Cold-blooded Hunter (gxg) Mik...

By iM_jho19

76.4K 2.3K 812

Vampire-hunter A heartless hunter who kills vampire without mercy. A hunter who kill even a 5 years old girl... More

CH
chap. 1
chap. 2
chap. 3
chap. 4
chap. 5
chap. 6
chap. 7
chap. 8
chap. 9
chap. 10
chap. 12
chap. 13
chap. 14
chap. 15
chap. 16
chap. 17
chap. 18
chap. 19
chap. 20
chap. 21
chap. 22
A/N

chap. 11

2.7K 97 11
By iM_jho19


Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko, nakarating ako agad. Pagabi na pero alam kung nandito pa ang tita ko. Alam kong gabi na siya umuuwi.

Nagmamadali akong sumakay sa elevator papuntang opisina niya. Kilala naman ako ng tao doon kaya hindi na ako dumaan sa front desk.

Paglabas ng elevator, walang katok-katok na pumasok ako sa opisina ni tita.

"Aunt Sarah." Tawag ko dito sa malamig na boses na umayon sa suot kong halos itim lahat mula sa sapatos hanggang sa jacket.

Napaangat naman ang tingin si tita Sarah ng marinig ang boses ko. Naka suot naman ito ng pang opisina at nakasalamin din ito. Pero alam ko na props lang yun. At ang bata pa ng mukha ni tita kaya kailangan niya magsalamin para magmukhang mature siya katulad ng edad niya.

"Ow, why are you here, my dearest niece?" Tanong niya sa akin

"I need your help." Malamig kong sabi parin kay tita.

"Okey. What kind of creature?" Sagot niya at tanggal sa salamin at sumandal sa upuan.

Napatahimik ako. Naghintay si tita Sarah sa sagot ko pero hindi ako makatingin sa kanya. Na kahit minsan ay hindi ko ginawa.

"You want my help to kill a rogue, right?" Iling lang ang naisagot ko sa tanong na yun. "E ano?"

"I need your help" and a long pause. "Help, for a fr-friend."

"What can I do to your friend?" Nakataas ang kilay nitong tanong. "And as far as I know, wala kang kaibigan maliban bilang isang ka team mates lang." And she cross her arms in front of her chest.

"Okey, I need your help for a transtorming vampire." Diretso sa mata ang tingin ko ng sabihin ko yun.

"Why not kill it?" Taas kilay na tanong ni tita sa akin. "Pumapatay ka ng walang awa, anong bago doon?"

Yes, I kill every rogue and people that just bitten by a vampire. Hindi ko na hinahayaang maging bampira pa ito ng tuluyan. Pinapatay ko ito ng walang kahirap-hirap, bata man o matanda, babae o lalaki. Wala akong awa kung pumatay.

Pero ngayon, hindi ako sumagot kay tita. Yumuko lang ako at napakuyom ng mga kamay ko. Bago ang bagay na yun sa akin kaya napakahirap lunukin ang pride ko para humingi ng tulong sa tiyahin ko.

"Please auntie. Help her. Kapag ako lang, hindi ko alam kung mabubuhay pa siya sa pagbabagong anyo niya. Wala akong alam tungkol don, tulad ng sabi mo. Pumatay lang ang alam ko." Alam ng tiyahin ko na nilunok ko na ang pride ko na kahit minsan ay hindi mo makita sa matigas kung pag-uugali.

"Who bite her?"

"I rogue, and I kill him already." Puno ng pride na sabi ko pero nababakas parin ang pag-aalala ko. Nagsinungaling ako sa sinabi ko, hindi rogue si Andres at hindi ako sigurado kung napatay ko siya. Pero si lolo lang ang kakausapin ko tungkol doon. Basta ngayon ay matulungan lang si Mika.

"And what is this girl to you?" Tanong ni tita na hindi inaalis ang tingin sa akin na kanina pa pala ako pinagmamasdan.

"Wa-wala."

"Wala? Wala lang?" Nakataas ang kilay na sabi ni tita. Tumayo na rin ito at itinukod ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. "Kill her."

"NO." Matigas kong biglang pagtanggi..

"She's nothing to you. So, bakit mo pa siya bubuhayin, bakit siya exemption na patayin ng isang cruel/merciless/heartless hunter na nag ngangalang ALYSSA VALDEZ?" Pasigaw na sabi ni tita Sarah sa akin.

At isa siyang half-vampire, half-hunter inborn. At yun ang dahilan kung bakit sa kanya ako humihingi ng tulong kasi siya lang ang makakatulong talaga sa akin. And Mika was bitten by a vampire at ngayon ay nag-aagaw buhay.

"Oo. Importante siya sa akin auntie. I love her, I'm in love to that girl that is fighting for her life now." Napasigaw na ako sa tiyahin dahil nagalit ako ng sabihin nitong patayin ko na lang si Mika.

"What's the name of the girl?" Mahinahon ng tanong ni Sarah sa akin. Nakatingin lang ito sa akin ng diretso kaya medyo naiilang ako.

"Mika Reyes." Wala sa sariling sabi ko habang may kunting ngiti sa mga labi.

At nakita kong napangiti na lang din si tita Sarah dahil ngayon niya lang nasilayan ang ngiting kong iyon. And I know, she's thankful to that girl, Mika.

"Okey." At dinampot ang susi ng sasakyan."Let's go." Naglakad na ito palabas ng opisina.

"W-what?" Nagtatakang tanong ko dito sa pagbabago ng emosyon nito..

At lumingon naman ang tiyahin ko na ang lawak ng pagkakangiti. "Ano? Ayaw mo bang puntahan ang prinsesa mo?" Sabi nito na may himig ng panunukso.

Hindi na naghintay pa si tita Sarah sa sasabihin ko na pamangkin niya at naglakad na palabas ng gusaling yun.

Habang sa mukha ko ay gumuhit ang ngiti at nagkaroon ng pag-asa.



Pagbaba namin ng gusali ay medyo madilim na. Kaya naman nagmaddali na kaming sumakay sa motor ko. Kasi pag nagsasakyan pa si auntie, mas matatagalan kami.

Pagkasakay na pagkasakay ay umalis agad kami. Singit ako ng singit para mas madali kaming makarating sa bahay.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin. At sigurado akong nagtataka si auntie kung bakit ako nagmamadali.

"Bakit ka nga pala nagmamadali?" At nagtanong na nga habang papasok kami ng bahay. Sasagot pa sana ako pero may nagsalita nang isang tao na nanggaling sa basement.

"Mabuti naisipan kong pumunta dito." At tiningnan ako sa mata. "Dahil kung hindi, patay na ang babae." Sabi pa nito at naghugas ng duguang kamay. Hindi ko alam kung saan galing ang dugo kasi naghalo-halo na ang amoy. "Hi mom." Bati pa nito sa ina habang naghuhugas sa lababo.

"Anong sinasabi mo Sky? Hindi siya mamamatay kung simpleng kagat lang." At tumingin sa akin si tita Sarah.

"May lason ang venom ng kumagat mom. Talagang papatayin siya ng kung sino man may gawa non." At humarap na ito sa amin. "Pinainom ko na rin ang dugo ko sa kanya para hindi diya maging rogue at hayok sa dugo na bampira."

"Pero may kalahating witch ka Sky." At ako na ang sumabat.

Tumango naman ito. "Pero hindi niya naman magagamit yun kasi hindi siya pinanganak na witch. Maliban kung pag-aralan niya ang spell. Pero, mas nasa dugo niya ang venom ng isang bampira kaya mas lalabas ang pagiging bampira talaga niya." Paliwanag nito na kinatango ko naman.

Hindi na nagsalita pa si tita at bumaba na sa basement. Hndi na rin ako nagtanong kung paano siya nakapasok. Magugulat ka sa kayang gawin ni Sky.

"Oo nga pala. Magiging okey lang ba sayo na palagi niya akong kailangan? Para narin kasi ako ang naglikha sa kanya. Isa din yung paraan para makontrol ang mga katulad nilang bampira. A turned vampire." Sabi ni Sky na nakakapit sa braso ko habang naglalakad kami pababa.

At dahil nga wala naman akong alam sa ganung bagay at sa pagpatay lang ako magaling, tumango na lang ako. Pero isang bagay lang ang iniisip ko, paano kung hindi ako ang mate ni Mika. Ngayong bampira na siya at malalaman niya na ang ganong bagay.

"Hey, ano naman iniisip mo?" Siniko na ako ni Sky at tumingin sa mom niya na nakatingin din sa akin.

"Ba-bakit po auntie?" Nautal na ako dahil sa ibang tingin na binibigay niya. Oo nga, tinatawag nila akong heartless hunter, pero pagdating sa tiyahin ko, natatakot ako sa kanya dahil iba siya kung magalit.

"Magpaliwanag ka." Matigas nitong sabi na nagbago pa ang mata. Ang dating green nitong mata ay naging dilaw hanggang maging ginto na ito. "Bakit siya may lason?"

Napayuko naman ako dahil doon. Wala ng saysay pa magsinungaling.

"I rescue her." And I tell her all the things that happened from the start. How, when, where I met Mika. How my feelings develop as time passes by. About the stalker, about her ex. My confession. And what Mika tell me, the meeting, when i follow her and interrogate one of the vampire, what their plan is. And the time I follow them to the secluded area and see what he do to Mika.

"Father know this?" Tanong ni tita na kinayuko ko. Hindi ko pa kasi nasabi dahil nagmamadali nga akong pumunta sa kanya. Tapos litong-lito na ako. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Mika lang.

Huminga ng malalim si tita at kinuha ang telepono niya at may tinawagan. Palagay ko si lolo na yun.

"Nandito po ako ngayon, lagay ko po kayo sa speaker." Sabi ng tiyahin ko na siguradong si lolo nga.

"Alyssa." Sabi agad ni lolo.

"Po?" Sagot ko lang dito.

"Okey ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sayo?" Bakas ang pag-aalala sa boses nito kaya na guguilty ako na sinuway ko siya. Lalo't hindi pa tapos ang parusa sa akin.

"Opo. Sorry po lolo." Sabi ko sa mahinang boses. Huminga naman ito ng malalim bago sumagot.

"Okey lang apo. Basta ang importante ay ligtas ka. Pero may problema tayo ngayon sa pamilya nila. Pinatay mo ang anak ni Lord Ravena. Kaya ngayon ay galit din ang anak niya." Sabi ng lolo ko.

"Pero lo, pwede pa siya iligtas noong iniwan ko siya doon. Hindi ko siya nasunog kaya kung mamadaliin ay mabubuhay pa nila yun." Sabi ko kay lolo.

"Naniniwala ako apo, pero ang sabi nila ay pinugutan mo ng ulo, dinukot mo ang puso at sinunog mo ang kabahayan. Nakita pa daw ng anak ni Lord Ravena ang bangkay ng kapatid pero hindi na siya makapasok dahil ang bilis kumalat ng apoy." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni lolo.

"Ano mangyayari ngayon ama?" Si tita na ang sumagot kasi parang hindi ko maisip na yun ang mangyayari. Nagkasala pa ako na siguradong dadamay sa iba pang hunter.

"Bilang kabayaran, ipakasal ko daw si Alyssa sa anak niya." At tumahimik ito sandali. Kinabahan naman ako kung ano ang sasabihin ni lolo. "Na hindi ko gagawin."

Nakahinga naman ako ng maluwag habang ngumiti naman ang mag-ina. Kasi kahit kailan ay ayaw nila ang mga ganung bagay.

"At dahil ayaw ko, magbabayad daw ang hunters. Pero palagay ko iba ang binabalak ng anak niya. Narinig ko pa kasi ang usapan nila dahil bigla na lang iyong pumasok sa silid habang kausap ko ang ama niya. Galit na galit ito at may hinanggot na pangalan. Kilala mo ba Alyssa?" Tanong niya sa akin na sigurado siyang alam ko ang sagot.

"Opo. Si Mika po. Ang dating kasintahan niya." Sabi ko dito.

"Tama ka. At gusto niya itong makuha." Huminga ito ng malalalim. "Pag-usapan na lang natin ang iba pang bagay ng personal. Sa ngayon, kamusta na ang kalagayan niya?"

"Okey na po siya lo. Pinainom ko po siya ng dugo ko para hindi po siya maging rogue." Nakangiting sabi ni Sky parang tuwang-tuwa pa sa ginawa niya.

"Paano yan apo? Kalahating witch ka?" Nagtataka nitong sabi at ngayon ko lang naisip ang bagay na yun.

"Kalahating bampira naman po ako eh. Tapos, nasa dugo niya na po ang venom, at sa tulong ng dugo ko, kaya niya kontrolin ang gutom niya, tulad ko po." Nakangiting sabi ni Sky. Tama naman siya, kasi siya lang ang bampirang hindi umiinom ng dugo basta medyo hilaw lang ang karneng kinakain niya. Mas sinakop niya kasi ang pagiging witch niya kaya mas yun ang nangingibabaw sa kanya.

"Mabuti nga hindi na lumabas ang pagkakalahating tao ng mom mo para maging kalahating bampira kayo. Kung hinid, hindi mo siya magagawang iligtas." Napangiwi naman si Sky kasi tama ang lolo namin. "Siya, aasikasuhin ko na ang mga hunter. Sarah," tawag nito sa tita ko na pinagmamasdan si Mika. "Ikaw magsabi sa mga Reyes sa totoong nangyari. Alam nila ang existing natin."

At nagpaalam na ang lolo. Bumaling naman ako sa tita ko para mag tanong. "Nasaan po ang parents niya?"

"Nasa States ang lahat ng pamilya niya. At alam ko hindi nila mapupuntahan si Mika. Kaya mas mabuti pang dito muna siya. Habang nagbabago siya, hindi siya pwede ilipat. Punasan mo na lang siya kahit hindi naman na kailangan." Nakangiting dabi niya ng matapos niyang titigan si Mika at bumaling sa akin. "Nice choice." Panunukso nitong sabi.

"Auntie naman." At napakamot pa ako sa ulo ko. Natawa naman ang mag-ina lalo na alam ko namula ako at ngumiti.

"Iba talaga epekto niya sayo ano?" Siniko pa ako ni Sky na may panunukso. Hindi pa ako tinigilan hanggat hindi ako umamin.

"Oo na." At bumaling ng tuluyan dito. "Bakit ka pala nandito?" At napangiwi ito sa tanong ko.

"Kasi- kasi..." hindi na natuloy ni Sky ang sasabihin ng nagsalita si tita.

"Pinagalitan ka na naman ng mommy mo?" Tanong ng mom niya, na kinatango naman ni Sky at yumuko. Huminga naman ng malalim si auntie. "Siya, sige. Dito ka muna, mabuti na ring may magbantay sa kanya." At tinuro si Mika. "At gabi na rin, kaya aalis na ako. Baka sa akin pa magalit ang mommy mo." Nakangiting dabi ng tita ko at mom ni Sky.

Humalik muna siya sa aming dalawa at damung binilin sa amin. Tumango lang kaming dalawa.

"Tara. Kain tayo. Gutom na ako." Sabi ni Sky na kinatawa ko naman habang sumusunod sa kanya palabas ng silid.

Bago ako lumabas bumaling muna ako sa natutulog na Mika. "Maghihintay ako babe." Bulong ko sa isip ko bago tuluyang lumabas.

Lumipas ang mga araw at katetext lang ni Sky na gising na siya. Actually, isang buwan din yun. At mabuting ang pamilya niya ang gumawa ng excuse sa pagkawala nito.

Mabuti na rin yun at walang ibang magdududa pag na laman nilang nasa akin siya.

Pagpasok ko sa bahay ay ni lock ko agad ang pintuan. Nilapag ko na rin ang pinamili ko sa malapit ng grocery store kanina.

Nagmamadali akong bumaba kasi sabik na akong makita siya.

Pumasok agad ako sa secret door. Natakbo akong pumasok sa isa pang pintuan.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nabalibag ko ang pintuan dahil sa excitement. Pero mali ata ang ginawa ko.

Si Mika, nakaupo sa kama. Kalalapag lang ang isang blood bag. At ang mas malala, nakatingin ito sa akin, na nanlilisik ang mata.

'Tanga lang Alyssa.' Bulong ko sa sarili ko. Bakit hindi ko man lang naisip na bampira na siya.

Kaya bago pa ako makareact. Hawak na ni Mika ang leeg ko.

Kaya ko siya labanan pero hindi ko siya kayang saktan. Mahal ko ang babaeng ito kaya okey lang akong ang masaktan.

She hiss at me ang push me to the close door. Kailan pa sumara yun? Baka si Sky para hindi makalabas si Mika.

"M-miks, ako to." Nahihirapan kung sabi habang sakal niya parin. Habang ang magaling kong pinsan nakatingin lang.

Mika release another sound and trow me on the floor. I curse under my breath cause it my back hit on the floor and it's really hurt.

And in a blink of an eye, she's straddling on me. Nanlaki ang mata ko lalo pa ng lumabas ang pangil niya at lalong namula ang mata.

"Bakit mo kasi inisturbo ang pagkain niya?" Sabi ni Sky na pumalatak pa. Aba! Malay kong kumakain pala siya.

Pababa na ang ulo niya sa akin pero dahil siguro sa adrenaline ko. Naitulak ko siya ay nagtangkang tumayo. Pero hindi ko pa nagagawa, nakasandal na ako sa pader. Hindi lang yun, sobrang lakas ng pagtama ko kaya ang sakit din sa likod. Hindi ko alam kong may nabaling buto ko.

Pero napatigil si Mika sa paggalaw ng nakatingin siya sa akin at umaamoy.

"Oh ow. Alis na ako. I'm not needed here for a while." Sabi ng magaling kung pinsan at nag wink pa bago nawala.

"What now?" Sabi ko na lang habang nakakulong parin sa pagitan ni Mika at ng pader.

Continue Reading

You'll Also Like

209K 2.2K 11
DATE STARTED : DECEMBER 25,2014 DATE FINISHED : DECEMBER 25,2015 SEASON 1
231K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
75.6K 1.5K 57
Basahin muna ung book one nito bago ito.. Hahahahaha.. xD
She Devil By cally

Mystery / Thriller

226K 8.2K 44
She sins like the Devil. She loves like the Angel.