Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 39: Dragon Soup

13.3K 452 51
By JoeBeniza

"Kier..."

"Kier please..."

"Kier wake up..."

Nagising ang diwa ko sa mga pag-iyak ng isang babae. Ang lambot ng pakiramdam ko sa likod. Nakahiga na yata ako sa isang kama. Parang nasa hospital yata ako. I hear the beeping sound of the ECG Machine and the smell of medicine. 

Bahagya ko'ng minulat ang aking mga mata para makita ang paligid. Tama, nasa hospital na nga ako. Nakita ko si Valerie na nagbabantay sa akin. Nakayuko lang siya at umiiyak. Hindi pa naman ako patay pero iyak na siya ng iyak. Hmmm... Biruin ko nga.

Ilang saglit pa, pumasok sa kwarto sina Mama at Papa. Kaonti lang ang pagmulat ko sa aking mga mata para 'di nila mahalata na gising na ako. 

Hinimas ni Mama ang likod ni Valerie, "Hija, mag pahinga ka muna, kami na muna ng Papa ni Kier ang bahala sa kanya. Halos isang linggo ka nang nandito at nagbabantay sa kanya. Huwag ka'ng mag alala tatawagan kita agad pag gising niya."

What the?! Isang linggo? Tulog ako ng isang linggo? Ano ba'ng nangyari? Pinilit ko'ng alalahanin ang akala ko'ng isang panaginip. Tama... isang linggo na pala ang lumipas simula nu'ng dukutin kami ni Mr. Valdez at pahirapan ako ni Andrew.

"Tita dito lang po ako, please. Dito lang po ako sa tabi niya. Gusto ko po makita siyang ligtas, gusto ko po'ng malaman agad na okay siya," sagot ni Valerie.

"Hija, huwag ka mag-alala malakas 'yan si Kier. He'll wake up soon... Trust me," sambit ni Papa.

Niyakap ni Mama si Valerie at nilapitan naman ako ni Papa.

Hinimas niya ang ulo ko at inayos ang damit ko. Dumilat ako habang si Papa lang ang nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Papa ng makita na gising ako kaya agad ko siyang kinindatan.

Mukhang na-gets agad ni Papa ang ginagawa ko kaya hindi niya sinabi kay Valerie na gising na ako.

Dad cleared his throat and said, "A... e... Valerie hija, pwede ba makisuyo sa'yo bumili ng makakain? Nakalimutan kasi namin bumili kanina."

Pabirong pinalo ni Mama si Papa, "Ano ka ba naman? Kakatapos lang natin kumain a."

"E... Para mamaya lang sana," giit ni Papa.

Pinagalitan lang siya ni Mama, "Tumigil ka nga. Nakakahiya dito kay Valerie."

"Uhmm... Okay lang po, Tita," sagot naman ni Valerie. Nag punas siya ng luha at ngumite, "Sige po tito, ako na po ang bahala."

Umalis si Valerie at naiwan kaming tatlo nila Mama't Papa sa kwarto.

Kinurot ni Mama sa may tagiliran si Papa, "Ikaw talaga! Nakakahiya doon kay Valerie, inutusan mo pa."

"Aray! Let me explain mahal," sambit ni Papa at tumingin siya sa akin. "Kier anak. Okay na. Nakaalis na si Valerie."

Tuluyan ko'ng minulat ang aking mga mata at gulat na gulat naman si Mama na naiiyak-iyak pa.

Agad niya akong niyakap. "Kier anak! Diyos ko! Salamat po!"

"Hi Ma!" Niyakap ko si Mama at nakipag-fist bump ako kay Papa. "Thanks Pa!"

"Kamusta anak? May masakit pa ba sa'yo? Ano nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Medyo okay na po, pero medyo ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko at ang sugat ko sa braso," sagot ko.

"Ang mahalaga ligtas ka na!" Hinalikan ako ni Mama sa noo at inayos ang aking buhok. "Kailan ka pa gising? Don't tell me matagal na at mag ka-kontsaba lang kayo nitong Papa mo?"

Ngumiti ako. "Kanina lang po, Ma. Gusto ko lang po surpresahin si Valerie pagbalik niya. Buti nga na-gets agad ni Papa e."

Tumawa si Papa. "Siyempre naman! Sa akin ka kaya galing!"

"E 'di kayo na!" Singit ni Mama at nagtawanan kaming tatlo.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin nila Papa at Mama. Kinuwento nila kung sino ang mga dumalaw sa akin. Dinalaw daw ako ng secretary ko na si Alleiea, si Shane, si Aling Evang, si Karlo, si Rex, si Cheska, at maging si kuya Gilbert. Sinabi ko rin ang plano ko'ng surpresa para kay Valerie.

Ilang saglit pa, dumating ang doctor at sinuri ang aking kundisyon.

"Okay! Mr. de Leon you're getting better. You can go home soon. Mayber after two to three days."

Natuwa si Mama sa narinig na diagnosis ng doctor< "Talaga doc? Mabuti naman kung gano'n! Maraming salamat!"

Pag-alis ng doctor, sakto namang dumating si Valerie kaya't nag kunwari ako ulit na tulog pero binuksan ko ng kaonting-kaonti ang mga mata ko para makita ang nangyayari. Um-acting naman sina Mama at Papa.

"Hija, may kailangan ka'ng malaman," malungkot na sambit ni Papa kay Valerie.

Nagulat naman si Valerie, "A-ano po 'yon? Ano po'ng nangyayari?"

Nagkunwari namang umiiyak si Mama. "Hindi ko ito kaya. Mabuti pa... Mabuti pa kayo nalang ang mag-usap." Nagmadaling lumabas si Mama ng kwarto. Ayos talaga 'tong parents ko ang bilis sumakay sa akin.

Bumuntong hininga si Papa, "Valerie, huwag ka sanang pang hinaan ng loob. Ang sabi ng doctor malubha si Kier dahil sa dami ng nawalang dugo sa kanya. Walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising."

Natulala si Valerie at tila maiiyak na. Nilapitan niya ako at niyakap.

"Don't worry... Kahit gaano katagal, nandito lang ako... Maghihintay sa pag gising mo."

"Valerie, ikaw muna sana mag bantay kay Kier a. Pupuntahan ko lang ang Mama niya," sambit ni Papa.

Pinunasan ni Valerie ang luha niya. "Opo tito. Ako na po ang bahala. Hindi ko po siya iiwan."

"Salamat, hija." Lumabas si Papa ng kwarto at sinundan si Mama. Naiwan kami ni Valerie sa kwarto. Inayos niya ang higaan ko at hinimas ang ulo ko.

"Ang daya mo naman e!" Umiyak na si Valerie. "Madami pa tayong pagkekwentuhan 'di ba? Kier naman oh! Gising na please. Miss na kita... Miss na miss..."

Sa loob loob ko, natatawa na talaga ako pero kailangan pigilan. Para mas epic 'yong pag gising ko.

Napabuntong hininga si Valerie at pinunasan ang kanyang luha. Ano kayang nasa isip niya?

"Kier, if you can hear me. Salamat sa pagsasakripisyo mo para sa akin. Halos itinaya mo ang buhay mo para lang iligtas ako. Utang ko sayo kung bakit ligtas ako at walang galos. Gusto ko'ng malaman mo na mahalaga ka rin sa'kin. All this years kahit malayo tayo sa isa't isa..."

Hinawakan ni Valerie ang kamay ko. "...hindi ka nawala sa isip ko."

"May mga time pa nga na nag lalakad lang ako kung saan tapos na-iimagine ko na bigla kitang makakasalubong or mag kaka-bunguan tayo. Kainis ka kasi e! Hindi mo man lang ako tine-text noon as in wala man lang paramdam. Kahit mga post ko sa facebook hindi mo nila-like. Pero ayos lang. Alam ko naman na nag mo-move on ka kay Jana noon. Kung narirnig mo ako Kier, masayang masaya ako na nakita kita ulit. Kaya please! Gising na oh!" Magkasunod na ngite at pagkalungkot ang nakita ko kay Valerie.

Natiis ko'ng huwag muna gumising kahit parang sasabog na ko at kailangan ko na talagang ilabas ang ngiti ko na talagang lalampas pa sa tenga sa mga naririnig ko kay Valerie.

Muling napa-buntong hininga si Valerie, "Lord... Please po..."

Bahagya ko'ng minulat ang aking mga mata para makita ko'ng mabuti kung ano ginagawa ni Valerie. Nakapikit siya at tila nag darasal.

"Lord una po sa lahat. Thank you at iniligtas niyo kami ni Kier sa kapahamakan. Isa lang po ang hiling ko. Sana po gisingin niyo na siya. Sana po gumaling siya agad. Lord sorry po kung palagi ko siyang pinag ti-tripan noon, inaasar, binubugbog at kung dragon ako sa kanya. Nakakatuwa po kasi talaga siya e ang pikon niya kasi..."

Wala na, hindi ko na napigilan. Natatawa na talaga ako na natutuwa.
"Ikaw kaya mas nakakatawa!" Sambit ko at tumawa ako ng tumawa.

Gulat na gulat si Valerie nang marining ang boses ko. "Kier!!"

"Thank God!"  Mabilis siyang yumakap sa akin na para ba'ng isang tao na kay tagal na 'di nakita ang isang special na tao para sa kanya.

Bumitaw siya sa pagyakap, "Teka lang!" Naku mukhang alam niya na. "Kanina ka pa ba gising? Narinig mo ba lahat?!"

Sumipol na lang ako at ngumise, "Secret!"

Tumawa ako ng tumawa at naasar naman si Valerie. Pabiro niya tuloy akong sinuntok sa tiyan. "Nakakainis ka talaga!"

"Wait! Aray! Hinay hinay naman! Still recovering you know. So..."

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Na miss mo pala ako?"

"Yuck! Bakit ko naman mamimiss ang pagmumukha mo'ng mukhang puppy?! Asa ka pa!" Giit niya.

"Cute kaya mga puppies! So cute ako?" Pabiro ko'ng tanong.

"Huh? Okay ka lang? Si Pogi cute na puppy. Ikaw hindi!" 

"Atleast Puppy, ikaw DRAGON!!"

"Tse! Pasalamat ka may mga pilay ka pa... Kung hindi..."

Bumangon ako sa pagkakahiga at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Kung hindi ano?"

Ikinagulat niya ang ginawa ko at talagang napatigil siya. Tinitigan ko siya sa mukha habang dahan dahan pa akong lumalapit sa kanya.

Bigla niyang tinakpan ng kamay niya ang mukha ko at itinulak ito para ibalik ako sa paghiga, "Alam mo... Matulog ka na lang kaya ulit? Mas mabait ka pag tulog e. Tapos huwag ka na gumising a."

"Sus na miss mo lang ako e," nakangisi ko'ng sambit.

"E di wow!" Nakita ko'ng namumula ang mga pisngi niya kaya tinitigan ko siya at nginitian. Agad naman siyang tumalikod.

Biglang pumasok sila Mama at Papa ng kwarto. "Oh kamusta kayo?" Pagbati ni Mama.

"Tita gising na po si Kier!" Sambit ni Valerie na masayang masaya.

"Oo, kanina pa actually. Gusto ka lang daw niya surpresahin."

"Tita naman! Tinulungan niyo pa si Kier," sambit ni Valerie na parang luging lugi at nagtawanan kaming lahat.

Hindi umalis si Valerie sa tabi ko hangang sa ako ay maka-recover. Umuwi na rin sa probinsya si Mama at Papa. Inalagaan ako ni Valerie sa loob ng hospital kaya hindi ko na rin siya masyadong inaasar. Siya din ang nagpapakain sa akin. Grabe, spoiled talaga ako sa Dragon na 'to ngayon. Hindi siya nag sawang gawin iyon para sa akin hangang sa araw na makalabas ako ng hospital.

Umuwi kami sa bahay ko at doon ako nagpatuloy na magpagaling.

"Thanks for waiting! Ready na ang soup!" Sambit ni Valerie na may dala dalang mainit na chicken soup sa kwarto ko.

Medyo hirap pa kasi ako makalakad at gumalaw kaya pinag luto niya ako. Lagi lang ako'ng nakaupo sa may sofa.

Ngumiti ako, "Salamat Valeng! Marunong ka pala mag luto?"

"A... E..." Nahiya siya at hindi makatingin sa akin. "Ang totoo... First time ko ito... S-sana magustuhan mo."

"Sige tikman natin 'yan."  Pinatong niya sa table na nasa harap ko ang soup.

"Kaya mo na ba? Gusto mo ako mag subo sayo?" Alok niya.

"Hindi na Valeng, kaya ko na. Nakakahiya naman sa'yo kung magpasubo pa ako." Tinignan ko ang chicken soup na ginawa niya. Mukhang okay naman para sa isang first timer.

Hinawakan ko ang kutsara at marahang sumalok ng chicken soup. Hinipan ko muna ito ng kaonti at tinikman. Nang lumapat sa dila ko ang mainit na soup...

Oh my god!

Ano 'to?! Dragon soup?! Hindi ko maipaliwanag ang lasa pero hindi masarap!

"Oh, kamusta? Masarap naman ba?" Sabik na tanong ni Valerie.

"Ah oo ang sarap! Grabe! Parang hindi first time!" Sambit ko kahit parang maduduwal na ako.

"Yehey! Igagawa kita next time ng iba pa'ng soup." Masayang sagot ni Valerie.

Naku po! Huwag na please. Naloko na. Paano ko uubosin ito? Kailangan ko ng palusot.

"Valeng pwede mo ba akong ikuha ng kumot sa kwarto sa itaas? Medyo nilalamig kasi ako e."

Ngumiti naman si Valerie. "Sige. Dito ka lang a. Ubusin mo 'yan para gumaling ka agad. May dragon power 'yan."

Oo nga eh. Sa lakas ng dragon power ng soup na ito, lasa ng paa ng Dragon.

Umakyat si Valerie sa kwarto at nang mapansin ko'ng hindi niya ako makikita sa gagawin ko, agad kong tinagawag si Pogi.

"Pogi! Come here buddy! Please help daddy."

Inilapag ko ang bowl para ipakain kay pogi ang Dragon Soup. Buti na lang at matindi ang sikmura nitong aso ko, dahil kinain niya agad ang soup. "Good boy!"

Malapit na sanang maubos ni Pogi ang soup ng biglang dumating si Valerie.

"I got the blanket!"

Agad kong kinuha ang bowl kay Pogi at kunwaring kinakain ko ito.

"Salamat Valeng! Grabe ang sarap ng soup mo!"

"Talaga?" Sinilip niya ang bowl. "Oh malapit mo nang maubos a. Ubusin mo na."

Patay!

"Huh? Uhmm.. Busog na yata ako eh."

Kumunot ang noo niya. "Kier naman, dapat mo'ng ubusin 'yan para gumaling ka agad. Iinom ka pa ng gamot pagkatapos niyan."

Umiling ako at nagkunwaring nanghihina.

Kaso walang effect kay Valerie. "Sige na! Mga tatlong subo na lang 'yan."

Napalagok ako. Patay talaga! May laway na ni Pogi 'to e.

"Ubusin mo na. Dali!"

Naku galit na siya.

"Yes Ma'am!" Kinuha ko ang kutsara at sumalok ng soup. Dahan dahan ko itong inilapit sa bunganga ko.

Habang papalapit, parang nakikita ko ang mga bacteria sa soup na nag diriwang dahil malapit na silang makapasok sa katawan ko.

Tulungan niyo po ako! Magkakasakit yata ako lalo.

Pumikit na lang ako at inisip na ramen ang kakainin ko. Isusubo ko na sana ang kutsara nang biglang tumunog ang doorbel ng bahay.

"Teka, titignan ko muna kung sino nasa labas," sambit ni Valerie at agad siyang pumunta sa labas ng bahay para tignan kung sino ang nag doorbell sa gate.

Wew! Save by the bell! Swerte pa rin!

Agad ko'ng pinakain muli kay Pogi ang soup at agad niya itong naubos. Good boy!

Ilang saglit pa ay bumalik si Valerie sa loob ng bahay kasama si Shane.

"Kier, si Shane pala ang nag doorbells sa labas."

"Hey Shane, kamusta, na padalaw ka?" Bati ko.

"Gusto ko lang sana makita si Valerie," sagot ni Shane at tinanguan niya ako. "Kamusta ka na?"

Kinuha ni Valerie ang bowl sa mesa, "wait lang a. Dalhin ko lang ito sa kusina."

Naiwan kami ni Shane sa sala at umupo siya sa sofa na nasa tapat ko.

"Kier... Ang totoo niyan kaya ako naparito..."

Seryoso ang mukha ni Shane at para ba'ng ang tapang ng tingin niya sa akin.

"...ay para kunin na si Valerie."

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 210K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
4M 149K 46
Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at...
3.1M 101K 44
(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't kill me had better start running." - Erin...
963K 31.8K 23
(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from the world?