Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 44: Drown from the Past

12.6K 391 105
By JoeBeniza

Kier's Point of View

(1 week ago the same day when Shane confessed to Valerie.)

Ang sarap talaga minsan na may ganitong araw na wala akong gagawin kung hindi ang mag marathon ng mga paborito kong tv series at movies.

I've spent the whole day not even looking at my phone and just watching and eating snacks with my dog, Pogi. Pero kahit pa sobrang longing ako sa ganitong araw, hindi pa rin maiiwasan na ma-bored ako at mag hanap ng ibang gagawin.

Nag-check ako ng phone ko at nakita kong may pinadalang picture si Valerie.

Picture nila ni Shane.

"Okay, so they are dating..."

"Okay lang. Who cares?"

Inihagis ko ang phone ko sa malambot na upuan at nagpatuloy sa panonood. Pero nairita ako bigla. Hindi ako mapakali at naiinis ako.

Sabi ko okay lang kung nag de-date sila ngayon, pero iba ang sambit ng damdamin at utak ko.

Madali kong kinuha ang aking phone para mag message kay Valerie at itanong kung nasaan sila. Nang biglang mag salita si Darth Vader sa movie na star wars mula sa movie na pinapanood ko sa TV.

Luke, I am your father!

Bigla kong naalala si Jana. She used to imitate that line and she'd say.

Pogi, I am your mother!

Natatawa pa ako no'n kasi ang cute cute niya habang ginagawa niya 'yon. Iyong tipong ang ganda gandang babae pero may pag ka-geek din minsan.

I suddenly skipped sending a message to Valerie then I called Mia. She answered right away like she was waiting for it.

"Hello, Mia Rivera speaking!" 

"Hi Mia! Si Kier 'to."

"Oh! Hi Kier! Napatawag ka?"

"Ah... Nothing... Just checking you out. How's it going?"

"I'm actually at work. Just finishing some files."

"Sorry, Mia. Naistorbo pala kita. Maybe I'll just call you later?"

"No, It's okay. I really need a break from this files. I'm actually glad that you call. Ano ginagawa mo?"

"Nanonood lang ng movie, rest day ko e."

"Oh really? Buti ka pa. Kainggit. What movie?"

"Star wars! Mina-marathon ko lang lahat ng part."

"Oh my! Gusto ko rin 'yan! Alam mo ba? When I was 13, my friends want to have boyfriends, prince charmings, bad boys, and puppy love, those other girly stuff but when they asked me what I want..."

She laughed on the other line with her sweet voice.

"Ang sabi ko, gusto ko maging Jedi or pilot ng X-Swing fighter! Tapos 'yon iba na mga naging friends ko. Karamihan mga geek na boys na."

Napangiti ako parehas pa sila ni Jana ng hilig. "Talaga? Parehas pala tayo! Ako naman, gusto ko noon maging Sith lord."

She chuckled, "Mag kalaban pala tayo e." Napabuntong hininga si Mia. "Na-miss ko na manood niyan."

"Well, I am watching it right now but I can pause it for you if you want to join me?" Tanong ko.

"Hmmm..."

"Kainis ka!" Natawa siya. "Ang hirap tanggihan ng offer mo! Sige I'll be there in a few minutes. Pause mo muna a?"

"Sige, I'll text you my address. Paghahanda kita ng Nachos."

"Love that! See you in a bit!"

Oh yeah! Pupunta dito si Mia at manonood kami ng Star wars!

Agad kong nilinis ang bahay at gumawa ako ng Nachos.

"Hey buddy, may ipapakilala ako sa'yo mamaya siguradong matutuwa ka sa kanya," sambit ko kay Pogi.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Siyempre dapat pogi tayo.

Pagkatapos ng isang oras ay dumating si Mia sa bahay ko.

"Nice! Ang laki ng bahay mo ah. Ikaw lang nakatira dito?" Tanong ni Mia.

Ang simple niya. Naka blouse lang siya na orange at naka white pants pero ang ganda niyang talaga. Para siyang another version ni...

"Nope! May kasama ako." Kinarga ko si Pogi at ipinakita ko sa ito kanya. "Meet my best bud, Pogi."

"Hala ang cute niya! Baka nangangagat siya ah? Takot ako sa aso eh."

Seryoso? NBI agent pero takot sa aso?

"Mabait 'to. Trust me." Kinuha ko ang kamay ni Mia at ipinatong ito sa ulo ni pogi.

"Hello Pogi. Don't bite me please..."

Hinimas niya ito at dinilaan naman ni Pogi ang kamay niya.

"Mukhang gusto ka niya a," sambit ko.

"Ang cute naman niya. Bakit pogi ang name niya?"

"It was just a sarcastic joke. Kulobot kasi mukha niya at laging nakasimangot. In other words, panget talaga siya. Just to compensate lang talaga kaya Pogi name niya."

Natawa siya ng kaonti, "Ang cool talaga ng sense of humor mo."

Iba 'tong si Mia a. Gusto niya sense of humor ko 'di gaya ni Valeng the dragon. Bahala siya makipag-date kay Shane basta ako may movie date ngayon.

Ibinaba ko si Pogi at dumiretso naman papunta sa bakuran ang aso ko. Dudumi yata.

"Tara nood na tayo," Pag-aya ko sa kanya.

Umupo kami sa sala at muling sinimulan ang movie. Tahimik kaming nanonood pero 'di ko maiwasang tumingin sa mukha niya. Kamukha talaga siya ni Jana.

"Amm... Mia? May mga kamag anak ka ba ba Alvarez ang last name or Harper?" Tanong ko.

"Wala naman. Bakit?"

"Wala lang may kamukha ka kasi na gano'n ang apelyido," sambit ko.

Kumuha siya ng Nachos at kumain, "May gano'n talaga si Kathryn Bernardo nga tsaka si Nadine Lustre, 'di mag kaano-ano pero mag kahawig e."

"Sabagay."

Natuon ang aming atensyon sa movie na kahit ilang beses ko ng napanood nadadala pa rin ako at mukhang gano'n din siya.

Habang nanonood, nag-unat ako ng mga braso ko. Dahan dahan ko namang iniakbay sa kanya ang kanang braso ko. Siryoso siya sa panonood at parang 'di niya napansin ang pag akbay ko.

Nang matapos ang ma-aksyong eksena at naging mga usapan lang ang scenes, ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Pinanood namin ang lahat ng part ng movie hangang episode 7. Hindi namin namalayan ang oras, inabot na siya ng gabi sa bahay kakanood kasama ko.

Grabe mas matindi pa pala manood sa akin ng movie ito. Kung ako ito baka lumabas na ko at namasyal kung saan saan.

Sa haba ng buong movie, hindi namin namalayan na nakatulog na kami sa sofa.

***

Kinabukasan, nagising ako ng nakayakap sa kanya. Nakatagilid kami at nasa likod niya ako.

Oh! Nakatulog kami ng mag katabi! Ang sakit ng balikat ko, naipit yata ito sa magdamag na pwesto namin habang natutulog.

Dahan dahan kong inalis ang braso ko sa pagkakayakap sa kanya. Dahan dahan din akong tumayo sa pagkakahiga para hindi siya magising.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang natutulog siya. Mala anghel talaga ang mukha niya, seeing her really brings back memories. Ang sarap sa pakiramdam.

Pumunta ako ng kusina para ipaghanda siya ng almusal. To enlighten my mood, nagpatugtog pa ako sa phone ko na naka-connect sa bluetooth speaker ko.

(Now playing: Body Moves by DNCE)

Ilang saglit pa ay nagising si Mia at pumunta sa kusina kung nasaan ako.

Nginitian at binati ko siya, "Good morning!"

Nginitian din niya ako at binati, "Goodmorning! Sorry nakatulog ako dito sa bahay mo."

"Wala 'yon. Basta feel at home ka lang dito. I'm preparing omelettes. Maluluto na ito so upo ka na diyan," sambit ko.

Masayang masaya pa ako habang nagluluto.

"Nice song. Gusto ko rin ng mga ganyang genre eh. That's dance rock, right?" Tanong ni Mia.

"Yep! Magkakasundo talaga tayo nito e.  Parehas tayo ng hilig sa movies at music," sagot ko.

Ngumiti siya pero bigla siyang napasigaw.

"Oh bakit?! Ano nangyari?" 

"Nagulat ako kay Pogi. Dinilaan niya 'yong paa ko e," sambit ni Mia na may halong takot.

Paano kaya siya naging NBI agent? Ang liit liit ng aso ko e, "Don't be scared. Hindi naman siya nangangagat."

"Sorry takot lang kasi ako sa aso. Nakagat na kasi ako dati e, no'ng bata pa ako." Tinaas niya ang mga paa niya sa upuan, mukhang takot talaga siya.

"Come here bud!" Pagtawag ko kay Pogi. Lumapit naman sa akin ang aso ko at kinarga ko ito papunta sa kaninan niya. "Pakakainin ko lang si Pogi a."

"Sige, ako na lang magtutuloy ng niluluto mo."

Habang pinapakain ko si Pogi, nag-check ako ng phone at nag message pala si Valerie na hindi muna kami matutuloy mag kita ngayon. Wala na rin siyang message pagkatapos no'n. Baka sila na ni Shane. Natulala ako bigla habang pinapanood si Pogi sa pagkain. Tila nalungkot ako. O nasaktan. Ewan ko. Bahala sila.

Matapos ang ilang minuto ay tinawag na ako ni Mia.

"Kier! Food's ready!"

Pagbalik ko sa kusina, ang dami niyang naihandang pagkain. Natapos niya ang omelette na ginagawa ko at mukhang mas pinasarap niya pa ito, gumawa rin siya ng pancakes, bacon, toasts, at juice.

"Wow! Mukhang masasarap ito ah. Marunong ka pala mag luto?"

"Siyempre, ako lang mag isa nakatira sa bahay e. Dapat lang na independent ako," sagot niya.

Bumibilib ako lalo sa kanya. Maganda na magaling pa magluto.

"Let's eat!" Sambit ko.

"Wait! Let's bless the food first."

Napangiti ako. Para talaga siyang si Jana. Mag kasing bait pa sila.

So we prayed then we eat. Ang sarap ng luto niya. Panalo talaga. Tingin ko parang ito na ang second chance namin ni Jana, sa katauhan ni Mia.

Matapos naming kumain, nagpahinga kami saglit at nagpaalam na siya sa pag-alis. Kailangan niya kasing pumunta ng opisina para  tapusin ang naiwan niyang trabaho. Ako naman papasok din mamaya sa trabaho.

Pag-alis niya sakay ng kotse niya, maya-maya ay nag message siya sa akin.

Mia: Thank you for the time, Kier. Naging masaya akong kasama ka. Btw made a quick stop to chat you.

Me: Salamat din, Mia. Sana next time ulit. Ingat ka ah.

Mia: Sure! I'll make some time for you. Hope you'll do the same.

Me: Oo naman. Sige ingat sa pag da-drive.

Ang saya sa pakiramdam! Ganadong ganado akong pumasok sa opisina. Back to work pero energized. Parang naka-milo lang!

Every after work for one week, magkausap kami sa phone ni Mia at lalo kaming nagiging close sa isa't isa. Tila puro saya ang dulot ng bawat pag-uusap namin. Sa phone lang muna kami nag bo-bonding dahil may hinahawakan siyang kaso kaya 'di namin makita ang isa't isa sa personal.

***

Last day sa trabaho. Bukas ay rest day ko na ulit. Sana pati si Mia magkaroon ng oras bukas. Habang nag papahinga sa trabaho, nagbukas ako ng TV at sumaktong palabas ang performance nila Valerie.

Bakit kaya 'di nag tetext ang dragon na 'to? Dati naman lagi siyang nangungulit. Baka busy na sa boyfriend niya. Parang bigla akong na-stress sa naisip ko.

Asarin ko kaya siya?

Me: Uy! Valeng! Busy ka na ah! Busy ka na ba sa kanya? Congrats nga pala!

Valerie: Congrats saan? Kaninong busy? Sorry hindi ako nag memessage may pinag daanan lang ako.

Me: Congrats kasi may BF ka na. Alam ko naman na busy ka dahil doon.

Valerie: Hahaha. Let's meet tomorrow night? May sasabihin ako!

Me: Hmm titignan ko muna kung may gagawin ako bukas.

Mangaasar lang 'tong dragon na 'to bukas eh. Mas gusto ko makipagkita kay Mia. Pagkasama ko siya parang kasama ko na rin si Jana.

Nag-message ako kay Mia para ayain siya bukas.

Me: Hi Mia! Free kana ba bukas? Pasyal tayo!

Mia: Sorry Kier. Wala pa akong free time bukas eh. Next time na lang ah. Sorry. Babawi ako sa'yo next time.

Me: Ah hehe. Sige ayos lang. Ingat ka pa lagi ah. Miss ya!

Nakakalungkot, busy din pala itong si Mia. Ayaw ko namang magkulong na naman sa bahay bukas. Pagbigyan ko na nga lang ang dragon. Gusto ko rin malaman kung ano sasabihin niya eh.

Me: Valeng! What time and where tomorrow?

Valerie: Sa may MOA seaside. Mga 3PM.

Me: Ang layo naman. Pero sige wala naman akong gagawin eh.

Valerie: Sige. See ya tomorrow Puppy!

Me: okay Dragon!

Valerie: Hahaha. Hindi na ganyan itatawag mo sa akin bukas.

Me: Dragon ka pa rin kahit ano mangyari.

Valerie: Sige na. Rest ka na. We have a big day tomorrow.

Umuwi ako ng bahay pagkatapos no'n. Dumiretso ako ng kwarto at humiga sa kama. Naaalala ko bigla si Jana siguro ng dahil sa pagod sa trabaho. Then I thought about Mia. I looked at her on social media and browse through her pictures.

God, if meeting Mia is your work to give me another chance with Jana? I would gladly accept it and I thank you for it.

Kinabukasan pag dating ng 3PM. Naghanda ako sa pag kikita namin ni Valerie. Ano kaya 'yong gusto niyang sabihin?

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 74.1K 49
Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at t...
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...