Once Upon a Sunset

By Marikit07

28.9K 602 250

Dito magsisimula ang bagong buhay ko… bagong pangarap… bagong pakikipagsapalaran. My graduation day…. A day f... More

Once Upon a Sunset
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7

Chapter 6

2.4K 72 47
By Marikit07

Chapter 6

Biglang napatayo si Mia sabay diin ng mga kamay sa piano na gumawa ng nakakagulat at nakakakilabot na tunog na umalingawngaw sa buong music room hanggang sa unti-unting humina at nawala.

“Hindi ako nagkikipaglokohan sayo. Kung hindi mo kayang magseryoso humanap ka na lang nang ibang magtuturo sayo.” May galit sa tono ng salita nya. Inaasahan ko naman na hindi magiging maganda yung pagtanggap nya sa sasabihin ko pero hindi ko inaasahan na magagalit talaga sya.

Inirapan ako ni Mia sabay lakad paalis ng music room. Mabilis ko naman syang hinabol at bago pa makarating sa pinto hinarang ko sya.

“Mia, wait lang naman…nagbibiro lang ako.” Kahit seryoso ko kanina, napilitan akong sabihin na biro lang lahat kesa naman magalit sakin at iwasan na ko habangbuhay parang mas mainam magtorpe-mode na lang ako muna at hahanap na lang ako ng magandang timing.

“Di ba sabi ko seryoso na?” Masama pa rin ang tingin nya sakin. Nagcrossed arms sya at palipat lipat ang tingin sa magkabilang side ng room na parang nag-iisip kung palalampasin nya ang pagbibiro ko o hindi na.

“Wag naman kasing masyadong seryoso. Alam mo ang music hindi naman laging seryoso…ibat ibang emosyon din. Nakakawala nang pagod pag mejo kwela…diba?” Dahil alam kong mahilig talaga sya sa musika, yuna ng ginamit ko para maikundisyon ulit sya. Smooth talker lang ^_^

“Next time umayos ka na ha. Ayoko ng mga biro mo. Kung hindi lang ako nakapangako sayo hindi na talga kita kakausapin.” Reminder nya sakin pero unti-unti nang kumalma si Mia.

Napatingin ako sa relo ko at oras na pala. Kailangan na naming bumalik sa klase. Nakakalungkot naman kasi gusto ko pa sana syang makasama pero di bale bukas na lang ulit.

“Time na pala ang bilis ng oras. Pano, balik na tayo sa class..sorry ulit ha. Wag ka naman din kasi masyadong seryoso.” Sabi ko sabay turo sa relo ko. Nagkibit balikat lang si Mia at hinawi ang nakaharang ko pa ring kamay para makaraan sya.

Binuksan ni Mia ang pinto at malakas na sinara na parang nagdadabog. Napailing nalang ako sabay batok sa sarili ko. Sinimulan ko nang ligpitin ang pinagkinan namin nang biglang bumalik si Mia. Nagulat pa ko na nagmamadali syang lumapit sakin.

“Naiwan ko. Anyways salamat dito.” Hindi ko alam kung nahihiya sya o naiilang pero Masaya ko na binalikan nya yung bulaklak na bigay ko at nagpasalamat. Kahit ganun sya halata ko na nagustuhan nya yung binigay ko kaya Masaya na rin ako.

“Thank you din Mia. Bukas na lang ulit. Promise, seryoso na ko.” Pilit kong pinipigil yung ngiti ko para hindi nya mahalata na kinikilig ako pero wala eh di ko mapigil mapangiti.

Tumango lang si mia at parang batang nagtatakbo palabas ng room. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan syang papalayo.

“Hayz….ganda mo naman kasi eh!” Naiinis kong bulong sa hangin. Alam nyo kase, pagdating sa mga babae mabilis ko lang napapasagot pero wala pa kong sineryoso… kasi never ko pa naexperience mainlove. Mukhang ngayon pa lang ako tinamaan talaga ng salitang yon.

~~~

 Parang ang bilis na nang oras pagkatapos ng lunchbreak. As usual nagfocus talaga ko sa mga quizzes naming. Kailangan ko maging honor student katulad ni Kuya Kenneth kaya naman pagdating sa studies hindi ko binabale-wala.

Nagpaalam si Kate na may lakad sila ng mga kaibigan nya kaya hindi ko muna sya ihahatid. Good for me kasi parang tinatamad yata akong maghatid ngayon. Ewan ko ba. Nahahalata ko mejo tinatamad na kong gawin yung mga dating ginagawa ko naman para sa kanila. Kaya lang kailangan kong ituloy kasi naguiguilty ako tska alam ko gusto nila yung mga ginagawa ko at yung pagpapakatino ko para sa mga taong naiwan ni Kuya nung namatay sya.

“Uuuuyyyy nandito pala yung campus heartthrob…” May narinig akong nagsalita sa likod ko habang naglalakad ako sa corridor. Sa tono nang pananalita mukhang nang-aasar at nakakaamoy ako ng gulo kung papatol ako sa pang-aasar nila.

Para makaiwas, itinuloy ko ang paglalakad at nagkunwaring hindi sila narinig pero mukhang ako talaga target ng mga toh. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko mula sa likod kaya napahinto ako.

“Suplado pala sa personal.” Nagtawanan sila. Hindi pa rin ako kumilos nagtitimpi ako baka mabira ko na lang toh bigla.

“Pare, wag nyo naman masyadong takutin…” Dagdag pa nung isa at lalong lumakas ang tawanan nila.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko tapos hinarap ko sila nang kalmado.

“Bro, wala akong ginagawa sa inyo ah.” Sinubukan ko yung pinakamahinahon na paraan para masabi yon.

“Relax…nakikipagkaibigan lang kami…” Napapatingin na samin ang ibang studyante na naglalakad din. Sa pagkakaalam ko itong mga kolokoy na toh yung sinasabi ni Kate na kilabot na fraternity members sa school. Kung hindi lang ako nagpapakabait, no match sakin yung mga toh kung bugbugan lang din ang hanap nila.

“Ah ganon ba…Ryan, bro.” Inilahad ko ang kamay ko for a handshake. Nagtawanan sila habang tinitignan ang kamay ko na parang nangdidiri.

“Ryan…..SiRA-yan?” tanong ng pinakamatangkad sa kanila. Hindi ko na lang pinansin kahit nakakainis na.

“Ayoko ng gulo bro. Pasensya na kayo kailangan ko nang umuwi.” Paalam ko sabay alis ng kamay sa balikat ko at tumalikod sa kanila.

“Oh, aalis na kagad? Natakot?” Hinarang ako ng isa pa sa mga lalaki. Unti-unti na kong nawawalan ng pasensya pero kailngan kong magtimpi kahit masarap gawing punching bag ang pagmumukha ng mga toh.

“Bro ayoko ng gulo please lang.” Pakiusap ko. Nagkatinginan naman sila tapos sa paligid. Napansin din nila siguro na nasamin na lahat ng atensyon.

Gumilid ang lalaking nakaharang sa daraanan ko pero masama ang tingin sakin. Siguro naisip din nila kung marami nang nagkikiusyoso sa nangyayari baka ireklamo sila sa school.

“Hayaan nyo na nga duwag naman pala yan eh. Pagbigyan nyo ngayon.” Parang nag-uutos na sabi nang pinakamatangkad na lalaki.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti na lang walang away kahit sigurado babalikan ako ng mga toh. Aalis na sana ko at lalayo na sa gulo nang mkita ko kung saan naman nila ibinaling ang pangttrip nila.

“Hi Mia…” Parang tumalas ang pandinig ko nang marinig ko ang pangalan na tinawag nila. Lumayo na sakin ang grupo pero paglingon ko papalapit sila…kay Mia!

Hindi nagsalita si Mia at lalong napayuko at bumilis ang paglalakad pero hinarang sya ng isa sa mga sisiga sigang studyante.

“Teka lang, masyado ka namang aloof.” Sabi nito sa kanya. Napayakap si Mia sa hawak nyang libro at nakayuko pa din.

“Oo nga naman Mia…masyado kang mailap…di mo baa lam type ka nito oh..” Sagot ng isa sabay turo sa humarang kay Mia.

Akala ko kanina makakaiwas na ko sa gulo pero mukhang hindi ko mapapalampas pag si Mia ang ginaganito. Naiinis ako parang gusto kong basagin yung pagmumukha nila. Alam ko natatakot si Mia halata sa kilos nya na mejo nakabisado ko na rin dahil lagi ko syang naabutan na takot.

Hindi nagsalita si Mia at nilagpasan ang lalaking nakaharang sa kanya pero hinawakan sya sa braso at halos mapatalon si Mia nang maramdaman ito. Naalala ko tuloy yung sinabi nya na ayaw nyang may humahawak sa kanya.

“Ano tinitingin tingin nyo?” Binulyawan ng isa sa kanila ang mga nakikiusyosong studyante. Isa-isa namang nagpulasan ito at parang takot na nagsi-alisan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanila sabay hawak sa braso ng humaharang kay Mia.

“Bro igalang nyo naman, babae yan.” Nakatingin ako ng masama sa kanya. Nag-angat ng ulo si Mia at nagulat pa nang Makita nya na ako yung pumigil sa mga nangttrip sa kanya.

“Kala ko ba ayaw mo ng gulo? Wag kang makialam dito.” Galit na inalis ng lalaki ang kamay ko. Napailing ako habang pinipigil ko pa rin na wag manuntok.

“Ryan, hyaan mo na sila.” Mabilis namang sumabad si Mia sabay hatak sakin pero mukhang hindi kami tatantanan ng mga lokong toh.

“Ano pare, siga ka ba dito ha? Kabago-bago mo dito nag-aangas ka. Uubra ka ba ha?! Baka hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo.” Itinulak ako ng pinakamatangkad sa kanila at muntik na kong masaldak sa sahig.

“Tama na, h-hindi naman sya nanggulo ah.” Pagtatanggol ni Mia pero pinagtawanan lang sya.

“Halika sumama ka na lang samin.” Hinatak ng lalaki si Mia at dun na ko nawalan ng control.

Pagtayo ko, mabilis na dumapo sa mukha ng lalaki ang unang suntok ko….after a long time mapapasabak nanaman ako sa away.

Parang nagulat pa sila sa nangyari at napahinto pa ng ilang Segundo bago natauhan. Sumenyas ako kay Mia na pumunta sa likod ko para hindi na sya madamay at nagmamadali naman syang sumunod na parang naintindihan ang ibig kong sabihin.

“Eh g*go pala toh eh!” galit na sabi ng sinuntok ko. Lumapit sakin ang tatlo pa nyang kasama.

Nakailag ako sa suntok ng kaharap ko at dahil sa sanay talaga ko sa basag-ulo, madali ko lang naiiwasan ang mga suntok nila. Wala silang binatbat sa mga nakakaaway ko noon. Sanay nga akong makipag-away kahit may hawak pang lanseta yung kaaway ko ito pa kayang mga kumag na toh.

Pagkatapos umilag sa kanila, ako naman ang bumanat ng suntok at tadyak sa kanila. Ang kinaganda, mas maliksi akong kumilos at mas matangkad sila sakin. Unang tinamaas sa sikmura yung pinakamatangakad sa kanila. Sunod kong nahagip ng tadyak sa tuhod yung isa at suntok sa mukha naman ang inabot ng isa pa. Bago pa makabangon yung pinakamatangkad sa kanila, na parang master din ng frat, hinawakan ko sya sa kwelyo at isinandal sa pader.

“Kilala ko kayo…pero ako hindi nyo pa ko kilala…. Kung pinagmamalaki nyo yung frat nyo alamin nyo muna kung sino ko ha?! Baka mamaya master nyo na pala kinakalaban nyo!” Pabulong pero mariing sabi ko. Nakita ko kasi yung tattoo sa batok nung isa. Isa ko sa founder ng frat na yun at may mga rules kami na sinusunod. Naglie low lang ako nung namatay si Kuya.

“Subukan nyong lapitan ulit si Mia hindi lang yan aabutin nyo.” Dagdag ko pa sabay tingin kay Mia na nag-aalalang nakatingin lang samin.

“Bakit sino ka ba?” Matapang pa ring tanong kahit nacorner ko na. Binitawan ko sya at tinanggal ang unag butones ng damit ko para maipakita yung tattoo din sa dibdib ko. Mga founder lang ng Black Society and meron non at isa na ko dun. Nanlaki ang mata ni mokong nang Makita at biglang natakot.

“S-sorry bro, h-hindi namin alam.” Biglang bumait at umamo ang mga ito. Gusto ko sanang batukan tulad ng ginagawa ko sa mga members na hindi kilala yung founder ng sinapian nilang frat pero mabait na nga ako ngayon.

“Sige na, umalis na kayo.” Sabi ko nalang at nagmamadali silang nagtatakbo paalis.

“Okay ka lang?” marahan kong tanong kay mia pag-alis ng mga siga.

“Oo…salamat sa pagtatanggol mo ha.” Matipid na ngiti. Yun ang reward ko. Pero ok na yun.

“Pero bakit bigla silang natakot?” Nagtatakang tanong ni Mia sabay tingin sa gawi ng mga lalaking nagmmbwisit kanina.

“Ah…yon? Wala…kasi baka naisip nila mas magaling ako wala silang laban…wag kang mag-alala pag ginulo ka pa nila sabihin mo kagad sakin.” Pagyayabang ko pa. Kahit may pagdududa sa tingin ni Mia hindi na lang sya nagsalita at nagsimula nang maglakad palabas ng school.

“Uuwi ka na ba? Hatid na kita?” Parang gusto kong matawa sa sarili ko… Tintamad akong ihatid si Kate kanina pero excited naman ako na ihatid si Mia.

“wag na ok lang ako.” Umiling sya at lalong binilisan ang lakad.

“Mia..basta wag ka nang mag-alala ha pag may nangbubully sayo dito ipagtatanggol kita.” Tinaas ko pa yung isang kamay ko na parang nanunumpa.

Napatitig sakin si Mia na parang nashock na nagulat na ewan. Maya-maya, bigla syang tumawa. Imagine, tumawa! Hindi na basta ngiti lang. Tawa talaga. First time.

“Ang corny mo. Pero salamat Ken-” Sabi nya. Napakunot noo ako. Ken??? Tama ba?

“I mean, Ryan!” Parang nagulat din sya sa nasabi nya at mabilis nyang binawi.

“Ano sabi mo kanina? Ken?” Tanong ko ulit.  Biglang lumungkot ang mukha ni Mia. Ano nanaman kaya nagawa ko?

“Sorry. May naalala lang kasi ako. Parang nangyari na kasi toh dati….hindi nga lang ikaw.” Napatingin sya sa sahig sabay buntong hininga.

“Sino yung Ken?” Tanong ko ulit. Parang gusto ko nanaman magselos. Yun kaya yung nakita kong hinalikan sya sa noo? Boyfriend nya?

“Ex ko.” Sagot nya. Di ko alam pero parang may galit sa tono nya.

“Ex mo?” Tanong ko ulit para lang maconfirm ko. Ex daw..ibig sabihin wala na sila. Hindi present. Hindi boyfriend. Ex.

“Oo. Ex ko..si Kenneth Devera. Sige alis na ko. Bye.” Para kong nakakita nang multo nang marinig ko yung binanggit na pangalan ni Mia. Para kong nawala sa sarili at pinanood lang sya na kumaway sakin sabay alis.

Kenneth Devera….Ex nya….pano nangyari yun? Kelan? Bakit?

~~~

Wooooo si Kuya mo pala yung ex ni Angel mo ha Ryan…tsk tsk tsk…

~Marikit

Continue Reading