Walang dapat sisihin,
Kailangan Kong intindihin.
Mga salitang nais sabihin,
Sa puso ko na lang dadamhin.
'Di na dapat pang magulat,
Dahil simula nang mata'y magmulat,
Sa isip ko akin nang isinulat,
Ihanda ang puso sa pagkalamat.
Nagagawa mo na sa 'kin lumayo,
Puso ko ngayo'y binabayo.
Nais ko man humayo,
Nahihirapan namang tumayo.
Gustuhin man sa iba ibaling,
Nais na lamang idaan sa iling.
Kaya mo na,kahit wala ako sa'yong piling,
Kalimutan ka, 'wag mo munang ihiling.