Nag-umpisa sa patiran,
Sinundan ng baluktot na katwiran,
Hanggang sa may naging patakaran,
Pag-iibigan nila'y hindi matatawaran.
Ilang beses man nagkaiyakan,
Isa't isa pa rin ang nanaising mahagkan,
Alaala nila masayang babalik-balikan,
Sa huli namutawi ang luha ng kagalakan.
Taguro at Sensui ang bansagan,
Sila'y tunay na nag-iibigan,
Saksi ang kanilang pamilya't kaibigan,
Pagsubok kanilang nagawang daigan.
Natatanging istorya,
Sumasalamin sa lungkot at saya,
Lahat magagawang makaya,
Para sa kaibigan at pamilya.