Imperfectly Perfect

By HoneyGo7

9.4K 239 8

A story of believing in perfect love and looking for the perfect one. We will witness how a man searched for... More

THE BLURB
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
EPILOGUE

Chapter 23

140 4 0
By HoneyGo7

"Sa wakas may tao na. Akala ko nasa dead end na tayo eh. Manang, pwede po bang magtanong?" ani Rio sa unang taong nadaanan nila ng makarating sa isang liblib na barrio matapos ang mahigit isang oras na paglalakad ng bumaba sila sa de pasaherong bus mula sa Davao City.

Dahil sa wala naman talagang particular na direksyong tatahakin ay nagpahatid sa taxi sina Rio at Alana sa isang bus station na patungo sa iba't ibang dako ng Davao. Sumakay sila sa isang bus at napadpad sa isang maliit na barrio malapit sa dagat.

"Aba'y pwedeng pwede naman. Ano ba 'yong atin, Hijo?" Magiliw namang sagot ng Ale na nagwawalis sa labas ng bakuran nito.

"Eh hinahanap po kasi namin si Carlito Gomez dito eh. Kilala po ba ninyo siya?" Magalang na tanong ni Rio sa matandang babae.

"Naku eh sa liit ng barrio na ito kilala ng mga tao ang bawat isa. Eh walang Carlito na nakatira dito, Hijo." Sagot naman ng matanda na ngayon ay itinabi na ang walis na hawak, inayos ang salamin sa mata nito at binistahan sila ng tingin. Natanggal na nina Alana at Rio ang disguise na suot kanina pa sa bus sapagkat kampante silang wala ng makakasunod pa sa kanila sa lugar na ito.

"Naku, ganoon ho ba? Paano na 'yan, mahal? Wala naman pala dito ang tatay mo." Malamang wala talaga kasi nag aalibi lang si Rio para makahanap ng matutuluyan sa barrio.

Wala siyang nakuhang sagot mula kay Alana kaya hinarap na lamang niya ang matanda. Hindi manlang nito sinuportahan ang arte niya.

"Paano ho ba ito, Manang? Mukhang maling impormasyon ang nakuha namin. Manang, may alam po ba kayong bahay paupahan dito? Eh napadpad po kasi kami ng Davao para hanapin ang tatay niya. Galing pa po kaming Maynila kaya hindi po kaagad namin kayang bumalik doon. Desidido rin po kaming hanapin ang tatay niya kaya mananatili sana kami dito sa probinsya ninyo kahit mga ilang linggo lang. Baka kasi nasa kalapit barrio lang naman ang tatay niya." Paliwanag ni Rio. At the back of his mind, pinapanalangin niya na sana maniwala ang matanda sa alibi niya para pwede silang makapagtago sa lugar na ito.

"Naku, walang ganyan dito, Hijo. Ni wala pang kuryente sa barrio na ito kaya walang taga bayan ang nagtatangkang mangupahan dito kahit na maganda ang dagat sa lugar namin. May nagagawi pero hanggang hapon lang sila at umuuwi rin sa bayan. Doon kasi may mga bahay paupahan. Halos 2 oras kasi ang layo nito mula sa bayan. Mainam nga lang na dito naipatayo sa malapit ang highway na dinadaanan ng mga bus papunta sa mas malayong probinsya kaya hindi masyadong mahirap ang transportasyon. Mahigit isang oras lang ang paglalakad patungo sa highway." Napasigaw na lamang ng 'yes!' si Rio sa utak dahil tamang tama ang lugar na ito na mapagtaguan nila. Walang kuryente which means walang tv kaya hindi sila mangangambang makikilala sila ng mga tao sa lugar na ito.

"That's better. Este... ang ibig ko pong sabihin ay ayos lang po. Hindi naman marangyang hotel ang hinahanap namin. Ayos na po sa amin kuhit dampa lang basta may matuluyan kami. Kailangan lang po talaga naming mahanap ang tatay ng asawa ko." Napatingin si Alana kay Rio dahil sa sinabi nito pero hindi manlang ito kumibo.

"Kung gusto n'yo talagang dumito, sa bahay ko nalang kayo manatili. Dalawa lamang kami ng anak kong babae sapagkat ang anak kong lalaki ay nasa Maynila at nagtatrabaho. Bakante ang kwartong ginagamit niya kaya pupwede kayo doon pansamantala." Napayakap si Rio sa matanda dahil sa tuwa.

"Naku, sobrang salamat po, Manang. Hulog po kayo ng langit sa amin."

Napangiti naman ang matanda sa tinuran ni Rio.

"Ano baga ang pangalan ninyo, Hijo? Tawagin nalang ninyo akong Nana Ameng. Amelia ang tunay kong pangalan." Pakilala ng matanda.

"Ako po si Ralph at ang asawa ko po si Dana."

"Kay gwapo mo, Hijo, at kay ganda naman ng asawa mo. Bagay na bagay talaga kayong dalawa." Nakita niyang namula si Alana sabay irap sa kanya kaya nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis.

"Salamat po, Nana Ameng."

"Naku, hali na nga kayo sa loob at mukhang aambon pa. Hija, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik eh." Puna nito kay Alana habang papasok sila ng bakuran.

"Ayos lang po ako, Nana. Napagod lang po talaga sa byahe." Ngumiti ito sa matanda.

"Ganoon ba? Nakakapagod nga talaga ang biyahe papunta dito. Malayo kasi itong amin. Siguro gutom na gutom na rin kayo. Ano ba ang gusto mong kainin para sa hapunan, Hija?"

"Naabala pa po namin kayo, Nana. Kahit ano nalang po."

"Wala iyon. O siya ihahatid ko muna kayo sa kwartong gagamitin ninyo. Magpapaluto na din ako ng tinolang manok at magpapaihaw ng isda para sa hapunan." Nakangiting turan ng matanda habang papasok sila sa bahay.

"Magbibigay nalang po ako ng panggrocery bukas, Nana, para hindi po kami maging pabigat sa inyo."

"Naku, 'wag mong alalahanin 'yon, Hijo. Masaya akong makatulong sa inyo. Oh nandito na tayo. Pagpasensyahan n'yo na ang magiging kwarto ninyo."

"Wala po iyon, Nana. Ayos na po sa amin ito." Sagot ni Rio habang binibistahan ng tingin ang isang kwartong may papag na gawa sa kahoy. Gawa din sa kahoy ang dingding nito at pawid ang bubong imbis na yero.

"O siya. Maiwan ko na muna kayo at ng nakapagpahinga kayo bago maghapunan.

"Salamat, Nana."

Nginitian lang sila ng matanda bago tumalikod. Nauna namang pumasok si Alana at kaagad na umupo sa papag.

"Ano ba ang problema, Alana? Bakit kanina mo pa ako hindi kinikibo? Kahit na isang oras tayong naglakad at dada ako ng dada ay wala manlang akong narinig mula sa'yo. Kung hindi ka nga tinanong ni Nana kung bakit ka tahimik at kung ano ang gusto mong kainin hindi ka pa magsasalita. May nagawa ba akong kasalanan sa'yo?" Tanong nito sa kanya ng makapasok na sila sa kwarto.

"Ano naman ang sasabihin ko? Kaya mo namang magdesisyon ng wala ang pahintulot ko, 'di ba? So bakit pa ako kikibo?" Sagot nito sa kanya.

"Shhh! Hinaan mo lang ang boses mo. Baka marinig tayo ni Nana. Baka isipin pa n'on na nag aaway tayo." Mahinang saway ni Rio kay Alana.

"Eh bakit hindi kita aawayin? Eh hindi mo manlang ako binigyan ng pagkakataong humindi sa mga kagustuhan mo. Look where we are now. Nasa isang liblib na lugar na wala manlang kahit na kuryente. Hindi sa nagrereklamo ako ha? Kailangan din nating makibalita sa nangyayari sa labas. Paano na ang kaso? Paano na ang problema ko kay Mr. Stermon?" Pagalit na tanong ni Alana kay Rio pero mababa na ang boses nito.

"Don't worry, bago tayo umalis ng Palawan kanina may kinausap na akong tao na mag iimbestiga sa mansyon ng Mr. Stermon na iyan. Once in a while ay ioopen ko itong phone ko kung may message mula sa kanya. May powerbank naman ako kaya hindi ako nag aalalang malowbat kakahintay sa text niya. Magpapabili nalang tayo ng generator sa bayan para lumiwanag itong bahay. Pati na electric fan para hindi ka mainitan. Masosolve din itong problema mo. Ang mas importante sa akin ay mailayo muna kita mula sa mga taong naghahanap sa'yo. Your face had been all over the news because of me. Hindi malabong mapanood ng Mr. Stermon iyon o ng isa manlang sa mga tauhan niya ang interview mo. Mas dilikado ka kung pagala-gala lang tayo sa mata ng media at nakakasalamuha ng iba't ibang tao. Hindi natin alam kung sino ang kalaban mo. Gusto ko lang maging ligtas ka, Alana, and curse me for being selfish pero gusto kitang masolo."

Hindi nakaimik si Alana sa sinabi ni Rio. Naguiguilty siya sa pagtataray niya dito samantalang walang hinangad ang lalaki kundi ang ikabubuti lamang niya.

"Huwag kang mag aalala. Hindi tayo mauubusan ng panggastos kahit isang taon pa tayong nandito. Nakapagwithdraw ako bago umalis ng Palawan. Mas makabubuting hindi rin tayo gumamit ng kahit na ATM para hindi nila matrace ang kinaroroonan natin. Maski sina Josh ay walang alam dito. Magpalamig na muna tayo dito habang inaasikaso ng kinuha kong imbestigador ang problema mo kay Mr. Stermon."

"Sa-salamat, Ralph. And sorry for being short-tempered and childish." Nakalabing ani Alana kay Rio.

"Ang cute mo kapag nagpapout, Alana. Hmmm. Can I just call you 'baby'?" Inirapan siya nito kaya napatawa siya. "Oh bakit? Masama ba? You'll soon be my girlfriend kaya siguro naman ayos lang na tawagin kitang baby ko. Para kasing baby. Saka baka matawag kita sa pangalan mo kasi nasanay naman akong tinatawag kang Alana. Siguro naman makakasanayan ko ring tawagin kang baby ko."

"Tse! Ewan ko sa'yo. Doon ka nga muna sa labas. Magbibihis lang ako." Tumayo si Alana at naghalungkat ng damit sa bag na dala.

"What's the use of going out? Eh halos nakita ko na iyang buong katawan mo. Ilang beses ka na kayang nagswimsuit sa harapan ko. Saka nakita ko na iyang 'ano' mo ng minsan. Sumilip kasi ang pintuan ng langit ng itaas mo ang paa mo habang kumakain tayo sa pool noon." Natatawang sabi ni Rio.

"Ralpppphhhh! I said get out!" Sigaw ni Alana sabay bato ng hawak na tshirt kay Rio.

"Hahaha! Okay fine. Lalabas na po." Pero imbis na lumabas ng pintuan ay lumapit ito sa dalaga at ninakawan ito ng halik sa labi. "I'll make sure magugustuhan mong kasama ako, Alana. Papaligayahin kita ng buong puso." Makahulugang sabi niya sabay kindat. Nakita niyang namula ito at akmang aambahan siya ng sampal kaya agad siyang tumalilis palabas ng kwarto habang tumatawa.

Narinig niya ang pagsigaw nitong muli sa pangalan niya kaya lalo siyang natawa.

"Magiging ligtas ka sa piling ko, Alana. Mamamatay muna ako bago ka makuha ng Mr. Stermon na iyon."

Continue Reading

You'll Also Like

70.9K 6K 64
A collection of short Drarry moments about their fluffy friendship. Each story builds towards the epiphany in the two oblivious young men that their...
329K 5.1K 48
The Perfect Love sequel! Y/N and Spencer are a year and half into their engagement. Y/N is finally finishing up college and heading to training for...
462K 7.2K 35
Y/N's friends convince her to go out and let loose after a long week at work...although she doesn't want to she agrees to go. She recently left her c...
4.2K 268 10
Stop crying and laugh (I'm also making this because I have too many memes in my gallery so I can just store them here instead of course.) ...