Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 42: Jana's Face

13.8K 411 57
By JoeBeniza

Balik opisina na ako. Nadagdagan na rin ang mga kasama ko rito bukod kay Alleiea. Kumuha na ako ng guard, assistant attorney, isa pa'ng secretary para mapaghandaan kapag mag le-leave na si Alleiea for maternity. Though matagal pa, kailangan ready. Si Valerie naman ay balik sa pagiging member ng Four Maidens, madalas ko siyang panoorin sa internet. Si Shane rin ay balik sa pagiging pop star at artista dahil parehas sila ni Valerie na commited sa kontratang pinirmahan nila noon. Minsan naiisip ko baka mas madalas silang magkasama doon dahil parehas sila ng network, nagseselos ako pag gano'n. Parang lumalalim na yata nararamdaman ko kay Valerie. 

Kakatapos ko lang ng mga gawain ko sa opisina nang biglang mag send ng message sa phone ko si Valerie.

Valerie: Hey puppy! Kamusta na? Dito kami sa studio 24. Live kami mamaya. Punta daw si Shane dito after ng show.

Me: Oh ano naman?

Valerie: Wala lang. Busy ka?

Me: Busy na nag chat ka e.

Valerie: Ah gano'n? Date daw kami ni Shane mamaya.

Me: Ok

Valerie: Okay

Hindi ko maipaliwanag pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi ako mapakali dito sa desk ko. Nagseselos ba ako?

Badtrip! Kainis talaga 'tong dragon na 'to.

Tinawag ko ang aking secretary para magbilin. "Alleiea! Paki-cancel naman mga appointment ko ngayon oh. May pupuntahan lang ako."

"Eh sir Kier importante po 'yong next meeting niyo," sagot ni Alleiea.

"Alleiea, you don't understand. This is a priority. So ikaw na bahala a. Aalis na ako."

Paalis na sana ako nang bigla akong may maalala, "Oo nga pala Alleiea, can you set an appointment for me at kay NBI Agent Mia? Not sure about her last name e, but I know you can search her. Siya 'yong nagligtas sa'min ni Valerie kay Andrew. Gusto ko lang siyang pasalamatan."

"Sige po, sir Kier. Paki pirmahan nga po pala..."

"I gotta go, Alleiea. Bukas na lang 'yan."

"Sir Kier wait..."

Hindi ko na pinansinsi Alleiea at nagmadali akong lumabas ng opisina. Sumakay ako sa aking kotse at mabilis na nagmaneho.

Naisip ko rin na dumaan sa isang flower shop para bumili ng bouquet of roses.

Wala lang naisipan ko lang. Ewan talaga! Ang lakas talaga ng epekto ng sinabi niya na pupuntahan siya ni Shane. Parang may kung ano sa loob ko na nag sasabing dapat ako ang kasama niya.

Gusto ko na ba siya? Siguro? Baka? Hindi? Oo? Ewan ko! Ang alam ko lang dapat kasama ko siya ngayon.

Dumating ako sa studio 24, naabutan kong nag pe-perform sila Valerie pero patapos na.

Pagkatapos ng kanilang performance, nagpaalam sila sa kanilang mga fans at dumiretso sa backstage.

Agad naman akong pumunta doon pero hindi ako pinapasok ng mga bouncers kaya tinext ko si Valerie.

Me: Hey Dragon! Nandito ako sa studio 24. Ayaw ako papasukin ng bouncer niyo sa backstage eh.

Valerie: OMG! Sige papunta na ako diyan. Wait lang.

Habang naghihintay kay Valerie, itinago ko sa likod ko ang bouquet na dala dala ko. Ilang saglit pa ay lumabas si Valerie mula sa backstage at pinuntahan niya ako.

Pulang pula ang mukha niya at nakahawak siya sa kanyang bibig. Natulala naman ako sa kanya. Ang ganda niya!

"OMG! Kier!"

Pinapasok ako ng bouncer sa backstage para hindi pagkaguluhan si Valerie kung lalabas pa siya sa kinaroroonan ko.

Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang dala dala kong bouquet kahit hiyang hiya pa ako.

"Uhmm... Para sa'yo nga pala."

Mukhang kinilig naman si Valerie sa ginawa ko. Nakangiti niyang niyakap ang binigay kong bouquet, "Yiieeh! Ano 'to? Thank you, Kier!"

Tumingin ako sa paligid at kunwaring may hinahanap.

"Nasaan si Shane?"

Tumawa naman si Valerie, "Joke lang 'yon. May meet and greet siya sa MOA hindi talaga siya pupunta."

What? Naisahan ako ng dragon na 'to a.

"Pero mukhang effective 'yong joke ko," sambit niyang muli. "Napapunta kita dito."

"Huh? So gusto mo lang ako papuntahin dito. Bakit naman?" Tanong ko.

"Na-miss kita."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ngiting lagpas pa sa tenga.

"May gagawin ka ba pagkatapos ng show?" Tanong ko kay Valerie.

"Bakit? Lalabas ba tayo?" Tanong ni Valerie.

"Hindi, uuwi na kasi ako e." Tumawa ako at pabiro niya akong pinalo sa braso. "Joke lang! Oo sana, kung pwede ka."

Ngiting ngiti naman si Valerie, "Sige magpapa-alam lang ako."

Bumalik si Valerie sa room nila pero bago 'yon lumingon muna siya sa akin.

"Kier!"

"Yep?"

"Bakit ang pogi mo?"

Nginitian niya ako at pumasok siya sa room nila. Naiwan naman akong ngiting ngite.

Pagbalik niya ay pumunta kami sa isang korean fine dining restaurant. Ayaw niya dito dahil 'di naman daw kailangan na sa mamahalin pa pero no choice kami. Pagkakaguluhan siya sa public places eh. At least dito malaya kaming makakapag-usap.

We spend the night eating her favorite food, talking about us and our adventures, at siyempre asaran. Hindi talaga mawawala sa amin 'yon.

Pagkatapos ay hinatid ko siya sa kanilang bahay. Naging napakasaya ng gabing iyon para sa aming dalawa. Sana tuloy tuloy na.

***

Kinabukasan, balik trabaho. Siya naman balik pag pe-perform.

Matapos ang mahabang araw ng trabaho sa opisina. Time to attend my last appointment which is a dinner with Agent Mia.

Bago ako pumunta nag-message ako kay Valerie.

Me: Dragon, may dinner nga pala ako with the NBI agent na nag ligtas sa atin kay Andrew.

Valerie: Sige. Ingat ka ah. Thank her for me. Kami na next na sasalang after ni Shane.

Me: Sige. Galingan mo. See you again. Soon.

Lumabas ako ng opisina at nagpunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Agent Mia. Buti na lang napagbigyan niya ang alok ko. 

Nauna ako sa restaurant at umupo sa pina-reserve kong upuan para sa amin.

Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin siya. Napatingin na lang ako sa aking relo. Naiinip na talaga ako.

"Late na siya. Ang tagal naman niya. Sana naman hindi ako indyanin 'non."

Ilang saglit pa ay may babae na pumasok mula sa pinto ng restaurant.

Malayo pa lang siya ay natanaw ko na ang itsura niya.

Natulala ako sa aking nakita.

Napatayo ako sa aking kinauupoan.

Tumayo ang mga balahibo ko at bahagyang nanginginig ang aking mga labi.

Napaluha ng konti ang aking mata.

Am I dreaming??

This girl..

Bakit parang..

"Jana?"

Namamalik mata lang ba ako?

Jana?

Ang aninag niya sa malayo ay tila isang alaala na nag babalik sa aking isipan.

Unti unting lumapit sa akin ang babae at habang papalapit siya ay unti-unti akong bumalik sa aking sarili.

Hindi siya si Jana pero bakit sobrang magkahawig sila?

"Hi! Are you Kier? Kier de Leon?" Pagbati niya sa akin.

Ang mukha niya, sobrang kamukha niya si Jana. What on earth am I seeing?

Nakakatuwa siyang pagmasdan, tila nabuhay si Jana at nasa harap ko siya.

She cleared her throat and ask again, "Excuse me? Kier?"

Damn! Hindi ako nakapag salita sa itsura niya. Kamukha niya talaga si Jana.

"Oh Hi! Yes! Yes! I am Kier de Leon!" Sagot ko at inabot ko sa kanya ang kamay ko.

Nakipagkamay siya sa akin at nginitian niya ako, "I'm Mia Rivera."

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya.

Ngumiti ako, "Nice to meet you Mia! Please take a seat."

"Thank you."

Inalalayan ko siya sa pag-upo at pati ang pag-upo niya parehas kay Jana, napakahinhin. NBi agent ba talaga itong kasama ko?

"Sorry kung late ako a. May nangyari lang sa opisina kaya na delay ang pagpunta ko dito," sambit niya.

"O-okay lang, I'm still glad that you were able to join me tonight," sambit ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

Hinawi niya ang kanyang buhok sa tenga, "Uhmm... May dumi ba sa mukha ko? Medyo... Kanina ka pa kasi nakatitig?"

"Ow! Sorry, Mia! I just... I was just.. mesmerized by your beauty."

Tinignan niya ko nang may paghihinala, "Hmm... Bolero ka 'no?"

"I am actually telling the truth despite what everybody say about lawyers."

Natawa siya sa sinabi ko, pero may poise pa din naman. Hindi sila parehas ng tawa at ng boses ni Jana pero the way she smile, the way her eyes stare, the way she moves her hair... Parehas na parehas kay Jana.

Dumating ang waiter sa table namin at kinuha ang aming order.

"So how are you after the incident? Balita ko matagal ka raw na ospital," tanong niya.

"Getting better, actually. Thanks to you. Kung hindi ka dumating ng araw na iyon, baka wala na ako ngayon and I might not have the opportunity to see your pretty face," sambit ko at hindi ko alam kung bakit kusang lumalabas ang mga gano'ng linya sa bibig ko.

Natawa siya sa sinabi ko, "Sus nilagyan pa ng bola. But you're welcome, just doing my job though."

I cleared my throat and say, "Sabi ko nga nag sasabi talaga ako ng totoo. Pero salamat talaga, kaya order ka lang ng order ng food ah, kulang pa itong date na 'to para mag pasalamat sayo."

Ngumisi siya, "So this is a date huh?"

"K-Kung okay lang sayo?" Tanong ko sabay kamot ulo. The F am I doing?

"Okay lang naman."

"Sure ka? Wala naman bang magagalit?" Tanong ko.

"Baka sayo ang may magalit. You look like someone who play with girls, just saying."

Bakit parang nangyari na ang ganitong pag-uusap? Parang ganito kami nag-usap noon ni Jana.

"Wala naman. Tsaka wala sa lahi namin ang babaero," giit ko.

"Wala naman talaga sa lahi 'yan eh. Desisyon mo 'yan kung babaero ka o hindi. But good to know na hindi ka gano'n. Sana lang nagsasabi ka ng totoo," sambit niya.

"Bakit parang may trust issues ka? Hope you don't mind me asking," tanong ko.

"Well in my line of work, it's hard to trust anybody. Pinaghihirapan ang tiwala."

Wow! Para siyang matapang at siryosong version ni Jana.

"Tama ka naman diyan. So... You and Shane are friends? Nabanggit niya kasi sa akin na kakilala ka niya," tanong ko ulit.

"He's my ex boyfriend."

What?! Takteng Moreno 'yon may ganito pa lang ex girlfriend?! Bakit naman kaya sila nag-break?

"Oh... I see..." 

"But it was a long time ago, way back in college pa," paliwanag niya pa.

"Ah..." Ngumiti ako. "Okay. Matagal naman na pala. Sabihin mo kapag masyado nang nagiging personal ang mga tanong ko sa'yo a?"

"It's fine, mukha ka namang mabait e, kahit mukha kang babaero," ngumiti siya at nag peace sign. "Joke lang!"

Ang cute niya, para talaga siyang si Jana.

"Grabe ka sa'kin," Ngumiti ako. "Bakit kayo nag break ni Shane? Kung okay lang itanong."

"Gusto mo ko makilala ng lubos 'no?" Tanong niya.

"Kung okay lang, gusto ko sanang makipag-kaibigan?" Sagot ko naman.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang makilala ng lubos, gusto kong maging mag kaibigan kami. Siguro dahil kamukha siya ni Jana? Pero kahit na, siya pa rin ang nagligtas sa buhay ko. Gustong gusto kong nakikita ang mukha niya. Tila bumabalik ako sa nakaraan kung saan kasama ko si Jana.

She smiled at me and say, "Okay lang. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi niya, big smile na lagpas pa sa tenga, "Gano'n nga rin ang pakiramdam ko sa'yo eh, parang matagal na tayong magkakilala."

Nagkatinginan kaming dalawa habang nakangiti sa isa't isa. Ang mga mata namin ay tila nag uusap.

Bigla namang dumating ang waiter at inilagtag sa lamesa ang mga pagkain na inorder namin.

"So... Uhm... Uh... Kain na tayo?" Nahihiya kong alok kay Mia.

"Sige mamaya ko nalang sasagutin ang tanong mo," sagot niya. "Bon Appetit!"

Habang kumakain nag tanong siya ng mga tungkol sa akin. Mula sa birthday ko, edad, hobbies and stuff, family at kung ano ano pa. Grabe para siyang detective. Well, detective nga pala talaga. NBI agent nga pala kausap ko.

Gano'n din ang mga tanong ko sa kanya kaya mas lalo kaming nagkakilala.

"Full name mo na ba 'yong Mia Rivera?" Tanong ko sa kanya.

"It's actually Mia Gladia Rivera. Ikaw ba? Kier de Leon lang talaga?"

"Yep, 'yon lang talaga. So bakit kayo nag break ni Shane?" Tanong ko.

"Mapilit a." Ngumiti siya sa akin at nagkwento. "Paano ko nga ba sisimulan..."

"Noong unang panahon... Ganon'! Gano'n mo simulan." Biro ko sabay tawa.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "You're funny, actually ang saya mong kasama. I wonder why you don't have a girlfriend. Gwapo ka naman."

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Naalala ko si Jana at ang pag uusap namin. Naaalala ko 'yong sinabi ko na ang girlfriend ko ay parang February 30. It doesn't exist.

"I did had a girlfriend. She... Died."

Napayuko na lang ako at nalungkot.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry Kier."

"It's fine. Sorry kung bigla akong nag-emote," sagot ko at muli ko ulit siyang nginitian. "So going back to the story."

"Sige. So 'yon nga... Okay naman kami, though hindi namin nabigyan ng chance ang isa't isa. We were dating for one year then when college came up, we went on separate roads. Gusto niyang sumikat at kumanta lang ng kumanta, ako naman  gusto talagang maging police. We were trying to make it work kahit malayo kami sa isa't isa. Malayo kasi ang school ko at siya nag center for music lang. Then 'yon bigla na lang hindi na kami nag uusap."

"Tapos? Then nag break na kayo?"

"Nang makapag usap kami ulit, we decided just to be friends na lang," sagot ni Mia.

"Ah... Kaya pala... May feelings ka pa ba sa kanya?" Tanong ko ulit.

Natawa siya sa tanong ko. "Bakit gusto mong malaman?"

Nahiya ako bigla, bakit nga ba gano'n mga tanong ko?

"Ah... W-wala lang. I just want to keep the story flowing."

She looked at me suspiciously, "Talaga lang a? How about you? Naka-move on ka na ba sa ex mo?"

"I don't know. Maybe yes, maybe no."

"That's fine. It will really take some time," sambit niya at uminom siya ng kaontin wine.

We spent the rest of the night telling stories about her cases and my cases. Hinatid ko siya sa kotse niya, we even exchange phone numbers, then we called it a night.

"Good night, Kier. Thank you for the dinner and the talk. I had fun."

"Good night, Mia. Sana next time uli," sambit ko ng may ngiti sa aking mukha.

"Well, you have my number," she smiled at me then she get into her car.

Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko... Feeling ko nakasama kong muli si Jana.

Mia bakit mo nga ba kamukha si Jana?

Umuwi ako ng bahay ng may ngiti sa aking mukha.

"Hey buddy, I want you to meet someone soon. Para siyang si Mommy Jana," sambit ko kay Pogi at hinimas himas ko siya.

Hindi ako pinansin ng aso ko at patuloy lang siya sa pag ngatngat ng laruan niyang bola.

Nakatulog ako agad, siguro dahil sa pagod. It was a long day though.


***


Pag gising ko kinaumagahan, pagtingin ko sa phone ko, ang dami ko palang messages mula kay Valerie at mukhang kagabi pa ito.

Valerie: Nakauwi ka na ba? Or are you still with her?

Valerie: Mag-message ka naman kahit isa lang oh. Nag aalala lang.

Valerie: Pupunta dito si Shane pag hindi ka nag message.

Valerie: Kieeerr!!! Grrrr!!!

Valerie: Ah ganon! So busy ka na sa kanya? Mag sama kayo!

Valerie: Night! Hindi tayo bati ah. Nakakainis ka.

Ano kayang drama ng dragon? Bakit siya nag kaka-gano'n.

Nag-message ako sa kanya para naman malaman niya na safe ako. Baka nag alala lang siya sa akin.

Me: Goodmorning Valeng. Sorry kagabi dumiretso na ko ng tulog eh. Okay naman ako.

Valerie: Morning. Okay.

Hindi na ko nag reply kay Valerie at pinagmasdan ko ang number ni Mia.

Tatawagan ko ba siya? Makikipag kita ba ako agad sa kanya?

Minabuti kong mag almusal muna at pakainin ang aso ko. Ilang saglit pa, muling nag text si Valerie.

Valerie: So... Kamusta naman kagabi?

Me: Okay naman. Had a good time talking to her. Nakapag pasalamat na rin ako para sa atin.

Valerie: Ah good time...

Valerie: Masaya ka naman ba? Ano itsura niya?

Me: Hmmm. Not entirely sure what you mean about kung masaya ako.

Me: She is pretty for a cop actually.

Hindi ko sinabi sa kanya na kamukha ni Mia si Jana. Ewan ko kung bakit. I just felt like I don't want to.

Valerie: Ah... I see... Pretty...

Me: Lol. Kamusta ang dragon?

Valerie: Heto may namimiss.

Me: Hindi ka namimiss 'non. Busy na 'yon si Shane.

Valerie: Sinabi ko bang si Shane?

Valerie: May gagawin ka ba mamaya?

Me: Wala naman.

Valerie: Let's meet? May gusto sana akong sabihin sa'yo.

Me: I don't know. Perhaps tomorrow na lang? Gusto ko sana mag pahinga ngayon eh.

Valerie: Sige. Bukas ah. I really want to tell you something.

Me: Ano ba 'yon? Bakit hindi na lang dito?

Valerie: Basta. Its important na sa personal ko masabi sayo. Pero mag pahinga ka na muna today. Bukas na lang.

Ano kaya gustong sabihin ng Dragon? Tsaka bakit parang iba kinakilos niya?

Si Mia kaya kamusta? Hindi ko talaga siya maalis sa isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
507K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...