'Til I Met You (BoyxBoy) - CO...

Bởi PJzyrus

292K 9.9K 475

Si Zyrus Tizon ay isang mabuting anak na kahit kailan ay hindi naging pabigat sa kanyang magulang. Masayahin... Xem Thêm

PROLOGUE
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter THREE
Chapter FOUR
Chapter FIVE
Chapter SIX
Chapter SEVEN
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter NINETEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY-ONE
Chapter TWENTY-TWO
Chapter TWENTY-THREE
Chapter TWENTY-FOUR
Chapter TWENTY-FIVE
Chapter TWENTY-SIX
Chapter TWENTY-SEVEN
Chapter TWENTY-EIGHT
Chapter TWENTY-NINE
Chapter THIRTY
Chapter THIRTY-ONE
Chapter THIRTY-TWO
Chapter THIRTY-THREE
Chapter THIRTY-FOUR
Chapter THIRTY-FIVE
Chapter THIRTY-SIX
Chapter THIRTY-EIGHT
Chapter THIRTY-NINE
Chapter FORTY
Chapter FORTY-ONE
Chapter FORTY-TWO
Chapter FORTY-THREE
Chapter FINALE
Epilogue

Chapter THIRTY-SEVEN

4K 162 21
Bởi PJzyrus

Zyrus' POV

"O sige Zy, mauna na kami," paalam na sabi Kat. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng aming pinag-uusapan ng bigla na lang ito aalis.

"Oo nga Zy, nandiyan na yung prince charming mo," sitsit naman ni Yasmin.

Napalingon ako bigla sa likuran ko. Anong prince charming na pinagsasabi nila.

"Hello Yasmin, Katrina," biglang sulpot ni PJ. Oh yes, siya pala ang boyfriend ko ngayon. Pero in fairness, anong pabango niya? Nakakaaddict, sarap amoyin. Ooops, eraaaase...

"Hi Papa Prince. Sige iwan na namin kayo," sabay na sabi ng dalawa, at yun kumindat pa sila kay PJ sabay talikod paalis. Kumaway naman ito bilang pagsagot.

At ngayon, kaming dalawa na lang dito sa table, kasalukuyan pala kami sa canteen ng mismong college namin. Heto ngayon, nasa harapan ko na siya. Ngayon ko lang na naman siya makita ng malapitan. Di maikukubling gwapo naman talaga tong tukmol na to. Oo, aaminin kong gwapo talaga siya. Kamukha pa niya yung crush kong si Kit Thompson, yung nag-PBB. Makinis ang mukha, makakapal ang kilay, matangos ang ilong, mapupula yung labi, at mahahabang pilik-mata na bumagay naman sa brown eyes niya. Pero, mas gusto ko yung medyo pagalit nyang mukha, mas cute kasi siya pag ganun yung aura niya.

"Hello, yoohooo? Still there?" pagflip ng kamay niya sa harapan ko. Nabalik ako sa wisyo, mukha yatang napatagal ang pagtitig ko rito. Nahiya tuloy ako.

"Alam ko, gwapo ako," ang pangiti-ngiti nitong sabi.

"Huh! Sinong nagsabi? Kapal ng mukha mo, ang sabihin mo," banat ko naman sa kanya.

"Sus, pakipot ka pa," dagdag nito. "By the way, kumain na ba kayo kanina? Medyo gutom ako ngayon e. Wait, hintayin mo ako dito ah. Kuha lang ako makakain natin."

Ayun, agarang umalis papunta sa nagtitinda para bumili ng pagkain. Di man lang niya hinintay ang sagot ko kung kakain ba ako o hindi.

After ten minutes ay bumalik din siya pero wala naman siyang dalng pagkain.

"Ohh, nasaan yung inorder mo?" tanong ko. Napag-alaman ko naman na yung mga waiter na lang magdedeliver dito sa table namin.

Ilang saglit pa'y dumating na rin yung inorder niya. Two chicken teriyaki with four extra rice, and two large pineapple drink.

Pagkatapos ipwuwesto ng waiter sa mismong table namin ay ang isa namang waiter ang naglagay pa ng pagkain. Pork steak for two, pork barbecue, and 6 pieces of lumpiang shanghai. Jusko, napakarami naman ng inorder nito. Hindi ba to kumakain sa bahay nila. Noong huli kong punta sa bahay nila, karaming imbak sa kusina nila. Baka lang tamad to. Ayy, di pala marunong magluto to kaya siguro ganya.

"Last set of your order sir," sumbat ng isa pang waiter. What the fvck! May dessert pa. Isang bowl lang naman ng halo-halo.

"Okay. Thank you," sabi naman ni PJ.

"Hoyy, bat karami mong inorder? Mamamatay ka na ba?" pabiro kong sagot dito.

"Huwag ka nga, paano ka na niyan kung wala ako?" pabebe niyang sagot, nagawa pa niya talagang magpick-up line.

Isang batok sa ulo ang pinakawalan ko sa kanya pero sa totoo lang, ramdam ko ang pagkamula ng pisngi ko. Kahit biro lang yun, medyo gusto ko yung hirit niya. Medyo lang.

"Array, sadista ka talaga 'no? Lagi kang nananakit," ayan na yung pagkamasungit niya. Ang cute niya sa facial expression niyang yun.

"Ohh, bat namumula ka diyan? Pinapatawad na kita kahit di ka magsorry, tsktsk," dagdag niya, babatukan ko muli sana siya nang maalala ko yung sinabi niya. "O ohh, ayan ka na naman. Kain na muna tayo bago mo ako saktan."

"Urrgg, yabang talaga nito," sa isip-isip ko.

"Ayoko ng mga inorder mo, mas gusto ko ng gulay," patampo kong sabi, pero sa totoo lang, okay lang naman yung inorder niya. One of my favorites is yung pork steak. Masyado lang marami. Gusto ko lang ipakain lahat ng inorder niya. Ahahah*evil laugh*

"Huh? e ang dami ko na ngang inorder, wala ka pang nagustuhan. A-ahh, a-ano bang gusto mo? Saglit at magpapadagdag pa ako," mahaba't pautal-utal niya sabi. Natatawa talaga ako sa mukha niya.

"Hindi, okay lang. Ako na mag-oorder ng akin," at ayun, umalis na ako. Napasalo na lang siya sa ulo niya sa pagkadismaya.

Sa kamalas-malasan, hindi daw nagluto ng gulay. Wala daw yung cook nila para doon. Kaya yung inorder ko na lang ay yung bicol express. Naalala ko na naman na hindi pala kumakain ng maaanghang tong lalaking to.

"Ohh, kala ko ba gulay oorderin mo?" agad niyang tanong.

"Ano ka ba, may gulay to. Di mo ba alam?" pagsisinungaling ko.

"Lol. Lokohin mo lola ko," aniya. Napaisip ako, dapat matikman niya to. Ewan lang kung hindi siya maiyak sa anghang.

"Wala sa bokabularyo ko magsinungaling," agad akong kumutsara ng ilan nito at sumubo. And yes, pinipigilan ko ngayon ang sarili ko sa sobrang anghang. Di ko naman kasi alam na sobrang anghang yung version nila dito. Mukhang di ko kaya ito. Ngayon, sinusubukan ko pang ngumiti sa kanya para maging makatotohanan.

"Uhmmm, the best talaga. Ang sarap!" nagthumbs-up pa ako sa kanya, sana naman ay umeffect sa kanya. "Tikman mo kasi, subuan pa kita."

"Talaga?"

"Sure."

Yung tipong susubuan ko na siya pero pinigilan niya ako at iniliko papunta sa bibig ko, na yung kutsarang para sana sa kanya ay napunta sa akin.

Pansin kong dumarami na rin pala ang tao dito sa canteen kaya ang ilan ay nagagawi ang tingin sa amin. Naririnig ko pa ang ilan na tila naiingit at natutuwa kung ano man ang nakikita nila ngayon sa amin ni PJ. Ngunit, parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

"Uhhmm, ang sarap diba?" sarkastikong sabi niya. Kainis.

Sa bandang huli, ako naman ang mangiyak-iyak sa anghang. I like spicy foods, but not this time. Isineg-way ko na lang na akin na lang yung halo-halo. Mas mabilis kasing mawala ang anghang pag may gatas. Ni hindi ko nga nakalahati ang pagkain ko, samantalang siya sinubukan niya talagang ubusin lahat ng iyon.

-----

Two weeks have passed, naging mas close at mas nakilala namin ang isa't-isa. Mukhang naeenjoy ko ang company niya ngayon.

"Siyanga pala, darating bukas si Mom and Dad sa bahay, namimiss na daw nila yung boyfriend ko," anito, at ako'y nabigla sa sinabi nito.

"Bakit, sinagot na kita?" wala kasi akong naaalalang sinagot ito.

"C'mon Zyrus, sa tagal nating magkasama, wala pa ba yun?" pacute nitong sabi.

"Kung makatagal ka naman, two weeks pa lang yata nung magkabutihan tayo e.

"Exactly. See, tanda mo pa."

"E di mo pa nga ako nililigawan e."

"Kailangan pa ba yon? Di pa ba sapat yung dalawang linggong magkasama tayo, sa hatid-sundo pa lang daig ko pa ang mag-asawa," pagyayabang nito.

"Naku naku, napakayabang mo talaga. Wag mo akong dinadaan-daan sa mga mahihiwaga mong salita ahh. Di umeepekto sa akin yan." pambabara ko sa kanya.

"Talaga?" saad niya.

"Talagang-talaga," pagmamatigas ko naman.

Kinuyog at pwersahan niya akong sinama papasok sa kotse niya. Ano na naman kaya ang nasa isip nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko rito.

"Sa lugar kung saan mapapasagot kita," sagot nito.

Humigit-kumulang sa isang oras din at parang nakarating na rin kami sa gustong puntahan ni PJ. Kung di ako nagkakamali, nandito kami ngayon sa mini Italy type dito sa Taguig. I think Venice...

"Venice Piazza," sabi nito. Yes, isa ito sa gusto kong puntahan kaso wala kong time and now it is my first time to go here.

"Can you be my boyfriend now?" tanong nito, pero imbes na sagutin ko ito ay tinawanan ko lang siya.

"Ahahaha, ang corny mo. Pasyal tayo sa loob," napailing lang ito at walang nagawa at sumunod lang ito sa akin.

Makikita mo ang ganda ng loob kumpara sa ibang mall. Mukhang mamahalin pa mga tinda dito na talagang pangmayaman lang ang may kayang bumili. May nakita akong damit na nagustuhan ko, pero pag tingin ko naman sa tag price, mapapalaki ka na lang ng mata sa mahal nito.

"I'll buy it for you. Miss, take this. Here's my card," hala, galit na ata siya. Nagulat pa yung saleslady.

"Are you mad?" I asked. "Hindi mo naman kailangan bilhin yun e, tinignan ko lang."

"Nope. It's okay." he said briefly.

Pagkakuha ng nabiling damit, at ngayo'y konsensiyang-konsensiya ako, ay naglibot pa kami. Maya-maya'y tanaw ko sa labas ang sinasabi ni lang "Grand Canal" na kung saan pwede kang mamangka na para bang nasa Italy.

Napaisip ako ng magandang ideya. Ako naman ang kumuyog sa kanya palabas. I am really, really awestruck from what I see.

"Wow," I said with grace in my face. "PJ, pwedeng sakay tayo. Utang ko na to."

Imbes na sumagot ay isang tipid na tango lang ang sumbat nito.

Nang pagdating sa mismo kami na ang susunod ay di ko maiwasang maexcite. ramdam ko pa rin ang tahimik na PJ na kala mo'y inagawan ng kendi.

Hindi pala masaya kung wala kang kasama. May kasama nga ako kaso parang istatwa lang kaya minabuti ko na yung naisip kong ideya kanina. Nang nasa bandang ilalim na kami ng bridge ay humarap ako sa kinauupuan niya at ninakawan ko siya ng halik sa labi sabay sabing, "Oo na, we're official."

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya na para bang di makapaniwala.

"A-ano ulit yun?" bigla nitong sabi. Sus, kanina lang katahimik nito ngayon gusto pang ipaulit.

Tinignan ko yung nakatayong nagsasagwan na pinipigilang ngumiti. Kala mo di ko nakita pero pinabayaan ko na lang.

"Wala. Di ko uulitin," saad ko naman, sabay talikod sa kanya. Di ko na rin kasi map[gilang ngumiti.

"Ahh ganun ahh, *muah*" tumayo siya bigla at siya naman ngayon ang nagnakaw ng halik sa akin. "We're even."

"'Wag po masyadong magalaw," sabi ng bangkero.


-----

N/N:

Yan, buti di tinamad ngayon. Nakaupdate ulit. Yehey!!!!☺

Sa totoo lang, di pa ako nakapunta sa mismong lugar na yan sa Taguig. Naririnig ko lang. Tsaka hinulaan ko na lang na may shopping mall sa loob.

Anyways, special thanks to @oilensaxor sa pagbasa at pagcomment every chapter ng story. I really appreciated your effort. Dahil ata sayo kaya nag-update ako...Joke ☺

Spoiler alert: Kirby's come back...soon

Happy reading!!!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
70.6K 2.5K 36
[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet...
211K 6.2K 60
Planado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay...
223K 1.6K 7
"Hindi ako perpektong tao at alam kong marami akong pag kakamali sa buhay ko pero nandyan ka para ituro sa akin ang kahalagahan ng mga bagay sa palig...