Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 35: Debut

14K 484 200
By JoeBeniza

Valerie's Point of View, flashback - 6 months ago

Natulala ako sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan.

"Bessy, sa tingin ko dapat na nga tayong umalis dito. Kinakabahan ako e. Parang may gustong sabihin si Shane na hindi niya masabi at parang takot siya sa pwedeng mangyari," sambit ko kay Mingay.

"Oo nga girl! Mukhang may tinatago baga itong si papa Shane. Pero dapat magpaliwanag na siya this time a! Apat na taon na nakakalipas ngayon lang niya sasabihin na pinoprotektahan ka niya?! Ay huwag ako bessy! Dapat isang libro baga ang paliwanag niya!" Galit na sagot ni Mingay.

"Easy lang bessy! Ikaw yata ang Dragon sa atin e," sambit ko at nagtawanan kami saglit.

Umalis kami ng studio ngunit paglabas namin, biglang may pumaradang itim na kotse sa harap namin. Bumakas ang pinto at lumabas ang isang babae.

"Ms. Valerie? Valerie Magtalas right?" Tanong ng babae sa akin.

"Ah yes? S-sino po sila?"

"Hi! I'm Ms. Angelica Giron, I am a talent manager. Just call me Ms. Ange," nakangiting sambit ng babae at nakipagkamay siya sa akin.

"Hello po. Siya naman po si Mingay, kaibigan ko," pagpapakilala ko kay Mingay.

Nginitian niya si Mingay at muli akong kinausap, "I saw your performance earlier and I would like to offer you a job. Can we talk at a nearest coffee shop?"

Mukha namang mabait si Ms. Ange kaya sumama kami agad sa kanya ni Mingay, tsaka sayang ang libreng coffee.

Pagdating namin sa coffee shop at pagkatapos namin mag-order. Muli kaming kinausap ni Ms. Ange.

"I'm actually forming a group of extraordinary singers' para makabuo ng isang all female pop group, and..."

Biglang sumingit si Mingay sa usapan, "Ay alam ko baga 'yan Ma'am! Kung baga lahat ng magagaling magsasama sama... Avengers 'yan!"

Napakunot na lang ng noo si Ms. Ange.

Sinanggi ko si Mingay para tumahimik muna. Binulongan ko rin siya. "Bessy, quiet ka muna baka magalit itong si Ms. Ange. Sayang, baka ito na ang big break ko."

"Sorry girl baka kasi ito 'yong sinasabi ni Shane na panganib e. Naninigurado lang," pabulong na sagot ni Mingay.

"Ako na bahala, bessy."

Muli ko'ng kinausap si Ms. Ange, "pasensya na po kayo sa bestfriend ko, Ms. Ange. Palabiro lang po talaga ito. So ano po 'yong tungkol sa female pop group?"

"Oh yes! So I saw your performance earlier. I was really amaze on how you sing and dance, then I come up with an idea to invite you to work with me as the last member of the all-female pop group na binubuo ko. I promise you, this will be a big one. You'll get to perform on your own concerts, launch your own album, and many more. Sana mapa-unlakan mo ang paanyaya ko," sagot ni Ms. Ange at uminom siya ng kape.

Napaisip ako. Gusto ko pa naman ito. Parang magiging K-Pop idol ako, parang 'yong idol ko na k-pop group, 'yong Black Pink.

Kaso iniisip ko rin 'yong sinabi ni Shane. Sabi niya hindi ako pwedeng sumikat or mapunta sa show business. Pero bakit? Kainis! Hindi pa kasi in-explain e.

"Nakakahiya naman po Ms. Ange. I mean hindi pa naman po ako gano'n ka galing."

"Well, you'll receive the greatest training of your life kapag sumali ka." Kumpyansa magsalita si Ms. Ange.

"A... e... Ms. Ange, pwede po ba'ng mag usap lang muna kami ni Mingay bago po ako sumagot sa offer niyo?" Tanong ko.

"Sure hija, go ahead," Ngumisi si Ms. Ange.

Lumayo muna kami ni Mingay kay Ms. Ange at nag-usap.

"Ano bessy? Kunin ko ba itong offer?"

"Kunin mo na girl sayang 'yan! Huwag ka maniwala doon sa Shane na 'yon. Takot lang sayo 'yon kasi mas magaling ka sa kanya," sagot ni Mingay.

Kalahati ng diwa ko gustong maniwala kay Shane, at ang kalahati gustong kunin ang pagkakataon. Ang hirap at 'di talaga ako makapag desisyon.

Bumalik kami sa table kung saan naroon si Ms. Ange.

"Uhm... Ms. Ange?"

"Yes Dear?"

"Pwede po ba na pag-isipan ko muna ang alok niyo? Gusto ko po'ng sumali, kaya lang may personal po akong problema ngayon na kailangan ko munang ayusin," hindi ako makatingin nakakahiya kasi.

"That's fine, hija. Whatever it is sana maayos mo agad," sagot ni Ms. Ange at iniabot niya sa akin ang isang calling card. "Here's my number. If ever you have decided to work with me, tawagan mo lang ako."

Pag-uwi ko sa bahay, pinag-isipan ko'ng maigi kung ano ang aking pipiliin.

Maniniwala ba ako kay Shane? O gagawin ko ang gusto ko?

Tinignan ko ang phone ko at ang picture ni Shane dito.

"Kung pinoprotektahan mo ako, bakit hindi mo man lang pinaliwanag ang lahat sa akin?! Bakit kailangan mo'ng mag kunwari na hindi mo ako kilala?! Bakit hindi mo man lang ako tinext, tinawagan, or kahit sulat man lang?!" Sambit ko habang tinitignan ang litrato niyang napaka-gwapo.

Bigla namang kumatok si Papa sa kwarto ko.

"Valeng anak! Matulog ka na. Dalang dala ka naman diyan sa Wattpad na 'yan a!"

"Oo na, Pa! Matutulog na po!"

Makatulog na nga lang. Bukas na lang ako mag dedesisyon.

Kinabukasan... Desidido na ako. Bahala ka sa buhay mo, Shane. Basta ako, big break na sa akin ito!

Tinawagan ko si Ms. Ange at tinanggap ang offer niya na mapabilang sa kanyang all-female pop group. Nagpaalam na rin ako sa mga katrabaho ko sa Bar ni Ms. CJ.

Wala si Ms. CJ ng araw na iyon dahil inaasikaso niya ang bago nilang branch ng Café Bar, kaya sa kakambal niya na si Elaine ako nagpaalam na ako'y aalis na at magiging member na ako ng isang grupo.

Iyak naman ng iyak ang best friend kong si Mingay.

"Ano ba 'yan girl? Akala ko naman magiging mag kasama pa rin tayo kahit magiging pop idol ka na, 'yon pala kailangan mo umalis dito."

"Bessy naman! Magkikita pa rin tayo. Promise 'yan!" Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Kapag inaway ka ng Shane na 'yon sabihin mo sa akin ah, or kahit sino umayaw say'o ako re-resbak!"

Naiyak din ako ng kaonti pero agad na natawa sa mga biro ng bestfriend ko'ng maingay. "Ikaw talaga. Don't worry ihahanap kita ng boylet doon."

"Ay gusto ko 'yan girl! Don't worry, ako magiging admin ng fans club mo. Galingan mo baga doon a. Lagi kitang panonoorin sa TV."

"At lagi ka namang may libreng ticket sa concerts namin!"

Muli kaming nagyakapan ni Mingay at nagpaalam sa isa't isa.

Matapos ay agad akong pumunta sa isang five star hotel kung saan naka check-in si Ms. Ange at ang mga magiging ka grupo ko.

Mainit naman nila akong tinanggap at naging kaibigan ko din silang lahat. Sumailalim kami sa training sa loob ng dalawang buwan bago ang aming debut performance.

After two months...

Ang aming debut performance ay ipinalabas ng live sa isang evening show ng channel 21 kung saan naroon din si Shane.

"Ladies and Gentlemen! Coming up live for their debut performance!"

"Let's give it up for..."


"Candice! Keila! Angel! And Valerie!"



"The Four Maidens!"

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa excitement nila sa amin matapos i-announce ng host ang aming mga pangalan.

Ready na ko! Sambit ko sa isip ko. Para sa'yo 'tong kakantahin namin Shane, humanda ka!

(Now playing Shout Out to My Ex by Little Mix)

"Shout Out To My Ex"

Candice:

This is a shout out to my ex

Heard he in love with some other chick

Yeah yeah, that hurt me, I'll admit

Forget that boy, I'm over it


Angel:

I hope she gettin' better s**

Hope she ain't fakin' it like I did, babe

Took four long years to call it quits

Forget that boy, I'm over it!


Valerie:

Guess I should say thank you

For the "hate you's" and the tattoos

Oh baby, I'm cool by the way

Ain't sure I loved you anyway

Go ahead, babe, I'mma live my life, my life, yeah


Keila:

Shout out to my ex, you're really quite the man

You made my heart break and that made me who I am

Here's to my ex, hey, look at me now, well, I

I'm all the way up, I swear you'll never bring me down


All:

Shout out to my ex, you're really quite the man

You made my heart break and that made me who I am

Here's to my ex, hey, look at me now, well, I

I'm all the way up, I swear you'll never, you'll never bring me down



Pagkatapos ng aming debut performance. Binigyan kami ng mga tao ng masigabong palakpakan at hiyawan. Nakita ko si Shane na tila gulat na gulat sa gilid kasama ng mga kapwa artista niya.

Behlat! Kala mo a! Nandito na ko ngayon, Shane! Wala ka nang magagawa.

Shout out to you Shane! You'll never bring me down!

Matapos ang aming performance. Agad kaming dumiretso sa back stage sa aming dedicated room at nag-celebrate kasama ang mga kagrupo ko.

"Congratulations, girls! Pila pila na mga producers na nag o-offer ng concerts sa atin. Ang gagaling niyo!" Pagbati ni Ms. Ange.

"Thank you po Ms. Ange!" Sambit ni Ate Candice na leader ng grupo namin.

Niyakap naming lahat si Ms. Ange.

"Salamat po Ms. Ange!"

"Oh girls! I will let you go home sa kanya kanya niyong pamilya a. Kasi next week magiging busy tayo," bilin ni Ms. Ange. "Mag-iingat din kayo sa paglabas labas niyo, for sure magkakaroon na kayo ng mga stalkers. Mabuti pa ihatid ko na kayo sa mga bahay niyo."

"Ako po, Ms. Ange nag pasundo kay Papa kaya mauna na po kayo," sambit ko.

"Sige Valerie. Mag iingat ka a. Let's go na girls." Umalis si Ms. Ange kasama sila ate Candice at ang iba pa'ng team Maidens.

Naiwan akong mag isa sa room namin. Bigla ko'ng naisip... Kamusta na kaya si Kier at si Pogi?Matutuwa kaya sila sa ibabalita ko na sisikat na ako?

Hindi man lang kasi nagte-text ang pangit na 'yon. Ano hinihintay niya, ako unang mag text sa kanya? Kala niya diyan. Siya nga 'tong nagpaiyak sa akin e.

Ang tagal naman ni Papa. Kinikilabutan na ko mag isa sa kwarto na 'to e.

Nagtali ako ng buhok sa harap ng salamin habang naghihintay sa text ni Papa kung nasa labas na siya, nang biglang...

"Kiyaaaah!" Napatili ako sa gulat nang biglang mamatay ang mga ilaw at nabalot ng dilim ang paligid. Agad kong kinuha ang cellphone ko at ginamit ang backlight nito para magkaroon ng liwanag.

Nagmadali akong pumunta sa pinto ngunit bago ko ito buksan...

May lalaking nagbukas ng pinto at hinawakan ang bibig ko.

Napaatras ako sa pwersa niya, habang hawak niya ako sa bewang at hawak naman ng isa niyang kamay ang bibig ko para hindi makasigaw.

Sumara ulit ang pinto at sinubukan ko'ng magpumiglas.

"Ssshhh! Val be quiet please.. Ako 'to si Shane."

Binitawan niya ko at ilang saglit pa ay muling nagka-ilaw.

"Shane?! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na gulat ako habang nakawak sa puso ko dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi dahil sa nandiyan si Shane kung 'di dahil sa takot at kaba nang biglang mamatay ang ilaw at may biglang kala ko kung sinong lalaki na pumasok.

"Val, let's talk please. You're in danger. I will explain everything to you now," sambit ni Shane at napalunok ako.

Pero hinde... Hinde dapat ako magpakita ng kahinaan. Tinaasan ko siya ng kilay,
"Okay simulan mo na dahil mahigit tatlong taon ang hinintay ko para dito. Sana lang worth it!"

"Okay, sige, heto na. Una sa lahat Val..." Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Shane nang mahigpit.

"...miss na miss na kita."

Hindi ako nakagalaw, natulala, at walang nasabi.

"Patawarin mo sana ako sa nagawa ko. Pinagsisihan ko ang mga desisyon ko. Sana pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko. Val..."

Oh my god! Ano'ng ibig sabihin nito? Ano kaya ang sasabihin niya sa akin?

Continue Reading

You'll Also Like

851K 31K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
23.4M 795K 114
Jasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for...
9.1M 214K 60
[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...