Mystic Club: The Paranormal D...

Av Illinoisdewriter

646K 33.3K 7.2K

When everyone thought that they figured out all the puzzling mysteries that surround them and that everything... Mer

Mystic Club
Prologue
Chapter 1: Vengeful Cadaver
Chapter 2: Vengeful Cadaver (Part 2)
Chapter 3: Chasing Wren
Chapter 4: Faith Healer or Killer?
Chapter 5: Faith Healer or Killer? (Part 2)
Chapter 6: Girls' Exchange Blows
Chapter 7: The Poltergeist Is Back With Vengeance
Chapter 8: The Poltergeist Is Back With Vengeance (Part 2)
Chapter 10: Misadventures of Coco in California (Part 2)
Chapter 11: Misadventures of Coco in California (Part 3)
Chapter 12: His Mysterious Pursuit of Bethany
Chapter 13: His Mysterious Pursuit of Bethany (Part 2)
Chapter 14: Knowing What You Got
Chapter 15: Tinks Gone Wild
Chapter 16: Tinks Gone Wild (Part 2)
Chapter 17: Smell of Death
Chapter 18: Graveyard: Story Of A Murderer
Chapter 19: Graveyard: Story Of A Murderer (Part 2)
Chapter 20: Graveyard: Story Of A Murderer (Part 3)
Chapter 21: How Is It Like?
Chapter 22: The Proposal of the Past
Chapter 23: The Witch, The Psychic and The Halfway Truth
Chapter 24: Mannequins For Pleasure
Chapter 25: Mannequins For Pleasure (Part 2)
Chapter 26: Mannequins For Pleasure (Part 3)
Chapter 27: Mannequins For Pleasure (Part 4)
Chapter 28: Lies, Prayers and Regrets
Chapter 29: Making Difference
Chapter 30: Baby Don't Cry
Chapter 31: Baby Don't Cry (Part 2)
Chapter 32: Baby Don't Cry (Part 3)
Chapter 33: Baby Don't Cry (Part 4)
Chapter 34: His Story
Chapter 35: Fairest Of Them All
Chapter 36: Fairest Of Them All (Part 2)
Chapter 37: Fairest Of Them All (Part 3)
Chapter 38: Fairest Of Them All (Part 4)
Chapter 39: She's A Witch
Mystic Club: The Paranormal Detectives (Volume 2)
Chapter 40: Way To Move On
Chapter 41: Whole Day Mishaps
Chapter 42: Add-ons, Changes And Imperfect Timing
Chapter 43: Land Of Eyes And Teeth
Chapter 44: Land Of Eyes And Teeth (Part 2)
Chapter 45: Land Of Eyes And Teeth (Part 3)
Chapter 46: Land Of Eyes And Teeth (Part 4)
Chapter 47: Simplicity And Complications
Chapter 48: Gone With My Everything
Chapter 49: Lonesome Difficulties
Chapter 50: Not The Happiest
Chapter 51: Welcome To Neverland
Chapter 52: Welcome To Neverland (Part 2)
Chapter 53: Welcome To Neverland (Part 3)
Chapter 54: The Other Side
Chapter 55: Troubles Fetching The Newbie
Chapter 56: Sinister Nun
Chapter 57: Sinister Nun (Part 2)
Chapter 58: Sinister Nun (Part 3)
Chapter 59: Sinister Nun (Part 4)
Chapter 60: Exorcism of Annie Perez
Chapter 61: Journey in Abseiles
Chapter 62: Nearing End
Chapter 63: The End
Mystic Club: The Paranormal Detectives (Volume 3)
Undisclosed Entries
The Clairvoyant
The Telepath
Undisclosed Entries 2.0
The Clairscent
The Primordial Being
Last and New Entries
Epilogue
A Symbolic Look on MCTPD
Other Stories & their Blurbs
The Guardian Angel

Chapter 9: Misadventures of Coco in California

9.4K 462 47
Av Illinoisdewriter

Misadventures of Coco in California

"Okay, I'll bring your club back to the master list and here's the key of your clubroom. Congratulations Ms. Quizon." Gelm announced with a stern expression and cold stare.

Ayaw na naman niya akong makitang gumagala sa office niya. Whatever. Ang mahalaga ay nasa amin na ulit ang clubroom namin. Tobbie and Wren will surely be glad in hearing the good news. Ngiting-ngiti ako nang kunin ko ang susi sa kamay niya.

"Thank you Mr. President."

Tinalikuran ko na siya at dali-daling lumabas ng kanyang office.

"Yes!" I blithely exclaimed when I was on the hallway.

Some of the students there turned their attentions on me. Masama ba maging ganito ka-happy? Agad kong tinext sina Wren at Tobbie na nabawi na namin ang club at clubroom namin. I received a fast reply from Tobbie that they're both on the cafeteria.

I'm coming there.

Sinend ko na ang message ko sa kanya at isisilid na sana sa bulsa ng aking gray blazer iyon ng bigla na lamang iyong tumunog. It's nanay.

"Hello nanay?"

"Baby Coco?"

Nahinto ako sa paglalakad ng mahimigan ko ang kaba sa boses ni nanay. Sana naman walang masamang nangyari sa kanya.

"Nanay, okay ka lang ba?"

"Anak, hindi maganda ang pakiramdam ko."

"Ano? Nanay, umuwi ka na dito!"

Lumipas na ang isang linggo ay hindi parin ito umuuwi ng bansa. Konti na nga lang at magtatampo na ako sa kanya dahil iisipin ko ng iniwanan niya ako dito.

"Hindi para sakin anak. Para sa Tita Colleen mo."

Tita Colleen is the half sister of nanay and Tita Caroline. Anak ito ni lolo sa isang Amerikana. Iniwan ito ng ina sa kanya ng isinilang ito. Taos-puso namang tinanggap ni lola si Tita Colleen hanggang sa doon na ito lumaki sa puder nila kasama sina nanay na tinuring naman siyang totoong kapatid. Pero bumalik ang nanay niyang Amerikana noong nagdalaga sila at dinala ito papuntang California. Tumanggi sina lola sa desisyon ng totoong ina nito hanggang sa umabot sila sa mababang hukuman pero pinaboran ng korte ang panig ng ina ni Tita Colleen. She's twenty-eight years old now and she's working in California. Kahit na nagkalayo man sila nila nanay ay kinokontak parin naman nila ang isa't isa.

"Nanay, ipaliwanag mo ngang maigi kasi hindi ko maintindihan."

"Masama kasi ang pakiramdaman ko anak e. Nararamdaman ko talagang may panganib na mangyayari sa Tita Colleen mo."

"Have you talked to her?"

"Yes and she seemed fine but something's off. Alam mo namang hindi pa ako nagkakamali sa hula ko di ba?"

"Nasaan ka ba ngayon nanay at bakit hindi ka pa umuuwi?"

"The Duchess of Alba wouldn't let me go. Hinulaan ko kasi siya nitong nakaraang linggo at gusto niyang manatili ako para sa isang importanteng selebrasyon kung saan kakailanganin niya ako."

Ipinameywang ko ang aking isang kamay at bumuntong-hininga. I'm really trying my best to keep myself calm. Nanay naman!

"What do you want me to do then?"

"Can you check your Tita Colleen in California? Alam mo namang may tampuhan pa sila ng Tita Caroline mo di ba? Anak, ikaw na lang talagang pag-asa ko at kapág nalaman mong hindi maganda ang sitwasyon niya doon ay isama mo siya pabalik sa Pilipinas. Please anak, nasa sayo pa naman di ba ang visa mo?"

Aside from being weird, nanay can really be a wart on my shoulder sometimes. She's very talented on that. Ang kaninang nakapameywang kong kamay ay hinilot ko sa aking sentido.

"Okay I will but you need to make an excuse letter for me when I come back here."

"Sure Baby Coco! Salamat anak ko!"

I was about to click the end button but nanay said 'wait' kaya ibinalik ko ulit iyon sa tenga ko.

"What is it nanay?"

"Did you know that Persephone is the daughter of Demeter?" Heto na naman tayo.

"Yes nanay and Hades fell in love with the daughter of his sister Demeter."

Hades and Persephone's love story are one of the best that had ever told. Even I like it. After the exchange of goodbyes and 'I love yous', I ended the call and readied myself for the trip.

---

I stood in wonderment as I watched the people on their bikinis and shirtless state here in the magnificent Zuma Beach. With my small fuschia luggage and backpack, I'm finally here in Malibu, California. A beach town like no other.

I'm still on my white spaghetti strap top with flannel shirt over it and a capri jeans but the rushing waves are so welcoming that I want to take those off on the spot. Sinapo ko ang noo ko para sa ideyang iyon.

"You're here for an important business." I reminded myself.

Iniwanan ko muna ang club kina Wren at Tobbie na parehong nagulat sa biglaang pagpunta ko dito. They disapproved at first but when I told them the reason and promised them that I'll be back as soon as possible ay pumayag naman agad sila. Sayang talaga at hindi ko sila makakasama at makikita. Lalo na siyempre si Wren.

"Get out of the way miss!"

Napatingin naman ako sa gilid ko kung saan nanggagaling ang sigaw. May lalaking nakaputing button down shirt at khaki shorts ang tumatakbo papunta sa banda ko. Ang magulat na lamang ang tanging nagawa ko nang banggain niya ako at nang pareho kaming mapahiga sa buhangin.

His hair is of the light color red. It's quiet clear that it was dyed but it suits him very well. Ewan ko nga ba't napapadalas ang engkwentro ko sa mga taong may weirdong kulay ng buhok. Kulay brown ang mga mata niya which reminds me of Wren's eyes. He got an aristocratic nose and stubborn jaw. Para siyang Vitamin C, good for the eyesight. Pogi e.

"Pretty." He suddenly mumbled and that's when I came back to my senses.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang posisyon naming dalawa. He's on top of me with all smiles.

"Hey! Get off me!"

Itinulak ko siya patayo gamit ang mga palad ko na nasa dibdib niya. When we heard the voice of some policemen approaching, he immediately pushed himself up and run away from me. Inis akong tumayo at pinagpagan ang mga buhangin sa katawan ko.

"Excuse me madam but can we check your things?" Asked by the police officer with shades and blonde mustache.

I nodded without inquiries and they started to check my luggage. Dumapo ang tingin nila sa backpack ko. Ibinigay ko sa kanila ang backpack ko kahit pa naguguluhan ako.

"What's wrong officer?" I asked.

Kumunot ang noo ko ng may nakuha silang amulet doon na may emerald stone sa gitna. Hala! Bakit napunta yan dyan?!

"Affirmative sir. She's with the thief."

Nanlaki ang mga mata ko sa akusasyon ng pulis na uminspeksyon sa backpack ko. Teka, thief? Sinong thief naman ang pinagsasasabi nila? Hindi kaya yong lalaking may pulang buhok kanina? Oh my God.

"No. No. You got it wrong officer. I am not with the thief that you were talking about."

"Arrest her."

"No! No! Hear me out please! I am not with that thief!"

Sa halip na pakinggan ako ay hinawakan nila ang magkabilang braso ko. Pilit kong hinila ang mga iyon mula sa pagkakahawak nila subalit pumalya ako. Ang lakas nila at nag-iisa lamang ang batang patpatin!

---

Inis kong hinila ang maliit kong maleta papunta sa sinasabing coffee shop na pinagtatrabuhan ni Tita Colleen. Kagagaling ko lang sa presinto at nagmukha akong tanga kakaluhod sa harapan ng mga Amerikanong pulis doon para lamang palayain nila ako. Inabot pa ako ng gabi doon bago nila napatunayan na wala talaga akong kasalanan.

Hindi nagmatch ang fingerprints ko sa naroroon sa amulet. Malamang hindi ako yong nagnakaw e! Pero ang mas nakapagtataka ay walang ibang natagpuang fingerprints doon maliban sa mga pulis na humawak nun at sa may-ari. Walang ibang nakalapit sa akin kanina kundi iyong lalaking may pulang buhok kaya malamang pa sa malamang ay siya ang naglagay nun sa backpack ko ng ganoon kabilis! Mga kriminal nga naman ngayon, lumevel up na.

Gusto kong maglumpasay sa sahig dahil wala na akong naabutan pa sa shop na iyon dahil sarado na. E saan na lang ako pupulutin niyan gayong hindi naman binigay ni Tita Colleen sa amin ang address ng bahay niya? Isa pa, gutom na gutom na ako. Kanina pa ako hindi kumakain pagdating ko dito.

Tumunog ang iPhone ko kaya agad ko iyong kinuha mula sa loob ng aking bulsa. Nanay's calling probably wanting to know about my condition.

"Hello anak? Kumusta na ka dyan?"

"Hulaan niyo po?" I sarcastically replied. Meanie me.

"You're not fine. Ano ng nangyari sa iyon dyan Baby Coco ko?"

"Sige, sabihin na lang nating, inaresto agad ako ng mga pulis kahit na hindi pa ako nakaka-dalawang hakbang sa buhangin ng Zuma Beach na tinatapakan ko. Thief!"

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang hinablot ng isang lalaking akala ko ay dumadaan lang doon ang maleta ko.

"Anak, anong nangyayari sayo?"

Hindi ko muna pinansin ang nag-aalala at natataranta ng si nanay sa kabilang linya. Bagkus ay hinabol ko na ang kawatan. Pati ba naman dito uso ang nakawan? Kanina lang ay ako ang napagkamalang magnanakaw ngayon naman ako na mismo ang nanakawan! Wow. Just wow.

Napasigaw ako sa sobrang inis ng mawala na sa paningin ko ang lintek na magnanakaw. Habol-habol ko parin ang hininga ko ng ibalik ko sa aking tenga ang cellphone ko para kausapin si nanay.

"Nanay, nanakaw po yong maleta ko!" I frustratedly answered.

"Ha?! Ano?! Anak, andyan pa naman ang pera mo di ba?"

Nagpameywang muna ako ng ilang segundo bago inilipat sa kabilang tenga ko ang cellphone ko at bahagyang sinabunutan ang buhok ko sa bahaging pinanggalingan nito.

"Yun na nga nanay e. Nandon yong pera ko." Pumipiyok kong tugon sa kanya.

Gusto kong maiyak na magwala na hindi ko alam. I'm already  losing my sanity on the first seven hours that I'm here! Alone and with nothing except my backpack!

"Anak! May naitabi ka naman siguro dyan di ba?" She sounded so frustrated as well.

"Nanay, yong perang nasa wallet ko ngayon ay dalawang libong piso lang at kung ipapa-convert ko iyon sa dollar ay paniguradong ubos na yon kahit na hindi pa man ako nakakalabas ng bangko!" 

"Anak, dyan ka lang okay? Tatawagan ko ang Tita Colleen mo para sunduin ka dyan. Mababaliw na ako dito kakaalala sayo anak!"

"Kung mababaliw ka pa lang nanay e nasa mental na ako. Ano ng gagawin ko?!"

"Maghintay ka lang dyan anak. Kokontakin ko ang tita mo para puntahan ka dyan."

Nang i-off na ni nanay ang tawag para kontakin naman si Tita Colleen ay napaupo na ako sa curb sa gilid ng daan. Itinago ko na ang cellphone ko kasi baka iyon naman ang nakawin sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid ng lugar na kinaroroonan ko. Tahimik na ang mga kabahayan sa paligid na may mga mabababang fences. Nasulyapan ko ang dagat sa di kalayuan. I almost forgot that Malibu is a beach town and this place must be their typical village.

Tumunog ang tiyan ko hudyat ng kumakalam ko na talagang sikmura. Gutom na ako! Niyakap ko ang tiyan ko. The sea breeze makes me feel alone and cold at the same time. Napaangat  ako ng tingin nang biglang may umilaw na Jaguar XJ sa gilid ko.

Napaawang ang bibig ko kasabay ng mabilis kong pagtayo nang makita ang lalaking lumabas mula roon.

"You! You're the thief who placed the stolen amulet on my bag in an I-don't-know way!" I shouted at him.

Siya ang puno't dulo ng lahat ng mga kamalasang nararanasan ko. He slowly flashed a boyish smile that made me stopped for awhile.

"I got no choice. The policemen are chasing me and that's the only way I know to divert their attentions."

"Wow. Congrats ha? Ako yong nakulong imbes na ikaw. Hindi ko mahanap ang tita ko dahil hinotseat pa ako ng mga pulis. Ninakaw ang maleta ko tangay-tangay ang perang baon ko at ngayon gutom na gutom na ako!" I ranted using my vernacular language.

Gusto ko nga sana siyang murahin pasalamat siya at may natitira pa akong kabaitan sa katawan. Total ay hindi naman niya ako naiintindihan ay minabuti ko ng sabihin ang lahat ng gusto ko. Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa.

"Alam mo, gwapo ka sana e. Pwede kang maging artista sa halip na magnanakaw. Sayang ka." Naiiling kong wika na mas ikinalapad naman ng ngiti niya.

"So you think I'm handsome?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Marahan siyang natawa sa naging reaksyon ko. Damn! Nakakaintindi ba siya ng Tagalog?

"Naiintindihan mo ako?"

"Why wouldn't I? I'm a Filipino after all."

"The heck." I muttered in surprise without removing my straight expression but he only chuckled.

"How old are you?" Tanong niya ng makabawi.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? I'm sorry but I don't talk to strangers." Kaila ko at tatalikod na sana nang bigla na naman siyang natawa.

"But you just did. Anyways, I'm Cameron Volkzski and you are?"

Sa halip na sagutin siya ay mabilis kong tinahak ang daan palayo sa kanya. Sinabayan niya ako ng lakad at nagpamulsa sa gilid ko. Mas binilisan ko pa ang ginagawa ko pero walang kahirap-hirap niya parin akong nasundan.

"You're a tourist?" He asked but I remained silent.

"I guess you won't spill anything, Coco Quizon."

Napatigil ako sa paglalakad at nagtataka siyang nilingon. Nakatingin siya sa backpack ko sa di malamang dahilan habang ngiting-ngiti parin.

"Paano mo nalaman iyon?"

"Let say, I have my ways to know you."

Sinundan ko ang tingin niyang nasa backpack ko. Inalis ko ang isang strap nun sa aking balikat. Kumunot ang noo ko dahil nakasulat nga pala sa maliit kong guitar key chain ang aking pangalan. Sinulyapan ko ang mukha niyang ngiting-ngiti parin. Napailing na lamang ako at muling isinukbit sa balikat ko ang strap ng aking backpack.

"Happy now?" I mocked.

Pareho kaming natigilan na dalawa nang marinig namin ang kumukulo kong tiyan dahil sa gutom. Nahiya naman ako kaya napayuko na lamang ako.

"You're really hungry?"  He asked and I lifted my head just to give him a dagger look.

"Obvious ba?"

"Why don't you come with me?" Seryoso niyang anyaya.

"Saan naman?"

"In our house."

"No way. Baka kasama ka pala sa isang sindikato at pagpipiyestahan niyo ko doon."

"Look Coco, gabi na and you don't know where to go. I'm offering you food and shelter just for tonight."

"May kabayaran yan e."

"Trust me. Wala itong kapalit. Just see it as a form of my apology for what happened awhile ago."

Should I trust him? Should I believe on a stranger? No scratch that should I believe on a thief?

"I'll promise you. You'll be safe tonight until tomorrow. I wouldn't harm you."

Tumunog ang iPhone ko kaya agad ko iyong sinagot. Lumayo muna ako kay Cameron nang sa ganon ay hindi niya marinig ang usapan namin ni nanay.

"Anak, hindi sinasagot ng Tita Colleen mo ang mga tawag ko." Bakas ang pangamba, lungkot at takot sa boses ni nanay.

Hindi ako tumugon. Sa halip ay hinayaan ko siyang magpatuloy sa pagsasalita. Nanay's in a hard situation now and I don't know why but I always love to observe her for a few minutes at times like this. Parang may kakaiba kasi sa kanyang hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung ano but it's really something unfathomable.

"Hayaan mo anak at magpapaalam na ako sa Duchess of Alba para puntahan ka dyan. Hintayin mo na lang ako sa airport anak o kahit saang lugar na ligtas."

Para kasing sa mga ganitong pagkakataon ay nararamdaman ko talagang may kung anong pumipigil sa kanya. Masyadong limitado ang mga kilos niya na hindi ko maintindihan kung bakit. It seems also that her clouded and heavy walled mind lowered their guards down to the point that I am feeling rather than reading her thoughts. Nalalaman ko ang mga iniisip niya sa pamamagitan ng mga damdaming nararamdaman ko sa kanya. Maski ako man ay naguguluhan sa bagay na ito. 

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa kalagitnaan ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Nanay, wag na po. Ayos naman na ako dito at isa pa may matutuluyan na akong kakilala ngayong gabi." I said and I know that she's now weighing the reliability of my retort but she's not really good at identifying if it is a lie or not unlike me.

"Sigurado ka anak?" Hindi pumiyok ang boses ni nanay but I know that a tear shed from her eyes.

Nararamdaman ko ang sobrang pagkakabahala niya. I don't really understand why but her energy was too strong to ignore.

"Nanay, I'm fine okay? Nakita ko kasi yong dating kaklase at kaibigan ko sa elementarya. Narito siya sa California at inalok niya ako ng matutuluyan ngayong gabi sa bahay nila. Huwag na po kayong mag-alala. I can handle myself. I'm a big girl now right?"

"Pasensya ka na talaga anak at pinadala pa kita dyan." I can feel guilt and sadness in her energy.

"Ayos lang po nanay. I will be fine here until I find Tita Colleen."

"Sorry talaga anak. Tandaan mo na mahal na mahal ka ni nanay."

"I love you too nanay." I smilingly retorted. Naramdaman ko din ang pagngiti niya and her energy is slowly becoming light and easy.

"So, you're coming with me?"

Cameron immediately asked after I ended the call. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo.

"Tandaan mo yong promise mo ha dahil hindi talaga ako magdadalawng isip na patumbahin ka." I warned and he chuckled softly.

"As you wish."

"Dapat masarap din yong ulam niyo ha dahil gutom na gutom na ako."

"Noted Your Majesty." He teased before guiding me into and inside his car.

➖➖➖



Fortsett Γ₯ les

You'll Also Like

28.1K 1.3K 38
Nascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits t...
206K 8.9K 34
She is dead in her world but she is barely breathing in reality. Life is a second chance for her to live what she deserves. To love the worthy, not t...
242K 11.4K 49
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #4 You lost you friends, family and love ones what...
2.5M 66.6K 90
"You survive what you thought would kill you, now straighten that crown and move forward like the queen you are." L E C Q U A R E S A C A D E M Y...