The Insolent Hunk (Dangerous...

By YusTimmy

408K 7.4K 864

The Keith Lawrence and John Wayne Villacorta romance story, will give you most seductive and intimate turn ar... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 5

13.4K 558 63
By YusTimmy

[ Keith's POV ]

Nang maihanda ang pagkain sa mesa, literal na kumulo ang tiyan ko. Ang sasarap kasi. May manok na ulam at may baboy din. Hindi ko alam ang luto pero amoy pa lamang ay alam kong masarap na. Maging ang kapatid ko ay natatakam. Hello.. mahirap lamang kami at sa labinwalong taon kong nabubuhay, ngayon pa lamang ako makakatikim ng pagkain mayaman maliban sa Jollibee. Basta para sa akin kapag may Jollibee kaming pagkain, feeling mayaman na. Kahit t'wing pasko at bagong taon lang yun.

May nakahain ding kanin, juice, at may dessert pa. Bongga talaga. Nakakatakam. Nakakagutom.

"Pwede na bang kumain?" tanong ni Kristan.

Tumingin ako kay Wayne. Hindi ko rin kasi alam kung pwede na. Tumingin naman sa akin si Wayne. Pero nag-iwas ako ng tingin. Dahil miski ako ay gusto na ring kumain.

"Let's pray first." sabi ni Wayne.

Agad kaming nagsign of cross ni Kris. Si Wayne ang nagsimula ng pagdadasal. Sinabi ko na lamang na "Thank you Lord."

Narinig kong nagpasalamat si Wayne dahil sa pagkain at mga blessings na dumating sa buhay niya.

"Amen." sabay naming sabing tatlo.

"Go, let's eat." sabi ni Wayne. Ang go signal na hinihintay namin ni Kristan.

Hinainan ko ng pagkain si Kristan at nagsimula siyang kumain. Naglagay na rin ako sa aking plato at nagkamay na kumain. Kumuha ako ng fried chicken tapos nagsalok ng sabaw ng hindi ko alam kung anong luto pero mabango, tapos sinimulang kumain. Ganun din ang inilagay ko sa plato ni Kris.

"Why do you use your hands? Mayroon namang spoon at fork ah." pagsita sa akin ni Wayne.

"Hindi kasi ako sanay Sir. Pati masarap kumain kapag nakakamay. Try mo, Sir."

"No! I mean, hindi ako marunong at ayoko." sabi niya pa.

"Eh ayoko rin magkutsara't tinidor, Sir. Hayaan niyo na ko." pilit na ngiti kong tugon sa kanya

"Hindi ako sanay na makakita ng ganyan."

"Eh di wag ka sumabay kumain sa amin.."

"What?" napalakas ang tanong niya.

"Kidding lang Sir. Sabi ko mas masaya pagsabay-sabay magkamay. Try mo, Sir."

"Oo nga Kuyang gurang. Masarap magkamay lalo na at masharap ulam. Fried chicken. Oh. Sharap luto ahh. Taposh may baboy pa. sharap." sabad ni Kris na patuloy sa pagkain at kitang sarap na sarap ito. Nilantakan ang manok na hawak niya. May palundag-lundag na slight sa upuan.

"Turuan mo nga yang kapatid mo gumalang sa akin! Hindi ako Gurang! Kung hindi lang talaga bata yan, tiyak na nalintikan na yan sa akin."

"Wag mo na patulan, Sir. Kayo talaga oh. Magkakasundo rin kayo one day."

"Hindi!" sabay na sigaw nilang dalawa.

"Very wrong talaga! Edi wag."

"Pero subukan mong magkamay, Sir. Tignan mo oh, hindi nagagalaw yung pagkain. Sayang yan."

Napailing na lamang siya sa tinuran ko. Nagsimula siyang kumain at naging tahimik ang pagkain namin ng hapunan. Ang sarap talaga ng luto. Talagang naparami ang kain ko at ng kapatid ko. Halos mangalahati ang ulam at naubos namin ang kanin sa malaking bowl. Napansin kong nagulat si Wayne dahil alam namin, konti lang ang kinain niya.

"Well, kita ang ebidensya na talagang gutom kayo."ani ni Wayne.

"Busog na kami. Salamat sa pagkain." sagot ko naman ng nakasandal sa upuan at himas himas ang tiyan. Maging si Kristan ay ganun din.

"I see. I will get some dessert para naman mahismasmasan kayo."

"Nako.. wag na sobra na. "Dami na naming nakain oh." pagtanggi ko.

"It's just a dessert. Ice cream will do."

"Wag na nga. Nakakahiya." sabi ko pa, pero gusto ko talaga.

"Are you sure?" seryosong tanong niya.

"O-oo." alinlangan kong sagot. Mukhang 'di na niya ibibigay ah.

"Okay fine. let's go..."

"Wait! Eto naman di na mabiro! Sige na pakiinin mo na kami ng ice cream." nakangiting sabi ko. Tinignan niya ko ng seryoso.

"Tsk." at umirap. My gad! Bakla ba 'to? Talo pa ko kung makairap. Pasalamat siya't gwapo siya. Hindi ako mag-iinsist na bakla talaga siya.

Pilit naman akong ngumiti at nagkibit balikat.

---

Nasa kotse kami ngayon. Sabi ni Wayne uuwi daw kami sa bahay niya? Dun daw kami titira. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Tope. Aba! Pinagtrabaho agad ni Wayne. Panira ng momentum. Kung hindi lang talaga ako mahirap, iisipin kong may gusto 'to sa'kin eh.

Pero okay lang. Makakatrabaho ko naman ang aking Tope. Oo may pag-angkin! Ngayon ay nilalantakan ko yung popsicle na ice cream. Nasa likod kami ng kotse at nagmamaneho si Wayne.

Dila. Sipsip. Kagat onti. Ganan ang pagkain ko sa popsicle ice cream na binili niya. Ewan ko ba. Wala daw kasi yung nasa lalagyan. Kaya popsicle na lang daw. Yun lang yung stock sa kanyang bar. Nakatulog ang kapatid ko at ngayon ay nakahiga sa hita ko. Kumain din siya pero isa lang dahil sabi ko baka magkasipon at ubo siya. Mahirap magkasakit.

"Can you just finish eating your ice cream!?" sabi niya at napatingin ako sa rear view mirror. Nakatingin siya sa akin.

"Err? Ninanamnam ko pa eh. Sherep keye.. you want some?" pag alok ko sa kanya at dinila-dilaan ang dulo ng popsicle ice cream na kinakain ko. Tapos ay iginayang iabot sa kanya. Pero dinilaan ko ulit.

"Tsk. Nakakaabala ka alam mo ba yun?"

"Err? Bakit naman? Ano bang mayroon sa pagkain ko nito. Oh.. sarap kaya. Anong flavor pala to?" tanong ko pa at lalong nilaro ang ice cream sa bibig ko.

"Tsk. Just finish eating."

"Ang KJ ha! Kumain ka rin kasi." dila.. sipsip... kakagat sana ako sa ice cream ng bigla akong muntikang tumilapon sa aking kinauupuan! Hininto niya ng biglaan ang sasakyan kahit nasa kalagitnaan na yata kami ng kalsada. Buti at nakahawak ako at na-save ng bibig ko ang ice cream.

"Hindi tayo aandar habang hindi mo yan inuubos!" makapangyarihang sabi niya.

Unti-unti akong tumingin sa kanya, reflection niya sa rear view mirror. Medyo nakakatakot siya ha. Nakalagay pa rin sa bibig ko ang popsicle ice cream at tumango ako. Napahilamos siya ng mukha na parang badtrip talaga.

"Kainin mo na yan please lang. Bilisan mo!" agad kong inalis ang ice cream at hinawakan sa stick. Dila... sipsip...

"Pwede ba, kainin mo na ng buo!"

"Masarap kasi kapag..."

"Uubusin mo agad o itatapon ko yan?!"

"Oo na nga eto na ohh. Kakagatin na!"

Ano bang masama sa ginagawa ko. Ang arte naman ng lalaking ito eh. Hindi ko tuloy naenjoy yung pagnamnam sa ice cream. Ano kayang flavor nun? Di ko nabasa yung pinagbalatan eh. Ah! bahala na. Mukhang magiging paborito ko tong ice cream na to. Ang sarap eh.

---

"Wow.. kuya, dito na ba tayo titira? Pakikutusan nga ako kung nananaginip ako?"

"Hindi Kris... kinurot ko na sarili ko at totoong nandito tayo sa magiging mansion natin."

"Talaga Kuya? Pamana ba to ni Inay at Itay?"

"Hindi ko alam... pero sana..."

"Stop daydreaming. Nasa mansion namin kayo." nagising ang diwa ko sa boses ni Wayne.

Bumaba kami mula sa kanyang kotse at tumigil sa napakalaking bahay na ngayon ko lang nakita. Parang yung mga napapanood ko sa teleserye. Sobrang laki at lawak. Sobrang ganda. Mansion talagan may pagka-ancient ang style pero hinaluan ng modern style na disenyo.

"Daydreaming? Eh hindi na kaya maaraw. Gabi na oh. Kaya dapat nightdreaming. Ganun!" pabirong sabi ko.

"Tsk. Are you insulting? Akala ko ba gusto mo ng matitirhan?"

"Oo nga. Ikaw talaga. Simpleng joke di mo magets. Gwapo ka pa naman. Nagkakawrinkles ka na oh." Turo ko sa mga mata niya at kinapa naman niya yung palibot ng kanyang mata.

"Nako bawas gwapoints sa mga girls! Wag kasing laging seryoso." dagdag ko pa.

"Gwapoints?" takhang tanong niya

"Gwapoints. Gwapo points! My gad. Common sense dude." sabi ko at lalong sumeryoso yung mukha niya.

"Are you telling me, I don't have common sense?"

"Nah to the ahh, to the no, no, no!" Kinanta ko talaga katulad ni Meghan Trainor sa kanta niyang No. Nasesense ko kasing nainsulto talaga siya. Baka mamaya sa labas kami matulog! Bawiin mo na Keith!

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Mayro'n kang common sense... eye sense, ear sense, nose sense, tounge sense at skin sense. Ikaw talaga! Yun ang ibig kong sabihin." pilit na ngiti kong sabi.

"Enough for this day. If you tell me a nonsense again and I will let you and your little brother sleep on the horse stable!" pagbanta nito.

"May horse stable kayo? So may mga kabayo?" sabi ko.

"Did you understand what I just said?"

"English kaya. I'm needing the translater, like now omg. My nose is blooding goshh..." at umakting na nakatakip ang daliring hintuturo sa ilong ko at may pagtingala pa.

Nilakihan lang ako ng mata at lalong sumeryoso.. napatigil ako at tumawa ng slight.

"Okay, last na yun naiintindihan. May pinag-aralan naman ako. Pati pinapasaya lang kita. Ganyan ka ba kaseryoso talaga? Para kasing lahat sa 'yo big deal eh."

Mukhang mahihirapan akong pakisamahan siya. Errr. Gwapo-gwapo tapos ayaw ng mga jokes? Seryoso pa lagi. Ako kaya seryosohin niya? Charot! Ano ba naman ang pumasok sa isip ko.

After ko mabayaran siya, nako aalis kami dito ni Kristan.

"Kuya! Tara na! Sundan daw natin siya!"

Tignan mo. Nauna ng maglakad! Ni hindi man lang tinawag ang aking atensyon Why you gonna be so rude?

Naglakad kami papasok sa kanilang mansion. Nakita ko ang garden nila. May mga upuan doon na kulay white at gold. May bilog ding mga mesa na kulay puti at may flower vase sa gitna. May apat na upuan. Siguro ay para sa relaxation lang nila yung place na ito. May mga magagandang bulaklak sa paligid noon. Kita ko dahil halos nagliliwanag ang kanilang bahay sa dami ng ilaw. Pangarap ko lang makakita ng ganito at makapasok sa mansion pero, ang swerte ko at nakapasok ako.

Nakarating kami sa may likod ng mansion. May maliit na parang bahay doon at sinabi niyang, lahat ng trabahador sa bahay na malayo sa pamilya ay doon nakikituloy at libre lang naman iyon. Ibig sabihin, yung mga maids at driver ay may sariling mga kwarto at pahingahan sa mansion.

Nagbukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang babae. Medyo may edad na ito sa tingin ko. Nakangiti siya sa amin.

"Magandang gabi po, Mr. Wayne. Napadpad po kayo dito? May ipag-uutos po ba kayo?"

"Wala naman Nay Karing. Nandito ako para patuluyin ang dalawang kasama ko." itinuro niya kami.

"Si Keith at Kristan. Dito muna sila dahil magtatrabaho si Keith sa bar ko. Okay lang po ba?"

"Opo naman Sir. May chikiting pala kayong kasama eh. Alam kong matutuwa sina Yula at Yolly nito. Ang kyut ng batang ito oh.." lumapit si Manang Karing kay Kristan at medyo kinurot kurot ang p
Magkabilang pisngi.

"Good. Di ba may mga damit naman ako na pinaglumaan pa sa may Storage Room? Pakikuha na lamang po at yun muna ang pansamantalang gamitin nilang mga damit habang nakikituloy dito."

Tumingin siya sa akin.

Okay lang ba 'yon?

"Yup. Pero pwede din naming kunin ang damit namin sa Ilogan, sa bahay namin para di masyadong nakakahiya."

"Okay. Pero hindi ngayon. Pagtiyagaan niyo muna ang mg damit ko."

"Okay Sir.."

"Magpahinga na kayo. Lumalalim na ang gabi. And don't forget na bukas ang simula mo sa bar. Tope will guide you sa mga gawain na magiging trabaho mo doon. Tutal, magkakilala pala na kayo."

"Ehh? Talaga?" tanong ko nang nakangiti at nagpapuppy eyes! Pagka nga siniswerte ka oh.

"Stop doing that! Babawiin ko yun gusto mo?" agad naman akong tumigil at umayos.

"Thank you Sir!!" at napayapos na naman ako sa kanya.

Ang bango bango pa rin niya hanggang ngayon! Lalakin-lalaki ang amoy niya. Parang gusto o na lang siyang amuyin magdamag. Agad kong naalala na baka hindi na ako fresh! Nakakahiya kung hindi ako mabango! Yakap ako ng yakap! Agad akong umalis sa yapos at humingi ng pasensya.

"You are a hugging monster, don't you? Bigla ka na lang nangyayapos." pagrereklamo niya..

"Ang arti mo! Buti nga niyayapos pa kita! Choosy ka pa ba? Arte ha."

"What?"

"Sabi ko, salamat. Nadala lang ako ng emosyon ko."

"Maiwan ko na kayo. Ikaw na pong bahala Nay Karing." pagpapaalam nito.

"Masusunod Sir. Tara na kayo at pumasok. Welcome kayo dito." pag-anyaya ni Manang Karing.

"Salamat Manang Karing." sabi ko.

"Nako, wag Manang. Tawagin niyo akong Nanay o kaya naman ay Nay Karing. Namimiss ko na kasi ang mga anak ko at namiss ko ang kabataan nila. Ngayon ay parang mag-aalaga ulit ako. Lalo na ang batang Kristan na to oh. Ang bait bait at kyut kyut...." masayang sabi ni Nay Karing.

"Sige Nay Karing. Salamat po." sabi ko.

"I have to go. Have a goodnight. Nay Karing, kayo ng bahala." sabi ni Wayne at tumalikod.

"Sir!" tawag ko dito at nilingon niya ako. My gad! Parang slow motion ang nangyari! Ang gwapo niya talaga!

"Yes?"

Nawala ako sa sasabihin ko. Nakakatulala kasi siya.

"Ah, ano. Hmm. Salamat pala. Sa pagkain. Sa bagong tirahan." ngumiti ako.

"May kapalit yan lahat kaya wag mo kong pasalamatan." sabi nito. Oo nga pala. Pinaalala pa niya. Napaka naman nito. Tumalikod ulit siya at nagsimulang maglakad. Pinanood ko lang ang paglayo niya.

Pakiramdam ko tuloy, ang laki ng mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. Pero pasalamat na rin ako at sa mabuting kamay kami napunta ni Kristan. Ay oo nga pala... may nakalimutan akong itanong..

"Sir, wait!"

Lumingon ulit siya..

"What again?"

"Ano. May itatanong lang ako?"

"Ano?"

"Yung ice cream kanina, ano kasi.."

"What?"

"Uhm... anong flavor? Mayroon ka pa bang stock? Ang sarap kasi eh."

----------

Continue Reading

You'll Also Like

153K 5.8K 28
Covered By: Ate Daphne
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

88.5K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
47.4K 1.5K 31
"Expect the unexpected." •(unedited)• Title: Mr. Anonymous (chatting) Genre: Teen Fiction, Romance, Humor. Type: Epistolary / BL, BoyxBoy. Author: Mr...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...