Pekeng Makata ❤

By babcdefghijk

390 4 0

Hindi ko alam pero ginanahan akong sumulat Biglaan ito ,simula nung aking pagmulat Lahat ng tulang galing sa... More

Ikaw lamang
Ang gusto kong makalimutan
Mahirap
Siya ay hindi ako
Gusto kita
oo na hindi tayo

Sumusuko na ako sayo

42 0 0
By babcdefghijk

Nung oras nayon akala ko tapos na
Akala ko sumuko kana
Akala ko wala na talaga
Pero bumalik ka
Pinaramdam mo ulit sakin ang lambing
Binigyan mo ulit ang  mata ng ningning
Nilahad mo ulit ang iyong mga bisig
Nangako ka ulit ng isang pagibig
Ngunit bakit parang madali
Bakit umalis ka muli?
Bakit nawala ka ulit?
Bakit pinadama mo ulit ang sakit Madaming tanong sa isip ko
Madaming gumugulo dito
Ano ba talaga yung gusto mo
Mahal mo ba talaga ako?
Umalis ka nanaman
Ngunit akoy muling binalikan
Na nag ugat sa lambingan
Hawak kamay sa upuan
Nakangiti habang nagkwekwentuhan
Palaging nagkukulitan
Kahit minsan may tampuhan
Akala ko uulit ang pagibig
Ngunit panandalian lang ang kilig
Nangako kang ako lang
Nangakong tayo lang
Nangakong hanggang dulo tayo
Pero bakit muling nagulo?
Nasan na ang tayo?
Nasan na ang pangako mo?
Bakit parang ayaw mo na?
Bakit parang wala na?
Ayaw mo na ba talaga?
Isusuko ko na ba?
Aking napagtanto
Sa ating kwento
Parang naging tanga ako
Parang nagpaloko ako
Bakit nga ba kita pinagbiyan
Bakit nga ba kita pinaniwalaan
Ilang beses mo na akong iniwan
Iniwan mong luhaan
Gabi gabi kitang iniiyakan
Nagtatakang dikita malimutan
Pagod na ang mga mata ko
Mauubos na ang tubig sa katawan ko
Hindi ko na alam ang gagawin
Hindi ko na kayang tiisin
Sana ayaw na kitang mahalin
Dahil kahit utak at puso napapagod din .
Kelangan ko na sigurong sumuko
Sumuko sa salitang tayo
Sumuko sa mga pangako mo
Sumusuko na ako sayo

"Pekengmakata❤"

Continue Reading

You'll Also Like

916 366 15
This poetry collection explores loneliness, theology, Biblical characters, depression, heartbreak, and disappointment. It's a good read for someone g...
441K 4.8K 17
In a steamy sexy world filled with drama and scandal sex should come easy especially if you're married. Right? No wrong. Things for these couples are...
14.1K 777 15
Virat: mahi... Please Mahi: cheeku
12.1K 316 42
Just a few bits and pieces of poetry I've written over the years. |On-going|