The Unmarried Billionaire (Da...

由 CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... 更多

T.U.B
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 5

15.7K 739 143
由 CovertSolace

I dedicate this chapt to jodeyzjedoyz. Thanks sa support 😊

Auster's pov

Sobrang hiya ang aking naramdaman ng mga oras na yun. Ang masabihang walang kwenta at wreckless ay isang malaking insulto sa aking kakayahan bilang isa sa pinagkakatiwalaang waiter ng restaurant na ito. Balisa at naluluha akong pabalik balik ng lakad dito sa staff room.

Masyado akong preoccupied dahil bago pa ako umalis kanina ng bahay ay nahihilo si tita Bless kaya pinagpahinga ko muna ito. Alam kong tumatanda na si tita kaya hindi na rin nakakabuti sa kanya ang sobrang pagod sa pagtatrabaho. Sa biglaan nyang pagkahilo kanina ay tila ba ako nagising sa katotohanang kulang pa ang lahat ng ginagawa ko. Dahil kailangan ko pang dagdagan ang sikap upang tumigil na sa pagtatrabaho si tita.

Ngunit eto pa ang nangyari ngayon. Sana naman iconsider ni assistant manager ang nangyari at palampasin na muna ang nangyaring ito. Sa dami naman ng ginawa kong magaganda dito sa restaurant ay siguro naman sapat na iyong maging pakunswelo sa nangyari.

Nasa balisang palakad lakad ako ng bumukas ang pinto ng staff room at niluwa nito si Color.

"Au okay ka lang ba? Ano ba ang nangyari kanina?" Ang nagaalala nitong tanong sa akin.

"Color, ka-kasi may nasagi akong nakausling bagay malapit sa mesa nung gwapong masungit kanina. Kaya ayun natapon ko lahat ng drinks sa damit nya." Nauutal at garalgal na boses kong sagot sa kanya.

"Nako naman Au dapat nagiingat kang palagi. Buti hindi nagsumbong yung gwapong masungit na customer kanina sa assistant manager. Alam mo namang wala dito si sir Kiero eh. Ang timing mo namang sumablay." Pagaalo nito sa akin.

"Color, sabi niya kaya nya ako ipatanggal dito. Color hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho." Naiiyak kong saad dito.

Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Ipapacheck up ko pa si tita Bless. Kailangan ko ng pera para dun. Babale pa ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho.

"Oh, kalma ka lang. Wala namang inereklamo si gwapong chinito. Hindi ka mawawalan ng trabaho. Relax lang." Pagpapakalma nito sa akin.

"Sigurado ka ba?" Naluluha kong tanong.

"Oo kaya wag ka nang umiyak jan. Tsaka hindi ka basta basta mapapaalis dito anu ka ba. Ilang beses ka nang naging employee of the month eh. Ikaw lang inaasahan ng restaurant sa tuwing kukulangin ng staff. Paniguradong ikokonsidera yun ni assistant manager kung mangyaring may reklamo man sa iyo." Paninigurado nito.

Tila lumuwag ang aking dibdib sa sinabi ni Color kaya niyakap ko ito at nagpasalamat sa pagaalo sa akin.

Kumalas kami sa yakap at inayos ang sarili namin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang di ko inaasahang tao.

"Cardario! Oras ng trabaho ngayon bakit nandito ka?" Malditang turan ni Ms. CORAtong baleleng.

Agad namang nagayos at nagpaalam si Color at lumabas na ng room.

"Ahh babalik na ho ako sa trabaho ma'am, sir." Kabado kong saad matapos maayos din at sarili.

Akmang lalabas na sana ako ng room ng harangin ni ms. Cora ang pinto.

"Not so fast. Akala mo ba hindi namin nakita ang ginawa mo kanina?" Taas kilay na saad ni ms. Cora habang tahimik lang si sir Jet sa tabi nito.

"Pa-pasensya na ho. Sir Jet, ahm humingi naman ho ako ng pasensya kanina sir." Nakita ko ang pagunawa sa mga mata nito. Alam kong mabait si sir Jet dahil isa sya sa mga kinagigiliwan na staff ng restaurant.

Nakita kong pumayuko ito.

"Au, you see hindi kasi basta bastang tao ang nakabangga at natapunan mo ng juice sa damit kanina. Isa sya sa pinakamayan sa industriya ng pagbebenta ng kotse. He is the owner of Yuuji Automotives and tradings. Isa sya sa mga nakahilerang bilyonaryo sa bansa." Seryoso nitong saad. Nabigla ako dahil isa palang importanteng tao ang nasemplangan ko kanina.

Dahil sa sinabi ni sir Jet ay mas lalo pang tumindi ang kaba sa puso ko.

"Sir pasensya na ho. Hindi ko na ho uulitin yun sir." Garalgal na ang boses ko sa kabang nararamdaman.

"Oo alam naming hindi mo na uulitin yun. Dahil napagdesisyonan na namin na tanggalin kana. Bilang si sir Jer ang namamahala sa ngayon ay nasa kanya ang desisyon. At base sa paguusap namin kanina ay tatanggalin ka na namin dito sa restaurant." Walang gatol na saad ni ms. Cora.

Para akong natuod sa sinabi nito. Hindi ako gad nakaimik. Napabalik nalang ako sa wisyo ng kunin ni ms. Cora ang bag ko at itinulak ako palabas ng staff room.

Umiiyak akong nagmamakaawa habang patuloy akong tinulak ni ms. Cora, nakatingin na rin ang ibang staff at mga customer na kumakain ngayon sa loob ng restaurang.

Nang makalabas na kami ng restaurant ay isang malakas na tulak ang ginawa nito sa aking likod na syang nagpasagi g kaliwa kong paa sa kanan, dahilan para matumba ako sa gilid ng daan.

"Cora sumosobra ka naman ata." Saway ni sir Jet sa kanya.

"Tumigil ka. Nagdesisyon kana kaya ok lang na kaladkarin yan dito sa labas dahil hindi na sya parte ng staff ng restaurant!" May gigil na singhal nito kay sir Jet na tila ba sya pa ang boss nito. Wala nang nagawa pa si sir Jet kundi ang yumuko.

Nakita ko namang lumabas si Color mula sa restaurant.

"Anong ginagawa mo Cora?" Pagalit nitong tanon habang tinungo ang kinaroroonan ko.

"Hoy isa ka pang bakla ka pare pareho kayong dalawa! Now kung ayaw mong mawalan nang trabaho ay matuto kang irespeto ako lalo sa oras ng trabaho. Bumalik ka sa loob ngayon din!" Pagalit nitong sigaw kay Color.

"Hoy! Babae ka sumosobra kana ah. Akala mo kung sino ka. Anong karapatan mong magtanggal ng empleyado ng restaurang eh hindi naman ikaw ang manager nito? At ano toh sir Jet? Bakit hinayaan mong magkaganito ito? Assistant manager ka kaya dapat ikaw ang nagchachannel nito kay sir Kiero. Hindi yung padalos dalos lang kayo ng desisyon." Matapang na sagot ni Color sa kanila.

"Nakapagdesisyon na ako Color. At maayos na ibinilin sa aking ni sir Kiero ang pagdedesisyon sa restaurant." Seryoso nitong sagot.

"Now, oras ng trabaho ngayon kaya bumalik ka sa loob." Dagdag pani sir Jet.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit ito ginagawa ni sir Jet? Wala naman akong ginawang mali sa mga nakaraang taong pagtatrabaho ko sa restaurant.

Umiyak akong nagmakaawa kay sir Jet ngunit agad din itong pumasok sa restaurant. Matapos nitong pilit pinapapasok rin si Color sa loob. Wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa boss nya. Naiwang nakapamewang si ms. Cora sa harap ko.

"Nakaawa na nakakatawa kang panoorin ngayon. Oh, nasan na ang tapang mo? Saan na ngayon ang mga pinagmamalaki mo?" Taas kilay na nakangiti nitong saad.

"Ms. Please ho. Wag nyo akong tanggalin. Maawa kayo sa akin. Kelangan ko ang trabahong ito. Kailangan kong madala sa doctor ang tita ko. Ms. Cora please ho gagawin ko ang lahat wag lang ho ako matanggal sa trabaho."umiiyak kong pagsusumamo sa harap nya. Hindi ko kayang mawalan ng trabaho ngayon.

"Hmmm may paraan pa naman. Yun ay kung handa ka talagang gawin ang lahat." Nakangising demonyo nitong saad. Ngunit nabuhayan nama ako ng loob sa sinabi nito.

"Kahit ano gagawin ko. Wag nyo lang akong tanggalin sa trabaho." Pagmamakaawa ko dito.

Mas lumapad pa ang ngiti nito sa labi at tila ba may masamang balak sa isip nito.

"Madali lang naman ang gagawin mo Au. Lumuhod ka sa harap ko at halikang ang sapatos ko. Ngayon mismo." Tila buong galak nyang sinasambit ang bawat katagang binibitawan nya. Para syang kasali sa isang kompetisyon at tila sa wakas nalalapit na nyang makamtan ang matagal nang inaasam.

Napakaraming dumadaang sasakyan sa kalsada. At ang mga taong naglalakad at nakatingin narin sa amin. Sa akin, dahil mukha akong nakakatawa at nakakaawa sa itsura ko nayon.

"Oh, ano nah? Aba'y kung di mo gagawin ay papasok na ako sa loob." Saad nito sa naiinip na tono.

"Sa-sandali lang." Pinunasan ko ng t-shirt ko ang aking mukhang puno na ng luha.

Unti-unti akong lumuhod at yumuko. Inabot ko ang kanyang sapatos at unti uning inilapit ang mukha dito. Ngunit hindi pa ako nakakahalik dito nang iangat nito ang isang paa at ipinatong sa aking ulo. Tanging luha nalang ang aking nagawa habang nakasubson ang aking mukha sa kanyang sapatos.

"Yan ang nababagay sa'yo! Masyado kang ambisyoso! Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo! Dapat lang na halikan mo ang sapatos ko!" Bakas ang gigil sa kanyang pananalit ngunit maririnig din ang saya dito.

Nasa ganoon akong posisyon ng bumukas ang pinto ng restaurant at natanggal ang paang nakatapak sa ulo ko at napaatras si Cora.

Nakita kong itinulak ito ni Color na naging dahilan para mapasandal ang likod nito sa pinto ng resto.

"Demonyo kang babae ka!" Sigaw ni Color.

"Makakarating ito kay sir Kiero! Tandaan mo! At ikaw sir Jet! Kayong dalawa mananagot kayo kay sir Kiero! Mga wala kayong puso! Bakit ikaw Cora ha! Ano bang ginawa ni Au sa iyo at ginaganito mo sya? Hindi mo matanggap na kayang kaya nyang kunin sayo ang posisyon mo kung gugustuhin lang nya? Eh sa totoo namang boba ka at walang modo kaya hindi bagay yang posisyon mo sayo! Maganda ka lang talaga sa labas pero sa loob ay bulok na bulok ka na! Pareho kayong dalawa magsama kayo!" Sigaw ni Color sa ako nito inalalayang tumayo.

"Mag ingat ingat kang bakla ka baka gusto mong ikaw ang isunod kong patanggalin dito!" Galit na sagot ni Cora kay Color.

"Tumigil ka na Cora sumusobra kana." Si sir Jet na hinahawakan ang dalawang braso ni Cora.

"Wag na wag mo akong pagbabantaan ungas ka! Nadadala lang ng make up yang kagandahan mong pangit ka! Ibahin mo ako dahil lumalaban ako. Subukan nyong sirain ang record ko at sapilitang ipatanggal dahil sisiguraduhin kong isasabay ko kayo. Ni hindi na kayo naawa kay Auster na wala namang ginawa sa inyo." Mas lalo akong naiyak sa pinapakitang katapangan ni Color ngayon.

Sa likod nang pangaalipusta ng mga iba ay mayroon at mayroong taong dadamay at ipagtatanggol ka sa lahat. Sila ang mga tunay na kaibigan.

Kinaladkad na ni sir Jet si ms. Cora the dinosaur sa loob. Pilit naman akong hinahagod sa likod ni Color at pinapatatag. Niyakap ko nalang ito ng mahigpit at umiyak sa balikat nito.

Hindi na ito bumalik sa trabah opansamantala at sinamahan ako sa maliit na karinderya malapit lang sa resto.

"Oh ayan uminom ka muna." Sabay lapag nito ng juice sa mesa.

"Color hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang gawin yun sa akin." Saad ko. Medyo kumalma na ako ngayon matapos kong humagulhol sa balikat ni Color.

"Ewan ko ba sa insecurity ng babaeng yan. Sukdulan eh. Nakakakulo ng dugo." Inis na turan naman ni Color.

Huminga ako ng malalim sabay tumingin dito at ngumiti.

"Maraming salamag Color ah. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin. Tunay ka talagang kaibigan." Saad ko dito at nginitian naman nya ako.

"Mabuti kang tai Au, Kaya kita pinagtatanggol. Isa pa ay wala silang karapatang saktan ka lalo na at wala ka namang ginagawang masama sa kanila." Saad nito sabay balat sa saging na hawak nya.

"So ano na ang plano mo ngayon? Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng taobg pwede mong matapunan ng juice ang isang billionaryo pa. Malamang kahit si sir Kiero mapapaisip ring tanggalin ka eh. Hai ang malas mo naman ngayon Au." Dugtong nya sabay kagat sa saging na binalatan nya.

Napahinga ako ng malalim saka uminom ng juice na bigay nito.

"Sa ngayon siguro ay maghahanap muna ako ng raket habang wala pa akong mapapasukang ibang trabaho. May naipon pa naman ako kaya yun muna ang gagamitin ko para mapacheck up ko si tita Bless. Namumutla kasi at nahihilo sya kanin eh." Malugkot kong sabi.

"Nako eh kung ganon ay ayusin mo na ang sarili mo at umuwi na baka napano na si tita Bless sa bahay ng mag isa lang." Nagaalala nitong saad na nagpangiti sa akin dito.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit.

"Maraming salamat sa lahat Color. Sa pagiging mabuting kaibigan at masasandalan sa mga ganitong sitwasyon." Saad ko habang niyayakap sya.

Gumanti naman ito ng yakap.

"Kaibigan mo ako Au, maasahan mo ako sa lahat ng oras. Para na kitang kapatid eh. Sino pa ba ang magdadamayan kundi ang mga magagandang nilalang lang." Natawa ako sa sinabi nito at ganoon din sya.

Matapos naming magpahinga ay nagpasya na akong umuwi at pinabalik ko na rin si Color sa restaurant. Ayaw pa ni kumag na bumalik pero pinilit ko parin sya.

Ayaw ko syang mawalan ng trabaho ng dahil lang din sa akin.

Malalim ang isip kong tinahang ang daan papunta sa bahay matapos akong ibaba ng jeep sa kanto papunta sa aming barangay. Tulala akong naglakad papunta sa aming bahay. Nakakasalubong ko ang mga kababata at pati narin na mga tambay na nagiinom sa tindahan at tinatawag ako ngunit hindi ko nabigyan man lang ng pansin.

Paano na ako ngayon nito? Paniguradong gagastos kami kung ipapacheck up ko si tita. Sana lang umabot ang perang naipon ko para sa mga gagastusin.

Hai, bukas babayaran pa pala ang tubig at ilaw namin. Sana lang may matira pa sa ipon ko. Saka nalang siguro ako mag.aaral ulit pag nakaipon na ulit ako ng malaking pera.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan ng nasa tapat na ako ng aming pinto.

Nang buksan ko ito ay para akong natuyuan ng dugo sa aking nakitang nakahandusay sa sahig.

"Tita Bless!!!!" Sigaw ko.







Itutuloy.....

______________________________________

A/N

Hi guys! Another update here! So kamusta naman ang chapt? hehehe I hope you like it guys.

Sorry kung medyo late na yung update. Kasi natutuyo na utak ko dito hahahah.

Shout out to YusTimmy! Check his works guys under dangerous man series. Naipost nya na yung mga books na gagawin nya hehehe.

Same drill guys! If you have something to say then leave it on the comment section. Hit the star button if you feel like it is worthy of your time.

Thanks for thd support and soar high!

繼續閱讀

You'll Also Like

6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
3.4K 134 52
Valkrie Boys First Series : Jeydee Valkrie COMPLETED ✔ [AVAILABLE AT BOOKLAT] Sabi nila ang pagmamahal daw walang pinipili. Kapag ito ay naramdaman m...
287K 11.4K 38
|For Revision| "Ipangako mo sa akin na kahit nasa kabilang buhay na tayo ay hahanapin parin natin ang isa't-isa. Kahit na anong estado nating dalawa...
88.9K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]