapan.

"O, ano naman ngayon?"

Uminom uit siya ng juice bago ako sinagot. "I was wondering, maybe I can help you with it."

Nanlaki ang mata ko. Totoo ba ang narinig ko? "What? Seryoso ka?"

"Do I look like I'm joking? Look, your thesis is good. It can even help the company owners to understand the client's behavior towards their products. I can refer you to my friends."

I dropped the fork on the table. "Talaga? Gagawin mo yun?" I beamed a smile knowing how exciting it's gonna be! So far tatlong business owners pa lang kasi nakaka-usap ko. With Derrick's help, I can gather more infos na kulang sa thesis ko.

"Oo nga." Ani niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pinalo palo ko siya sa braso dahil sa sobrang saya ko. Oh my god! Mapapabilis na sa wakas ang thesis ko. Gustong gusto ko na matapos yun dahil masyadong malaki na ang nagagastos ko.

"Oh my gosh! Thank you! Thank you! Thank you! Alam mo bang malapit na akong maloka diyan sa thesis ko? Ang dami ko ng napadalhan ng sulat na mga business owners, pero tatlo pa lang ang um-oo. Hulog ka talaga ng langit Derrick!"

"Pero may kapalit."

Natigil ang pagsasaya ko. Ay, may bayad pala ang pagtulong niya? Napairap ako at humalukipkip sa tabi niya.

"Akala ko ba tutulungan mo ako? Bakit may kapalit ka pang nalalaman ha?!"

"Who said it's free?" may naglalaro na naming piyong ngiti sa mukha niya.

Oh shit. Don't tell me, gagawin niya akong fuck buddy? Alam ko talaga may pagnanasa 'to sa'kin eh!

"Hoy! For your information, hindi ko binibenta ang katawan ko. Kahit na sandamakmak pa na tulong ibigay mo para lang matapos ang thesis ko pero katawan ko naman kapalit, wag na uy! Kapal mo! Forget it."

"What?" Humahalakhak siya. Mukha ba akong nag jo-joke? Letse siya. "Stop assuming Sophie. Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig mo." Pahabol niya habang natatawa pa rin.

"Ha? Eh, hindi ba ako tama? Ikaw ha. Alam ko talaga na gusto mo akong maikama."

Natigil siya sa pag ngisi at sumeryoso. "Stop it. I didn't say anything like that. Yes, it's not for free because you have to work on our company for your internship. Yun ang kapalit na sinasabi ko Sophie. You're going to have your internship right after you finish your thesis right?"

"Ah..." Natutop ko ang bibig ko. In my mind I cursed a hundred times already. Yan ang napapala ng mga assuming. Napapahiya.

Kinuha ko na lang ang pinagkainan ko at inubos na ang naiwan na juice sa baso. Nilagay ko na iyon sa lababo at sinimulan ng hugasan. Nakakahiya! Para akong nawalan ng mukha na ihaharap sa kanya.

He's offering me help. Not just once, but twice! First, the thesis and the second one is the internship. Akala ko kasi talaga katawan ko na ang ipapang bayad ko sa kanya. Iyon pala ang gusto niya sa kompanya nila ako mag intern. Actually malaking tulong na talaga para sa akin iyon dahil hindi na ako mahihirapan maghanap ng kompanya kung saan ako mag o-OJT. Kaso, paano yung plano namin ni Maisie na mag abroad? Di bale na. Mukhang wala rin naman akong makakasama kung sa labas ako mag i-intern dahil nawiwili na rin si Maisie sa pagiging asawa niya.

"Hey." Napasinghap ako ng mahina nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Minadali ko naman ang paghugas at kumuha ng tissue para matuyo ang kamay ko. Umikot ako para maharap siya. He's so near me and that made me catch my breath. Ang bango niya talaga.

He lowered his face just to level with me. "Payag ka na?"

Tumango ako. "Thank you."

He smiled. Bakit naman ako tatanggi diba? Kinuha niya ang pinagkainan niya at inilagay sa lababo.

"Thank you for letting me in." Inayos niya ang buhok ko at inilagay ito sa likod ng aking tenga. May kinuha siya sa kanyang bulsa. Binuksan niya ang wallet at kinuha ang isang card mula roon. "Here's my card. Call me so I would know when to arrange a meeting with my friends for your thesis."

Kinuha ko iyon at tiningnan ang position niya sa kompanya nila. He's the COO, Chief Operating Officer. Ang bata niya pa para magkaroon ng ganitong posisyon. Presidente naman ako ng sarili kong kompanya pero walang wala yung negosyo ko sa negosyo ng pamilya nila.

"I have to go. It's late." He said.

Tumango tango ako. Ano na Sophie? Na pipi ka ata.

"Sige. Hatid na kita sa labas."

"No need. Just lock the gate and door. Mag-isa ka pa naman dito sa bahay mo."

I did not insist anymore. Pagkatapos niyang umalis ay ni-lock ko na nga ang gate at ang pinto ko. Kinuha ko ang card na iniwan ko sa kusina at sinave ang number niya.

What a lucky girl I am. Who would have thought that Derrick Castillo, a famous heir of a big shipping company in the Philippines is helping a commoner like me. Malayo ang estado ng buhay namin at kahit sino man, hindi mag aakala na magkakilala kami at tinutulungan niya ako sa mga ganitong bagay.

Well, I think I'm really just lucky these days.


-------------------------------------------------

VOTE. COMMENT. SHARE. 


Continue Reading

You'll Also Like

854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...