Forbidden Escapade

By Louisian10

80.2K 917 70

Rules and Regulations Implementing the Anti-sexual Harassment act of 1998 in Saint Laurent University, Part 1... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Author's Note
EXTRA

Chapter 17

1.5K 29 1
By Louisian10

From: Kai
Good morning girlfriend! I love you. See you later. x

Pinalitan ko na naman ang pangalan ni Silver sa contacts ko. Kai doesn't fit anymore.

To: Boyfriend
Good morning, too, boyfriend. Lunch tayo mamaya?

From: Boyfriend
Oo baby. Sa unit mo na lang. I'll cook if you want.

To: Boyfriend
Okay.

From: Boyfriend
I love you baby. Sige na, my co-teacher is looking at me weirdly.

To: Boyfriend
Nag-second bell na po kasi Sir. Go to your class already.

From: Boyfriend
Yes Ma'am. Kailangan ko pa lang magtrabahong mabuti para sa pamilya natin ;)

To: Boyfriend
Whatever. Start your work already.

From: Boyfriend
Okay wifey.

Napangiti ako sa text niya. Why are you so sweet Silver? I am loving you more and more.

"Rena tama na ang landian niyo ng boyfriend mo, nasa harap na si Sir," pabirong sabi ni Hannah.

"Opo Miss Role Model."

Mahinang pinalo ako sa braso ni Hannah at pinanlakihan ng mata bago siya natawa. Tama na daw kasi ang landian eh siya nga yung mula pagdating sa room ay may kausap na sa phone.

Nakinig na lang ako sa discussion ni Sir dahil gusto kong mag-aral ng mabuti para naman hindi ako gaanong pabigat kapag magpapabuhay na ako kay Silver.

Mabilis ang naging takbo ng morning class ko, discussion at lab activity lang naman kasi. Pagsapit ng lunch time ay excited akong umuwi sa unit ko. Pagkarating ko ay saktong nagtext si Silver na on the way na daw siya. Dahil hindi ko naman alam ang planong lulutuin ni Silver ay hindi ko na pinakialam ang laman ng ref.

Ang lunch time namin ay napuno ng landian, harutan, at kulitan. Si Silver naman kasi pinipilit ako na subuan siya. Akala nagbibiro lang siya kaya sinabihan ko na hindi na siya bata para sa gan'un. Hindi siya tumigil hanggang sa napapayag niya ako. Nakakatawa yung expression niya nang bigla kong sinubo sa bunganga niya yung isang hiwa ng broccoli, parang nagliwanag yung mukha niya.

Bago ako pumasok sa school nang hindi siya kasabay ay hinalikan niya muna ako. Smack sa lips, kaya pakiramdam ko may lakas na ako sa buong maghapon. De joke lang, namula muna ako dahil sa kilig kaya ayun tinawanan niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I love you baby."

"I love you Silver." Sininghot ko muna si Silver bago ako humiwalay sa pagkakayap sa kaniya.

"Pasok ka na sa trabaho Sir, baka ma-late ka pa sa klase namin."

"Pasok ka na din baby, baka magalit ang prof mo." He smiled then winked at me. Magagalit nga ba si Silver kung male-late ako sa klase niya, eh kasalanan niya naman dahil ayaw niya pang maunang umalis.

"Sige, mauuna na akong umalis. Sumunod ka kaagad ha?"

"Yes Sir." Hinalikan muna ako ulit ni Silver bago siya lumabas sa unit ko. Napangiti na lang ako n'ung nakaalis na siya, first day namin ngayon as an official couple. Wala ng blurred lines in between. Couples na talaga kami 'no?

Makalipas ang ilang minuto ay umalis na din ako at nagsimulang maglakad papuntang school.

Pagdating ko sa hallway ay nagkagulatan kami ni Silver nang nagkasalubong kami, nag-ngitian kami bago ko siya binati.

"Good afternoon Sir."

"Good afternoon baby. Sabay na tayo sa room," mahinang sabi ni Silver. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka mamaya eh may makarinig sa amin. Tiningnan ko muna kung may tao sa hallway bago ko siya kinurot sa tagiliran.

Natawa naman si Silver sa ginawa ko sa kaniya. "Baby may kiliti ako d'yan."

Binuksan ni Silver ang pinto pagkarating namin sa tapat ng room. "Ladies first."

"Thank you Sir." Nginitian ko siya bago ako pumasok. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin pero wala namang bahid ng malisya sa ginawa ni Silver dahil hindi nila alam ang real score, maliban sa mga kaibigan ko na nakangisi na at kay Vince na natatawa.

Sinimulan na ni Silver ang discussion sa favorite kong klase ngayong sem, dahil prof ko ang boyfriend ko.

"Class, reminder yung sinet niyong site visit bukas." Nag-ingay naman ang mga kaklase ko dahil d'un. Karamihan ay excited, ang iba naman ay nag-alala dahil wala silang sasakyan, katulad ko. Tiningnan ko sila Hannah at mukhang na-gets nila ang problema ko.

"Rena, gusto niyo bang sumabay sa 'kin?" Napatingin kaming magkakaibigan kay Vince.

"May sasakyan ka?" tanong ni Sheila.

"Ah, meron."

"Yes!" Sabay-sabay na sigaw naming magkakaibigan.

Nag-sabi lang si Silver ng ilang reminders para sa mga dadalhin at kung ano ang dapat naming i-expect bukas, hindi din naman naiwasang magkwento ni Silver sa past experiences niya noong student din siya.

"Sir bakit parang ang saya-saya niyo po ngayon?" tanong ni Vince dahil kanina pa nakangiti si Silver.

"Oo nga po Sir!" dagdag ng isa pang kaklase namin.

Natahimik ang lahat dahil hinihintay ang isasagot ni Silver.

Malawak na ngumiti si Silver sa amin at napakamot pa siya sa batok niya, sign na nahihiya siya. "Well, sinagot na kasi ako ng nililigawan ko kahapon."

Naghiyawan ang buong klase kaya natawa ako. Kinikilig ako!

Kinalabit ako ni Hannah kaya tiningnan ko siya, nag-aabang na pala sila nina Charlene, Maibe, at Sheila kung i-coconfirm ko ang sinabi ni Silver. Oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin kahapon, magdamag kasi kaming magkausap sa telepono ni Silver.

"Oops?" Nginitian ko sila at apologetic na tiningnan.

Unti-unti silang napapangiti hanggang sa nakisama na rin sila sa ingay ng mga kaklase namin. Ang iba ay sumigaw ng 'Congrats Sir!' pero sila Charlene na man ay napasabi ng 'Sa wakas!'

Hindi na tinuloy ni Silver ang lesson dahil kinulit na siya ng mga kaklase namin kung sino daw ang lucky girl na niligawan niya. Hindi masagot-sagot ni Silver ang tanong dahil sikreto ang relasyon namin kaya pangiti-ngiti na lang siya. Ang iba naman ay tinanong kung sa school din daw ba siya nagtratrabaho, muntik na akong mapatawa ng malakas dahil sa tanong na 'yun. Nasa harap niya lang kasi ang hinahanap niya. Literal na nasa harapan lang ako ng nagtanong dahil sa seat plan namin.

"Okay class, tama na ang tanong sa love of my life ko." Nag-ingay ulit ang mga kaklase ko. "Pakitandaan ang mga reminders kanina dahil importante yun, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes Sir!" sagot naming lahat.

"Good. Any questions regarding our site visit tomorrow?"

Walang nagtaas ng kamay kaya indication yun na wala ng ibanag katanungan.

"Okay. Class dismissed."

Nagkanya-kanyang ayos ng gamit at upuan ang lahat bago isa-isang lumabas ng room. Ang iba ay dumaan pa sa teacher's table para i-congratulate ulit si Silver.

Nagpaiwan kaming magkakaibigan pati na rin si Vince para makausap pa si Silver. Pagkalabas ng lahat kaklase namin ay hindi nakapagpigil sila Maibe at nag-react na din.

"Yieeee!"

Napangiti na lang kaming dalawa ni Silver.

"Dapat mag-celebrate tayo!" masayang suggest ni Charlene.

"Oo nga!" dagdag ni Sheila.

Tiningnan ko si Silver kung ano ang reaksyon niya at nakita kong nakangiti naman siya. "Bukas, pagkatapos ng site visit."

Napa-yes ulit sila Hannah.

"Okay lang sa'yo baby di ba?" tanong ni Silver sa 'kin. Tumango ako bilang tugon.

Kinikilig na napatawa sila Maibe sa sinabi ni Silver.

"Baby daw!" nagbibirong ulit nila.

Tinawanan na lang namin silang dalawa ni Silver bago sabay-sabay kaming lumabas ng room.

"Goodbye Sir!"

"Bye!" Ngumiti sa 'min si Sir bago siya tumalikod at naglakad paakyat ng sixth floor.

"Halatang inlove talaga si Sir 'no?" masayang sabi ni Sheila.

"Oo nga! Nakakakilig kayong tingnan!" dagdag naman ni Charlene.

Napangiti na lang ako sa kanila. Sobrang saya ko, I never expected to be this happy because of someone, especially a guy dahil niloko ako ng ex ko. I feel like kung magpapalibre man ng latest model ng iPhone si Hannah at idagdag niya lang na "Congratulations! Kayo na ni Sir" eh hindi na ako magdadalawang isip na bilhan siya. Gan'un ako kasaya, tipong gusto kong mag-share ng happiness.

"Bye Rena! Congrats ulit!" paalam ng mga kaibigan ko sa 'kin.

"Huh? Ah! Bye! Ingat kayo, and thanks!" Hindi ko namalayang nasa labas na pala kami ng school, at dahil iba ang daan nila pauwi ay naghiwahiwalay na kami.

Pagkarating ko sa unit ko ay may natanggap akong text mula kay Silver.

From: boyfriend
Baby sabay na tayong mag-dinner mamaya. I love you.

To: Boyfriend
Okay :) I love you Silver.

Tiningnan ko kung meron ba ang mga ingredients na kakailanganin ko para sa lulutuin ko. It's time for me to cook for Silver, lagi na lang kasing siya ang nagluluto. It's my time to shine tonight.

Bago pa makarating si Silver ay sinimulan ko nang magluto para mas matagal ko siyang makakwentuhan.

*

"Good evening Rena." Nginitian ako ni Silver bago hinila para mayakap niya. Niyakap ko na din siya ng mahigpit, ewan ko ba, gusto kong lagi akong nakadikit sa kaniya. "I miss you," bulong niya sa tenga ko.

"Ang bilis mo naman akong mamiss, dalawang oras lang naman tayong hindi nagkita."

"Gan'un talaga baby. Kung pwede nga lang kitang katabi sa office namin eh." Humiwalay siya sa pagkakayakap at naglakad siyang papuntang sofa, habang hawak hawak pa rin ang kamay ko.

Pagkaupo niya ay hinila niya ako paupo sa kandungan niya.

"Silver!"

Tawa lang ang tanging tugon sa 'kin ni Silver. Hinila niya ako para mas lalo pang mapalapit sa kaniya at isinubsob niya pa ang ulo niya sa leeg ko.

Hinawakan ko ang ulo niya at marahang minasahe siya.

"Nagluto na pala ako ng dinner."

"Hmm, sawa ka na ba sa luto ko?"

"Hindi ah! Lagi na lang kasing ikaw ang nagluluto, tapos galing ka pa sa trabaho kaya baka pagod ka na."

"Baby, hindi ako mapapagod na ipagluto ka. Never. Kasi mahal na mahal kita, gusto kong pagsilbihan ka lang."

Sobra sobrang tuwa at kilig ang naramdaman ko. How come he always say the right words at the right time?

"Sana maka-graduate na ako para hindi na tayo mahirapan sa pagtatago." Gusto kong ipakilala si Silver sa lahat ng tao bilang boyfriend ko at hindi prof ko.

Mukhang hindi naman nakikinig si Silver dahil naramdaman ko na ang labi niya sa leeg ko. He was gently nipping my skin.

"Silver..." He continued kissing me, pataas ng pataas ang labi niya hanggang sa hinahalikan niya na ang labi ko.

His lips were moving on mine gently. Napahawak ako sa batok niya, and I tried responding to his kiss.

Biglang humiwalay si Silver pero magkalapit pa rin ang aming mga mukha. Hinawakan niya ang ibabang labi ko, tracing the shape of my lips then he looked at me intently.

"I love you Rena."

Continue Reading

You'll Also Like

621K 39K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
1.8M 76.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
141K 2.8K 43
Are you willing to take the risk? Are you willing to love the one who always break the rules? Or will it rule your heart or break it? Nasa sayo na a...
78.6K 1.4K 24
In the business world, everyone knows my name. They utter it with great admire. They praise the power I have. Kung maraming humahanga, marami rin an...