MOON BRIDE [2017 PHR NOVEL OF...

بواسطة maricardizonwrites

407K 12.6K 479

A MYSTERIOUS AND ANCIENT FAMILY... MULA pa sa simula ng panahon, nag-e-exist na ang angkan ng mga Alpuert... المزيد

Prologue: Ang Kapanganakan Ng Babaeng Itinadhana
Chapter One: Mga Pahiwatig Ng Hinaharap (part 1)
Chapter One: Mga Pahiwatig Ng Hinaharap (part 2)
Chapter Two: Ang Lalaking Misteryoso
Chapter Three: Ang Lihim Ng Sinaunang Angkan (part 1)
Chapter Three: Ang Lihim Ng Sinaunang Angkan (part 2)
Chapter Four: Pag-usbong Ng Mga Katanungan
Chapter Five: Si Cain Alpuerto (part 1)
Chapter Five - Si Cain Alpuerto (part 2)
Chapter Six - Ang Anino Sa Dilim
Chapter Seven - Higit Sa Nakikita Ng Mata
Chapter Eight: Si Chance Alpuerto
Chapter Nine: Ang Pinakamakapangyarihang Pamilya Sa Bansa (part 1)
Chapter Nine: Ang Pinakamakapangyarihang Pamilya Sa Bansa (part 2)
Chapter Ten: Namumuong Tensiyon, Nagbabadyang Kaguluhan
Chapter Eleven: Mga Rebelasyon Ni Rebecca
Chapter Twelve: Ang Pinaka Kaakit-akit Na Lalaki Sa Balat Ng Lupa
Chapter Thirteen:Ang Lalaki Sa Lumang Larawan
Chapter Fourteen:Ang Mukha Ng Anino Sa Dilim (part 1)
Chapter Fourteen: Ang Mukha Ng Anino Sa Dilim(part 2)
Chapter Fifteen: Mga Pagbabago
Chapter Sixteen: Sa Piling Ng Estranghero
Chapter Seventeen: Hindi Inaasahang Pagkakalapit
Chapter Eighteen: Rumurupok Na Koneksyon
Chapter Twenty: Nakakulong Sa Kadiliman
Chapter Twenty One: Pag-usbong Ng Damdamin
Chapter Twenty Two: Ang Tunay Na Kalooban Ni Victor Alpuerto
Chapter Twenty Three: Ang Propesiya
Chapter Twenty Four: Ang Nagbabalik Mula Sa Nakaraan
Chapter Twenty Five:Pansamantalang Pagbalik Sa Normal Na Buhay
Chapter Twenty Six: Ang Pagbagsak Ng Pamilyang Alpuerto
Chapter Twenty Seven: Ang Komprontasyon At Paghihiganti
Chapter Twenty Eight: Sa Ilalim Ng Buwan At Mga Bituin (part 1)
Chapter Twenty Eight: Sa Ilalim Ng Buwan At Mga Bituin (part 2)
Chapter Twenty Nine: Ang Hiwaga Ng Sikretong Silid
Chapter Thirty: Ang Engkuwentro Sa Mansiyon (part 1)
Chapter Thirty: Ang Engkuwentro Sa Mansiyon (part 2)
Chapter Thirty One: Si Zion Alpuerto (part 1)
Chapter Thirty One: Si Zion Alpuerto (part 2)
Chapter Thirty Two: Pagpili Sa Pagitan Ng Dalawang Daan
Chapter Thirty Three: Ang Gabi Na Nabura Ang Kasaysayan (part 1)
Chapter Thirty Three: Ang Gabing Nabura Ang Kasaysayan (part 2)
Chapter Thirty Four: Ang Katuparan Ng Nais Ni Diyosa Mayari (part 1)
Chapter Thirty Four: Ang Katuparan Ng Nais Ni Diyosa Mayari (part 2)
Chapter Thirty Five: Wagas Na Pag-ibig
AUTHOR'S NOTE

Chapter Nineteen: Pag-ikot Ng Gulong Ng Tadhana

7.1K 228 5
بواسطة maricardizonwrites

-Ayesha-

HINDI kami nagtagal sa abandonadong bahay. Kinuha lang ni Zion ang malaking bag niya tapos naglakad na kami palayo. Hinawakan niya ako sa braso. Sinisiguro lang ba niya na hindi ako makakatakas? Mula kasi nang may tumawag sa kaniya hindi na siya nagsalita at parang galit na ang ekspresyon. Hindi rin ako nagsalita kasi iniisip ko pa rin kung sino ang kausap niya sa cellphone.

Pero nang matagal na kaming naglalakad at nahihirapan na ako kasi hawak niya ang braso ko at higit na mas malalaki ang mga hakbang niya kaysa sa akin binasag ko na ang katahimikan. "Nahihirapan ako sa paghatak mo sa akin ng ganiyan. Matitisod ako."

Huminto si Zion at pinakawalan ang braso ko. Hinaplos ko agad ang bahaging hinawakan niya kanina.

"Hindi tayo pwedeng babagal-bagal. Malayo pa ang lalakarin natin. Mamaya lang madilim na at lalabas na ang mga mabangis na hayop. Hindi na rin makikita ang daan. Kailangan bilisan," inis na sabi niya.

Nainis na ako. "Alam ko naman na kailangan magmadali. Pero sa kakahatak mo sa braso ko, mas mapapatagal kung madadapa ako. I'm not trying to be difficult here. Nagsasabi lang ako ng totoo."

Marahas na bumuga ng hangin si Zion. "Oo na. Liliitan ko na ang mga hakbang ko." Pumihit na siya paharap sa daan at nagsimula na ako maglakad nang mabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa mga kamay namin. Mukhang napansin niya ang reaksiyon ko dahil kumislot ang mga daliri niya na para bang nag-iisip siya kung aalisin o hindi ang kamay. Pero nang mukhang nakapagdesisyon kung ano ang gagawin humigpit ang hawak niya sa akin. Malakas siyang tumikhim. "Hindi tayo pwedeng magkahiwalay. Wala akong enerhiyang hanapin ka," pabalang na sabi niya. Saka ako hinila pero mas maingat na kaysa kanina.

Natahimik na naman kami. Ni hindi niya ako nililingon. Kung hindi tuloy sa mga paa namin sa likod niya ako napapatitig. Hanggang sa huli hindi ko na napigilang tingnan ang magkahugpong naming mga kamay. Mas malaki ang kamay niya kaysa sa akin. Magaspang ang palad niya na para bang banat siya sa pisikal na trabaho. His grip is firm and strong.

Alam ko na hindi tama pero bakit ngayong hawak niya ang kamay ko pakiramdam ko ligtas ako? Mali 'yon dahil siya nga ang dahilan kaya ako naroon hindi ba? Siya ang banta sa kaligtasan ko. So why does it feel as if I've been waiting for his hand to hold mine even before we met?

Kumurap ako at naalis ang tingin ko sa mga kamay namin nang marinig ko na ang lagaslas ng talon. Ilang hakbang pa nakabalik na kami sa lugar kung saan kami nagpalipas ng gabi. Nahigit ko ang hininga. Iba kasi ang hitsura 'non ngayong hapon na at nagkukulay orange na ang kalangitan. Sinasalamin ng tubig sa ibaba ng talon ang kulay ng langit habang ang bumubuhos namang tubig mula sa kabundukan kumikinang sa repleksiyon ng liwanag ng araw. It was breathtaking.

"Hanggang ngayong gabi lang tayo dito. Bukas ng umaga aalis na tayo," sabi ni Zion na binitawan na ang kamay ko at naglakad patungo sa ilalim ng isang puno kung saan niya ibinaba ang malaking bag.

"Saan tayo pupunta? Ibabalik mo na ba ako sa amin?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kaniya.

Umismid siya at dumeretso ng tayo. "Kailangan ka pa namin." Nilingon niya ako. "Kapag oras na ibabalik din kita."

"Oras na? Kailan 'yon?" kunot noong tanong ko.

Himbis na sagutin ako nagkibit balikat lang siya. Inalis niya ang tingin sa akin at bigla na lang hinubad ang suot na t-shirt. Gulat na napatalikod ako. "Bakit ka naghuhubad?!"

"Basang-basa ako ng pawis at maalikabok ang katawan ko. May tubig dito na pwedeng liguan kaya maliligo ako," inis na sagot niya. "Kapag sinubukan mo akong takbuhan, itatali kita sa isa sa mga puno dito."

Manghang napalingon ulit ako sa kaniya at akmang sasagot pero may bumara sa lalamunan ko nang makita ko siya. Nakatalikod na siya sa akin at palusong na sa tubig. Natutok ang tingin ko sa exposed niyang likod. Marami siyang pilat, malalaki at para bang dating malalalim na sugat. Ngayon ko napansin na mayroon din siyang pilat sa mga braso at mga balikat. Para bang ang buhay niya puro pakikipagbuno sa kung sino-sino. O hindi kaya pisikal siyang naabuso noon? Tinorture?

Sa lahat ng mga pilat, tumatak sa akin ang malaking mapa sa likod niya hanggang batok. Nalapnos na balat na may palagay akong nakuha niya sa isang sunog.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at parang may kumurot sa puso ko. Kahit na magaspang si Zion, palagi akong pinagbabantaan at dinala ako sa gubat na 'yon, hindi ko pa rin gusto ang nakikinita kong pinagmulan ng mga sugat niya. Lumublob na siya nang tuluyan sa tubig at napakurap ako. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya.

SUMALAMPAK ako ng upo sa ilalim ng puno kung saan niya ibinaba ang bag. Nasa kabilang dulo na si Zion, lumalangoy pa rin. Napasulyap ako sa bag dahil naalala ko ang cellphone na ginamit niya kanina nang may tumawag sa kaniya. Tumalon ang puso ko sa posibilidad na matatawagan ko si mama. Pero paano ko sasabihin kung nasaan ako? Kapag sinabi kong nasa magubat na bundok ako, Tala pa lang napapalibutan na ng kabundukan.

Wait. Paano kung nasa Tala lang kami all this time? Napaderetso ako ng upo at may nabuhay na pag-asa sa dibdib ko. "At least, kailangan malaman ni mama na ligtas ako," bulong ko at sumulyap ulit kay Zion. Pabalik na ang langoy niya. Deretso sa batuhan at umahon. Natigilan ako at nahigit ko ang hininga. Ang bilis lang niya naglublob sa tubig. Habang naglalakad palapit sa akin hinawi niya ang basang buhok na tumabing sa mukha niya. Saka ako deretsong tiningnan. May intensidad sa mga mata niya na para bang alam niya kung ano ang iniisip kong gawin.

Napalunok tuloy ako nang makalapit na siya sa puno at sandaling tumayo lang sa harapan ko, basang-basa ang buong katawan.

"B-bakit?" kabadong tanong ko at napasiksik sa katawan ng puno. Masyado siyang malapit. Naiilang at natataranta ako dahil wala siyang suot na pang-itaas. Yumuko siya at sumikdo ang puso ko nang dumukwang siya sa akin – pero agad ko ring narealize na ginawa niya 'yon dahil may pinulot siya mula sa likuran ko. Nang dumeretso ulit siya ng tayo hawak na niya ang maliit na tuwalya na napansin ko ngang naroon kanina. Umatras siya palayo at tumalikod sa akin habang nagpupunas. Nakita ko na naman tuloy ang mga pilat niya.

"Saan mo nakuha ang mga naging sugat mo?" hindi nakatiis na tanong ko.

Natigilan siya at napatingin sa akin. "Hindi mo gugustuhing malaman. Hindi para sa isang katulad mong lumaki sa isang ligtas at tahimik na lugar ang detalye ng buhay ko kaya 'wag ka na magtanong."

"Huwag mo ako maliitin," sagot ko.

Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang nang-uuyam at sarkastikong ngiti. "Ako? Minamaliit ka? Hindi ko tatangkain. Isa kang importanteng pain para sa amin. At isa ka ring importanteng kasangkapan para sa mga Alpuerto. Poprotektahan ka nila, gagawin ang lahat para maging maayos ang buhay mo na hindi mo kailangan maghirap. Hindi ka nila sasaktan o hahayaang may makapanakit sa iyo. Hindi ka nila ipagkakanulo at hahayaang magdusa. Lahat ng 'yon gagawin nila dahil lang pinanganak ka sa tamang sandali. Bakit kita mamaliitin?"

Dumeretso ako ng upo at pilit kinontrol ang sakit na naramdaman ko sa sinabi niya. Ayoko man na-offend ako sa mga sinabi niya. Pinili ko ba na maging moon bride? Hindi naman ah. Pero kahit ganoon nakapagdesisyon na ako na harapin ang mga darating na pagsubok o pangyayari sa buhay ko bilang isang moon bride. Ayokong takbuhan ang tadhana ko pero hindi rin naman ibig sabihin 'non magpapadala na lang ako sa agos.

Itinaas ko na ang noo ko at ibinuka ang bibig para sabihin sa kaniya ang mga nasa isip ko nang matigilan ako. Teka lang, bakit alam ni Zion ang tungkol sa pagiging moon bride ko? At bakit katulad ng mga Alpuerto may kapangyarihan din siya? Ibig bang sabihin mayroon pang ibang katulad ng mga Alpuerto at mga Malyari na may koneksiyon sa mga diyos?

"Sino ka ba talaga?" tanong ko.

Nahaluan ng misteryo ang sarkastiko niyang ngiti bago tumalikod sa akin. Hindi na naman sinagot ang tanong ko.

MABILIS na lumubog ang araw. Nawala sandali sa kagubatan si Zion at nang bumalik may dala nang mga mangga na malapit na mahinog at piling ng hinog na saging. Ang mga 'yon lang ang kinain namin maghapon. May bitbit din siyang mga sanga na ginawa niyang bonfire nang tuluyang dumilim.

Nakaupo ako pasandal sa katawan ng puno. Ilang dipa ang layo mula sa akin nakaupo naman si Zion. Hawak niya ang cellphone at para bang may hinihintay siyang tawag. Hindi ko gusto ang sinisimbolo ng cellphone na 'yon. Tumataas kasi ang pader sa pagitan namin at nagmumukha siyang nakakatakot sa tuwing nakikita kong hawak niya 'yon. Natatahimik kami at nagkakaroon ng tensiyon sa pagitan namin na hindi ko gusto kasi ninenerbiyos ako kapag ganoon.

Maya-maya may narinig akong kakaiba. Malayo ang ingay pero dahil nag-e-echo 'yon sa kagubatan nakarating ang tunog sa puwesto namin. Alam ko na naririnig din 'yon ni Zion dahil napatayo siya at naging alerto. Napatingala ako dahil parang sa taas ko naririnig ang papalapit na tunog na ngayon ay ugong na parang sa... helicopter?

"'Tangina naman," gigil na bulong ni Zion kaya napunta sa kaniya ang tingin ko. Sa isang iglap naisuksok niya ang cellphone sa bulsa, nakalapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Hinila niya ako patayo kasabay ng paghablot niya sa bag na katabi ko. Dumausdos ang kamay niya mula sa braso ko hanggang sa matatag niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko. Damang-dama ko ang tensiyon sa buong katawan niya. "Aalis na tayo dito." Saka niya ako hinatak palayo sa pwesto namin sa talon.

Kulang na lang tumakbo ako para lang makasunod sa malalaki at nagmamadali niyang mga hakbang. Sa itaas palakas ng palakas ang ugong. Lumingon ako at tumingala. Sa kalangitan na puno ng mga bituin nakita ko ang anino ng helicopter na papalapit sa amin. Biglang may parang spotlight na bumukas. Naningkit ang mga mata ko at muntik matisod dahil nasilaw ako sa liwanag. Nagmura na naman si Zion, humigpit pang lalo ang hawak sa akin at ang malalaking hakbang niya naging takbo. Wala akong nagawa kung hindi tumakbo rin dahil kung hindi mawawalan ako ng balanse.

Narealize ko na kami ang pakay ng helicopter. May matinis na ingay ang pumailanlang sa paligid na sinundan ng isang malakas na boses na parang naka-megaphone. "Stop and release your captive! Sumuko ka na kung ayaw mong dumanak pa ang dugo mo."

Hindi tumigil sa pagtakbo si Zion, marahas nang nagmumura. Sumikdo ang puso ko. Hindi ko alam kung ang nararamdaman ko ay relief ba na may dumating para iligtas ako o kaba para sa kaligtasan ni Zion.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong analisahin ang nararamdaman ko dahil namangha na naman ako nang muli kong lingunin ang helicopter. May mga bumababa sa helicopter sa pamamagitan ng parang taling ibinaba at nakalawit sa ere!

"Ayesha."

Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang boses ni Cain mula sa parang megaphone na nanggagaling sa helicopter.

"Just wait. We are going to save you." Boses naman 'yon ni sir Angus.

Uminit ang mga mata ko at nabagbag ang damdamin ko na naroon sila para sa akin.

Hinila ni Zion ang kamay kong hawak niya kaya napunta sa kaniya ang tingin ko. Mukha na siyang galit at ang mga mata niya itim na itim na naman. Nakahandang gamitan ng kapangyarihan ang kahit na sinong lalapit sa amin.

Ayokong gamitin niya ulit 'yon sa kahit na sino. Ayokong matulad noong nakipaglaban siya sa mga bandido na naging duguan siya. Ayokong makita ulit ang nasilip kong emosyon sa mga mata niya sa tuwing bumabalik 'yon sa normal pagkatapos niyang gamitin ang kapangyarihan niya. I saw emptiness and deep pain. At noong makita ko 'yon, parang tumagos din sa puso ko ang mga emosyon na 'yon.

Pinilit kong kumalas mula sa pagkakahawak niya pero humigpit lang lalo ang hawak niya sa akin. "Kakaladkarin kita kung hindi ka kikilos," banta niya. Pero kahit dalawang araw pa lang ang lumipas na nagkasama kaming dalawa alam kong hanggang salita lang siya magaspang. He never treated me harshly. Katunayan maraming beses siyang naging mabait sa akin kahit na nakatago 'yon sa marahas niyang kilos at salita.

"Pakawalan mo na ako," determinado pero may pakiusap na sabi ko. "Marami sila at isa ka lang. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mga plano na sinasabi mo pero worth it ba na isugal mo ang buhay mo?"

Tumiim ang bagang ni Zion. "Bata pa lang ako isinusugal ko na ang buhay ko. Kinailangan ko 'yon gawin para manatiling buhay. Sumusugal ako at palagi akong nananalo."

"Paano kung dumating ang sandali na matalo ka sa sugal na ginagawa mo?" giit ko pa rin.

Mapanuya siyang ngumiti. Pero may palagay ako na para 'yon sa sarili niya. "'E 'di patay," sagot niya. Hinila niya ako ulit, tumalikod na sa akin at naka-isang hakbang na nang umalingawngaw ang putok ng baril. Umingit si Zion at nabitawan ako. Namilog ang mga mata ko nang makitang sumirit ang dugo sa braso niya. Tinamaan siya!

"Zion!" Humakbang pa lang ako palapit sa kaniya may nagpaputok na naman. Hindi siya natamaan pero nakita ko nang may dumaang mabilis na bagay ilang pulgada ang layo sa binti niya. Kung sino man ang bumabaril magaling umasinta kasi kahit magkalapit lang kami ni Zion siya lang ang nahahagip ng bala.

"Huwag kayo magpaputok!" sigaw ko at nagpalinga-linga. Madilim man at wala akong makita nararamdaman ko naman ang presensiya ng ibang tao sa paligid. Na para bang napapalibutan kami.

Isang putok ulit at napatili ako nang mapaluhod sa lupa si Zion. Mariing nakatikom ang mga labi niya na para bang nagpipigil mapahiyaw. Namamasa ang isang bahagi ng binti niya na sigurado akong dugo.

Parang nilamutak ang sikmura ko at nanlamig ako. Bago pa rumehistro sa isip ko na dapat akong tumakbo palayo at papunta sa mga taong naroon para sa akin nakakilos na ako. Lumuhod ako sa tabi ni Zion para tulungan siya.

"Hindi pa nga tuluyang magaling ang balikat mo. Umalis ka na. Hayaan mo na ako. Kapag nasa kanila na ako, ako na ang bahala para hindi ka nila habulin," tarantang bulong ko.

Tiningnan niya ako. Kahit na itim na itim pa rin ang mga mata niya lakas loob ko 'yong sinalubong ng tingin. "Matatalo ka rito. Kung mamamatay ka, katuparan ba 'yon ng mga plano niyo?" Nang hindi pa rin siya sumagot at naririnig ko na ang mga papalapit na yabag nainis na akong tumayo at pinilit siyang hatakin para ganoon din ang gawin niya. "Kung may atraso sa inyo ang pamilya Alpuerto, lumaban kayo ng harapan at hindi ganito. Don't die here."

"Ayesha!" umalingawngaw ang boses ni Cain, papalapit.

Napalingon ako sa direksiyong madilim. "Cain! sir Angus! Pigilan niyo silang magpaputok."

Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Zion. Siguro dahil alam niyang wala na siyang pagpipilian pa kung hindi ang tumakas. Alam ko na hindi rasyonal na patakasin ang lalaking kumidnap sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung bakit ganoon na lang ang concern ko para sa kaligtasan niya.

Muli ko siyang hinarap. "Zion, please." Naging garalgal ang boses ko at narealize ko na namamasa ang mga mata ko sa tensiyon, takot at iba pang emosyon na hindi ko maipaliwanag. Nakatitig siya sa direksiyon kung saan ko narinig ang boses ni Cain at may dumaang emosyon sa kanyang mukha na lumamutak sa puso ko. He looks so bitter and angry and... lonely?

"Zion?"

Kumurap siya at niyuko ako. Nagtagpo ang aming mga paningin. Tumiim ang bagang niya. "Huwag mo ako ipagtanggol sa kanila. Hindi ako karapat-dapat sa kabaitan mo. Kalaban ako. Tatandaan mo 'yan." Saka siya humakbang paatras sa akin at kahit parang hirap siyang tumayo mag-isa lumayo siya sa hawak ko. Tumalikod siya at tumakbo palayo. Napasunod ako ng tingin sa likuran niya at bumalik sa isip ko ang napanaginipan ko.

Ang lalaking sinunog ang mansiyon ng mga Alpuerto na nang lumingon ay nakita kong kamukha ni Cain.

"... Ganti para sa lahat ng ginawa nila..." Iyon ang sinabi ng lalaki sa panaginip ko. Ang lalaki na sigurado na akong hindi si Cain.

Si Zion ang lalaki sa aking mga panaginip. Parang nilamutak ang sikmura ko sa reyalisasyon na 'yon. Napahakbang ako dahil binalot ako ng matinding udyok na habulin siya.

Umalingawngaw ulit ang mga putok pero nawala na sa kadiliman ng gubat si Zion.

"Ayesha!"

Kumurap ako at napalingon sa boses ni Cain. Noon ko napansin na may ilang mga armadong lalaki na nakasuot na purong itim at mukhang mga sundalo ang nasa paligid. Kasunod 'non nakita ko si Cain at sir Angus na tumatakbo palapit sa akin. Bakas ang pag-aalala sa mukha nila.

Si Cain ang unang nakalapit sa akin. Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit na mahigpit. "Thank the Gods you are okay," bulong niya sa buhok ko.

Lampas sa balikat ni Cain nakita kong huminto si sir Angus ilang dipa sa harapan ko. Huminga siya ng malalim at bakas ang relief sa mukha nang ngumiti. Pero nakikita kong nanginginig ang mga labi niya na para bang kinokontrol ang emosyon. "Hinihintay ka na ng mama mo."

Uminit ang mga mata ko nang banggitin niya si mama. May bumara sa lalamunan ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan. Sa dami ng mga nangyari sa nakaraang mga araw bumigay na ako. Napaiyak na ako. Umangat ang mga braso ko at napayakap na rin kay Cain.

Salamat sa mga Diyos at ligtasako.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
15.4K 1K 22
Hindi pinangarap ni Francesca ang maging bida. She's a Hufflepuff. She doesn't like adventure in her own life, she likes to keep everything peaceful...
32K 837 26
Tres Malditas TRILOGY#2: Zaya Feynman
1.7M 35.8K 34
Picture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng...