You Belong With Me(Completed)

By Wild_Amber

473K 12.9K 340

"I don't care of anything because you are the most precious one for me. I love you."-Alexander 'X' Javier II(... More

Teaser
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
GSB-2(X)

Chapter 1

36.3K 787 24
By Wild_Amber

PALABAS na ng university si Jham ng makita niya ang bago niyang manliligaw. Hindi naman niya masasabing pangit ito o gwapo. Basta normal lang kung baga.

"Hi!"

Bati nito kay Jham. Kung hindi nagkakamali si Jham ay isang soccer player ang binata.

"Hello."

"Shall we?" Nakangiting anang binata kay Jham.

Sasagot na sana si Jham ng makapa niyang wala sa bag niya ang cellphone niya.

"Uhm! Pwede bang hintayin mo muna ako dito, Paulo. Nakalimutan ko kasi ang phone ko sa library." Anito. At isang ngiti naman ang sinagot ng binata kay Jham. Kaya patakbong pumasok sa loob ng library si Jham.

Pagkatalikod naman ni Jham ay may biglang umakbay kay Paulo. Kaya kunot noo itong nilingon ni Paulo.

"Saan kayo pupunta?" May diin nitong tanong kay Paulo. At dahil kilala sa buong university ang lalaking umakbay kay Paulo ay sunod-sunod ang paglunok nito. Lalo pa ng dumiin ang pagkakahawak ng lalaki sa balikat ni Paulo.

"A-anong kailangan mo?" Takot ditong tanong ni Paulo.

"Just answer my fucking question," anito. "Where the hell are you going?" Tila galit na tanong ng lalaki kay Paulo.

"A-ah! a-ano, inaya ko ng lunch si Miss De Guzman." Sagot nito. Muntik ng pilipitin ng lalaki ang balikat ni Paulo sa pagkakadiin nito ng hawak sa kanya.

"Alam mo ba kung sino yang inaya mong kumain sa labas?" Tanong nito at umiling naman si Paulo. "Okay! Let me introduced you first my name. I'm Alexander Javier II. At ang babaeng gusto mong sungkitin ay ang magiging asawa ko." Anito kay Paulo na gulat ang nakikita mo sa mukha niya.

"H-hindi ko alam na_

_I know. Kaya ngayon na alam muna ay sana alam muna rin ang gagawin mo. Dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ay meron akong kahati sa babaeng special sa akin. Dahil once na inagaw siya sa akin I swear I'm going to kill that person." Putol ni X sa mga sasabihin pa sana ni Paulo.

Dahil sa takot ni Paulo kay X ay namumutla itong umalis na lang na siyang nakita ni Jham. Kaya kunot noo siyang lumapit kay X na kampanting nakatayo. Bawat kababaehang nandoon ay halos himatayin sa kilig. Pero tila hindi naman sila nakikita ng binata.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Naiinis na tanong ni Jham kay X. "Nakita kung namumutla si Paulo ng umalis." Nakapamaywang nitong aniya sa binata.

"Nothing, misis. Tinakot ko lang naman, ayun takot naman pala. Duwag lang ang gago." Anito. Kaya biglang nalakumus ni Jham ang dalawang kamay sabay nag-igting ang mga ngipin niya.

"Ilang beses mo na bang tinakot ang mga manliligaw ko ha?" Mataray na tanong dito ni Jham. Ano mang oras ay baka masakal niya ito.

"Hanggang wala na ni isa sa kanilang magtangkang ligawan ka. Your belong to me and I don't want to share my queen." Seryuso nitong sagot sa dalaga. Ilang beses na ba niya itong ipinagtulakan. Ngunit ito parin at walang kapaguran sa kabaliwan niya. Maybe it's time to accept him. Nakakapagud narin kasi makipagtalo dito.

Kaya agad na lumapit dito si Jham at ipinulupot niya ang dalawang kamay sa batok ni X. Gulat naman ang makikita sa mukha ng binata. Ngunit kalaunan ay ipinulupot narin nito ang dalawang kamay sa baywang ni Jham.

"Pagud na akong ipagtulakan kang palayo. Baliw ka kasi." Ani Jham na kinangiti lang ni X.

"Wag muna kasi akong ipagtulakan. Dahil alam mo namang baliw na baliw ako sayo. You belong to me since the day you born." Ani X na kinailing ni Jham.

"Oo, na. Libre mo ako ng lunch, nagugutom na ako." May paglalambing dito ni Jham.

"Silly. Let's go." Anito. Kaya agad na bumitaw sa pagkakapulupot niya ng dalawang kamay sa batok ni X si Jham. Kay lapad naman ng pagkakangiti ni X na ipinulupot ang isang kamay sa baywang ng dalaga.

Ingit at selos ang makikita mo sa mga babaeng nakakakita sa kanila. Kaya bahagyang tiningala ni Jham si X.

"Tingnan mo ang mga babaeng patay na patay sayo. Mukhang gusto nila akong katayin. Kaya ayaw kung nagdidikit ka sa akin e." Anito kay X na nakasimangot.

Agad naman hinalikan ni X ang noo ni Jham. "I don't care about them. And you know that. Kahit maghubad pa sila sa harapan ko ay hinding hindi ako titikim ng ibang putahe kundi ang babaeng pakakasalan ko lang." Seryuso nitong turan sa dalaga. Lihim naman si Jham na napangiti.

Huling taong na nila sa college at next year ay magsisimula ng hawakan ni X ang isa sa kumpanya ng pamilya nila. Alam ni Jham na iba ang turing ni X sa kanya mula pa noon. Pero lagi niya itong ipinagtutulakan. Dahil narin sa ibang nakakakilala sa kanilang labas sa kanilang magkakaibigan ay kinukutya si Jham tungkol sa pagkatao niya.

Hindi kasi lingid sa lahat na dating nakulong ang kanyang ama. Ngunit nagbago na ito at isa na siyang matatag at mabuting ama para sa kanya. Nagkaayos narin ang ama niya at ang ama ni X ilang years na ang nakakaraan. Maging ang mommy at daddy niya ay nagpakasal na rin ang mga ito isang taon lang ang lumipas mula ng makalaya mula sa Bilibid ang kanyang ama.

***flashback***


Nasa labas sina Jham ng Bilibid kasama ang tito Xander niya at ang tatlong anak ng tito niya. Halatang kinakabahan mula pa kanina si Jham. Kaya bahagyang hinawakan ni X ang kamay niya na kinagulat ni Jham.

"Dad, matagal pa po ba lalabas si tito?" Tanong ni Alexandra sa kanyang ama.

"Saglit lang baby at lalabas na rin yun," sagot nito. "Oh! Nandyan na pala siya oh!" Sabay turo nito sa matangkad na lalaking may bitbit na bag. "Jham, baby his your dad." Ani Xander kay Jham. At ng marinig ito ni Jham ay agad niyang tinakbo ang ama.

"Dadddyyyy." Sigaw nito na nagpahinto sa paglalakad ni JM at mas lalo itong nagulat ng sugurin siya ng yakap ng batang babae na sumigaw ng daddy.

"J-jhamaicah anak?" Tawag niya dito at tumango naman ito bilang sagot nito. At doon agad niya itong nayakap ng mahigpit at pinupog na halik sa mukha. "Ang anak ko, ang laki laki mo na baby Princess." Anitong naluluha habang walang paglagyan ang saya at muli niyang nayakap ang anak.

"I miss you Daddy." Naiiyak naring ani Jham sa ama.

"I miss you too baby, nagpakabait kaba sa kanila?" Hindi nito maiwasang maitanong sa anak. At isang tango naman ang sinagot niya sa ama.

"Ehmmm...bro sa bahay na lang kayo magkumustahang mag-ama. Dahil may bukas pa, hinihintay na nila tayo sa bahay. At tiyak na kakatayin ka ng mga iyon." Agaw ni Xander sa usapan ng mag-ama na nakangiti.

"X-xander?"

"Kumusta bro?" Ani Xander dito at kakamayan sana ito ni JM ngunit si Xander ay agad niya itong niyakap. "Congrats bro, you made it and were proud of you." Anito kay JM.

"Thank you Xander." Anito kay Xander.

"Ehmmmm!" Agaw naman ng mga anak ni Xander sa usapan nila Xander at JM. "Hi tito." Panabay na anang mga ito at napatingin naman si JM kay Xander.

"Yan ang triplets namin bro." Anito kay JM. "Oh! lets go guys." Aya ni Xander sa mga ito at agad nilang tinungo ang sasakyang dala ni Xander.


Pagdating nila sa bahay ay gulat ang makikita mo sa mukha ng ama ni Jham. Hindi kasi nito akalain kung saan bahay sila tutuloy. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na naghihintay na doon ang mga kaibigan ng tito Xander niya.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga kaibigan ng tito Xander ni Jham sa kanyang ama. Kaya naiilang man ito ay sa bandang huli ay nagkapalagayan din niya ng loob ang mga ito.

Hanggang sa hindi nila namalayan ang oras at nagsipag-uwian na pala ang mga bisita nila. At huling umalis ay ang mag-anak ni Xander. Nakipag-usap pa kasi ito sa daddy ni Jham.

"Nakaalis na po ba sina tito Xander Dad?" Untag ng anak nito sa kanya ng matigilan siya.

"O-oo. baby," sagot nito at lumapit sa mag-ina niya. "halika ka nga dito, Princess." Anito sa anak pagkaupo niya. Agad naman itong kumandong kay JM. "I miss you anak." Anito sa anak ngunit ang mata ay nakatuon kay Mary Grace.

"I miss you too Dad." Sagot naman nito sa ama. At alam nitong kailangan ng magulang niya ng time para makapag-usap rin ang mga ito kaya nagdahilan itong matutulog na dahil inaantok na.

"Sige po Dad, mauna na po ako sa inyo ni Mommy matulog, kasi inaantok na ako," anito sabay hikab. "Good night po." Pagkasabi nito ay agad siyang humalik sa pisngi ng ama.

"Okay! good night too, Princess." Anito sa anak. At bago iniwan ni Jham ang magulang ay humalik muna ito sa ina.

At ng makaalis ang kanilang anak ay katahimikan ang namayani sa dalawa. Ngunit agad rin binasag ni JM ang namumuong katahimikan sa pagitan nila.

"Kumusta kana Grace?" Tanong niya dito ngunit ang isa ay hindi makatingin ng tuwid kay JM. "Okay! lang." Tipid nitong sagot.

"Grace." Tawag ni JM kay Mary Grace.

"H-huh!" Bago muling nagsalita si JM ay lumapit muna ito kay Mary Grace at agad na lumuhod sa harapan nito. Agad nitong hinawakan ang dalawang kamay ni Mary Grace.

"Grace, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa at kung papaano ako hihingi ng kapatawaran sa'yo sa lahat ng mga pagkakamali kung nagawa ko. At sa mga pagkukulang ko sa ating anak," anito sa malamlam na mga mata.

"Grace, masisi mo ba ako kung mahina ako, marupok at namulat sa maling paniniwala at maling daan ang tinahak. Walang takot sa Dios at maging sa sarili niya ay wala siyang takot. Hindi narin ako umaasang magkakaroon ng katugon ang sa mahabang panahon kung inipon at kinimkim at tinago dito." Ani JM sabay lagay nito ng kamay ni Mary Grace sa kanyang dibdib.

"Grace, minahal kita at mahal kita. Sa takot ko noon sa aking ina ay mas minabuti kung ako ang kamuhian mo, nanaisin ko pang masama ang tingin mo sa'kin wag ka lang magsumbong. Pinagkakasya ko na ang sarili kong tinitingnan ang mukha mo habang tulog ka. Lihim akong nasasaktan sa tuwingn mayron nangyayari sa'tin at nakakatulogan mo ang pag-iyak. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit, pero wala eh! sa maling hakbang ko ay baka tuluyan kang mawala sa'kin kaya ganun kita noon itrato. Pero God knows how I love you Grace." Sabay halik ni JM sa kamay ni Mary Grace. Maging ito ay napaiyak narin, dahil naniniwala rin itong totoo ang sinasabi ni JM. Dahil natagpuan nito ang ilang gamit sa loob ng kwarto nito kung saan niya sinulat ang saloobin noon.

"Ssssshh......." Si Mary Grace na hinarang ang hintuturo sa labi ni JM. "Matagal na kitang napatawad, magtanim man ako ng galit sa'yo ay hindi ko magawa. Dahil ang puso ko ang matindi kong kalaban. Mahal na mahal din kita JM. Sa panahong nagdaan ay ni ibaling sa iba ang nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Dahil dito sa puso ko ay ikaw parin ang nagsusumiksik, ikaw parin ang laman nito. At wala akong ibang hiling sa itaas kundi sana balang araw ay makakasama ko ang anak ko at ama ng anak ko. At hindi nga niya ako binigo, dahil muli kung nakasama ang anak ko at ito nandito kana rin. Kalimutan na natin ang lumipas na sa mga buhay natin at harapin natin ang ngayon at bukas ang panibagong yugto ng ating buhay kapiling ang anak natin." Saad ni Mary Grace kay JM habang tuloy tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Mula ng marating ni Mary Grace ang bansang Dubai, U.A.E ay pinalad na mabait ang naging amo nito. At dahil sa kaibaitang taglay niya't ganda ay tinangka siyang ligawan ng biyudo nitong among lalaki, ngunit tinanggihan niya dahil iisang tao lang ang laman ng puso't isip niya at ayaw narin niyang masaktan muli. Kaya ng matapus ang dalawang taong kontrata niya ay agad siyang umuwi ng pilipinas dala ang perang naipon niya sa loob ng dalawang taon niyang pagtratrabaho sa Dubai.

Pagdating niya sa Pilipinas ay naghanap siya agad ng apartment na mauupahan niya. Ngunit dahil sa mga kaibigan niya ay natuntun siya ni Xander at Kate. Dala-dala ng mga ito ang anak niya at muling ibinigay ito sa kanya. Iniuwi sila ng mag asawa sa dating tahan nila JM kung saan nabuo ang anak nila. At hindi pa nakuntinto ang mag asawa sa pagbigay ng tulong sa kanilang mag ina kundi pati maayos na trabaho ay nagkaroon si Mary Grace ang pamahalaan ang restaurant na pinatayo ni Xander para sa kanila ni Kate. Doon mas lalo niyang nakilala ang lahat ng mga members ng dalawang CLAN nila Xander at ang mga asawa ng mga ito na itinuring naring siyang mga kaibigan nito.

"Oh! God, thank you po. I love you so much Grace." Masaya nitong aniya sabay yakap dito at gumanti naman ang isa. At hahalikan na sana ni JM si Mary Grace ng masagi ng anak nila ang flower vase malapit sa hagdan. Kaya napalingon ang dalawa at doon nakita nila ang anak nilang nakangiti at nakapeace sign kaya natawa na lang ang dalawa sa anak nilang nakikinig pala sa kanilang usapan.

***end of flashback***

"Hey! Are you okay?" Utag ni X kay Jham na malayo na pala ang inabot na diwa niya.

"H-huh! Oo, ayos lang ako. May naala lang ako." Nakangiti nitong sagot. Agad naman siyang ipinagbukas ni X ng pinto nang sasakyan ng marating nila ang kotse ng binata.

TBC.

➡Thank you for reading and God Bless.

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 218 11
Do you know how hard to take care of a child with autism? Hindi naman sa mahirap, they are precious to have. They are gifts from God. They are our lu...
403K 11.4K 26
RIED GEO VARGAS GUERRERO o mas kilala sa tawag na Greg. Kilala sa larangan ng music industry, may ari ng GUERRERO Recording Company. One of the Guerr...
502K 16.5K 31
MICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber