Malaking Pagkakamali (Complet...

By Zurichian

32.6K 1K 146

Sa buhay natin, hindi talaga maiiwasan na maranasan natin ang pighati, lungkot at lumbay dahil ito ang nagpap... More

. . .
Malaking Pagkakamali
Kabanata I
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Huling Kabanata
Pasasalamat
Diwang sa Tagumpay

Kabanata II

2.5K 82 14
By Zurichian

     

Labin-limang taon na ako nang naghiwalay ang mga magulang ko. Lungkot at iyak na walang katapusan ang namamayani sa nararamdaman ko pati na rin sa mga nakakabata kung kapatid na si Lovie.

Pumasok ako sa paaralan na wala sa aking sarili at iniisip parin ang sariwang nangyari sa pamilya namin. Buong araw akong matamlay at malungkot hanggang ako ay nakauwi sa amin.

Agad akong nagmano sa aking ina at sinabi ang tugon ng guro sa amin na may pagpupulong na gaganapin bukas.

"Ma, may meeting daw pong gaganapin bukas sa school sabi ng guro ko," mahinang sabi ko baka kasi maka-disturbo ako sa ginawa ng aking ina.

"Bayaran mo nalang 'yang guro mo, may trabaho pa ako bukas," sabi ni Mama habang busing-busy sa pagpa-file ng mga papeles.

"Ma, hindi ba pwedeng lumiban muna kayo sa trabaho niyo? Isang araw lang po ang meeting, e!" sabi ko na nagpupumilit.

"May importanteng gagawin pa ako bukas sa opisina," saad nito.

"Simpleng meeting lang hindi niyo pa magawa? Bigyan niyo naman po ako nang kaunting oras. Hindi puro trabaho lang iniisip niyo. Isipin niyo rin na may anak kayong nangagailangan. Kahit itong meeting lang po maipakita niyong may pakialam kayo sa'kin," galit na sabi ko sabay akyat sa hagdan at pumasok sa aking kwarto.

Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon. Napag-taasan ko nang boses ang aking ina pero may punto naman ang sinabi ko. May anak siyang nangangailangan.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha at humugot ng lakas para sabihin iyon.Basta ang nararamadaman ko lang ay nagagalit.
Siguro, tama lang ang ginawa ko para maisip niya na may anak siya. Hindi puro trabaho lang ang inaatupag. 

Siguro isa rin iyong rason kung bakit nagkahiwalay sila ni Papa dahil siguro sa kakulangan ng oras ni Mama kay Papa. Kakulangan ng oras sa kanyang pamilya.

Continue Reading

You'll Also Like

70K 134 49
Enjoy
849K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
Gapang By vhfc_13

Short Story

13.1K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...