Chapter 24

132 4 0
                                    

"Cous, nahanap mo ba sina Alana?" Tanong ni Josh kay Caevhen ng magkita sila sa hotel ng gabing iyon.

"Wala eh. Halos nalibot ko na itong buong Puerto Princesa pero wala talaga sila. Kayo? Nahanap n'yo ba?"

"Wala din eh. Pinauwi ko na nga lang sina Jockey at si Justin. Hintayin nalang natin si Jim. Hindi ko kasi macontact pero tinext ko na rin na umuwi na siya kasi maggagabi na. Bukas nalang natin ituloy ang paghahanap."

Nagbigay si Josh ng tig iisang picture nina Alana at Rio sa mga kasama para mas madali sa mga mapagtatanungan nilang tao na marecognize ang mga ito sakaling nakita nila ang dalawa. Umikot sila sa mga palengke, simbahan, parks, at kahit sa mga tourist spots sa lugar pero wala ni isa man lamang na nakapagsabi kung nasaan ang dalawa. Halos dumugin na sila ng fans sa paghahanap pero wala ni anino nina Alana at Rio silang nakita.

"O andito na pala si Jim. Anong balita, bro?" Agad na tanong ni Josh ng makalapit na ito sa kanila.

"They took the flight na nadatnan nila sa airport this morning. 'Yong patungong Davao. Nagtanong ako sa mga drivers ng mga shuttle services nitong hotel kanina and fortunately isa sa mga ito ang naghatid kina Alana at Rio sa airport. Natagalan lang ako dahil kinailangan ko pang hintayin ang manager nila. Hindi kasi basta-basta naglalabas ng pangalan ng mga pasahero ang staff sapagkat nasa policy nila ito. Nagmakaawa pa ako at gumawa ng istorya sa Manager para lang makompirma ko kung saang lugar patungo ang dalawa. At 'yon. Confirmed. Bound for Davao ang sinakyan nina Rio." Paliwanag ni Jim.

"Ang hayop na 'yon. Nilayo talaga ang girlfriend ko sa akin." Nakakuyom ang kamaong ani Caevhen.

"Okay lang naman kung inilayo, cous, eh. Pero hindi lang basta inilayo ni Rio si Alana. Delikado ang buhay niya sa lalaking 'yon. Druglord siya, cous. At sakaling makuha niya ang formula kay Alana hindi ako nakakasiguradong bubuhayin n'ya pa ito."

"That son of a bitch! I'll book the earliest flight for Davao tomorrow. Hahanapin ko ang girlfriend ko. Kailangang mailigtas ko siya before its too late." Agad na tumayo si Caevhen at nagtungo sa receptionist. Magpapatulong siyang magpabook ng flight pa-Davao.

"Sasama ako, cous." nilingon ni Caevhen ang pinsan.

"Kami rin." Magkapanabay na sagot nina Jim at ng dalawang bagong dating na sina Jockey at Justin.

"Sige. Salamat sa tulong, guys. I owe you one. Lalo na ikaw, Jim. Sana makita natin kaagad si Alana habang wala pang ginagawang masama sa kanya si Rio." ani Caevhen sa mga kasama.

Nagsitanguan naman ang mga ito.

"Naniniwala ba talaga kayong druglord si Rio? Personally guys ha? Sa mahigit 2 taon nating pagsasama bilang isang grupo, i've never sensed a bit of badness kay Rio. Ni hindi nga iyon naninigarilyo. Oo, umiinom siya pero never siyang nagtook kahit ecstacy. I offered him once noon. Pero alam n'yo ang ginawa niya? He punched me on the face and told me to stop using those kasi nga daw mabuti para sa katawan. I think this is a mistake. Baka meron lang nagset up kay Rio para pagbintangan natin siya." Pagkontra ni Jockey sa iniisip ng mga kasama niya. Oo, loko loko si Jockey pero mabuti siyang kaibigan, tapat at maaasahan din lalo na kay Rio na marami ng ginawang tulong sa kanya.

Naningkit ang mga mata ni Josh sa narinig. Hinarap niya si Jockey at kniwelyuhan. "Teka nga, Jock! Ano ba ang gusto mong palabasin? Na gawa-gawa ko lang ang lahat ng ito? I hired a private investigator at wala ni isa man sa inyo ang nakakaalam niyon. Kaya walang makakapagmanipulate sa result na ipinakita ko sa inyo kanina. Rio is a pretender. At hindi ko sasayangin ang pagkakataong mailigtas si Alana dahil lang diyan sa l*tse mong paniniwala, Jockey."

"Cous, easy lang. Huwag masyadong mainit ang ulo. Possible naman iyong sinasabi ni Jockey pero maski ako ay hindi na maniniwala sa ganyan. Kasi kung matinong tao nga iyang si Rio, hindi niya itatakas ng walang paalam si Alana. At hindi niya iseseduce ang babaeng alam niyang may boyfriend na. Kaya halatang may ibang layunin siya. Pasensya na, Jockey, kung hindi ka namin mapapagbigyan sa ngayon. Mas mahalaga ang buhay ni Alana kaysa d'yan. Maiintindihan namin kung hindi ka makakasama." ani Caevhen na pumagitna kina Josh at Jockey.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now