TAGSEN

266 8 0
                                    

Marahil sa iba tapos na ang ating istorya,
Mga pangyayari na may lungkot at saya,
Na hindi makakalimutan basta-basta,
Lalo pa nag-iwan ito ng marka.

Naging tawagan natin ay Sensui at Taguro,
Maraming bagay sa atin na naituro,
Puso at isip natin nagagawa nitong ituliro,
Nagmamahalan iyon ang ating nasisiguro.

Pinagtagpo tayo ng kapalaran,
Upang sabay na makipagsapalaran,
Pagmamahalan natin di basta matatawaran,
Ilang beses na rin tayo nagkapatawaran.

Bandang huli damdamin natin ang nanaig,
Na s'yang nagbubuhay sa ating daigdig,
Ngayon magkakasama na tayo kahit saang panig,
Ito ang tunay na simula ng ating pag-ibig.

Magbubukas na ating bagong kabanata,
Walang pangamba basta kasama natin ang isa't isa,
Ngayon anak natin ating nakikita,
Na tanda na tayo ay nagmahalan ng kusa.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now