Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 37: No Escape

13.4K 438 196
By JoeBeniza

Agad kaming umuwi ni Valerie sa bahay ko para iwanan ko muna siya doon pagkatapos niyang sabihin na kinulong ni Mr. Valdez si Shane sa mansion. Hindi raw siya pinapayagang lumubas at parang kinukutuban na daw ito sa ginawang panloloko ni Shane sa kanya.

Sinabi Valerie ang address ng mansion ni Mr. Valdez at agad akong sumakay sa kotse ko. Mabilis akong nagmaneho papunta sa kinaroroonan ni Shane. Baka kasi kung ano ang nangyari sa kanya.

Agad kong natunton ang mansion ni Mr. Valdez. Isa itong malaking mansion na may kulay itim at puting pintura. Tatlong palapag ito at walang masyadong bintana. Halatang may ginagawang himala sa loob. Para itong bahay ng mga kontrabida sa pelikula tapos maraming goons sa loob at labas na naka tuck-in ang mga damit, mga ganong tipo ng bahay.

Ipinarada ko ang aking sasakyan sa tapat ng gate ni Mr. Valdez, kung saan may dalawang guard na nakasuot ng tuxedo ang nagbabantay sa labas.

Ang weird ng dalawang ito, gabing gabi naka sunglasses.

Bago ako bumaba ng kotse, inisip ko muna kung paano ako makakapasok.

Paano nga ba? Malamang hindi ko kaya itong dalawang ito kung bigla ko na lang susuntukin. Mukha silang mga kalaban sa Matrix e, si Agent Smith. Magpanggap kaya ako'ng nag bebenta ng encyclopedia? Or taga ayos ng tubo? Hindi pwede naka-kotse ako e.

Bahala na!

Bumaba ako ng kotse, nilapitan ko ang dalawang guard at nagkunwari akong producer ng isang music studio.

"Goodevening... Agent Smith! Ako nga pala si Kier de Leon, from VIDA Music Studio. I'm here to get Shane for an emergency recording."

"Sir, pasensya na po. Pero wala po kaming nare-receive na may appointment si Sir Shane ngayon," sagot ni Agent Smith 1.

"Kaya nga emergency 'di ba?! Kasi unplanned! Sayang 'yong tuxedo sa'yo eh! Papasukin mo na ako!" Dinaan ko sa galit baka sakaling mas effective.

Nagtinginan si Agent Smith 1 and 2. Tila hindi nila alam kung sino sa kanilang dalawa ang mas tanga este ang mag dedesisyon.

"Ano na?! Hindi tayo pwedeng mag aksaya ng oras! Double time!" Naiinis kong sambit. Siyempre, para makatotohanan. Dapat mataranta rin sila.

Sa wakas nakapagdesisyon din sila.

Kinuha ni Agent Smith 1 ang radio niya at may sinabing mga code's na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, "10-20, 30-40! Tango Alpha Tango Alpha Echo Alpha Kilo Oscar!"

Grabe ang security ng lugar na ito, ang higpit!

Bumukas ang gate. Iyon pala ang ni-radyo niya. Mas marami pa palang Agent Smith ang nasa loob.

In-escort-an ako ni Agent Smith 2 papasok ng Mansion, habang paradyo radyo pa ito, "November Alpha Tango Alpha Echo Alpha Kilo Oscar! 50-60!"

Pagpasok namin ng Mansion, pinaghintay ako sa lobby ni Agent Smith 2, tatawagin niya lang daw si Shane.

Ilang saglit pa ay bumaba mula sa second floor si Shane. Tumingin si Shane sa paligid bago niya ako kausapin. Gulat na gulat siya. Sakto naman na kami lang ang nasa lobby. 

"Kier?? Anong ginagawa mo dito?"

"Came to save you!"

"Buti dumating ka, malakas na suspetsa ni Mr. Valdez e. Paano tayo tatakas dito?" Pabulong na tanong ni Shane.

Bumulong din ako sa kanya, "Basta sumakay ka na lang. Nagkunwari akong music producer at mayroon kang emergency recording. Okay ba?"

Ilang saglit pa ay biglang dumating si Mr. Valdez, "Shane, may bisita pala tayo?"

Nakangisi si Mr. Valdez habang papalapit sa amin.

"Mr. Valdez!" Nakipag kamay ako sa kanya. "My name is Kier de Leon. One of the producers from VIDA Music Studio. Sorry to bother you at this hour."

"It's fine. How can I help you Mr. de Leon?" Tanong ni Mr. Valdez.

"I was just gonna get Shane to do a re-recording for a music video. Nagback-out kasi 'yong star namin. Eh first time pa naman mag-release ng kanta ni Gardo Versoza na siya ang nag compose at siya rin ang nasa music video, sayang 'to. Kung okay lang sana si Shane ang ipapalit ko bilang kakanta?"

Napakunot-noo si Mr. Valdez, "Hmm... Have'nt heard of Gardo making a music. Ano ba ang title ng kanta niya?"

Hindi ko naisip 'yon a... Bahala na. Napakinggan ko lang ito kanina.

"Versoza on the Floor."

Inakbayan ko si Mr. Valdez at hindi ko siya binigyan ng chance na maka-angal, "This is going to be a big break for Shane, Mr. Valdez. Kapag natuwa sa kanya si Gardo, baka maging artista pa si Shane. Siya na rin ang pwedeng maging star ng Machete Reboot, at malay mo baka may pantapat na tayo sa palabas na Probinsyano. Titled ang Koreano. Kasi mukhang Koreano itong si Shane e."

Nagiisip lang si Mr. Valdez, kaya palihim kong sinenyasan si Shane na maki-sakay.

"Mr. Valdez. Please... This is going to be a big break for me. Pumayag na po kayo please. Hindi ko po kayo ipapahiya," pagmamakaawa ni Shane.

"Hmm... Sige pumapayag na ako. Pag usapan natin ang kontrata bukas, Mr. de Leon," sagot ni Mr. Valdez. "Shane, hindi na ako makakasama a. I need to do something."

"Okay lang po, Mr. Valdez, kaya ko na po ito. Tara na po, Mr. de Leon," sambit ni Shane.

Paalis na sana kami ni Shane nang bigla kaming tawagin ni Mr. Valdez.  "Excuse me? Mr. de Leon!"

Patay nabisto yata kami!

Humarap kami ni Shane sa kanya at ngumisi ako, "Yes Mr. Valdez?"

Nilapitan niya kami at muling kinausap. "Actually, baka may chismis ka tungkol sa isang member ng four maidens? Valerie ang pangalan niya. Kapag may balita ka tungkol sa kanya, ako agad ang balitaan mo a?"

Ngumiti siya na parang may masamang balak, "Gusto ko sana siyang... tulungan."

"W-walang problema, Mr. Valdez. Babalitaan kita agad. Makikita mo rin siya soon." Grabe ang lakas ng tama nitong lalaking 'to kay Valerie.

"Sige, aasahan ko 'yan."

Nagmadali kami ni Shane na lumabas ng Mansion. Hindi na niya kinuha ang sarili niyang kotse at sumakay na lang sa kotse ko. Mabilis ko itong pinatakbo papunta sa bahay.

"Muntik na tayo do'n, Kier. Ang galing mo, buti na lang dumating ka," sambit ni Shane na nasa passenger seat sa tabi ko.

"Ang dali pala utuin ng manyak na 'yon eh," sagot ko naman habang nagmamaneho.

"Salamat, p're," sambit ulit ni Shane. "We have to act fast soon. Para'ng naghihinala na siya na may mag-tatraydor sa kanya e. I've been getting signed statements sa mga kapwa ko talent doon. Makakatulong sa atin 'yon 'di ba?"

Tumango ako, "Nice... Mukhang alam mo ang gagawin mo a."

"I've been planning for years kung paano siya pababagsakin, Kier. Masyado nang matagal ang paghihintay ni Val para sa akin. Kaya dapat this time... makawala na talaga kami. Dapat mapakulong siya."

Dama ko ang galit ni Shane sa tono ng pananalita niya. Whatever Mr. Valdez have done to him... I think sapat na para magsalita siya ng gano'n. Idagdag mo pa ang pagmamahal niya kay Valerie. Pero sa sinabi niyang 'yon parang nakaramdam ako ng selos na hindi ko maintindihan.

"I think it's time for you to tell me what are the things you know about, Mr. Valdez. It will help me analyze how we can fight him," sambit ko habang diretso lang ang tingin ko sa daan.

"He's a criminal, Kier. Lingid sa kaalaman ng mga tao mastermind ito'ng si Mr. Valdez ng mga drugs syndicate, human trafficking, assassination, at illegal arms deal. That's how he got his fortune. Cover up niya lang ang pagiging talent manager para hindi siya paghinalaan."

Tumingin ako sa kanya saglit at bumalik sa pagmamaneho, "How'd you know? May solid evidence ka ba na magagamit natin?"

Tumingin ako ulit saglit kay Shane at nakita ko siyang umiling.

"Ilan sa mga talent niya kasama ako ay pinagsabihan niya ng mga lihim na business niyang iyon. All I am is a witness. But I'm afraid kapag nilabanan natin siya sa korte matatalo lang tayo. He can pay-off or threaten any judges, lawyers, jury or whatever. Even police and government officials. Valerie said that you can't be bought. So I'm hoping that you can fight for us until we corner him to the point that the judges won't have a choice but to sentence him for a life imprisonment."

Matalino si Shane. Mukhang pinag-isipan niya ito nang mabuti.

"I won't let that monster touch Val. Magkamatayan na lang kung sakali," dagdag pa niya at ramdam ko sa bawat salita niya ang sinseridad.

"Neither do I," sagot ko. Tila parang ayoko magpatalo dito kay Shane. "It seems that to cripple this man. We need to cut down his resources. The fight should be on the same level. Pero magagawa lang natin 'yan kapag nawalan siya ng pera."

Naaninag ko sa kaliwa ko na napatingin sa akin si Shane, "What do you mean?"

Bumuntong hininga ako at sumagot, "I don't want to do this but sometimes we need to fight fire using fire. I know someone who can do something about his money."

Naaninag ko'ng tumango si Shane, "Whatever your methods are. It doesn't matter now. All that matter is to save Val from being taken by that monster."

Nakarating kami sa bahay ng ligtas. Pagbaba namin ng kotse, agad kaming sinalubong ni Valerie ng mahigpit na yakap. Loko talaga ito si Valerie, nagdikit pa tuloy kami ni Shane. 

"Oh thank God! You guys are safe."

Bumitiw si Valerie sa amin at nginitian ko siya, "It wasn't that hard to save him."

Natawa ng kaonti si Shane, "This time I'll agree. Kier saved my ass."

Nagtawanan kami ni Shane pero bigla ako'ng niyakap ni Valerie.

"Thank you, Kier."

Biglang umubo si Shane kaya't bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Valerie. Nagselos yata.

"Let's get inside. Baka mamaya niyan nasundan nila tayo," mungkahi ni Shane.

Kumapit sa braso ko at sa braso ni Shane si Valerie habang nasa gitna namin siya. Lumakad kami papunta sa gate ng bahay ko pero biglang...

"Shane!" Sigaw ni Valerie.

Biglang natumba si Shane at may lalaking naka-ski mask na itim sa likod niya at may hawak ito'ng stun gun.

Susugurin ko sana ang lalaki ngunit bigla ako'ng nakaramdam ng kuryente sa batok ko at nawalan ako ng malay.


Continue Reading

You'll Also Like

27.3K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
466K 8K 81
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...
2.3M 75.4K 27
More Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa bu...
3.8M 90K 19
Hanggang saan ang hangganan ng pag-ibig ni Crystal Jane para sa matalik na kaibigang si Ramses? Gaano kalalim para sa lalaking minsan ay ginawa siyan...