He's Mad

By shichimi01

1M 19K 616

What if your oh so Normal life turned into a dissaster after meeting Mr.Right? Ahem, Mr.Right nga ba? Jhiro M... More

Prologue
1: Chiyo
2: Jhiro
3: I'll buy you
3.5 : Marcus
4: Sold
5: Property
6: Rules
7: Gentle
8: Marcus and Jhiro
9: I'm her husband
10: Staying in
11: Kiss
13: Jhiyo Mijares
Teaser
14: Confrontation
15: Run for Wife
16: Sorry Wife
17: French kiss and Wedding Bells
18: 👑 Wedding day 👑
19: The King's distress
20: Reception
Authors Note- Extra Chapter ✨
21: Early Honey Moon
22: Drunken night
23: S.T
24: Honey in Korea
24.5: Honey in Korea 2
Extra Chapter part 2 ✨
25: Heart to Heart
26: Confession ❤️
27: In love in Japan
28: You're mine
29: Closer than ever
30: Melting
31: Big Boss
Extra ( Idle talks )
32: Strategies
33: Approved!
34: Missing him
35: I'm Home/ ST
36: Aftermath
37: Twins
38: Jealousy
39: Cute Wife
40: Save me hubby!
41: Thank you
42: Possitive?
43: Super Woman
44: Like a boss
45: Home
46: Result
47: My Hero
48: Husbands duty
49: Little peanuts
50: Twins!
51: END
EPILOGUE
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
New Story!

12: Not into You

17.9K 304 4
By shichimi01

I'm NOT into you.

-Jhiro

I'm - I'M NOT INTO YOU TOO! Che!!
Chiyo:

💟💟💟

Chiyo's POV

Nang maglapat ang nga labi niya sa akin pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa kaba. My palms sweating, knees shaking, heart thumping and there's this strange feeling inside my stomach parang may mga langgam na nagtipon doon at nagsasayaw. Hindi ko alam ang mararamdaman. It was a forceful kiss.

Kiss nga ba ito? Eh, parang ibinangga lang niya yung lips niya saakin eh. But...why I feel like this? Jusme! Pakiramdam ko malulusaw ako!

I was so busy about Mr. Mijares kiss na hindi ko namalayan ang tatlong pares ng mga matang nakatitig saamin.

" Ahem. " Sabi ng isa.

Doon lamang ako natauhan at biglang itinulak siya ng malakas papalayo saakin, dahilan para mapaupo ulit ito sa kinauupuan niya kanina.

" sorry na-naistorbo ata namin kayo. " Kibit balikat na sabi ni Chris na halatang awkward sa sitwasyon.

" Ate, tuloy niyo na yan! Aalis na kami hehe." Sabi naman ni Chandra habang itinutulak paalis ang Tulalang si Itay at si Chris. Abot sa tenga ang ngiti nito at halatang nasisiyahan sa nakita kanina.

" No,please stay. Me and Mis-- ahem. My Wife needs to discuss things with you guys. " Sabi nito at tumayo mula sa pagkakaupo.

My jaw dropped when I heard him said that.


My Wife.




Wife



Wife..

Nananaginip ba ako?

Nanlalaking mga mata at hindi makapaniwalang expression. That's the exact look we'd been making while looking at Mr. Mijares right now. Na para bang tinubuuan siya ng ikatlong ulo.

Me? Wife? Kailan? Paano?

Tumingin siya saakin at inilapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong.

" Play along with me. If we can't pull this off it'll leave me no choice but to tell the the truth. About you, the contract... Everything. " Napatulala lamang ako sakaniya ng bigla siyang ngumiti at ikinabig ang beywang ko papalapit sa kaniya.

" I want to officially marry your daughter sir. "

Sawakas ay basag ni Jhiro sa halos 3 minutong katahimikan. Kasalukuyan kaming nakaupo at pinapakiramdaman ang bawat isa.

" Magpapakasal kayo ni ate? Kailan po? Uy Bridesmaid ako ah! Please ate saakin na lang yung Bouquet mo ah! " Excited na pahayag ni Chandra. Siya lang ang taong masaya at Hindi awkward saamin ngayon dito sa silid na ito. Malamang hindi dahil wala siyang alam sa contrata namin ni Mr. Mijares, talagang insensitive lamang ito kahit kailan.

" But unfortunately, you can't attend in our wedding. " Pag papatuloy niya. Brushing away Chandra's smile. Napakunot naman ang noo ni Chris. Si itay naman ay Hindi parin nagsasalita.

" Bakit? Bakit Hindi kami pwedeng pumunta? " Takang tanong ni Chandra.

Hinawakan ni Mr. Mijares ang mga kamay kong nakapatong sa mga binti ko and squeezed it gently. I was so shocked about the gentle gesture, na in a moment nakalimutan kong nagpapanggap lamang ito. Alam ko naman eh.. na nagpapanggap lang siya, that the whole time simula kanina, pati ang halik na iyon ay peke lang. It's all for show. Para mapaniwala niya ang pamilya ko na... Mahal niya ako.

And I'm playing along with him. Hindi dahil gusto ko siya. Kundi dahil din sa pamilya ko, para hindi sila masaktan sa kagagahang gagawin ko.

To summarized it all, ikinuwento niya ang tungkol sa kaniyang mga magulang na sadyang ikinagulat ko. Ipinaliwanag din niya ang pagpapatuloy doon ng pag-aaral nila Chandra at Chris. At ang pagpapagamot doon ni Itay. It was like a dream come true. But... I'm not into it.

" So Mr. Manalili, pumapayag po ba kayo? " seryosong tanong ni Mr. Mijares kay Itay.

Tumitig ito mula kay Mr Mijares at bumaling saakin. Lumapit saakin si Itay at naupo sa tabi ko. Ngumiti siya at tinitigan ako. He started at me warmly na Hindi ko mapigilang maluha.

" Anak, masaya ka ba? "

Tanong nito.

Nag uunahang pumatak ang mga luha ko. Napakabigat ng dibdib ko. Gusto kong magsumbong sakaniya at sabihing 'ayoko' 'Hindi po ako masaya' pero nilunok ko ang mga iyon, kasabay ng pait na mararamdaman ko marahan akong pumikit at tumango.

Hinawakan ako ni Itay sa balikat at humarap kay Mr. Mijares na tahimik lamang na nakatitig saamin.

" Ikaw na ang bahala sa kaniya Ijo, Alagaan mo sana ang panganay ko. Marahil hindi mo alam pero si Chiyo ang nag iisang Super Woman ng tahanan namin. Sa murang idad ay nakaya niyang itaguyod mag isa ang pamilya namin. Mula noon, ang tanging hiling ko lamang sakaniya ay ang may mag alaga sakaniya balang araw. Sana protektahan at alagaan mo siya, mabigay ang mga pangangailangan niya na Hindi ko naibigay bilang ama. ." Narinig ko ang pagsinghot ni Itay. Naiiyak ito. Habang si Chandra at Chris naman ay tahimik lamang nakikinig. Bumabaha naman ang mga luha ko.

" Huwag po kayong mag-alala Mr--, I-Itay. Ako na po ang bahala sa anak ninyo. " Wala sa character na sabi ni Mr. Mijares.

" Naku, ang drama na natin! " sigaw ko. Doon naman nag angat ng tingin ang dalawa kong kapatid.

" Oo nga naman! Masaya tayo dapat dahil sa wakas ay kakasal na si Ate! And pupunta kami sa Europe! OMG!!! " Excited na pahayag ni Chandra.

" Si itay kasi eh nag d-drama! " Nangingiting sabi naman ni Chris.

" Abay pasensiya na. Ganito din ang gagawin ko sa mapapangasawa ninyo balang araw! " Sabi ni Itay na napapangiti na rin.

" Oh tama na yan ha Tay! Wala nang iiyak! GROUP HUG!! " Sigaw ko at tumayo. Tumalima naman ang tatlo. Pero nang nakalahad na lahat ang mga kamay namin para sa isang Group Hug, bigla kaming napahinto at napa tingin sa gawi ni Mr. Mijares na nakatitig lamang.

Ahem, awkward...

" Umm-- Mr. Mija-- Jhi-, ...HUBBY! " Pag iiba ko ng tawag sa kanina at hinila siya sa pakakaupo. Nagpahila naman ito at tumitig saakin na para bang nababaliw na ako.

" Hubby ano kaba! Dapat sali ka sa group hug diba " I said sabay ngumiti ng nakakaloko.

" O-Of course. " Sagot niya sabay ngumiti ng pilit. At promise sobrang nakakatawa ang expression niya.

Epic. Hindi niya kasi alam kung paano siya yayakap. Pinilit ko ang sarili kong hindi matawa dahil sa awkwardness niya. Dahil nagmumukha na siya masyadong tanga dun. Hinila ko siya sa kamay at inakbayan sa beywang, at masiglang sumigaw ng GROUP HUG!!

It might be wrong..

A mistake..

A Sin.

But just for today, I'll pretend.

Na masaya ako, Na ok ako.

For my family.

***

AIRPORT

" Ate, Mag behaved ka ah! Wala kami sa kasal mo kaya sana huwag mong aapakan ang gown mo oh kaya ihulog ang singsing OK?! " Ani ni Chandra habang pasinghot singhot.

" Chandra pwede bang sabunutan kita bago ka umalis? Pa isa lang. " 

" Ate wag! Nakatingin yung Hubby mo oh! " pag aawat naman ni Chris saamin.

Napasilip ako sa gawi ni Mr. Mijares na animoy isang celebrity sa airport. Halatang iretable ito dahil pinag titinginan siya ng mga tao. At dahil na rin sa pag tanggi ko sa alok niyang private plane papuntang Europe. Masyado na kasi akong nahihiya sa ginagawa niya para sa pamilya ko. Magmula sa mga bagahe, pamasahe at lahat ng gastusin nila doon ay taking sakaniya, alam kong may kontrata kami pero pakiramdam ko ay sobra na ito.

" Oo na! Mag ingat kayo doon at mag-aral mabuti, no boyfriends OK! Si Itay alagaan niyo. " Pag papaalala ko habang naluluha na naman. Niyakap ako ni Itay at ng mga kapatid ko.

It's hard to be apart from them, pero kailangan. Hindi na kasi bata si Itay alam kong mapapabuti siya doon at para na rin hindi sila masangkot sa anumang chismis na lalabas sa mga balita kapag naikasal na kami ni Mr. Mijares.

At alam ko ding naiintindihan nila iyon.

Habang pinagmamasdan ko ang likod nila papalayo sa akin pakiramdam ko gumuguho ang mundo ko, ang mundo kong umiikot para sa kanila. Pakiramdam ko kasi nawalan ako ng kakampi, ng kaibigan, ng masasandalan, na ngayon ay mag-isa na lamang talaga ako.

Hindi ko namalayang himahagulgol na pala ako ng iyak at pinagtitinginan na kami ng mga tao doon. Natigilan lamang ako ng hinawakan niya ang kamay ko. It's weird kasi sa cold personality nito kabaligtaran naman iyon ng kamay niya. It's warm and comforting.

Pinulis ko ang mga luha ko sa kabila kong kamay at humarap sa kaniya. Expressionless lamang siyang nakatitig sa lugar na pinasukan nila itay.

" S-salamat. " Pag papasalamat ko.

Humarap siya saakin at binitawan ang kamay ko.

" Miss Manalili, don't forget that this is just an act. Don't misunderstand, ginagawa ko lamang ito dahil sa contract. " He said while looking down at me with cold stares.

" And for clarification... " Ibinulsa niya ang dalawang kamay at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nang gasinulid na lamang ang layo ng mukha niya sa mukha ko muli siyang nagsalita na nakapag pakulo sa dugo ko.

" I'm NOT into you. " He said and put that annoying smirk.

Abat! Feeling niya naman iniisip ko yun! Hindi ako feelingero tulad niya no!

Ha!

" I'm - I'M NOT INTO YOU TOO! Che!! "

Sigaw ko habang hinahabol siya paalis.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

348K 26.1K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
564K 12.1K 29
What if you forgot who's the father of your baby? And your baby asks you who's his/her father? What would you say? That's the problem of Deirdre. S...
384K 8.9K 56
Nagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa k...
6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...