DARK FATE

By misscami023

49 0 0

Bagong studyante lang si Amy sa White Leopard Academy at gulong-gulo ang isip niya dahil sa mga klasse ng stu... More

PROLOGUE
Chapter 1: The Girl
Chapter 2: School of Magicians?
Chapter 3: The Healer
Chapter 5: Announcement

Chapter 4: The Fire Sorcerer

8 0 0
By misscami023

KRIIIINNNG!!! KKRRIIIING!!! KKRIIIINNNG!!

6:30 AM

KRRRIIING!!! KRRINN...
pinatay niya ang alarm, at umikot sa higaan para matulog.

"Aaah.. maaga pa 8:00 pa pasok ko." bulong niya sa sarili.

TIKTOK.. TIKTOK.. TIKTOK..

7:30 AM

"SH*T!! Late na ko!"

Pagkakita sa orasan ng phone, ay agad na siyang tumayo para maligo. Pagkatapos ay nagmadaling na siyang magbihis dahil 7:40 na.

"KROO.. KROOO.." huni ng alaga niyang ibon na parang nagpapaalam sa kanya.

"Alis na ko Kokoro, sumunod ka na lang sa school kung gusto mo."

"Kroo.. krooo.." sabay pinagpag niya ang kanyang pakpak.


----Charlie point of view----

Late na naman ako, magagalit na naman si Mr. Galuyo sakin. Bakit kasi hindi ako bumangon sa unang alarm.
TSK!

"CHAR--LIIII!!"

Ha? Sino yun?

"Late ka na naman! Tara na! sabay kana sa akin."

Late na naman? Parang siya hindi late.

"Pero bago tayo pumunta ng school bumili muna tayo ng kape."

"KAPE? Late na nga tayo naisipan mo pang bumili ng kape?"
Haay, galing kasi sa mayamang pamilya si Harold nag-iisang lalakeng apo kaya paburito ng lolo.

"Oo pre, kesa naman late na nga ako makakatulog pa ko sa klasse, ang sama ko naman kapag ganun. Wag kang mag-alala bibilisan ko na lang. Trust me!"

TRUST ME? Kapag nagtiwala ako dito baka mapaaga pagkamatay ko.



---Fast Forward---


"WOOOOH!" sigaw niya habang tuwang-tuwang pipalipad ang sasakyan sa kalsada.
Satingin ng iba ay humaharurot lang kami sa kalsada. Pero ang totoo ay lumilipad kami, mga 5 inches lang naman ang inangat ng sasakyan mula sa lupa kaya hindi ito masyadong halata.

Madali lang iyong gawin para sa kagaya niyang air sorcerer, pero sa kagaya kung fire sorcerer, haay kung hindi ko lang siya kaibigan baka kanina pa lumiyab ang kotse niya.

"Dito na tayo! ooh! 8:10 pa lang my 5 minutes pang grace period tara na baka i-absent na tayo."

Gumagalaw ang lupa, nahihilo ako.. ahh!! dapat di na lang ako sumabay, Aaahss!

"Ooh, anong nangyare sayo Charls?"

"Wala naman nagpapangap lang akong laseng."

"Ha? bakit?"

"Alam mo bang sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi tayo nalate kahit nagkape kapa. Bilib na bilib ako sayo, ang galing mong magpalipad ng sasakyan, sana inihagis mo na lang ako papunta dito. Isang hagis na diretsyo mo lang sakin naandito na ko, kesa yung paliparin mo yung sasakyan mo, dinaig pa ang pinakamagandang roller coaster sa mundo."

"HAHAHAHA! Hindi ka pa ba nasanay, ilang beses na natin itong ginagawa."

"Tumabitabi ka nga muna, kung ayaw mong makakitang lumiyab yang sasakyan mo."

"HAHAHAHAHA! Gusto mo ihatid na kita sa room niyo. 1minute charls."

"NO THANKS!"

"HAHAHAHAHA!!"






Pagkatapos kung ilabas lahat ng laman ng tiyan ko sa rest room, medyo gumaan-gaan na ang pakiramdam ko pero masakit pa din ulo ko. Haay, hindi na ko nakapasok sa klasse ko.

"Hi, Charlie."

Sabay-sabay na bumati ang grupo ng mga babae galing sa Section B-2, nakapila sila ng maayos na akala mo may orientation.

Ooh, may orientation nga, first day pala ng class ngayon at madadagdagan na naman ang mga students ng Leopard Academy.

"Hello my sweet Charlie, sinabi ko kay Mr. Galuyo na hindi ka makakapasok kasi masama ang pakiramdam mo."

"Bitawan mo nga ako Venus."
Inalis ko yung kamay niya na nakapaikot sa katawan ko.
"Para kang linta tantanan mo nga ako, hindi mo naman kailangan gawin iyon kaya kung magpaliwanag kay sir."

"Concern lang naman ako sayo my Baby Charlie."


"Hindi ko kailangan ng concern mo!"


"Bakit naman?" sabay pacute sa akin may nalalaman pang pakagatkagat pa ng kuko.

"Gusto mong malaman? Lumapit ka sa akin."
At agad naman siyang lumapit sa akin.

Lumapit din ako sa kanya para ibulong ang napakagandang balita.
"Venus kasi.. alam mo... ayokong nag-aalala ka sa akin... hindi kasi bagay sayo."

"Ang sama mo!"
Sabay pacute ulit na kunwari na iiyak.
"Ayoko na sayo Charlie, break na tayo!"
Sabay walk out.

Ang lakas din ng trip ng babaeng yun, siya lang naman yung nagfefeling na kami.

"Welcome to the Leopard Academy!"
Nakakarinig na ako ng palakpakan, tapos na siguro yung orientation.
Pupunta muna ako kay Mr. Herman.

Habang naglalakad, papunta sa Guidance Office, may mga babae na naman bumabati sa sa akin.

"Hi Charlie!"
"Hi Charlie!"
"Hi Charlie!"

Hindi ko naman maipagkakaila na may itsura ako, itsurang gwapo. At hindi ko din alam sa sarili ko na bakit ayaw ko silang pansinin. Suplado na kung suplado, basta ayoko pansinin yung pagpapacute nilang nakakairita.



"Ang pag-ibig mo ay labis
Pero nasusuklian ka ba ng tama?
Sa sobrang pagmamahal mo sa kaya
hindi mo alam puso ng iba iyong nasusugatan na.
Mahal mo siya, mahal ka niya.
Masakit man isipin
na nandyan siya palagi,
kahit ikaw nandyan para sa iba."

Sa paglalakad ko, hindi ko maisip na makikita ko dito na nakatambay sa hallway ng school si Laura, ang nag-iisa naming future teller.

Hindi siya lumalabas masyado sa kanyang kwarto dahil siya ay bulag.
Kung lalabas man siya, ay pupunta lang ito sa garden ng school.
Ngayon ko lang siya nakitang nakisalamuha sa maraming tao.

"Kuya Charlie! Ikaw ba yan?"

"Oo Laura, kamusta kana at bakit nandito ka sa hallway, dinudumog ka ng mga sorcerer dito."
Inalalayan ko siya sa paglalakad at dinala ko siya sa balcony na bihira lang puntahan ng mga sorcer.

"Kuya Charlie masaya palang makihalobilo sa ibang students dito. Kaso nalulungkot ako kapag nagpapahula sila, kasi minsan hindi nila gusto yung sagot ko sa gusto talaga nilang mangyare. Bakit ganun kapag hindi nila nagustuhan ang kapalaran nila sasabihin nila akong sinungaling pero sinasabi ko lang naman yung totoo."

Napakalungkot ng tono ng boses ni Laura, bakas sa mga mukha niya ang kalungkutan na dala ng kapangyarihan niya, pero wala naman siyang kasalanan dahil sinasabi lang naman niya ang totoo sa bawat palad na nahahawakan niya.

"Alam mo Laura, Kaya sila nasasaktan dahil hindi nila tanggap ang katotohanan. May ibang sorcerer na alam na kung anong mangyayare pero nagtatanong parin sila sayo, nagbabakasakali iba ang sasabihin mo, pero wala, ganun talaga ang tadhana, mangyare ang dapat mangyare."

Ngumiti si Laura, natuwa naman ako dahil kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam niya.

"Ooh, aalis muna ako, pupunta lang ako kay Mr. Herman."

Pagtayo ko, ay hinawakan niya ang kamay ko, at sinabi.

"Ang panaginip o ang katotohanan,
ang ngayon o ang nakaraan,
alin man sa dalawa parehas na mahihirapan,
sana ikay makapili para sa iyong kapakanan."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Iibig ka sa dalawa pero kailangan mong pumili ng isa."

Ngumiti siya sa akin at sinabing "Alam kung pihikan ka sa babae pero sana makilala ko kung sino ang pipiliin mo, kuya."

Hindi ko alam irereact ko sa sinabi niya, pero sumagot ang ng "Sige." kahit na alam niyang wala pa akong nagustuhan na babae. Medyo naguguluhan na nga ako, lalo na yung babae sa panaginip ko, hindi ko maisip kung bakit siya palagi lumalabas sa panaginip ko.

Iniwan ko si Laura sa balcony, pagkatapos kung sagutin ang tanong niya. Nasalubong ko din si Miss Sussy ang nag-aalaga kay Laura, itinuro ko na din kung saan siya banda kaya sigurado na akong walang mangyayareng masama kay Laura. Ang hindi lang sigurado ay ang hula niya sa akin.


Cling... Cling...

"Good Morning po sir."
Bati ko kay Mr. Herman na nakatingin sa binta.

"Good morning Charlie, ano ng nangyare?"
Alam kasi ni Mr. Herman ang tungkol sa babaeng napapanaginipan ko.

"Napanaginipan ko siya ulit, tinawag niya ang pangalan ko na parang magkakilala kami. Pero hindi ko nakita ang kanyang mukha kasi pagkalingun ko may tumamang kidlat sa dibdib ko at doon naputol ang panaginip ko."

Umayos siya ng upo at lumapit sa akin.
"Hindi basta basta panaginip ang nakikita mo Charlie, pwedeng isa itong babala sayo. At alam mo naman kung anong klasseng kapangyarihan meyron ang babae iyon."

Tumango ako, alam ko..
alam kung isa siyang witch, at itinuturing namin silang kalaban dahil kaya nilang kontrolin ang mga sorcerer gamit ang mga spell nila.

Pero, bakit sa tuwing kailangan ko siyang kalimutan, doon ko naman gustong-gusto siyang maalala at makilala.

Hinawakan ni Mr. Herman ang kamay ko, para makalimutan ang babaeng ito. Sabi niya dapat daw hindi siya makapasok sa panaginip ko dahil baka ito ang maginh daan para makontrol niya ako.

Pagkatapos namin mag-usap ni Mr. Herman, ay lumabas na ako sa kanyang office para pumunta sa tambayan namin ni Harold.

Paglabas ko ay napansin ko ang isang babae, napahinto ako, lumingon ako sa kanya, pakiramdam ko kilala ko siya. Hinawakan ko siya sa balikat at tinawag.

"Miss."

"AAAAY!!! WAG PO KUYA, WAG NIYO PO AKO KAININ, WALA PO AKONG SUPER POWERS HINDI PO AKO PAPALAG!"

Ano daw mukha ba akong nangangain?

"Ha? Kalma ka lang hindi ako nangangain ng tao."

Mukha siyang bago dito, pero bakit sobrang gulat na gulat siya ng makita ako? May dumi ba ako sa mukha?

"Haaay, nakakagulat ka naman kasi kuya, bigla mo kaya akong hinawakan sa balikat, alam mo namang kakaiba itong school niyo at...."

"Bago ka lang dito di ba?"

Tinititigan ko siya, parang kakilala ko siya, pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"Oo, bago lang ako dito."

"Magkakilala ba tayo?"

"Siguro."

Ahh, sabi ko na nga kilala ko siya, pero bakit hindi ko alam ang pangalan niya.

"Hindi, hindi tayo magkakilala, ngayon lang kita nakita."

Ay, akala ko kakilala ko talaga siya, hindi nga siguro kami magkakilala kasi bago nga lang siya dito.

Pero bakit ganun, bakit nalulungkot ako. ahh, ano bang nangyayare sayo Charlie.

"Aah, sige." sabay taligod ko sa kanya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit ko ba siya tinanong ng ganun, hindi naman talaga kami magkakilala. Pero parang kakilala ko siya, aaaay! baka naman may kamuha lang siya na kakilala ko.

Haay, nako naman. Teka, hindi ko nakuha yung pangalan niya.

Lumingon ulit ako.

Pero..

Wala na yung babae, sayang,
maganda pa naman siya.

Continue Reading

You'll Also Like

144K 11.1K 12
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...
634K 7.7K 31
The bad boy's life changes when he suddenly becomes the teacher's baby...
133K 5.7K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
16.8M 649K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...