YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)

By ukennat

65.9K 1.2K 220

I was left with nothing but happiness and gratitude with the realization that without the pain of love that's... More

Prologue
A
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
RANT!!!!
L
M
N
O
P
Q
R
hi :-)))

B

3.6K 78 14
By ukennat

Bea's POV

6AM na pala. Maaga ako nagising para magluto ng breakfast namin nila ate Ella. Ganto naman ako palagi sa states. Pero may isa pang dahilan kung bakit ko gagawin to.

Gusto kong bumawi kay Jho. I feel sorry for her. Hindi ko naman gusto na iwan sya dun. Ang cute cute nya kasi. Kung di pa ko umalis dun baka kung ano pa masabi ko sakanya.

She reminds me of someone.... someone na dapat kinakalimutan na. But Jho, I think she's the better version of that someone. I dont think na gagawin nya din sakin yung ginawa nya.

Pero bat ko nga ba iniisip to? As if naman na magkakaron kami ng ugnayan ni Jho. Baliw na nga talaga ako.

Agad ko ng ginawa morning rituals ko. At pumunta ng kitchen. Ano bang magandang pakainin sa magandang masungit?

Jho's POV

Wala ako sa mood bumangon. Gusto ko ng humiga lang ng humiga. Puno ng kadramahan tong buhay ko. Bwisit naman. Napatigil ako sa pagiisip ng may maamoy ako na coffee. Tumingin agad ako sa bedside.

At dun nga may nakalagay na kape with a sticky note saying...

A perfect day should be started not with coffee or with tea. It should be started with me. Good morning sungit. Isang ngiti naman djan. 😊 - bea

And I found myself smiling. Bakit ba sya gumagawa ng ganito? Hindi naman kami close. At mas lalong hindi kami magkasundo. Hayyy. Confirmed! Baliw nga ang pinsan ng nagiisang Alyssa Valdez.

****

Bumaba na ko pagtapos gawin ang morning rituals ko at naabutan si Bea sa kitchen na nakapatong ang ulo sa lamesa. Ano naman to? Bat dito pa natulog to? May kwarto naman sya.

Pero gusto ko talaga magmaldita kaya hinampas ko yung lamesa dahilan para magulat at magising sya.

Tumingin sya sakin tapos dun sa coffee na hawak ko na di ko pa naiinom.

"Ahmm kanina ka pa ba gising? Sorry nakaidlip ako ah. Ayaw mo ba ng coffee? Gagawan kita ng bago para mainit pa." Grabe naman. Bumabawi talaga sya? Hindi naman ganun kalaki kasalanan nya. Pero sobra naman ata to.

"It should be started with you pala eh bakit nagtimpla ka pa ng coffee?" Tanong ko sakanya na may halong pagaasar.

"Hmmm para may madikitan ako ng note?" After nya sabihin yan naggrin pa sya. Parang ako lang ata nainis sa tinanong ko sakanya.

"Btw Jho 11am na pala. Nagluto pala ko ng breakfast para sayo. Pero I didnt think na ganto pala oras ng gising mo. So lets have a brunch instead." At agad nya naman hinila ang upuan para makaupo ako. Anong nangyayari ba dito?

"Kung ginagawa mo to dahil sa kagabi, you dont have t-" bakit ba ang hilig ng mga tao na hindi ako patapusin sa sinasabi ko?

"I know I know. But let me do this for you because I want to. And uhm. Im sorry for what happened yesterd--" This time ako na hindi nagpatapos sakanya. Aha! Nakaganti din.

"I told you. Wala na yun. Pms lang. And didnt I told you?" Agad naman syang napatingin sakin ng may pagtataka.

"Told what?" Tanong nya habang humihigop ng coffee nya. Nagstart na din sya maglagay ng bacon and eggs at rice sa plato ko.

"Na sanay na kong iniiwan. Ng mga tao. Sa buhay ko." Patigil tigil na sabi ko. Nakita ko naman na napatigil sya sa ginagawa nya at nakafocus na lang sakin.

"So you mean??? Im part of your life now??" Nakangiti nyang sabi sakin. Naasar naman ako at hindi naman iyon ang gusto kong iparating sakanya.

"Hindi ikaw ang tinutukoy ko! Sabi ko sanay lang ako sa mga ganung sitwasyon. Atsaka hindi tayo close noh! Ambisosya!" Sabay irap ko sakanya. Natawa naman sya sa mga pinagsasabi ko. Pero pagtapos din nun ay ang pagseryoso ng muka nya.

Nakatitig lang sya at ako naman ay parang nakikipaglaban sa mga mata nya. Maya maya gumalaw ang mga kamay nya at pumunta kung nasan ang mga kamay ko. Hinawakan nya ang mga ito.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nya. Wala naman din akong balak tanungin sya. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko syang gawin ang gantong bagay sakin. Hindi rin ako makapagsalita.

Natigil ako sa pagiisip ng magsalita na sya habang hawak nya pa rin ang mga kamay ko.






"Jho. I know this is strange but.... I want to know you more. Lets be friends?"

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya dito at hinampas sya.

"Ouch. Why? Is theres something wrong?" Habang hinihimas nya yung braso nya na hinampas ko.

"Akala ko kung ano naman! Bwisit ka may pahawak hawak ka pang kamay djan!" Sabay tumayo ko. Kinabahan kasi ako sa mga pinaggagawa nya. Naloloka ako. Kahit kelan hindi kami naging ganto ni ate Ells.

"Wait up Jho. Ayaw mo ba?" Tanong nya habang nakahawak sya sa braso ko para pigilan ako sa pagalis.

Hindi ako nagsalita. Pero pwede naman sigurong hayaan ko syang makilala nya ko and vice versa. After all pinsan din naman sya ni ate Ly. Nagmaldita lang ako. Feeling maganda ganoin.

"Okay. Kung ayaw mo, pwede ba kainin mo na lang tong mga niluto ko? Kahit yun na lang." Akmang aalis na sya ng pigilan ko sya. Yes naman. Puro kami pagpipigil. Bebe ghurls ng taon.

"Pano ko kakainin yan kung di mo ko sasamahan?" Ngumiti naman sya sakin. Yes naman killer smile naman pala. Pogi naman pala sya.

Wait..... Pogi? Diba dapat maganda? Ang uneasy tuloy ng tingin ko sakanya. Narinig ko naman ang pag peke ng ubo nya.

"Pano kita sasamahan kung nakahawak ka pa din sa braso ko?" Sabay tawa nya. At oo nga di ko pa binibitawan. Aish.

"Kumain ka na nga lang djan!" Tawa naman ng tawa ang isa habang kumukuha ng pagkain nya. At umupo na rin ako para makakain na. Ano ba yan. Ang dami munang drama bago makakain ganon? Imba ha.

Habang kumakain hindi ko maiwasan di mapatingin sakanya. Bakit ba kasi ang pogi?

Teka. Pogi??? Nangangati ako bwisit. Allergic pala ako sa pogi. Dahan dahan kong iniling iling yung ulo ko. Napansin nya naman agad ito.

"Okay ka lang Jho? What do you want?" Nagaalala nyang tanong sakin. Umiling naman ako at ngumiti na lang.

"Mas maganda ka pala kapag nakangiti ka." Hindi ko alam kung nanguuto lang to or what.

"So hindi ako maganda pag nakangiti ganon ba?" Pagtataray ko naman agad sakanya.

"Oh ayan sumimangot ka nanaman. Maganda ka na lang tuloy." Nakangising sabi nya. Lakas talaga mangasar neto.

"No time for your jokes." Sabi ko sakanya ng hindi nakatingin. Parang uminit kasi muka ko sa mga pinagsasabi netong tangkad na to.

"Pero nagba-blush." Mahina nyang sabi. Hindi ko narinig kaya hinayaan ko na lang.

Tapos na kami kumain kaya sinimulan nya na magligpit. At saktong dating naman ni ate Ells.

"Morning bebe Jhow. Morning Bei!" Nagbeso na kami. San naman galing tong taba na to? And wait??? Bei daw?? Ang pangit naman! Lalo na pag Beiham. Pwede naman Bea na lang. Dami talaga arte netong taba na to!

"Past 12PM na ate Ella. Hehe" Oo nga naman. Bat may pag morning pa sya?

"Eh bakit ngayon pa lang kayo nag breakfast? Kaninang 7AM pa yan luto ha?" 7?? Aga naman nun. Napansin ko naman si Bea na nagkamot ng batok. Mannerism huh?

"Eh. Tanghali na din kasi si Jho nagising kaya hinintay ko na sya kumain para may kasabay sya." Sagot naman nya. Pero weh? Kaya pala sya nakaidlip na kanina dito dahil sa paghihintay nya. Sweet naman pala nyang kaibigan.

"Dapat hinayaan mo na sya. Edi ako naman ang walang kasabay ngayon?" Natatawang sabi ni ate Ella. Patawa tawa din naman tong si Bea.

"Sge lang pagusapan nyo ko ng parang wala ako dito. Aakyat na nga ako!" Narinig ko pa sila tumatawa habang umaakyat ako. Ang saya nila huh?

******

Bea's POV

"So bakit may pagluto kang ganap kaninang umaga?" Asar sakin ni ate Ella. Tumawa ako ng mahina.

"Bakit bawala na ba? Buti nga yun nagluto ako kasi umalis ka din naman." Pagpapalusot ko sakanya. Sana makalusot.

"Sabi mo eh." Sabay tayo ni ate Ella. Hahaha. That girl talaga oh.

Tapos na ko maghugas kaya umakyat na ko para pumunta sa kwarto. Pagbukas ko nagulat ako dahil akala ko kung sinong tao ang nasa loob.

"You scared me Jho!" Habang nakahawak pa ko sa dibdib ko. Nawala din naman ang kaba sa dibdib ko ng marining ko ang tawa nya.

First time na makita ko pa lang si Jho may impact na sya sakin. Alam mo yung feeling na parang ang sarap alagaan? Yung gusto mo lagi mo syang kasama para ikaw magaalalaga sa kanya. Parang napaka-fragile kasi ni Jho.

"Hoy ano? Sama ka ha?" Ay putek. May sinasabi pala sya hindi ko narinig. Busy kasi ako tignan sya. Na-occupy nya lahat ng space sa utak ko kaya hindi ko na sya napakinggan.

"Hindi ka naman ata nakikinig eh! Wag na nga!" Lalabas na sya ng harangan ko yung pinto para hindi sya makalabas.

"Saan ba?" Tanong ko sakanya habang sinusubukan ko syang pigilan mabuksan ang pinto.

"Wag na wag na. Lalabas na ako alis djan!" At di ko na sya napigilan kaya nakalabas na sya. Aish!! Ano ba bei?? Umayos ka naman sa sarili mo! Chance na yun oh.

Pero bumukas uli ang pinto. At si Jho ang sumilip doon.

"6PM. Dapat ready ka na!" At sinara nya na uli yung pinto. Napangiti na lang ako.

Gusto din nya naman pala makasama. Ano ba tong nasa tyan ko. Nakakabading naman yung feeling na to.

Maaga pa naman and I have so much time pa para mag nap. Ang aga ko kasi nagising para kay Jho. Effort din yun ha. Pero ewan ko lang kung napapansin nya. Pero ang iisipin ko na lang muna sa ngayon is yung present.

Today is my lucky day.

-------

SO AYUN SABAW DIBA? Pagbigyan nyo na uli. Sanay naman kayo siguro magadjust dba? Hahaha.

*SANA MANOTICE NA TONG STORY KO. KUNG MAY NAKAKABASA, SALAMAT SAYO. 😊

-ETUCNESS

Continue Reading

You'll Also Like

Fake love By :)

Fanfiction

110K 2.6K 41
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
136K 5K 87
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
421K 17.1K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...
860K 40K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...