Cold-blooded Hunter (gxg) Mik...

By iM_jho19

76.6K 2.3K 812

Vampire-hunter A heartless hunter who kills vampire without mercy. A hunter who kill even a 5 years old girl... More

CH
chap. 1
chap. 2
chap. 3
chap. 4
chap. 5
chap. 6
chap. 7
chap. 9
chap. 10
chap. 11
chap. 12
chap. 13
chap. 14
chap. 15
chap. 16
chap. 17
chap. 18
chap. 19
chap. 20
chap. 21
chap. 22
A/N

chap. 8

3.2K 112 18
By iM_jho19


Nagising si Alyssa na nay mabigat na nakadagan sa kanya. Pero ang mabigat na yun ang nagbibigay ng kakaibang init sa sa kalooban niya. She feel a loving warmth that only her lolo gave her when he hug her.

But, this is different. Much more different.

Kaya naman, she slowly open her eyes to take a peck. At tama nga siya, it's Mika. And only Mika can give this kind of warmth in her cold heart.

Nakaharang ang ilang hibla ng maiksi nitong buhok sa maganda nitong mukha. Kaya naman dahan-dahan ni Alyssa tinanggal para makita ng mabuti ang mukha nito.

And she smile from the sight. Halos nakadagan na ito sa kanya. Pero wala lang iyon kay Alyssa dahil mas mabigat pa doon ang training niya.

Mika's head on her chest, exactly to her fast-beating heart. Hugging her, halos nakapulupot na nga ang dalawang kamay nito sa bewang niya. Mika's legs entwined hers. Ganyan ang nakita niyang posisyon nila. But Alyssa feel comfortable being this close to Mika. And everytime she's with Mika, she can't help herself be this close to Mika. It's like her own body have it's own mind. Kaya naman hindi na lang muna siya gumalaw cause her body wants it. But also her heart wants to be this close to Mika even just few more minutes.

Kaya nga kahapon, hindi niya maiwasang wag ito lapitan at yakapin. She want to feel Mika's warmth. She want to hold Mika's hand. Kung pwede lang wag niya ng bitawan eh. Katulad din ngayon.

But, kailangan talaga nilang mag-ayos. Kasi alam niya may training pa si Mika, unlike her, na pwede siyang wag pumunta na palagi niyang ginagawa.

Madilim pa sa labas pero alam niyang maaga ang training nila Mika kaya naman ginising niya na ito para makapag-ayos kahit ayaw niya pa sana kasi napakahimbing ng tulog nito.

At ngayon niya lang napansing hindi man lang sila nakapagpalit ni Mika sa pagod nila at ginupo na lang ng antok habang nanonood kagabi.

Alyssa poke Mika's check to wake her up. Pero mas lalo pang sumiksik si Mika sa kanya. At ang mukha nito ay mas lalong lumapit sa mukha niya.

Inch or two is the space that seperate their faces. Kaya hindi na napigilan ni Alyssa na mas titigan pa si Mika.

From her long lashes, to her smooth and reddish cheeks. To her nose, down to her lips. Napalunok naman si Alyssa ng makitang medyo nakaawang ng kaunti ang labi ni Mika.

It's like inviting her to kiss those lips. But she's so nervous. Her heart beats so fast than it's normal phase.

Iniling niya na lang ang ulo para mawala ang pag kakahipnotismo niya sa mga labi nito na parang ang sarap matikman. Napailing ulit si Alyssa kasi kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. Basta, sa ngayon ay okey na siya sa mahawakan ito at mapalapit dito.

She try to wake up Mika again. But the tall girl just ignore her and just groan.

"Miks, gising na. May training ka pa." Sabi ni Alyssa sa bandang tenga ni Mika.

"5 more minutes, babe." Sabi ni Mika na nagpakurap kay Alyssa ng ilang ulit. Hindi niya alam kung sinabi talaga nito ang huling salita o guni-guni niya lang. Pagbibigyan niya na sana si Mika pero talagang malelate na ito.

"Miks, 30 minutes na lang. Training niyo na. Kaya gising na." Pagkasabi non ni Alyssa ay napabalikwas ng bangon si Mika. Kaya muntikan pa malalaglag si Alyssa mula sa kama dahil sa pagtulak ng kaunti ni Mika sa kanya.

"Sorry, sorry Ly." Sabi ni Mika ng mapansin ang lagay ni Alyssa.

"Okey lang. Tumayo ka na at maligo sa taas, sa kwarto ko na lang. Handa ko na rin mamaya pwede mong pamalit na damit kasi alam ko wala kang dala. Maghahanda na muna ako ng agahan natin." Nakangiti nitong sabi kay Mika na pasimple pang nag-ayos ng sarili sa harap ni Alyssa.

Tumayo na si Alyssa at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Mika kasi kung magtatagal pa siya doon, hindi niya alam kung matatapos sila agad. Pumunta na agad siya sa kusina at narinig niyang gumalaw na rin si Mika. Umakyat na ito at siguradong nag-ayos na.

Nagsalang muna siya ng sinaing at nilabas ang lulutuin sa umaga. Hindi niya alam kung ano ang always kinakain ni Mika. Pero, dahil may training ito, naiisip niyang kailangan nito ng heavy meal sa umaga.

Pagkatapos sa kusina ay nagligpit muna siya sa sala at inayos ang sofa bago umakyat sa taas.

Hindi pa tapos si Mika at palagay niya matagal pa ito doon kaya naman kumuha na siya ng pamalit ni Mika na damit na hindi niya pa nagagamit.

Kumuha na rin siya ng damit para pamalit kasi maliligo na rin siya pero sa babang banyo na. Kompleto na rin naman ang mga gamit doon na binili lang nila kahapon.

Hindi pa luto ang kanin niya pagbaba. Kaya nag madali na rin siyang naligo.

Mabilis na rin siyang natapos at alam niyang ganun din si Mika pero hindi pa ito bumababa. Kaya, hinayaan niya na lang at nagpasyang magluto ng tosilog.

Mabilis naman yun para sa kanya kasi sanay siya sa mga ganitong bagay. Kasama kasi sa training nila ang pagluto kasi kung saan ka minsan dadalhin ng mission mo at mas mabuting alam mo magluto.

Nilapag niya na lahat sa lamesa pagkatapos niya. Nakatempla na rin siya ng kape ng bumaba si Mika.

Napalaki ang mata niya kasi iba ang suot nito. Hindi ang binigay niyang damit kundi ang old jersey niya na nag bagay talaga dito.

"Sorry kung nangialam na ako sa mga gamit mo. Ayaw ko na ring dumaan pa sa bahay, mas malelate ako. Okey lang ba?" Nahihiyang sabi ni Mika.

Napangiti na lang si Alyssa pagkatapos mabigla sa suot ni Mika. Lalo na't ang laki ng pangalan niya sa likod non. It's like she have the right to Mika.

"Okey lang. Kain na tayo para mahatid na rin kita." At doon lang napansin ni Mika na nakapag-ayos na rin pala si Alyssa.

Nag-umpisa na rin silang kumain pero si Alyssa ay hindi mapakali sa kinauupuan. Hindi alam ni Mika pero parang may sasabihin ito.

"May problema ba?" Tanong ni Mika na kumakain pa rin habang si Alyssa ay tapos na.

"Wa-wala naman. Bilisan mo na lang. Malelate ka na talaga." At tumayo ito at nagligpit ng kinainan.

Napamura naman ng mahina si Mika kasi mahuhuli na nga siya. Ang sarap kasi ng kain niya kahit simple lang ang luto ni Alyssa. Hindi niya alam, basta halos dinaig niya pa ang hindi kumain ng ilang araw sa kinain niya ngayon.

Nagmadali na rin siyang nag-ayos ng pinagkainan at sarili kasi parang ang bagal niya kaysa kay Alyssa na nakapag-ayos na agad ng hindi niya napapansin.

Nauna pa itong lumabad ng bahay kaya naman siya pa ang naglock ng bahay nito. Patakbo siyang lumapit kay Alyssa na ngayon ay hawak ang pintuan ng kotse. Pumasok naman siya agad doon at walang sino man ang nagsalita. Late na talaga siya.

Bumyahe na agad sila pagkapasok ni Alyssa sa kotse. At doon niya lang napansin ang suot nitong napakapormal ng dating.

"Wala kang practice?" Nagtataka niyang tanong at sumagot naman itong nakatingin sa kalsada.

"Hindi ako sumasali." Maikli nitong sagot.

"Pero may pasok ka?"

"Meron pero mamaya pa. Kung nagtataka ka kung bakit ito suot ko." At tumingin kay Mika na namumula kasi nahulaan ni Alyssa ang gusto niya talagang itanong at lalo na iba ang pumapasok sa isip niya. "May meeting ako ngayon tapos tuloy na ako sa klase ko. Isa na lang naman yun." Sabi nito at ngumiti.

Tumango naman si Mika at maya-maya pa ay nakarating na rin sila. Nagpark si Alyssa malapit sa covered court para mas malapit para kay Mika.

"Thank you Ly." Nakangiti nitong sabi na lalabas na sana kasi late na talaga siya. Pero hinawakan siya ni Alyssa kaya napahinto siya sa paglabas at nilingon ito. "Bakit?"

"Can I ask you... hmmm..." At napakamot pa si Alyssa sa batok. "A dinner later, after your afternoon practice? It's okey if you don't want to. I understand, it's just-" At pinutol na naman ni Mika ang sasabihin niya.

And this time not by a touch of her hand. But the touch of her lips on her cheek.

"Okey. Sunduin mo ko." At bumaba na si Mika at dire-diretsong naglakad papasok. Habang si Alyssa ay nagulat pa. Pero ng makabawi ay ang lapad na ng ngiting pumaskil sa mga labi niya.

Habang si Mika ay ang laki din ng ngiti na lumapit sa mga kasama na magsisimula pa lang mag warm-up.

"Laki ng ngiti natin Ye ah." Punang bati ni Kim na kararating lang din ata kasi inaayos pa nito ang sentas ng sapatos.

"Oo nga Ye, share naman." Dugtong din ni Cyd na alam naman kung saan galing si Mika.

"Ye, bakit iba ang jersey mo?" Sabi ni Ara ng lumapit ito sa kanila. Pinaikot si Mika para makita nito ang nakasulat sa likuran ng damit. "02. Va-VALDEZ? As in Alyssa Valdez?" Nanlalaking matang tanong ni Ara.

Nakangiti naman tumango si Mika. At dahil ang lakas ng boses ni Ara kanina. Lahat tuloy ay nagsilapitan sa kanila.

"Paano yan na punta sayo?" Nagtatakang tanong ni Ara. Pero bago pa sumagot si Mika, nagsalita na si Kim.

"Doon yan galing kay Alyssa. Magkasama yan buong araw eh. Pati na rin gabi." May panuksong sabi ni Kim.

"So, hindi ka umuwi kagabi?" Nakangiting tanong ni Ara.

"Oo, kagaya mo na hindi rin umuwi kagabi." At tiningnan si Ara na parang sinasabing alam niya kung nasaan ito pumunta kagabi.

"Ikaw din pala pasimuno. Hindi talaga yan uuwi kasi walang kasama sa bahay. Alam mo namang takot si Mika mag-isa. Ang laking tao pero matatakutin." Sabi ni Kim na patapos ng mag-ayos ng sapatos, na kinaismid ni Mika dahil totoo ang sinabi nito. "At saan ka naman pumunta kahapon ha?" Tanong ni Kim pag-angat niya ng tingin.

Umiwas naman si Ara ng tingin kasi siya na naman ang ginisa ng kasamahan.

"May bagong chix na naman po yan." Sabay-sabay na sabi ng kasamahan niya.

"Hoy, hindi ah. Hindi kaya siya chix." Namumulang sabi Ara.

"Ah, so lovelife na?" Singit naman ni Mika na nakaayos na rin. "Nakita namin kayo kahapon. Her name starts with a letter, -" Nakangiti pabitin pa nito na nakatingin kay Ara.

"Sino? Saan? Diba may lakad kayo? Wag ka nga gumawa ng kwento." Paiwas na tanong ni Ara na tinukso naman ng ibang kasamahan.

"Kung mag date kasi, wag sa mall kung ayaw pahuli." Sabi ni Mika at tinapik pa ang balikat ni Ara bago pumunta sa court kasi dumating na rin ang coach nila. Tinigil na rin nila ang panunukso kay Ara na mas lalong namumula ng sinabi yun ni Mika.

"Okey. Kailangan nating galingan ngayong darating na game. Last chance na natin to. Pagnatalo pa tayo, sila na ang champion this year at wala ng second chance to." Sabi ng coach na kinatango lang naman nila. "At Mika. Ituloy mo lang ang laro mo last game. Lalo na kay Valdez, na ngayon ay suot mo ang jersey." Puna agad ng coach nila ng makitang iba ang suot ni Mika.

"Hiniram ko lang coach." Nahihiyang sabi ni Mika pero ang kasamahan niya ay kung ano-ano na sinasabi.

Natawa naman ang coach nila lalo na at namumula ang mukha ni Mika. "Sige na. Tama na yan." Saway nito sa lahat at pinagpatuloy ang sasabihin. "Kailangan nating mapanalo ang laro, kung hindi. Next year na tayo makakabawi." At marami pa itong sinabi hanggang nagpractice na nga sila.

Naging maayos naman ang lahat. Pagkatapos ng practice ay pumunta na sila agad sa kani-kanilang mga klase kasi kailangan parin nila pasukan yun kahit sabihin pang athletes sila.

Naging maayos naman ang araw ni Mika lalo na't walang palaging sumusunod sa kanya.

At tulad ng nakagawian, lalo na't finals nila. Kailangan doble kayod sa pagpractice. Hindi sila dapat magkulang non kung gusto nilang manalo.

Sa kalagitnaan ng practice ay napatigil ang hindi kasali sa practice game at natulalang nakatingin sa may pintuan ng gym. Kaya ng namatay ang bola ay napatingin sila dito.

Nandoon nga, naglalakad si Alyssa papasok na naka all black na naman pero ang lakas ng dating. Tumayo naman ang coach nila at nilapitan ito.

"Anak, buti napadaan ka." At niyakap ito na ginantihan naman ng isa. "Sana dito ka na rin nag enroll dati." Sabi pa nito ng kumalas na.

"Si lolo po ang naglakad ng papel ko eh." Seryoso lang nito. At tumango naman ang coach nila.

"Bakit ka pala nandito? Hindi mo naman gawaing manood sa laro ng iba." Tanong uli ng coach nila habang tinuturo kay Alyssa na maupo.

"May sinusundo lang po." Sabi ulit ni Alyssa na kinatango naman ng may edad na na lalaki. Humarap na rin ito sa manlalaro niya pinagpatuloy ang practice.

Pero hindi maiwasang tuksuin si Mika kasi alam ng lahat na pumunta si Alyssa dahil dito.

Hindi rin nagtagal ang laro nila at pinatigil na sila.

"Miks, ikaw ang pinuntahan ano? Hindi naman ako kasi magtetext yan sa akin pag may kailangan siya." Sabi ni Kim na may nakakalokong ngiti. Namula naman si Mika dahil doon kasi totoo ang sinabi nito, at mas lalo pa siyang namula ng maalalang inaya siya ni Alyssa na kumain.

"Oo nga daks. Hindi ka man lang nagsasabi na nagkakamabutihan na kayo." Segunda pa ni Ara.

"Kahapon lang po kaya. Eh ikaw?" At hinarap si Ara. "Kailan mo sasabihing may denedate kana?" Taas kilay pa niyong tanong na may nakakalukong ngiti. Nakinatawa naman ni Kim ng umiwas ng tingin si Ara.

Pero siya naman ang hinarap ni Mika. "At ikaw? Wag kang tumawa dyan." Sabi ni Mika dito na nilakihan niya pa ng mata. "Saan kayo nagpunta at umaga na kayo umuwi?" Tanong ni Mika na kinaiwas din ng tingin ni Kim. Kasi hanggang ngayon ay hindi pa nila masabi sa team mates nila ang totoo.

Iniwan sila ni Mika na may ngiti sa labing kinuha ang mga gamit. Suminyas siya kay Alyssa na sandali lang at maghibihis siya. Tumango naman ito.

Habang ang dalawa ay ginisa na ng kasamahan na ilag sa pagsagot sa mga tanong ng mga ito.

Natapos na si Mika ng pumasok naman ang kasamahan. "Una na ako guys. Bye." At patakbo na itong lumabas ng dug out nila na hindi pinansin ang sagot ng kasama kasi baka mainip na si Alyssa sa kanya.

"Sorry ha. Medyo natagalan." Nahihiya niyang sabi kay Alyssa na nakatayo na sa motor nitong dala.

"Okey lang. Alam ko naman yung dahilan eh." At inabot kay Mika ang baong jacket at helmet.Sinuot naman ito ni Mika. Nagsuot na rin si Alyssa katulad ni Mika. Sumakay sa motor at hinintay si Mika na umangkas na.

Pagkatapos ni Mika ay sumakay na rin siya. Yumakap agad siya sa bewang ni Alyssa na ngayon ay medyo na tense na naman pero hindi tulad ng una na ang sobrang tigas niya na parang naging bato na.

"Thank you Ly ha." Bulong ni Mika bago pa patakbuhin ni Alyssa ang motor. Ngumiti naman si Alyssa at tinapik ng kaunti ang nakayakap na kamay ni Mika. Pinatakbo niya na rin agad ang motor.

Excited siya kung saan siya dadalhin ni Alyssa. Mas excited pa nga siya sa dinner nila kaysa sa unang date nila ng ex-boyfriend niya. Mas iba ang sayang nadarama niya kaysa sa ex niya. Ibang kilig ang bigay sa kanya ni Alyssa kahit sabihing simpleng dinner lang yun.

Hindi rin nagtagal at nakarating sila sa pupuntahan nila. Bahay ni Alyssa.

"Dinner nga lang talaga." Bulong ni Mika.

"Ha? May sinasabi ka?" Lingon ni Alyssa kay Mika kahit rinig niya iyon ng malinaw.

Ngumiti naman si Mika at umiling. Even she feel disappointed, masaya narin siya kasi kasama niya si Alyssa.

Tumango naman si Alyssa at binuksan na niya ang pinto. Madilim ang loob kaya hindi makita ni Mika ang daan. Kaya naman binuksan na ni Alyssa.

Napanga-nga si Mika sa nakita. Maayos na ang lahat, dumating na pala ang painting at halaman. At parang tulad sila ng takbo ng isip ni Alyssa kasi lahat ng gusto niyang ayos ay yun ang nangyari.

Tuwang-tuwa siyang nilibot ng tingin ang buong sala. Para na talaga itong bahay.

"Sa iba dapat sana tayo magdidinner. Pero naisip kung, ikaw ang unang makakita ng ayos nito. Kaya naisipan ko na lang na maghanda dito. Ako na rin ang nagluto." Nakangiting sabi ni Alyssa kaya naman mas lalong kinilig si Mika sa narinig.

Tumakbo si Mika sa harap ng bahay kasi hindi niya napansin ang pinagbago doon kanina. Pero ngayon ay kitang-kita niya na. Ang ganda na doon kasi puno na ng halaman at namumulaklak ang mga ito. Samahan pa ng ilaw na palagay niya ay kanina lang nilagay.

"Bakit mo na iisipang ayosin ng ganito." Pigil ang ngiting sabi ni Mika. Kasi ang pagkakaayos ng buong paligid na nakita niya na ay ang ayos na gustong-gusto niya. Ang ayos na gustong gawin niya sa bahay ng magiging kasama niya habang-buhay.

Napakamot naman si Alyssa ng batok bago sumagot. "Ikaw ang nasa isip ko habang inaayos ko lahat kanina eh." Nahihiya nitong pag-amin na mas lalong kinangiti ni Mika.

Mika close the distance between them and give Alyssa a kiss on her cheek. And she hold Alyssa's hand.

"So, saan tayo kakain?" Tanong niya. Ngumiti naman ang isa na mas hinawakan ang kamay ni Mika.

Hinila na niya si Mika papuntang kusina pero nagtaka si Mika kung bakit walang nakahanda sa mesa doon lalo na sa dining table. At mas lalo pa siyang nagtaka ng hinila siya ni Alyssa sa likurang bahagi ng bahay.

"Okey. Close your eyes." Sabi ni Alyssa na nasa pintuan na at hawak ang doorknob. Kumunot naman ang noo ni Mika. "Just close your eyes. Trust me." At pinisil ni Alyssa ang hawak na kamay ni Mika.

Ngumiti at tumango naman si Mika bago pinikit ng tuluyan ang mga mata. Inalalayan naman siya ni Alyssa sa bawat hakbang niya.

"Ano ba to, Ly. Surprise pa kasi eh." Reklamo ni Mika pero sa loob-loob niya ay ibang kilig na ang nararamdaman.

"Basta. Malapit na." At pinatigil na nga siya maya-maya ni Alyssa. "Okey. Now, open." 

At dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Mas lalong lumaki ang mata niya sa nakita.

Ang ordinaryong garden lang kahapon ay parang garden na makikita mo lang sa ibang bansa. Hindi niya alam kung sa ilaw ba na nandoon.

Iba't ibang kulay ang makikita mo sa bawat halaman. Ang kubo na kinatatayuan niya ngayon ay puno din ng maliliit na ilaw. Sa puno ng mangga ay nandoon na ang duyan ay may nakabitin pang mga christmas light ata na nagbibigay ng romantic ambiance doon.

May dancing light pa sa gilid na siyang parang naging fountain. At sa gitna ng garden, nandoon ang lamesang may nakaayos na isang dinner.

"Ginawa mo to lahat ng ito?" Maiyak-iyak na sabi ni Mika kasi napakaromantic ng dating ng buong paligid. At napansin niya pang may butterfly na nagliliparan kung saang parteng may mas maliwanag na ilaw.

"Yeah. Actually, i have to tell you about something. But, can we eat first?" Nakangiting sabi ni Alyssa na si Mika lang ang nakakakita non. At kinakabahan din ito na si Mika lang din ang makakagawa.

Tumango naman si Mika kaya inalalayan siya ni Alyssa papuntang lamesa, pinaghila pa siya nito ng upuan. Namula naman si Mika sa ginagawa ni Alyssa pag-asikaso sa kanya.

Tahimik lang silang kumain dalawa at hanggang ngitian at tinginan lang ang usapan nila. Pero si Alyssa ay hindi mapakali sa kinauupuan niya at pansin yun ni Mika pero hindi na lang siya umimik pa.

At ng matapos silang kumain ay wala paring nagsasalita sa kanila. Kaya naglakas loob na si Alyssa magsalita pero tumikhim muna siya para mawala ang bara sa lalamunan na wala naman talaga.

"Miks, pwede ba tayo mag-usap doon na lang sa duyan." Nahihiyang sabi ni Alyssa na sinagot naman ng tango ni Mika.

Inalalayan siya ulit ni Alyssa papunta sa duyan. Napatingala si Mika kasi ang gandang pagmasdan ng mga ilaw.

Naunang pumwesto si Alyssa sa duyan at inalalayan si Mika na maupo na din sa tabi niya. Pero mas pinili ni Mika na mahiga na kanina ay halos ayaw sumampa sa duyan at baka masira daw dahil ang laki nilang dalawa.

Humiga na rin si Alyssa sa tabi ni Mika at mabuting nagkasya silang dalawa, pero hindi maiwasang madikit parin ang mga braso nila. Nakatingin lang sila sa taas at pinagmamasdan ang gumagalaw na ilaw sa itaas.

"How's your day?" Panimula ni Alyssa sa usapan.

"Good. No, no. It's actually great." Nakangiting sabi ni Mika at hinawakan ang kamay ni Alyssa para sabihing thank you sa pamamagitan ng pagpisil niya dito.

Napangiti naman si Alyssa kasi naintindihan niya agad ang ibig nitong sabihin.

"How about your practice?" Tanong ulit ni Alyssa na ngayon ay pinaglalaruan na ang daliri ni Mika.

"Okey naman. May natutunan akong new techniques pero hindi ko pwede sabihin. Pakita ko na lang sa laro." Nakangiti nitong sabi. At humm naman ang sinagot ni Alyssa. "Eh ikaw, musta ang araw mo?"

"At first, not good. Dami kung ginawa sa office at school. And now, it's greater than great." At lumingon ito kay Mika na nakatingin parin sa taas. Pero ramdam ni Mika ang titig niya kaya namula na naman siya at mas lumawak ang ngiti niya.

"You don't attend your practice." At lumingon kay Alyssa na nakatingin parin sa kanya ng seryoso. Umiling si Alyssa pero nakatingin parin kay Mika.

Nawala na rin ang ngiti ni Mika at napalitan ng seryoso ding mukha. Nagkatitigan lang sila hanggang tinaas ni Alyssa ang kamay na hindi hawak ang kamay ni Mika.

Hinaplos niya ang mukha ni Mika na nagpapikit kay Mika. Ang haplos kasi na binibigay nito ay napakabanayad kaya hindi niya mapigilang mapapikit. At ramdam at dinig niya paghinga ng malalim ni Alyssa.

"Miks, i want to tell you this before I go crazy." And she pause while looking at Mika's face. Dumilat na rin si Mika kahit hawak parin nito ang mukha niya.  "I never felt this before. I never believe in it actually perhaps from the family cause they all I have. But, everything change when i came to know you. You make me smile and be giddy and clingy. You make my heart beats fast. You make me nervous, you make me feel things I never know exist. You light my day just hearing your name, seeing your pictures." At natawa pa si Alyssa ng maalala ang pinanggagawa. "Maybe, what I do, what a stalker usually do. But, i can't help myself. First time I saw you on TV, I already had a crush on you. Just a few days ago, I admit that I like you. But everything change so fast and i know what it is for sure."

"Ly," nasabi lang ni Mika na ngayon ay may nabubuong mga luha sa mga mata niya habang si Alyssa ay haplos parin ang mukha niya.

"I know we just know each other not long ago and really talk to each other yesterday. But, when I know more about you yesterday. I admit to myself. I fall to this girl. I fall in love to Mika. Maybe, it's hard to believe but i really do fall for you. I love you Mika Reyes." Seryosong sabi ni Alyssa pero nandoon ang sweetness sa boses niya habang sinasabi niya yun.

"Ly, I-I don't-" naiiyak na lalo si Mika. Pero naramdaman niya ang paghalik ni Alyssa sa noo niya.

"Shhh, sinabi ko siya hindi para mailang ka o kailangan mo din sabihing ganun ang nararandaman mo. Hindi ko lang kayang itago ang nararamdaman ko lalo na kung malapit ka sa akin tulad ngayon. I can't help but to be near you, to hold you, to hug you. And i will grab every chance that i have just to be with you Mika." Masuyong sabi ni Alyssa kay Mika habang pinupunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi nito.

"I can't keep it to myself too Ly.

I love you too, Alyssa Valdez." And she hug Alyssa. Who kiss her again in her head.













"Pero manligaw ko muna." A whisper came from Mika that make Alyssa laugh so loud.



_______________________________________________________________________

Hindi ako sure kung lasy update ko to. Kasi wala na akong magagamit na gadget pag alis ko. Sorry kung matatagalan siya.

Thank you po sa lahat! At sorry na rin....

Continue Reading

You'll Also Like

195K 6.4K 38
What we thought was the end, is just about to begin. (Book 2)
206K 5.7K 40
The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. SV Gang is one of the most feared gang th...
880K 12.6K 31
He hates me but I love him..
267K 5.6K 33
Hunter S. Ivanovich have his own quotation. "Once is enough, I don't give a fuck at twice" He lived in his own rules and everything is under control...