A Love to Report [Fin]

By YGDara

3.6M 63.2K 2.3K

Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano... More

A Love to Report
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen [1]
Sixteen [2]
Sixteen [3]
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
HAPPY
Forty [1]
Forty [2]
Forty [3]
Epilogue

Seven

68.8K 1.3K 25
By YGDara

Napapitlag si Adie ng tumunog ang intercom niya. Pinindot niya iyon at tsaka nagsalita.

"Yes,sir?" tanong niya. Pinasigla niya pa ang boses niya kahit sa totoo lang ay bored na bored na siya. Mag-a-alas sinco na ng hapon at wala siyang ginawa kundi ang tumunganga sa lamesa niya. Ang huling utos na sinunod nalang niya ay mula rito ay yung dalhan sila ng pagkain ni Sir Mico.

"Pumasok ka sa loob." utos nito. Agad naman siyang tumayo at kinuha ang planner niya.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng opisina nito at napaangat ito ng tingin mula sa folder na binabasa nito.

"Labas." kunot noong sabi nito.

Kaya tuloy pati si Adie ay napakunot noo rin. Ano'ng problema nito? Akala ba niya eh may utos ito sakanya kaya siya pinapapasok sa loob nito?

"Eh sir, bakit niyo ako pinapasok kung palalabasin niyo rin pala ako?" tanong niya.

Muli ay tinignan siya nito ng matalim. Seryoso ang mukha nito pero bakit napakaguwapo parin?! Nakakainis! Bakit ba pinupuri niya ang lalaking ito sa isip niya?!

"Naiwan mo ata ang manners mo sa lamesa mo Ms. Martin. Hindi ko ata narinig na kumatok ka. Labas." malamig na sabi nito.

Napapikit ng mariin si Adie. Gustong-gusto niyang bulyawan ang taong nasa harap niya ngayon. Pero hindi pwede. Kailangan maging obedient siya sa lahat ng i-utos nito sakanya.

New York. New York. New York.

Paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang iyan sa isip niya. Para naman ipaalala niya sa sarili kung bakit kailangan niyang tiisin ang saltik sa utak ng boss niya.

"Sorry,sir." mahinang usal niya at tsaka lumabas sa opisina nito. Pagkasarado ng pinto ay huminga ng malalim si Adie.

"Kaya mo ito Adie. Endure. Endure. Endure." bulong niya sa sarili bago tuluyang kumatok sa pinto.

"Pasok." rinig niyang sabi nito sa loob.

Pagkapasok niya ay nagulat siya ng nakatayo na ito at nadatnan niyang sinusuot na ni Marco ang jacket nito.

"I'll be going out early. Dalhin mo itong CD na ito sa address na ititext ko sa'yo." sabi nito habang tumitipa sa cellphone nito. Nagulat nalang si Adie ng biglang tumunog ang cellphone niya.

From: 09*********

45 Block 2 Emerald St. Westridge Heights.

Hindi na siya nagtaka na si Marco itong nagtext. At hindi narin siya nagtaka kung paano nito nakuha ang number niya. Malamang sa malamang ay ibinigay ito ni Mrs. Duquez sakanya.

"Natanggap mo ba?" tanong nito sakanya.

"Opo."

"Okay. Aalis na ako. Call me kung naibigay mo na." pagkasabi nun ay umalis na ito. Naiwan si Adie sa opisina nito na hawak hawak ang isang CD. Bigla tuloy siyang nacurious kung ano ang laman nito. Mabilis siyang lumabas sa opisina nito at ini-lock iyon. Isinilid niya sa bag niya ang CD tsaka niya pinatay ang computer. Isinuot niya ang kanyang jacket at tsaka pinuntahan ang nasa address.




"Ito na siguro iyon." sabi ni Adie habang tinignan ang address na nasa cellphone niya.

Nandito siya ngayon sa tapat ng isang puting bahay na puro salamin pero wala namang makita sa loob. Maybe one way mirror ang mga ito. The place screams luxury. Lahat ng bahay ay may ibubuga. She wonders who's living in here?

Nag-doorbell na siya at napapitlag ng biglang may nagsalita sa intercom malapit sa doorbell.

"Sino iyan?" tanong ng isang boses ng babae.

"Uhm. Ako po si Adrienne Martin. Pinadala po ako ni Mr. Marco Dame Montello ng Mon Records."

"Oh, come in." pagkasabi nun ay bigla nalang bumukas ang gate. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip tuloy niya na i-suggest sa parents niya na ipa-automatic narin ang gate nila. Why not?!

Naglakad si Adie sa pathwalk na napapalibutan ng mga light posts. Tapos sinalubong siya ng isang matandang babae na naka-uniform. Mukhang kasambahay ito.

"Good Evening po." Bati niya sa matanda. Six pm na kasi ng makarating siya rito.

"Good Evening rin. Halika at doon daw kayo sa studio." sabi nito at naunang maglakad. Sumunod siya at hindi niya naiwasang manlaki ang mata ng makita ang isang malaking portrait ng isang babae.


"Pasok na ho kayo." sabi ng matandang babae ng pinagbuksan siya nito ng pinto sa studio na sinasabi nito.

Nginitian niya ito ng tipid. Hindi siya makapaniwala. Nasa bahay siya ni..

"Take a seat." pukaw sakanya ng isang magandang babae na kalalabas lang sa isa pang pinto. Nakasuot ang babae ng isang simpleng black long sleeve dress na abot sa tuhod nito at naka-heels. Naka-ponytail ang buhok nito na kita ang napakaperpektong hugis ng mukha at makinis na kutis.

"Oh my God." hindi niya napigilang usal.

Natawa naman sakanya ang babae. "Let me guess, hindi mo alam na ako ang pupuntahan mo?"

Umiling si Adie bilang sagot. Nasta-star struck kasi siya sa puntong ito. Biruin niyo, maghahatid lang siya ng CD makikita niya pa ang idol niya?

There she was. Ang tinaguriang The Melody of an Angel.

Eunice Tan. Ang kanyang idol pagdating sa musika. Maniwala kayo't sa hindi, halos lahat ng kanta sa iPod niya ay kanta nito. Marami rin siyang poems at stories na naisulat at ang inspirasyon niya ang mga kanta nito.

"Are you okay?" nakangiting tanong nito sakanya.

"I-IDOL!!!" hiyaw niya at tsaka mabilis na niyakap niya si Ms. Eunice.

Natatawang gumanti naman ito ng yakap sakanya. Natauhan naman bigla si Adie at mabilis na bumitaw mula rito.

"Sorry po! Na-excite lang. Idol ko po talaga kayo! Ang ganda niyo po! Parang wala kayong asawa at anak."

Ngumiti naman ito sakanya. "Thank you. Ano nga pala ulit pangalan mo? Adrienne nga ba?"


"Opo! Pero Adie nalang po."

Tumango ito at pinaupo na siya. Jusko. Maging sa pag-upo nito ay napaka-eleganteng tignan. Grabe!

"And you're Marco's...?"

"Ah! Secretary po. Temporary." nakangiting sagot niya.

"Temporary? Well that's interesting."

"Two weeks lang po ako sakanya kasi po may trangkaso yung totoong secretary niya. Ay, eto po pala ang CD'ng pinabibigay niya, Ms. Eunice." sabay abot sa CD.

"Thanks. Wait here okay?" sabi nito at tsaka tumayo at lumapit sa isang player. Ipinasok nito ang CD doon ay maya-maya lang ay pumailanlang sakanila ang isang tugtugin. Habang tumutugtog ang CD ay umupo na ulit si Ms. Eunice sa upuan nito kanina na kaharap niya.

Ah. So eto pala ang laman ng CD na iyon. Ito kaya ang kino-compose ni Marco kanina?

"So what do you think?" napabalik siya sa katinuan ng bigla siyang tanungin ni Ms. Eunice sakanya.

"Po?" di na niya pala namalayan na tapos na ang tugtugin.

"Ano'ng tingin mo sa napakinggan mo?" nakatingin ito sakanya na para bang hinihintay talaga ang opinion niya.

"Maganda naman po." tipid na sabi niya.

Humalukipkip ito at sumandal sa upuan. "I'm planning to retire next year."

"Po?!!" gulat na usal niya.

"Ten years in the industry was enough. Gusto ko namang ituon ang atensyon sa pamilya ko. Pero hindi ko kayang basta-basta nalang iwan ang mga fans ko na nagmahal sakin these years. Kaya naisipan kong gumawa ng last album. And I'll entitle it as 'Angel's Last Melody'. So I asked Mon Records para sila ang mamahala ng album ko. Kasi I've been working with them for five years. Gusto ko ang mga kanta ko ay magpapaalala sa fans ko na kahit na retired na ako, my songs will be kept in their hearts. Kaya, tatanungin ulit kita Adie. Sabi mo nga, fan kita. As a fan, what would you feel about the song you've heard?"

Napaisip tuloy si Adie. Ipi-nlay niya ulit sa utak niya ang napakinggan niya kanina.

"Malungkot." nakita naman niyang ngumiti at tumango-tango si Ms. Eunice kaya ipinagpatuloy niya ang sinasabi. "Kahit wala pang lyrics, nararamdaman ko na malungkot yung melody. Parang..iyon ang nararamdaman ng gumawa.." mabagal na sabi niya sa huli.

Kung gayon, malungkot ba si Sir Marco?

Ano bang meron sa'yo, Marco Dame Montello?

---------

VOTE AND COMMENT. ;))
Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

Continue Reading

You'll Also Like

32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
503K 20.8K 21
"Fear the cold and crave the burn." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#9: Playing wi...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
638K 10.9K 38
Alina Scott met Travis Morgan, son of her mother's rapist. © 2014 SilentInspired All Rights Reserved