Mind Link

By lhee0807

24.2K 405 238

Opposites kung tawagin sina Daniel at Lily. Habang ang isa ay kilala sa pagiging playboy at gang leader, ang... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Four

1.4K 25 16
By lhee0807

Babala: Medyo rated SPG siya :P

 At reminder uli.

Bold and italic - Daniel's thoughts

Italic - Lily's thoughts

__________________________________________________________________________

BLAME IT TO THE LINK!

__________________________________________________________________________

DANIEL'S POINT OF VIEW

It's been almost a week.

Darn! Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa nangyayari sa akin but it was definite that Lily's plan didn't work. At least for me.

Nang sabihin ni Lily ang plano niyang iwasan namin ang isa't isa at maglagay ng barrier sa isip namin, I thought at first that it was a good plan. Kung tutuusin, logical iyon at pwedeng mag-work. Pero sa parte ko, hindi ganon ang nangyari.

Day one had been okay. It was Sunday at ginawa ko lang naman ang usual kong ginagawa. Day two to day four was also fine. As usual, nag-cutting ako sa mga klase na di ko trip pasukan at nagpanggap lang na may sakit para makapunta sa clinic. Okay, aaminin ko. Kapag nakahilata lang ako sa clinic bed or sa kama ko sa bahay, naiisip ko si Lily. Kung ano na bang ginagawa niya, kung naiisip rin ba niya ako. After all, we shared this connection no matter how weird it may seem.

Day four hit like shit. Me thinking about her was normal in my book. Gaya ng sabi ko, it was inevitable because of the link. Pero nang magkasalubong kami, anak ng pating pero ang puso ko biglang nagpalpitate. I felt myself excited.

An angel. Iyon ang tingin ko sa kanya nang mga sandaling iyon. Ang ganda-ganda niya. Perfect siya sa paningin ko. Her smiling eyes, her cute little nose and her bewitching smile. I was fascinated by them. Even the way she swayed her waist while walking and the way her hair was lightly swayed by the wind. Nagkasalubong ang mga mata namin. Nagulat siya at biglang umiwas nang tingin. I have never felt rejected in my whole life. That night, I dreamed about her. And it wasn't a wholesome one.

In that dream, there was me and her. And there was a couch. She's sitting on my lap while I was kissing her soft lips. Nang una, gentle lang ang halik na iyon. Sinabi niya kasi sa panaginip ko na that will be her first kiss. Nginitian ko daw siya and pressed a peck on her mouth. I bit her lower lip teasingly and she moaned. That was one sexy sound, I tell you. Nawala daw ang kontrol ko at nilaliman ko ang halik. Lalo niyang inilapit sa akin ang katawan niya sa akin at nilagay ang mga kamay niya sa leeg ko. Then I started touching her. She was so damn soft that I moaned. She did too. And that was the end of it.

Dala-dala ko ko sa isip ang panaginip na iyon kinabukasan, ang day five. That day, I made my worst record as a student. Dati-rati, cutting classes lang ako sa mga klaseng di ko trip ang teacher o ang lesson. Pero noong araw na iyon, hindi ako pumasok. Tumambay lang ako sa tambayan namin ng mga barkada kong kasama sa gang, savoring the dream. 

I can still feel its sensation like it's real. Ibang klase ang epekto niya sa akin. Oh shit! Kapag naalala ko, ang hormones ko nagwawala. At hindi pwede to. Yes, maganda siya. Cute. But not my type. Hindi siya ang tipo na papayag sa relasyon na gusto ko. She was way too serious and innocent for that.

Besides, tingin ko kaya nagkakaroon ako ng mga wild fantasies sa kanya ay dahil sa pesteng link na 'to. At kung magtatagal pa ang iwasan na 'to, baka makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko sa bandang huli.

I need to talk to her.

LILY'S POINT OF VIEW

It's been almost a week.

Tingin ko nagkamali ako ng calculation. I mean, my plan sounds logical and it was doing great on the first three days. Siyempre, sinunod ko ang plano ko. Nag-build ako ng imaginary wall sa isip ko at lagi akong on guard. Sa first three days, I did my usual routine. Nag-bonding time kina mama at papa pati kay yaya, nanood ng mga favorite kong palabas sa TV, gumawa ng assignments, nag-review ng lessons, ginawa ang usual routine ko sa mga alaga kong halaman sa bakuran namin at nag-surf sa Internet.

Ganon din sa school. Nakinig sa mga lessons, tumambay sa library, nakipagchikahan sa mga kaibigan ko habang nagtitilian ang mga ito sa mga crushes nila. Ang paborito nga namin ngayon ay si Papa G (codename siya) na napapadalas ang pagpunta sa library na tila may hinahanap. Crush na crush ito ng isa sa mga friends ko. Tahimik lang kasi ito pero matalino. At siyempre, gwapo at kalbo. :P

Anyway, so yun nga. Okay siya on the first three days. Akala ko, magiging effective ang plano ko. But the fourth day proved me wrong. That day, papunta ako sa library as usual when I saw him. Daniel. Grabe lang! Feeling ko nung mga sandaling 'yun, isa siyang Greek God na bumaba sa lupa to grace me with his divine presence.

I became aware of how hot he really is. Ang gwapo gwapo niya! At ang macho! Feeling ko, bigla kong naintindihan ang mga kaibigan ko habang parang animo nasa cloud nine sila kapag pinag-uusapan nila ang mga crush nila. Ganon kasi ang feeling ko nung mga oras na iyon. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko at sumulpot ang mga butterflies sa sikmura ko na tila naghahabulan doon, causing me to feel a delicious sensation that made me wanna grin.

And it shouldn't feel like this. Okay, aaminin ko. May mga times na iniisip ko siya pero normal iyon, di ba? We're experiencing this weird link so it's inevitable for me to think about him. Pero hindi itong para akong may crush sa kanya kahit wala naman.

Nagkatinginan kami. I realized how beautiful his eyes are. Those eyes...it felt like I can lose myself in them. The pair was so hypnotic, it made me wish they were on mine forever. Nang magkasalubong ang mga mata namin, lalong nagwala ang mga imaginary butterflies sa sikmura ko. And my heart. My poor heart. It almost got out of its place at nakipagpalit sa atay ko. I didn't make sense at all. Lalo pa't ilang segundo lang iyon.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko keri ang nangyayari sa mga internal organs ko sa encounter namin ni Daniel. Hindi ako sanay. Hindi ako ganito. And that night, I dreamt the most embarassing dream of all. I mean, me making out with Daniel. And liking it. Ugh.

At nadala ko iyon hanggang kinabukasan sa school. And that day, the fifth day, was the most embarassing day ever. I mean, I was scolded by ALL my teachers for not paying attention. First time kong hindi makasagot sa recitation at bumagsak sa quiz because of that stupid dream.

And this must not continue.

I need to talk to him.

So the confrontation happened on the sixth day. On a Saturday. My phone made a noise, indicating its text tone. And it said:

hi! si daniel to. we need to talk.

Plinano namin ang oras at venue kung saan kami magkikita. Then, I got myself ready at pumunta sa designated place. Sa seaside sa MOA, katapat ng hotdog stand doon.

DANIEL'S POINT OF VIEW

She came.

The angel sent from heaven came.

Lily.

"Hi," sabi niya nang makalapit sa akin. Kiming nakangiti siya.

"Come here," I said huskily while patting the space beside me. She willing came to me, her head on the ground while biting her lips. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binuhat ko siya at nilagay sa kandungan niya. Napatingin siya sa akin, shocked. Nakabuka pa ang bibig. Hindi ko napigilan ang sarili ko at marahang kinagat ang lower lip niya. Then, niyakap ko siya nang mahigpit.

"Bakit mo ginawa 'yon?" mahinang tanong niya sa akin. Pareho kaming nakatingin sa Manila Bay, waiting for the sunset.

Hinigpitan ko lalo ang yakap sa kanya and snuggled against her neck. "Bakit hindi mo ako pinipigilan?"

"I don't know."

"Ako rin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, miss na miss kita, eh hindi naman tayo close."

"Ako rin. Bigla kang naging gwapo sa paningin ko."

"Gwapo naman ako talaga." Siniko niya ako. "Ang carino brutal talaga ng baby ko."

"Siraulo ka talagang manyak ka!"

Natawa kami pareho. Pero saglit lang yun. Tahimik naming pinagmasdan ang sunset, habang yakap ko siya. I kinda like the feeling this is giving to me.

Daniel, feeling ko ito yung epekto sa atin ng pag-iiwasan.

Tingin ko rin.

Shocks! Ang landi landi ko na tuloy.

It's not your fault, baby. Blame it to the link.

I know. Blame it to the link. And we need to get rid of it before it becomes out of hand.

Alam ko. Kailangan nating hanapin yung may-ari ng mineral water. Siya na lang ang pag-asa natin.

__________________________________________________________________________

Fan

Vote

Comment

if you like it :)

Continue Reading